Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CONTRACTS AND SECRETS

CONTRACTS AND SECRETS

CONTRACTS AND SECRETS BY JET HERRERA Synopsis: "We keep on searching for a person whom we can spend our lifetime with, not knowing that they're just an inch away." -Captain Gerbacio Escalante Matapos mabigo sa pag-ibig ay gusto na lamang ni Antonia Buenafe na maging successful sa kanyang career. She’s doing fine until one pregnancy test and a double red line changed everything. Ginawa niya ang lahat para hindi malaman ng kanyang ex-boyfriend ang tungkol doon. Captain Gerbacio Escalante needs a bride. Hiniling ng kanyang lola na nasa ospital na mag-asawa na siya at ang gusto nitong pakasalan niya ay si Antonia. Ang problema, hiwalay na silang dalawa. Malapit na ring matapos ang kontrata ng pagtatrabaho nito sa kanyang opisina. Pero dahil ayaw niyang biguin ang kanyang lola, kinausap niya si Antonia at nagkaroon sila ng kasunduan. Kapalit ng malaking halaga ay magiging asawa niya ito sa loob ng isang taon. Naging maayos naman lahat ngunit isang umaga ay bigla na lamang itong hinimatay sa loob ng kanyang opisina.
Romance
9.44.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Lustful Nights With My Step-Brother

Lustful Nights With My Step-Brother

READ AT YOUR OWN RISK! R18+ Nang malaman ni Lian na niloloko siya ng boyfriend niya ay hindi niya mapigilang masaktan nang sobra. Kaya naman nagtungo siya sa isang bar para uminom at maglasing. Dahil sa epekto ng alak ay nagawa niyang pumayag sa alok ng isang lalaki na one-night stand. At simula nang gabing ‘yon ay hindi niya na naalis sa isip niya ang lalaki. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan at ipinakilala ng mama niya ang fiance nito. Ang akala niya ay magkakaroon na siya ng buo at normal na pamilya. Ngunit nang makita niya kung sino ang magiging step-brother niya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ang lalaking naka-one night stand niya ay walang iba kundi si Arc, ang kanyang step-brother. Pilitin man nilang magpanggap na wala silang koneksyon sa isa’t isa, hindi nila mapipigil ang init na kanilang nararamdaman. Ano ang gagawin mo kapag ang lalaking naka-one night stand mo ay naging step-brother mo? Daily Update!
Romance
10187.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Unforgotten Love

The Billionaire's Unforgotten Love

"Akin ka na lang ulit, please... ako na lang ulit..." Hindi lubos akalain ni Sloane na masisira ang tiwala niya sa kaniyang best friend at nobyo matapos itong mahuling nagtatalik. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang bar kung saan niya nakilala si Saint, ang sikat na CEO na nagmamay-ari ng isang multibillion company sa tatlong magkakaibang bansa, at hindi inaasahang makaka-one-night stand ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mas malala pa ay nakita niya itong may suot na singsing kaya naisipan niya itong takasan, walang kaalam-alam na ipapahanap na pala siya ng lalaki. Sa muli nilang pagkikita at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sloane, may mabubuo pa kayang mas malalim sa kanila sa pagtira nila sa iisang bubong o patuloy pa rin silang babalikan ng mga tiwala na nasira mula sa mga taong hindi nila inaasahan? Paano kung ang taong hinahanap nila ay ang isa't isa?
Romance
10119.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Sa isang marangyang hotel sa gitna ng lungsod, natagpuan ni Lily May Salvador ang panandaliang paglimot sa sakit ng pagtataksil ng kanyang asawa—sa bisig ng isang misteryosong estranghero. Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay sa kanila, isang sandaling hindi niya inasahang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Ngunit bago pa sumikat ang araw, pinili niyang lumayo, dala ang isang lihim na babago sa kanyang buhay. Siya ay buntis. At hindi lang isa—triplets ang kanyang dinadala. Sa paglipas ng mga taon, matagumpay niyang itinaguyod ang kanyang mga anak, malayo sa anino ng kanilang ama. Ngunit isang araw, bumalik ang kanyang dating asawa, desperadong humihingi ng pangalawang pagkakataon. Kasabay nito, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naganap—ang pagbabalik ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan, ang tunay na ama ng kanyang mga anak. Pareho silang may nais. Ngunit sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, sino ang dapat niyang piliin? Ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso, o ang estrangherong itinakda ng tadhana para sa kanya?
Romance
10483 viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex-Husband Regret

