กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
One Night With The Tyrant Mafia

One Night With The Tyrant Mafia

Hindi alam ni Roselle na ang trabahong aapplyan niya ay dadalhin siya sa underworld para ibenta sa mga mayayamang tao, mafia, gangster at sindikato. Nabili ng isang matanda si Roselle pero tumakas siya sa kwarto kung saan siya ikinulong. Sa pagtakas niya ay pumasok siya sa isang kwarto, ang kwarto ni Darius Montemayor. Humingi ng tulong si Roselle kay Darius na iligtas siya. Binili ni Darius sa dobleng halaga si Roselle at dahil nasa ilalim ng droga si Roselle ay siniil niya nang halik si Darius. Paano kung ang isang gabing pagkakamali ay magbunga? Limang taon ang lumipas simula nang may nangyari sa kanila. Isang araw, dumating na ang presidente ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Roselle. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala niya si Darius Montemayor, ang presidente ng kompanya at ama ng kaniyang anak. Magkakaroon ba ng pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa dahil sa anak nila? Paano kung malaman ng mga ito ang nakaraan ng kaniyang mga pamilya? Will they still love each other or will they kill each other?
Mafia
10190 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ACCIDENTALLY IN LOVE

ACCIDENTALLY IN LOVE

“Nothing hurts more than being betrayed by someone you love.” Iyan ang naramdaman ni Reyna nang matuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Mulat man sa marangyang buhay, mas pinili ni Reyna na mamuhay ng simple sa poder ng kanyang Auntie Vanessa dahil hindi niya kaya ang klase ng living set-up na meron ang kanyang mga magulang. Isang umaga niyanig ng malungkot na balita ang mundo ni Reyna, bumagsak ang kumpanya ng Jhudwung Company kung kaya'y hindi na nito kayang bayaran ang mga obligasyon ng mga scholars nito sa Whiz Franklin University kung saan siya nag-aaral bilang university scholar ng nasabing kumpanya. Habang nasa kalagitnaan siya ng problema, isang Filipino-Japanese Kanji Fujisawa ang lumitaw na parang kabute sa buhay niya. Ang nag-iisang lalaking nag order ng beer sa cofee shop kung saan siya ay barista. Na wewerdohan man, napilitan siyang gawin ang isang bagay para sa lalaki, dahil ang scholarship na pinakaiingatan niya ay tanging Kanji lang ang makakasalba.
Romance
1011.2K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

aeonia
Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Romance
101.5K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.5K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

CHAPTER 1-295 Zach and Cyan Story( Completed) CHAPTER 296-ONGOING Zeus and Psyche Story 'Siya ang asawa pero hindi siya ang mahal. Siya ang pinakasalan pero ibang babae ang inaalagaan at pinapahalagahan ng kanyang asawa...' Pilit na ipinakasal ng kanyang mga magulang si Cyanelle Louise Natividad kay Zach Khaleed Samaniego bilang pambayad ng malaking utang nila sa pamilya ng lalaki. Subalit sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, hindi siya kailanman tiningnan ni Zach bilang babae at nagkaroon pa ito ng kabít kung saan ang babae rin ang nais ng anak ni Zach na maging ina nito kaysa sa kanya. Nang mapagtanto niyang wala ng patutunguhan ang relasyon nila, napagpasyahan niyang tuluyan ng hiwalayan ang lalaki. Subalit kung kailan naisipan na niyang sumuko at iwan ang asawa, isang trahedya ang magpapabalik sa kanya sa piling nito. Matutunan na kaya siyang mahalin ni Zach at matugunan ang damdamin niya para sa lalaki? O mabibigo siyang magkaroon ng puwang sa puso nito sa ikalawang pagkakataon at mauuwi lang sa wala ang lahat...
Romance
9.1129.0K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge

Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge

Anim na taon ang nakalipas nang walang-awang hiniwalayan ng mayamang si Celine Villareal ang scholar na si Jaxson De Silva. Ngayon, nagkabaliktad na ang ikot ng mundo. Si Celine ay naghihirap at baon sa utang mula sa isang mapang-abusong pagsasama, habang si Jax ay isa nang tanyag at makapangyarihang abogado. Muli silang pinagtagpo ng tadhana nang si Jax ang naging tanging pag-asa ni Celine upang makalaya. Malamig ang trato ng abogado at puno ng sumbat ang bawat salita, tila ipinamumukha na ang pagdurusa ng babae ay kabayaran sa nakaraan. Ngunit sa likod ng maskara ng poot, nagliliyab pa rin ang dating damdamin. Nang tangkain ni Celine na lumayo, gumuho ang pagpipigil ni Jax. Hindi siya nagbalik para manisi, kundi upang siguraduhing hindi na ito muling mawawala. Ang poot ay isa lamang mapanganib na anyo ng pagnanasa.
Romance
135 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
A Blessing in That One Sinful Night

A Blessing in That One Sinful Night

Itinakwil ng ama kaya't anim na taong nawala sa Pilipinas si Jenna. Kailangan lang niyang bumalik ng bansa dahil sa trabaho. Hindi niya naman akalain na magugulong muli ang buhay niya nang bumalik ng bansa lalo pa at bumalik uli ang ala-ala ng nakaraang gusto na niyang kalimutan. Dumagdag pa sa sakit ng ulo niya ang "out of the blue" na proposal ng isang Zian Walton Escobar. Ni hindi niya personal na kilala ang lalaki kaya't ipinagtataka niya ang pag-alok nito ng kasal sa kanya. Hindi na sana niya sasakyan ang kahibangan ng lalaki dahil maaaring pinag-tripan lang siya nito lalo pa't alam niyang isa sa pinakamayaman sa bansa ang angkan nito. Ang tanging nakapagpukaw ng interes niya ay ang malaking pagkakahawig nito sa anak niyang si Xavier. Sino nga ba si Zian Walton Escobar?
Romance
1064.5K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Lucifer's Downfall

Lucifer's Downfall

MnemosyneMin
Upang mabuhay tinaggap ni Rann ang alok ng lalaking estranghero isang gabi ng kanyang pagtakas. Ginawa niya ang sinabi nito, naging asawa siya ng kanyang tagapagligtas, at handa siyang ibigay dito ang lahat. Ngunit pagdududahan ni Rann ang sariling desisyon nang matuklasan ang demonyong nagtatago sa likod ng matamis na ngiti ng kanyang asawa.
Romance
103.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
A Billionaire's Confession

A Billionaire's Confession

Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
Romance
1012.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
Urban
9.1131.7K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
3334353637
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status