Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
Romance
97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Lustfully yours, Uncle

Lustfully yours, Uncle

Gagawin ni Izzie Vergara ang lahat madugtungan lamang ang buhay ng inang may malubhang karamdaman, kahit ang kapalit pa niyon ay ang kanyang ka-inosentehan. Nang makilala niya ang trenta y sinco anyos at bilyonaryong si Seth Santiago ay hindi na siya nagdawalang-isip pang humingi ng tulong kapalit ang isang gabi sa piling nito. Tulong na kusa naman nitong ibinigay ng walang kapalit. Buong akala ni Izzie ay hindi na muling mag-krus pa ang landas nila ng lalaki, ngunit mali siya, halos lamunin siya ng labis na kahihiyan nang malamang si Seth Santiago ay tiyuhin pala ng kanyang best-friend na si Carl. Paano kung sa muli nilang pagkikita ng binata ay singilin na siya nito sa tulong na ibinigay nito sa kanyang ina? Paano kung hingin na nito sa kanya ang isang gabi sa piling nito? Magagagawa kaya niyang ibigay kay Seth ang kanyang ipinangakong kabayaran gayong ang kapalit niyon ay ang pagkasira ng mabuting pagsasamahan nila ng pamangkin nito, o magpapadala siya sa mga pang-aakit ng lalaking may kakayahang pabaliwin siya sa loob at labas ng silid nito?
Romance
1018.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Unwanted Billionaire

The Unwanted Billionaire

Ambisyosa22
Misha Rivera ang babaeng hinubog ng mga pinagdaanan n'ya sa buhay. Mula noong kabataan n'ya danas n'ya ang hirap ngunit sadyang mabiro parin ang tadhana, Ang akala mong simple at payak na pamumuhay gugulantangin pala ng isnag trahedya na mag dadala sa kanya sa poot at pag aasam ng katarungan kahit gumamit pa ng ibang paraan. Sa ika tatlong pagkakataon kaya na mag krus ang landas ni Thamaus Rexor Severillo at ng babaeng nag iisang tinangi mag mula pa ng s'yay bata pa lang, mapagbibigyan na ba ang asam na makasma ito o mas titindi pa ang banggaan sa pagitan nilang dalawa. Babaguhin ba ng tibok ng damdamin ang mga plano na matagal ng kasado. Mahahanp ba nila ang sagot sa nakaraan? na puno't dulo ng gulo na hanggang sa kasalukayan ay dala ay buntot sa kanualng pag katao. Hahayaan na lang ba nilang tangayin ng pagmamahal ang galit, pagkamuhi at paghihiganti. Mananaig ba ang katotohanan at ibabalik sila kung saan sila laan. Matatapos ba ang pagiging The Unwated Billionaire ni Rexor o mauuwe ang lahat sa pagkaubos??.
Romance
105.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?
Romance
3.1K viewsCompleted
Read
Add to library
A Stolen Night of Seduction

A Stolen Night of Seduction

BabyblueAye
Para sa kaniyang inang may sakit, kinailangan ni Kaia na maghanap ng trabaho na makakatulong sa kaniyang humanap ng malaking pera para sa pagpapagamot ng kaniyang ina. Kahit na masira pa ang kaniyang buong pagkatao, gagawin niya kumita lang ng pera na makakatulong sa kaniya sa pagpapagamot ng kaniyang Nanay. Seduction is the only key to success. Pero makakaya kaya niya kung kainosentehan ang namamayagpag sa kaniyang isipan? Magtatagumpay kaya siya sa balak niyang gawin na nakawin ang puso ng lalaking alam niyang mahirap paamuhin?
Romance
806 viewsOngoing
Read
Add to library
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)