My Ex-Husband Regret

Si Charlotte Scott ay walang interes sa pera at katanyagan. Nagpakasal siya kay Gerald Wilson dahil sa pag-ibig. Gayunpaman, ang kanilang pagsasama ay tumagal lamang ng tatlong taon at siya ay naging isang katatawanan pagkatapos ng diborsyo. The couple face each other for the last time at the Courthouse."Take the compensation and get lost from my life. Don't even think about getting back together." Nanatiling walang pakialam si Gerald. Isinuot ni Charlotte ang kanyang salaming pang-araw at mahinang ngumiti. "We are never getting back together. Ever! Kahit sinong dumating na nagmamakaawa na makipagbalikan ay walang pinagkaiba sa aso!"Hindi ba magandang maging mayaman at kaakit-akit na single na babae? Nang maglaon, hindi lamang nagtagumpay si Charlotte sa kanyang karera at nagmana ng kayamanan na nagkakahalaga ng sampu-sampung bilyong dolyar mula sa Scott Family, ngunit napakaraming lalaki ang humahabol sa kanya na maaari silang pumila sa kalye hanggang sa dulo ng block. Isang gabi, nakatanggap siya ng hindi inaasahang tawag. "Hoy, Charlotte...""Sino ito?""...Woof woof..."
Romance
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Divorce Now, Marry Me Later

Divorce Now, Marry Me Later

"Let's divorce. Bumalik na ang ex-girlfriend ko at kailangan na nating tapusin kung ano man ang nakasaad sa kontrata. Bibigyan kita ng pera para sa panibagong buhay mo.” “Wala bang halaga sa ‘yo ang tatlong taon nating pagsasama para itapon mo iyon ng ganun-ganun lang?” Si Manson, ang asawa ni Claire na gustong makipaghiwalay sa kanya dahil sa pagbabalik ng ex nito. Pero hindi pa man naproseso ang hiwalayan nila ay gusto na agad siyang balikan ng asawa? Gayunman ay tinanggap ni Claire ang asawa pero saka naman niya nalaman na ang kanyang kababata na first love at mahal pa rin niya hanggang ngayon ay bumalik at buhay pa pala? Huli na ba ang lahat para pagsisisihan niya ang naging desisyon niya? Si Lucas, ang lalaking handang magpakamatay para lang iligtas siya. Bago sila ikasal ni Manson ay nagmamahalan silang dalawa. At ngayong bumalik ito ay naging kumplikado ang puso ni Claire. Hihiwalayan niya ba si Manson para kay Lucas?
Romance
1090.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Cry for Love

Cry for Love

Parehong natali sa force marriage sina Eya at Jeck dahil sa negosyo ng mga magulang nila. Sa simula palang alam na ni Eya na hindi siya mamahalin ni Jeck dahil may kasintahan itong tinatago kahit pa kasal na sila. Pero kahit ganoon, hindi niya parin napigilan ang mapaibig sa asawa. She can't help but to fall inlove with him over and over again. Minahal niya si Jeck na wala man lang pakialam sa kanya. Ngunit paano kung sa isang gabi na pareho silang lulong sa alak ay may nangyari sa pagitan nila na pareho nilang hindi inaasahan? At ito ay biglang nagbunga? Umasa si Eya na iyon na ang magiging simula upang maging maganda ang pagsasama nila ni Jeck pero mali siya. Nalaman niya na nagfile si Jeck ng divorce para pakasalan na ang totoong mahal nito. Pipiliin niya bang sabihin na nagdadalang tao siya? O papayag siyang tuldukan ang kasalan na hindi nila pinlano para maging masaya ang lalaking mahal niya?
Romance
9.392.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Maid, My Love (Filipino)

