Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ONE WILD NIGHT

ONE WILD NIGHT

Emerald Manalo. Mas kilala siya sa pangalang Era. Isang babaeng ang puso ay laging bigo sa pag-ibig. Maganda naman siya. Iyon nga lang, mas gusto niya ang laging nasusunod. Because her boyfriends always wanted to take advantage of her. Iyon ang isa sa dahilan ng mga breakup niya. Subalit, isang gabi, nagkayayaan sila ng kaniyang mga kaibigan na sumugod sa isang bar; hindi para mag-unwind, kundi para sugurin ang boyfriend ng isa sa mga kaibigan niya na may kinakalantaring ibang babae. Pero naiba ang kwento, nang mula sa kung saan ay may humila sa kaniya at protektahan sa gulong nagaganap. At ang masama pa, kinabukasan, nagising na lang siyang may katabing lalaki sa kama!
Romance
103.4K viewsCompleted
Read
Add to library
He Hates Me But He Loves Me

He Hates Me But He Loves Me

Zairalyah_dezai
Bata pa lang si Marina, may galit ng namuo sa puso ni Sebastian dahil ayaw niya itong nakikita palagi sa kanilang hacienda. Sukang suka siya sa babaeng matabang nerd na kagaya ni Marina ngunit matalino naman ito dahil sa sipag niyang mag-aral. Paano na lang sa kanilang pagbinata at pagdalaga ay hindi nila inaasahan ang huling habilin ng yuamong lolo at lola ni Sebastian na ipakasal silang dalawa pagtungtong nila sa tamang edad? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa kung sila'y magsama sa iisang bahay kung sila'y kasal na? May mabubuo ba kayang pagmamahal sa pagitan nilang dalawa kahit sila'y magkaaway noon pa man?
Romance
106.0K viewsCompleted
Read
Add to library
King's Prostitute

King's Prostitute

Levantandose
Walang pinoproblema sa buhay si Gace. Lakwatsa at pagwaldas lang ng pera ang pinagkakaabalahan niya sa buhay. Tarantada kung tawagin siya ng iba dahil sa kagaspangan ng kanyang pag-uugali. Hanggang sa malaman niya ang masamang balita na wawasak sa kalayaan niya. Ang kumpanya nila ay nasa kritikal na kondisyon. Ang tanging solusyon lang para muli itong makaahon ay maikasal siya at ang tanging taong handang magpakasal sa kanya ay walang iba kundi si King Velasquez. Kilala ito bilang Mr. Beastly hindi lang dahil halimaw ito pagdating sa business industry kundi dahil ang kalahati ng mukha nito ay natatakpan ng gintong maskara. Pumayag siyang maikasal dito kahit hindi pa niya ito nakikita alang-ala sa kumpanya. Akala niya talaga bukal sa loob nito ang pagtulong sa kanila. Sino ba talaga si King Velazquez? Ano ang nakatagong lihim sa likod ng pagkatao nito?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Entangled with Mr. Ruthless

Entangled with Mr. Ruthless

Matapos makipaghiwalay sa kanya ng long-time boyfriend niya, nasangkot sa aksidente si Dr. Sylvaine Hope dahilan upang mabawasan ang chance niyang magbuntis. Tanggap na niya ang katotohanang tatanda siyang mag-isa. Hanggang isang araw, pumasok sa kanyang klinika ang isang lalaking may maitim na aura at mas galit pa yata sa mundo. Tinutukan siya nito ng baril sa ulo at hiniling na ipagbuntis niya ang tagapagmana nito. Alam niyang ang kahilingan nito ay isang bagay na hindi niya kayang ibigay. Ngunit paano siya makaliligtas sa isang lalaking kaya siyang barilin sa isang kisap-mata? Ngunit mapaglaro ang tadhana, sa takot na patayin siya nito, natagpuan niya ang sariling tumatakbo palayo rito bitbit ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa kanyang pagbabalik, kakayanin ba niyang labanan ang isang lalaking tulad ni Gray Hugo Whitlock, o magpapatangay siya sa kabila ng kasamaan nito?
Romance
1041.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Billionaire Husband's Hidden Identity

My Billionaire Husband's Hidden Identity

Para matakasan ang toxic na tiyahin ni Felicity Chavez, kaagad siyang pumayag na magpakasal kay Thorin Sebastian—ang lalaking ka-blind date niya na inireto mismo sa kan'ya ng tiyahin. Nagdesisyon si Felicity na pakasalan ito dahil sa dinami-dami ng mga inireto sa kan'ya ng kanyang Tita Lucille, si Thorin lang ang pinakadisente sa lahat. Nagsama si Thorin Sebastian at Felicity Chavez sa iisang bubong, at kahit estrangherong sila sa isa't-isa ay naging maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Iyon nga lang, walang kaalam-alam si Felicity na mayroong lihim na identity ang kanyang asawa—ito lang naman ay isang bilyonaryo na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa! Ano ang gagawin ni Felicity sa oras na matuklasan niya ang sikreto ng asawa? At paano papanindigan ni Thorin ang pagpapanggap gayong hindi naman siya sa sanay sa ordinaryong buhay? May sumibol kayang pagmamahalan sa dalawang tao na pinagbuklod ng kasinungalingan?
Romance
9.719.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
She Only Live Twice

She Only Live Twice

yourlin
Ang conyo at kikay na si Lemon Concepcion, magpapanggap bilang isang lalaki para lamang makaligtas sa mga hindi niya kilalang kaaway? Si Lemon Concepcion ay isang anak na nasasanay na sa gulo ng buhay ng kanyang Ina. Kung kaya't kahit kailan ay hindi niya pinangarap na magkaroon din ng sariling pamilya upang hindi magaya sa kanya ang magiging anak. Ngunit nang mamatay at makabalik sa kanyang 'past life', sa panahong malayo sa kanyang nakasanayang buhay, kinailangan niyang magbalat-kayo bilang isang lalaki upang makaligtas sa panganib na maaaring nakaamba sa kanya sa buhay na iyon. Magiging mapayapa ba ang kanyang pamumuhay gamit ang ibang katauhan o lalo lamang siyang maguguluhimnan?
History
107.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Owning Her (tagalog)

Owning Her (tagalog)

"Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
Romance
9.877.5K viewsCompleted
Read
Add to library
A Day In Las Casas ( FILIPINO)

A Day In Las Casas ( FILIPINO)

Maecici
Si Ruby ay isang babaeng nagmula sa 21'st Century na isang araw ay nagising nalang sa taong 1864 sa katauhan ni Luna, ang nag-iisang anak ng isa sa pinakamayang pamilya sa Candaba,Pampanga sa panahon na iyon. Nung una, akala niya ay nasa ibang mundo lamang siya. Naniniwala kasi siyang 'Parallel World" exist. Ngunit nalaman niyang hindi siya napunta sa ibang mundo sa halip ay nagbalik lamang siya sa nakaraan niyang buhay upang baguhin ang malasimuot nitong kasaysayan. Magagawa niya bang baguhin ito? O mabibigyang katotohanan ang sinasabi nilang 'history repeats itself' ?
93.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status