Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE

A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE

SAAN KA NGA BA DADALHIN NG TAPANG MO KUNG PUSO MO NA ANG MAGING DUWAG AT MAGING MAHINA ? MAGPEPRETEND KA PARIN BANG MATAPANG KUNG SA LOOB MO AY PINANGHIHINAAN KANA NG LOOB? TULUYAN KA PARIN BANG MAGTATAGO SA PAGKATAONG KAHIT IKAW ALAM MO SA SARILI MO NA NAGTATAGO KA SA ANYO NG KATAPANGAN PERO KABALIKTARAN NAMAN NG NAKIKITA NG KARAMIHAN?  PAANO KUNG DUMATING YUNG TAONG MAGPAPALAMBOT AT MAGPAPADAMA SAYO NG TUNAY NA PAGMAMAHAL PERO LAHAT NG IYON AY MAY HANGGANAN? SUSUGAL KA BA O PATULOY MO NALANG IDADAAN SA KATAPANGAN KAHIT ALAM MONG IKAW LANG ANG MASASAKTAN?
Romance
10691 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
TEORY OF FRIENDSHIP OF LOVE ❣️

TEORY OF FRIENDSHIP OF LOVE ❣️

Isa ito sa mga namomoong pagibig ngunit KAIBIGAN lang,masasaktan ang Bida at iiwas para lang Hindi masira ang pakikipagkaibigan at hahabulin ng kaibigan para Sabihin na mahal nya ito kahit paano pero may pag aalinlanagan ang bawat pusong ayaw masira ang bawat Isa baka maging dahilan na magkawasak DAHIL lang sa pag ibig na may hanganan na pakikipagkaibigan lang ang sinimulan,nguhit aksidenteng mahulog Ang bawat Isa nguhit itoy lihim at hindi parehong aminin DAHIL natatakot sila sa ano Mang mangyayari at patuloy na aasa at masasaktan sila pareho kung sa kanilang dalawa ay mahirap umamin kaysa harapin at sa bandang huli pipiliin nilang iwasan Ang Isat Isa wag lang masasaktan at maiiwanan ang bawat Isa! Nguhit mapaglaro ang nararamdaman at Tadhana mas Lalo Silang paglalapitin Ng Tadhana para lang mapatunayan na sa bawat Isa sa kanilang dalawa Ang tunay na pagmamahal at kasiguraduhnan ay nasa kanilang sariling deisisyon kung ipagpapatuloy at ipaglalaban Ang kanilang nararamdaman kailangan lang nilang amininin na sila talaga Ang para sa isat Isa Ganun talaga Ang theory Ng pagibig marami Kang ipakilala matakpan mo lang Ang tunay mong nararamdaman pero ang totoo mahal mo Pala sya! at sa tabi mo Pala Yun .
Romance
64 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Indecent Proposal

The Indecent Proposal

"Marry me, Audhrey. And your problem will be solved." Kung ikaw ang nasa katayuan ni Audhrey Solace, pakakasal ka ba sa taong hindi mo kilala? Higit sa lahat.. sa isang babae? You are damn straight as a pole.. How could you give your yes to someone na kahit sa panaginip ay hindi mo naisip na makakasama mo forever? Sa kagaya mo ng kasarian?? "May boyfriend ako, for god's sake. Kahit na ano wag lang yan. Please, Miss.." Nagkibit balikat lang ang CEO ng company na pinagta trabauhan niya. "I can be your maid or even slave, but.. y-your wife??" Tila nadidiring bigkas nito sa dulo.
LGBTQ+
109.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
When Love Must Be Secret (18+)

When Love Must Be Secret (18+)

