フィルター条件
ステータスを更新中
全て進行中完了
並べ替え
全て人気のあるおすすめ評価更新
Nightly Obsession (SPG)

Nightly Obsession (SPG)

LalaRiaContemporaryDramaGirl PowerSteamySweet LoveTragedy
Warning: This Book is not suitable for young readers or sensitive minds. Some parts contains graphic sex scenes, adult languages and situations intented for mature readers only! Ilang taon niyang itinago ang anak sa kanyang ex nang lokohin at saktan siya nito. Ngunit hindi niya akalaing sa kanilang muling pagkikita ay mapapatunayan niya sa kanyang sariling hindi lamang ang anak nila ang itinago niya, itinago niya rin ang hindi mawalang pagmamahal niya dito, kahit pa sa ilang taong hindi sila nag kita ay ibang katauhan na nito ang madadatnan niya, malayong-malayo na ito sa dating buhay nito noong iwan niya. Naibalik man ang dating init ng bawat tagpo at gabi sa pagitan nila, buo pa rin anv pasya niyang huwag ipaalam dito ang tungkol sa anak na itinatago niya. Ngunit nang minsang manganib ang buhay ng kanyang anak, nawalan siya ng ibang pagpipilian kundi ang lapitan ang lalaki at humingi ng tulong dito. He gave her only one option. BE WITH HIM, BACK HOME AND TO HIS BED!
1033.5K ビュー連載中kagamine len and rin としてライブラリに 970 回追加されました
読む
+本棚
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
102.8K ビュー連載中kagamine len and rin としてライブラリに 84 回追加されました
読む
+本棚
GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)

GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)

JewiljenLove-TriangleFirst LoveComedyCEOAdventurousTeenagerBetrayal
Hindi siya kagandahan alam niya. Minsan tinatawag pa siyang mukhang weirdo pero wala siyang pakialam. Siguradong-sigurado siya na mapapasakanya ang gwapong-gwapong si Clyde del Espania dahil umaasa siya sa gayuma na nakasulat sa libro ng lola niya. Paano naman kung ang lahat nang panggagayuma niya ay nauudlot dahil sa kinaiinisang kambal nito na si Kyle del Espania? Alam ng lalaki na patay na patay siya sa kambal nito kaya't tinutulungan siya ni Kyle kung paano siya mapapansin at magugustuhan ni Clyde. May sariling layunin din kasi ang lalaki. Gusto nitong mabawi ang babaeng mahal nito na si Claire na siya ngayong fiancee ng kambal. Pero paano pa niya ipagpapatuloy ang usapan nila kung siya mismo ang parang nagagayuma sa kambal ng lalaking kinababaliwan niya dati? Paano kung si Kyle na pala ang itinitibok ng puso niya? Makukuha niya rin kaya ito sa gayuma kahit alam niyang mahal na mahal pa rin nito ang ex nitong si Claire?
1040.8K ビュー完了kagamine len and rin としてライブラリに 978 回追加されました
読む
+本棚
The Runaway wife

The Runaway wife

Jhen08DramaRunaway Bride/GroomSecond ChanceCEOPregnantTwins
NAGMAHAL lang naman siya at umasa na balang araw ay mamahalin rin siya nito. Buong akala niya ay totoo ang lahat. Buong akala niya may pag ibig na ito para sa kanya, pero mali pala siya. Muli na naman ba siyang aasa? Paano niya haharapin ang katotohanang ginamit lang siya nito? Ipaglalaban niya ba ang pagmamahal niya rito o kusang magparaya na lamang?
518 ビュー連載中kagamine len and rin としてライブラリに 19 回追加されました
読む
+本棚
Her Proclaimed Husband

Her Proclaimed Husband

Deana
Masipag at matiyaga si Vivian sa pagtatrabaho, kahit mag-isa na lang sa buhay ay kumakayod siya upang may maipang-kain para sa sarili. Marami siyang trabaho at isa na rin dito ang pangingisda. Isang araw, habang siya'y nangingisda, natagpuan niya ang isang lalaking palutang-lutang sa karagatan. Kaniya itong kinupkop at napag-alamang nawalan ito ng alaala. Ito na kaya ang pagkakataon niya para makapag-asawa?
1.4K ビュー連載中kagamine len and rin としてライブラリに 34 回追加されました
読む
+本棚
The Unwanted Wife Of Mr Villareal

The Unwanted Wife Of Mr Villareal

LyeeContemporaryDramaGoodgirlBadboyAffairDivorceBetrayal
Ikinasal si Luther Villarreal at Eunice Sanchez kahit walang pagmamahal para sa isat-isa magkaroon lamang buong pamilya ang anak niyang si Isaac. Ngunit paano kung nung una palang ay mahal na ni Eunice si Luther, kaya rin kaya siyang mahalin nito? Gayong ang mahal naman nito ay si Monica. Samahan niyo akong umiyak at tumawa sa storya ng buhay ni Eunice Sanchez.
103.2K ビュー連載中kagamine len and rin としてライブラリに 91 回追加されました
読む
+本棚
Dangerous Temptation