My Maid, My Love (Filipino)

Gustong makatulong ni Shaina sa pamilya niya kaya ay nagdesisyon siya na sumama sa Tita Delia niya sa Maynila para magtrabaho doon bilang isang kasambahay. Akala niya ay magkasama silang dalawa ng Tita Delia niya sa isang mansion ngunit hindi naman pala. Doon siya sa kalapit na mansion na pagmamay-ari ni Jacob Lopez na ulilang lubos na. Isa siyang bilyonaryo. Guwapo siya. Malaki ang pangangatawan. Hot na tingnan at kahit sinong babae ay magkakagusto kaagad ngunit walang gustong maging katulong niya dahil sa ugali nito na hindi kanais-nais. Ang huling naging katulong nito ay bali-balitang nabuntis nito kaya ay bigla na lang na umalis. Unang kita pa lang ni Shaina kay Jacob ay aminado siya sa sarili niya na gusto niya ito. Ano'ng gagawin ni Shaina sa nararamdaman niya para kay Jacob? Saan kaya siya dadalhin ng pagmamahal na 'yon para kay Jacob? Mahalin rin kaya siya ni Jacob o baka magaya lang siya sa mga babaeng naging panandaliang kaligayahan lang nito?
Romance
825.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Bound to the Billionaire's Vows

Bound to the Billionaire's Vows

Synopsis: Si Allianah ay nag-iisang anak na lumaki nang payapa at malayo sa komplikasyon. Ngunit isang araw, nagulat na lamang siya nang malamang ikakasal siya sa isang bilyonaryong binata, si Ezekiel Salvador. Para kay Allianah, ang kasal na ito ay isang pagkakakulong, dahil wala siyang ibang nararamdaman para sa lalaki kundi galit kahit pa gwapo, mayaman, matalino, at halos perpekto sa paningin ng iba. Ngunit para kay Ezekiel, unang kita pa lang niya kay Allianah sa kanilang mansion ay nahulog na ang puso niya. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang makuha ang dalaga. Habang lumilipas ang panahon ng kanilang pagsasama, natutong magmahal si Allianah at handa na sanang umamin ng damdamin. Ngunit sa oras na iyon, nahuli niya si Ezekiel na kahalikan ang dating kasintahan. Nasaktan, iniwan niya ang asawa at nagpakalayo-layo. Hanggang sa muli silang nagtagpo hindi inaasahan, sa isang restaurant na pag-aari ng ama niya dala ang sugatang puso at nakaraan na hindi pa tuluyang nalulunasan.
Romance
101.6K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

Musika
Si Rebecca Jacinto ay ikinasal sa kaniyang matagal na kasintahan na si Roland Estrella. Matagumpay nilang naisagawa ang kanilang kasal subalit isang hindi inaasahang trahedya ang nangyari sa mismong araw na iyon. Nagkaroon ng amnesia ang kaniyang asawa dahil sa isang aksidente na tumagal ng ilang taon. Ang pangyayari na iyon ang naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon na pumasok sa buhay nila ang kaniyang biyenan na si Zenaida Estrella para pahirapan siya. Sa kabila ng masamang pagtrato ng kaniyang sariling biyenan ay nanatili siya at hindi sumuko. Patuloy pa rin niyang pinagsisilbihan ang asawa. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iyon ang magiging mitsa para mas lalong umapaw ang galit ng kaniyang biyenan para paghiwalayin silang mag-asawa. Dinala pa nito ang ex-girlfriend ng kaniyang asawa na si Cynthia Sebastian na tanging nakikilala ng kaniyang asawa. Hanggang saan tatagal ang pagiging martyr na asawa ni Rebecca? Handa ba siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal sa asawang hindi siya maalala o susuko na lang at ipauubaya sa iba ito?
Romance
10743 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status