Si Sheids Noah Fawzi ay isang tagapagmana ng isang malaking kumpanya sa Turkey pero nilisan ang bansa at pamilya upang i-pursue ang pangarap na maging teacher sa Pilipinas, sa bansa kung saan lumaki ang kaniyang Filipina na ina. Nag-iisang anak ito na lalaki kaya ang pangarap ng ama nitong Turkish siya itong magpapatuloy ng legacy ng kumpanya ng pamilya. Pero ang passion niya sa pagtuturo na nakuha niya sa side ng ina ay mas malakas kaysa hatak ng pagiging business minded sa side ng ama. Sa Polaris University ito nagta-trabaho as Mathematics' Professor, Calculus major. Ang isang taon na balak lang nitong pananatili sa bansa ay naging tatlong taon, at dinagdagan nang makilala si Astherielle Zuluetevo, ang kauna-unahang estudyante nitong pumukaw sa atensiyon niya. Napakagandang babae sa kabila nang pagiging simple. Pumasok ito sa klase niya sa suot na hindi pa niya nakikita sa mga estudyante sa University, naka-oversized t-shirt, baggy pants at rubber shoes. Si Astherielle ay ilang buwan pa lang na nakalalabas ng facility dahil na-diagnosed siya ng kakaibang sakit, nymphomaniac. Doon nanatili sa loob ng dalawang taon para magpagaling. Nang makompleto ang gamutan, gumaling, lumabas at nagpatuloy sa buhay. Pero nang makilala niya ang guwapo at kakaibang Professor, may sumasanib na naman rito na kakaibang kaluluwa. Sa takot niyang bumalik ang dating sakit, bumalik siya sa pag-inom ng anti-depressant na gamot. Sa kabila ng naging sakit, naprotektahan niya ang pagkabirhen sa pamamagitan nang pagiging maingat at maagap. Nilabanan niya ang sakit gamit lahat ng makakaya niya noon, at iyon uli ang gagawin niya kung sakaling balikan siya ng sakit. Isang gabi ay nalaman ng Profressor ang katago-tago niyang sekretro. At hindi niya inasahan kung paano siya nito tinulungan at pinrotektahan sa mga tao at sa mundong mapanganib. Ang unang lalaki na rin na pagbibigyan niya ng sarili.
Romance
1019.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Back to Me

Back to Me

Tiwness96
PAG-IBIG Animo'y naubusan ng dugo sa putla si Mia nang ipakilala ng mag-asawang Fuchs si Phineas. Ang estrangherong kaniyang sinuntok at tinadyakan thirty minutes ago sa loob ng airport. Hindi naging maganda ang nagdaang araw ni Mia sa mansiyon simula nang dumating si Phineas. Inis na inis siya sa ginawa nitong pagkuha ng litrato habang magkatabi silang natutulog. Nawindang pa siya nang bigla nalang nagbakasyon si Miss Ivy at ibinilin nito sa kaniyang gumawa ng paraan para hindi umuwi ng Germany ang kaniyang mainiping unico hijo. Hindi alam ni Mia kung ano ang gagawin kay Phineas na palagi nalang siyang iniinis at hindi siya sineseryoso. Sabi pa nito’y she effortlessly beguiled him with her cute curves on her lips na mas lalo pa niyang ikina bwesit ang tono nitong sarkastiko. Sa pagdaan ng mga araw ay nagamay din ni Mia kung paano pakisamahan si Phineas. Hindi niya akalaing aabot sa puntong hindi niya naasahan ang pusong pigilan ang nararamdaman at naisuko ang lahat sa lalaki. Akala ni Mia ay maayos ang lahat hanggang sa isang umaga’y naabutan niya si Phineas na nagmimilagro sa sariling kuwarto kasama ang isang babae. TRAHEDYA Pinatay ni Mia ang kaniyang sarili sa mata ng lahat ng nakakakilala sa kaniya. Sinabayan niya ang isang trahedya na kinasangkutan niya at ng kaniyang pamilya. Upang paghandaan ang paghihiganti sa walang awang umubos ng buhay ng kaniyang pamilya ay umalis si Mia ng San Martin dala ang nakakakilabot na karanasan at ang sakit ng pag-ibig na kaniyang labis na pinagsisisihan. Paano kung sa pagkalipas ng tatlong taon ay dalahin si Mia ng kaniyang paghihiganti pabalik sa San Martin at makitang muli si Phineas? Mapanindigan kaya niya ang binuong bagong mukha at pagkatao? O tuluyan ng susuko ang kaniyang puso?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte. Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang. Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?
Romance
419 viewsOngoing
Read
Add to library
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
754 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status