ALTERS [Book 2]
“Sampalin mo ako ng kasinungalingan
Hahalikan kita ng katotohanan…”- Hannah
Masayang pamilya at marangyang pamumuhay, ang lahat ng ito ay tinalikuran ni Hannah at mas pinili niya na maging isang Madre.
Subalit, sinubok siya ng tadhana, nilinlang siya ng kanyang pamilya. Sapilitang ikinasal sa isang lalaki na sa hinagap ay hindi pa niya nakita.
Dala ng kabutihang loob, tinanggap niya ang lahat, at natutunan niyang mahalin ang asawa. Handa siyang magtiis alang-alang sa kanyang mag-ama. Subalit, isang bahagi ng nakaraan ang pilit na bumabalik.
Huwad na pamilya, wasak na pagkatao at asawang kailanman ay hindi siya binigyang halaga…
Magawa pa ba niyang buuin ang mga bahagi ng kanyang pagkatao na nagkapira-piraso? O hahayaan na lang niya na lamunin siya ng kanyang kahibangan at mga pantasya?
Kasinungalingan na sumasampal sa katotohanan—“ALTERS”