Pagkagising ni Desiree, wala ni isang saplot sa katawan niya. Ngunit higit pa sa pagkabigla niya ay ang taong natutulog sa tabi niya—ang lalaking pinakaayaw niya sa lahat. Mas lalo pa siyang nabahala dahil ramdam pa rin niya ang init ng gabing iyon na ayaw man niyang aminin, ay tumatak sa isip niya. "Ano, gusto mong ituloy ito o gusto mong ibaon na lang sa limot at magpanggap na walang nangyari?" "Ang ibig mong sabihin, gusto mong akuin kitang responsibilidad ko dahil nagtalik tayo?" malamig na tanong ng lalaki, sabay taas ng kilay. Ang gwapo nitong mukha ay may halong pang-aasar na lalong nagpa-init ng ulo ni Desiree. Halos gusto na niyang sugurin at kalmutin ito. Halos sumabog sa inis si Desiree. Hindi man lang niya napag-isipan nang gano’n kalalim ang nangyari kagabi. "Hindi!" Sigaw niya, sabay irap at iwas ng tingin. "Isang beses lang iyon, wala nang dapat pag-usapan pa. Wala akong pakialam." Nagkibit-balikat siya at malamig na nagsabi, "Mas mabuti pang kalimutan na lang natin pareho ang lahat. Walang nasaktan, walang talo." Hindi naman siya magpapatali sa isang lalaki kahit pa... napakahusay nito sa kama. "Kung gano’n, ayos," sagot ni Terrence habang nag-uunat at naglakad palabas ng kwarto na parang walang nangyari. Ngunit bago siya tuluyang lumabas, lumingon pa ito at mayabang na nagsabi, "Sana lang hindi mo ipagmalaki kahit kanino na nakuha mo ako."
Romance
730 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Fated to Marry the Devil [Tagalog]

Fated to Marry the Devil [Tagalog]

"Charm, get ready may susundo na dito maya-maya lang.""Get ready your face Kuya. Itatago ko to… hahaha.""Charm?""Huh?""This is serious matter. Ikakasal ka na.""Kuya, may nagsabi na ba sayo na ang pangit mo kapag naka-seryoso mukha mo?""Charm!" hala galit na ang kapatid my labs ko."Ikakasal ka sa kanya. Sa ayaw o gusto mo." Nagseryoso na rin ako. Pero natawa."Is this a game Kuya?"
Romance
9.597.1K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (19)
Read
Idagdag sa library
Zelanie Besmanos Agustin
pano kmi magbibigay ng magandang ratings kung bitin ang kwento gusto nyong makakuha ng magandang feedback wag nyo bitinin ang mga readers nyo gumagastos kami eh di nmn lbre ang story nyo tapos bandang huli di nmn pala tapos kung alam ko lang bumili nlng sana kong novels sa bookstore
Precious Ong
sobrang ganda ng stories mo author sulit ung pag babasa k sobrang ganda kahit naba maikli lang kada page ng kwento mo ok lang sulit n sulit Ang pag babasa k nalungkot lang Ako natapos ung kwento nila sana Wala nalng katapusan ha ha. next n binabasa k timing dangerous ceo n gawa mo din author
Basahin ang Lahat ng Review
Claimed By My Billionaire Ex-boyfriend

Claimed By My Billionaire Ex-boyfriend

Cookie Heart
Iniwan ni Jasmine si Luigi dahil iyon ang sa tingin niya na makabubuti para sa kanilang dalawa. Pakiramdam niya kasi ay siya ang barrier at hindi iyon maaalis kung hindi siya mawawala sa buhay nito. Pero paano kung kahit anong iwas mo, kahit anong limot pa ang gawin mo, tadhana na talaga ang gagawa ng paraan para magtatagpo ulit kayo.
Romance
784 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Owned by the Devil

Owned by the Devil

After hearing her mother's upcoming marriage, Lyla was so upset. Ayaw niyang masaktan ito ulit ngunit nakikita naman niyang masaya ang kanyang ina kaya naman papayagan niya itong magpakasal sa oras na makilala na niya ito. Kahit na ayaw na niyang bumalik ng Pinas ay walang ibang choice si Lyla kundi ang umuwi. Ngunit sa kanyang pag-uwi ay hindi pala ang mapapangasawa ng kanyang mommy ang hihindian niya kundi ang kanyang magiging kapatid na si Lucifer! But like they say, opposite attracts. Pero magiging effective kaya 'yon para kay Lyla?
Romance
1064.2K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (27)
Read
Idagdag sa library
SenyoritaAnji
Hello po, Senyoras! I’m very sorry for the inconvenience sa double chapter 36. No worries po, maaga po akong magu-update bukas para baguhin ang chapter. kung sakaling na-unlock niyo po ang second chapter 37, paki-refresh na lang po bukas ng gabi ang chapter para sa changes. thank you! <3
Natasha
sa lahat Ng binabasa ko ito talaga nagustohan ko,. di siya boreng basahin lahat ng kabanata aabangan mo... sobrang gwapo n Luke sa isipan ko hehehe thanks Ms. A.... inuulit ko pa Minsan kung kabnata na kinikilig ako.
Basahin ang Lahat ng Review
LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND

LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND

Executive Secretary si Jonie ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa na si Kenneth Enriquez. Di tulad ng ibang mga babae na nagkakandarapa sa Boss nya, sya lang ang natatanging walang interest dito. Ayaw nyang maging laruan ng amo nya, may plano pa cya sa buhay lalo na't nag-iisa nyang tinataguyod ang Mama nyang may Cancer. Sa di inaasahang pagkakataon ay nalaman nito na nangangailangan cya ng malaking halaga para sa pagpapagamot ng Mama nya. Inalok cya nito ng sampung milyon kapalit ang pagkababae nya at manirahan kasama ito sa iisang bubong sa loob ng tatlong bwan. Nung una ay ayaw nyang pumayag pero wala cyang magagawa. Hindi nya makakain ang prinsipyo nya at buhay ng Mama nya ang nakataya dito. Hanggang sa isang gabi ay nasampal cya nito dahil sa selos.... "Siguro ibabalik ko nalang ang pera mo Sir.. Hindi ko po kasi kayang makipag mabutihan sa lalaking nananakit ng babae. Bahala na po kung saan ako kukuha ng pang opera ng Mama ko pero ayaw ko din isaalang-alang ang buhay ko.." "Babe please!... I'm not as bad as you think. Hindi ko din alam kung bakit ko nagawa sayo yun...first time nangyari sa akin to, hindi ko na kilala ang sarili ko..." "Nakapag desisyon na po ako Sir.. aalis nalang po ako dito sa condo nyo." "Please stay... Hindi ko kukunin ang pera sayo.... sayo na yun.. para sa Mama mo, pero hindi na kita aangkinin, walang mangyayari sa atin sa loob ng tatlong buwan...wag ka lang umalis dito..." Gusto nyang pumayag...bentahe lahat sa kanya ang kondisyon ng boss nya pero ang hindi nya sigurado ay kung kakayanin nya ang pang-aakit nito sa kanya kahit pa sabihing walang mangyayari sa kanila. Masyadong matagal ang tatlong buwan para matiis nya ang karisma ng isang Kenneth Enriquez.
Romance
9.76.6M viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (470)
Read
Idagdag sa library
Mohammad Nor Yap Sacadal
di po ako nanghihinayang n gumastis s pg babasa ng story na to... love it po talaga...ang galing mo po author of this story more more p po sana s mga excitement s bawat chapter po ng story n to.........di po xa nkakasawa basahin every chapter po, because of this story u po lagi ako puyat hehe.. love it
Marie Joana
ang galing ng author,maganda ang story,,,sana author ikaw nalang magtuloy ng arrange marriage with the ruthless ceo ung kay nathalie at mateo,,gawan mo ng story... kc nkkbwset na ung tangang author nyan tapos ang tagal pa mag update,,,hindi pa.pala tapos ipinublish na 362 episode na taon na bunabasa
Basahin ang Lahat ng Review
Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)

Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)

Please leave a message after the tone. "Hi. This is Julie. Si Maria Juliena Dimagiba, tanda mo pa? Nakita nga pala kita kanina. Kasama mo 'yong boyfriend mo habang sakay kayo ng auto mo. Hindi mo siguro ako napansin kasi nobyo mo 'yong umorder para sa inyo. Oo, ako 'yong nasa drive thru. Rome... I'm sorry. Ang sama-sama ko noong mga bata pa tayo. Sorry sa lahat ng mga pambubully ko. Alam mo... feeling ko kinakarma na ako ngayon. Kasi ang yaman-yaman at ang sikat-sikat mo na, e. Tapos heto ako... kahit anong kayod ko, kahit anong sikap ko, wala pa rin. Hindi ako manghihingi ng pera sa'yo ha. Tumawag lang ako kasi gusto kong mag-sorry at sabihing..." Mahal kita, Borromeo Buendia Jr. Mahal kita kahit pansexual ka pa, bakla, o ano pa. I hung up and sent my message, leaving my confession still untold.
Romance
1016.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1011121314
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status