Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia Boss and His Muse

The Mafia Boss and His Muse

"The Mafia Boss and His Muse" Si Ysabella Fuentes ay isang ambisyosong babae na handang gawin ang lahat upang maiahon ang sarili at pamilya mula sa kahirapan. Nang matanggap siya bilang personal secretary ni Zachariel Ezekiel Montenegro, ang misteryosong CEO ng Montenegro Industries, hindi niya inaasahan na mabubuksan ang pinto ng isang madilim at mapanganib na mundo. Si Zachariel ay hindi lamang isang makapangyarihang negosyante—siya rin ang pinuno ng pinakamalaking sindikato sa bansa, ang Montenegro Mafia. Sa kabila ng kanyang malamig na ugali at walang-awang reputasyon, natagpuan ni Bella ang isang lalaking puno ng sugat mula sa kanyang nakaraan, naghahanap ng dahilan upang muling magtiwala at magmahal. Habang nalalapit ang dalawa sa isa’t isa, unti-unting nalantad ang mga lihim na bumabalot sa buhay ni Zachariel, at si Bella ay naipit sa gitna ng alitan ng kapangyarihan, taksil na alyado, at mga kalabang walang awa. Ang kanilang pagmamahalan ay sinubok ng panganib at pagdududa—isang relasyon na maaaring magdulot ng kaligtasan o kapahamakan. Sa gitna ng baril, dugo, at pag-iibigan, mapapatunayan ba ni Bella na siya ang muse na magpapabago sa takbo ng madilim na mundo ni Zachariel? O masisira ang kanilang relasyon dahil sa mga lihim na hindi kayang takasan ng Mafia Boss? "The Mafia Boss and His Muse" ay kwento ng laban para sa pagmamahal, pagtitiwala, at pag-asa sa kabila ng dilim at panganib.
Mafia
704 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Neglected Wife

The Billionaire's Neglected Wife

Isang babaeng pinagpala. 'Yan ang tingin kay Chynna ng mga taong nakapaligid sa kanya nang pakasalan niya si Geoff Montecarlo. Para sa kanila, kainggit-inggit ang pagkakaroon ng asawang bukod sa mayaman na ay ubod pa ng gwapo. Total package 'ika nga! Madalas na biro tuloy sa kanya, nang magpaulan daw siguro ng pagpapala ang Diyos ay malamang nasalo niya ang lahat ng iyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi na masaya si Chynna sa piling ng asawa. Sa loob kasi ng halos isang taon nilang pagsasama, madalang pa sa  patak ng ulan kung siya ay bigyan ng atensyon nito. Dahil doon ay nagsimula siyang magkaroon ng depresyon at insekyuridad. Sa kanyang pangungulila sa pagmamahal ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa loob ng isang gaybar, ang Narcissus. Doon niya nakilala si Bryle. Isa itong macho dancer at siyang naging tagapag-aliw niya ng gabing iyon. Sa palagian nilang pagkikita ng lalaki ay unti-unti silang nagkahulugan ng loob nito. Dito niya natagpuan ang pagkalinga na siyang ipinagdadamot sa kanya ng asawa. Dahil doon ay naisip niyang iwanan na lang si Geoff at tuluyan nang sumama kay Bryle. Ngunit sadya nga talagang mapagbiro ang tadhana... Sa hindi inaasahang pagkakataon, natuklasan niyang magkakilala pala ang dalawa nang makita niyang magkasama ang mga ito. Ano kaya ang ugnayan ng mga ito sa isa't isa? At sa labis na pagtataka ni Chynna, bakit kaya umiiyak na nakaluhod si Geoff sa harapan ni Bryle?
Romance
264 viewsOngoing
Read
Add to library
Single Mom