Dangerous Temptation

snowqueencelActionContemporarySweet LoveHeir/HeirnessMafiaHidden IdentityCampusHate to LoveReborn
Lumaki sa isang marangyang pamumuhay si Kylie Aragon. Kaya naman ay sanay itong nakukuha ang anumang gustuhin niya. Bukod doon ay palagi rin itong nangunguna sa buong klase. Marami rin ang mga kalalakihan na talaga namang humahanga sa kaniya nang dahil sa taglay niyang ganda at talino. Higit sa lahat ay ito lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Aragon Group of Companies. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na sa likod ng halos perpekto niyang buhay ay mayroon itong sikreto na pilit itinatago. Dahilan para ilayo niya ang sarili sa iba upang maiwasan na muling maulit ang isang trahedya mula sa kaniyang nakaraan na hindi pa rin niya magawang ibaon sa limot hanggang sa kasalukuyan. Ngunit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay nang makilala niya si Caleb Valiente. Ang lalaking itinalaga ng kaniyang ama upang maging personal niyang bodyguard na magpoprotekta sa kaniya. Ang kaso lang ay hindi sila magkasundong dalawa. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiirita si Kylie sa presensya nito. Para kasi siyang bata kung tratuhin ni Caleb at talaga namang wala itong palya sa pagbuntot sa kaniya saan man siya magpunta. Kung tawagin pa siya nito sa kaniyang pangalan ay para bang matagal na silang magkakilala. Pero paano kung kailan naman nahulog na ang loob niya rito at nadala na siya sa temptasyon ng pangangatawan nito na tila balewalang inilalantand nito sa kaniyang harapan ay saka naman niya madidiskubre na mayroon pa itong ibang pakay bukod sa pagiging bodyguard niya? Na mayroon itong personal na dahilan kaya gusto siyang protektahan nito? Mapipigilan ba ng mga malalantad na sikreto ang pag-ibig na unti-unting umuusbong sa kaniyang puso? O magsisilbi niya itong sandigan para sa mga paparating pa lamang na pagsubok?
102.4K ビュー連載中kagamine len and rin としてライブラリに 66 回追加されました
読む
+本棚
Kakaibang Tikim

Kakaibang Tikim

LiaCollargaSiyosaSteamyDramaCEOBillionairePregnantLove-Triangle
Tatlong taon nang kasal sina Keilani at Braxton, pero sa halip na lumigaya, nauwi sa sumbatan, kasinungalingan, at pananakit ang kanilang relasyon. Sa likod ng mga ngiti nila, may sikretong nakatago. Si Braxton pala ay may kabit. At si Keilani? May lihim din na nakakatikimang lalaki. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, pumasok sa buhay ni Keilani si Sylas, ang CEO at Bilyonaryong asawa ng kabit ni Braxton na si Davina. Habang tinatago ni Keilani na alam niyang nangangabit ang asawa niya, doon na rin siya nademonyong gumawa ng mali. Nabighani si Keilani sa asawa ni Davina na si Sylas dahil sa guwapo at ganda ng katawan nito. Nung una, dapat ay magkakampihan lang sila sa pagtugis sa kani-kaniyang asawa, pero iba ang nangyari dahil nagkahulugan sila. Hindi na dapat itutuloy ni Keilani ang binabalak niyang pagtataksil na rin sa asawa niyang si Braxton, kaya lang, kakaiba mang-akit si Sylas, kaya nung gabing iyon, hindi na rin niya napigilang gawin ang kakaibang tikim na nasubukan niya sa piling ni Sylas. Simula nang may mangyari sa kanila, nagsunod-sunod na ito dahil aminado si Keilani na ibang sarap ang dulot ng isang Sylas sa kama kapag kasama niya ito. Pagkalipas ng ilang buwan, lumubo na lang bigla ang tiyan ni Keilani. Nung malaman ni Braxton na buntis na siya, doon ito biglang nagbago. Hindi na siya nakikipagkita kay Davina, nagbalik ang dating niyang asawang mabait, sweet at maalaga. Naiyak na lang si Keilani kasi alam niyang siya naman ang may malaking problema ngayon. Kung kailan nagseryoso na ang asawa niya, saka naman na niya ito gustong hiwalayan dahil nahulog na ang loob niya kay Sylas.
10337.0K ビュー連載中kagamine len and rin としてライブラリに 7.1K 回追加されました
読む
+本棚
In The Arms Of Mr. General

In The Arms Of Mr. General

Lady JeremieDramaThird-Person POVDoctorBillionaireFace-SlappingTwisted
Isang gabi ng kahinaan. Isang lihim na hindi nakalimutan. Raine Valencia is a brilliant doctor—confident, composed, and always in control. Pero magbabago ang lahat nang tanggapin niya ang trabaho bilang private doctor ng isang masungit, strikto, at mapangahas na General ng Army. Ang hindi niya inaasahan? Ito rin ang lalaking minsan niyang pinagbigyan sa kama... limang na taon na ang nakalipas. Si General Magnus Silviera.
563 ビュー連載中kagamine len and rin としてライブラリに 17 回追加されました
読む
+本棚
Sevañas Obsession

Sevañas Obsession

Macchiato WritesDark RomanceDramaSweet LoveCEOBillionaireIndependentFirst LoveForgivenessLove-Triangle
The only man I trusted cheated on me! Ginawa ko ang lahat. Nagpakatanga, nagpaka-martyr, nagpaka-alipin. Siya lang ang minahal ko, siya lang ang pinagkatiwalaan ko, sa kanya lang umikot ang mundo ko, sa kanya lang ako sumugal. Pero hindi pa rin naging sapat. Wala naman sigurong masama kung gaganti ako? Walang masama . . . Pero sa halip na siya ang masaktan, kapatid niya at ako ang nagdusa!
535 ビュー連載中kagamine len and rin としてライブラリに 19 回追加されました
読む
+本棚
前へ
1
...
2728293031
...
50
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status