Single Mom

Si **Luna Reyes** ay isang 18-anyos na estudyante sa kolehiyo mula sa probinsya na nabuntis ng **Alexander "Alex" Montemayor**, anak ng isang bilyonaryo. Nang malaman ng ama ni Alex, si **Ricardo Montemayor**, ang pagbubuntis, inalok niya si Luna ng malaking halaga ng pera kapalit ng paglayo sa buhay ni Alex. Dahil sa takot sa kapangyarihan ni Ricardo, pumayag si Luna at lumipat sa Maynila upang buhayin ang kanyang anak na si **Mateo**. Pagkalipas ng labing-dalawang taon, namatay si Ricardo at sa pagbabasa ng testamento, lumabas ang isang probisyon na ang yaman ng Montemayor ay mapupunta lamang sa anak o apo. Nagkaroon ng duda si Alex tungkol sa pagkakaroon ng anak niya kay Luna. Kasama ang pulis na kaibigan, si **Miguel Santiago**, sinimulan niyang imbestigahan ang nakaraan. Nagkita muli sina Alex at Luna sa isang event, at sa kanilang pag-uusap, inamin ni Luna na si Mateo ang kanilang anak. Habang lumalapit si Alex kay Mateo, naging mapanganib ang sitwasyon dahil kay **Sofia Aguilar**, ang magiging asawa ni Alex na hindi makapagkaanak at nagpasya na patayin si Mateo upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pamilya Montemayor. Nakipag-ugnayan si Luna kay Miguel upang mapanatili ang kaligtasan ni Mateo. Nang maganap ang mga insidente ng pag-atake kay Mateo, nahuli si Sofia at ang kanyang kasabwat, si **Carmen Morales**. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagkaroon ng pagkakataon sina Luna at Alex na magbuo muli ng kanilang pamilya. Ang nobela ay nagwakas sa isang simpleng kasal na puno ng pagmamahal at pag-asa, na simbolo ng bagong simula para sa kanilang pamilya.
Romance
5.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Reborn for Vengeance

Reborn for Vengeance

Si Amanda Hale ay minsang naging biktima ng pang-aabuso, pagtataksil at kamatayan sa kamay ng mga taong pinakamalapit at tinuring niyang pamilya. Ngunit nang muling bigyan ng pagkakataon upang mabuhay dala niya ang lahat ng sugat at galit mula sa nakaraan. Sa ikalawang buhay na ito siya ba’y matututong magmahal muli o tuluyan na siyang lalamunin ng apoy ng paghihiganti?
Romance
243 viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Flame

Forbidden Flame

Alam niyang mali, pero hindi kayang pigilan ng puso niya. Si Yanna, lumaki sa marangyang mundo ng mga Del Rosario—isang pamilyang kilala sa yaman at kapangyarihan. Pero sa likod ng bawat ngiti ay mga lihim na hindi dapat mabunyag. At sa gitna ng kaguluhan, nakilala niya si Lucien—ang tahimik, mapanganib, at misteryosong anak sa ikalawang asawa ng kanyang lolo. Ang lalaking dapat ay ituring niyang pamilya… ngunit siya rin ang lalaking nagturo sa kanya kung gaano katamis at kasakit ang bawal na pag-ibig. Isang gabing puno ng pagnanasa ang nagbago sa lahat. Ngayon, isang taon na ang lumipas, dala ni Yanna ang isang lihim na magpapabagsak sa buong pamilya nila—ang bunga ng kasalanang hindi na niya matatakasan. Sa pagitan ng pag-ibig at pagkakasala, alin ang pipiliin niya? Ang itago ang katotohanan… o ang ipaglaban ang apoy ng pag-ibig na pinagbabawal ng mundo?
Romance
102 viewsOngoing
Read
Add to library
Heather Drumpt MINAHAL NGUNIT KINULANG

Heather Drumpt MINAHAL NGUNIT KINULANG

Isang pagkakamali na naging sanhi ng isang aksidente. Pinagsisishanhan ngunit huli na ba ang lahat kung ang mahal mo ay nasa bingit ng kamatayan na alam mo ikaw ang may kasalanan. Kayanin mo ba harapin ang katotohanan kung sa huli ay ikaw ang sisihin ng lahat. Kaya sa puntong ito ang tanging magagawa mo lang ay ipagdasal ang kaligtasan ng mahal mo dahil kung hindi dahil sa iyo hindi siya ngayon nakaratay sa ICU naghintay ng oras ng pagbigay ng didisyon ng maykapal kung mabuhay ba siya o hindi.
Romance
10471 viewsOngoing
Read
Add to library
The Secrecy of Mr. Walton

The Secrecy of Mr. Walton

heartbutterfly
Si Clark Walton ay Pangalawang anak ng Walton Family, pinalayas sa takot na maagawan ng posisyon ang panganay na Anak ng pamilya walton na paborito ng kanyang lola. May tawag mula sa kanyang cellphone ang kanang kamay ng pamilya Walton na si Warren. "Young Master Clark" Kailangan mo bumalik sa mansyon ang iyong ama ay nasa Hospital na may malubhang sakit, at iyong panganay na kapatid na si Jared ay nakakulong. Wala ng ibang Magpapatakbo ng negosyo ng Pamilya Walton kundi ikaw. "Young Master Clark nakikiusap ang iyong lola na bumalik kana sa Forbes Mansion"
Urban
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
His Circus

His Circus

Remnis Luz
Maagang namulat si Luke Delval sa makamundong pamumuhay, natutunan niyang gamitin ang kaalamang ito upang makuha ang lahat ng kanyang ninanais at makaganti sa mga ginawa ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Sapat na sa kanya ang lahat ng iyon hanggang makasisiguro siyang masaya. Isang madilim na nakaraang ang pilit tinatakasan ni Fryeja Abigail Salazar, dulot na rin ng kawalang hiyaan ng kanyang ama. Dumating sa puntong tinaguan niya na ito para lang wag ng madamay pa, ngunit tila para bang nanadya ang tadhana dahil ang sekretong pinaka iingatan niya ay sumusunod pa rin sa kanya. Kaya ng magtagpo ang landas ni Luke Delval at Freyja Abigail Salazar, tila naging puno ng kaguluhan ang ginagalawan nilang mundo dulot na rin ng mga kanya kanyang pagkakamali.
Romance
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Heartless Detective (Series 2)

The Heartless Detective (Series 2)

Itinakwil at inalisan ng karapatan ng sariling pamilya dahil kasalanan na kaniyang nagawa. Sa paglipas ng panahon ay sinubukan niyang mamuhay sa isang lugar na malayo sa kaniyang ginagalawan pero sinugrado pa rin ng pamilya niya na walang makakatulong sa kaniya. Hanggang sa nakilala at minahal niya si Cris- ang amo niya na ubod ng sama ng ugali.  Matututunan kaya siyang mahalin ni Cris sa kabila ng estado nila at pagkakaiba.  Paano kung isang araw bumalik ang pamilya niya na tumakwil sa kaniya at dala ng mga ito ang balitang gigimbal at susubok sa pagmamahal niya, makikinig ba siya sa pamilya niya at iiwan ang lalaking nagsilbi niyang katuwang noong tinalikuran siya ng lahat or mananatili siya sa tabi nito hanggang sa ito na ang sumuko dahil sa nakaraan na hindi nito makalimutan?
Other
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Danger Zone: Fight to Survive

Danger Zone: Fight to Survive

Habang papunta sa kanilang paaralan, ang dalawang magkaibigan ay nadatnan ang sariling tumatakbo sa gitna ng magulong kapaligiran. Isang experimento ang gumimbal sa boung Pilipinas at bumago sa buhay ng maraming tao at ang pagbangon ng mga patay na kumakain ng laman ng mga buhay. Sa gitna nito isang grupo ng mga kabataan ang tinadhanang magkatagpo upang tuldukan ang pandemyang bumalot sa sanlibutan.
Sci-Fi
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status