Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Martyr Wife

My Martyr Wife

Mattiana Deron-Dawson ang asawa ni Lhorton Dawson. Simple at maganda, pero isa lang ang pangarap. Ay ang mahalin sya ng asawa. Ngunit iba naman ang hinahangad ng asawa. Paano na ang pag-mamahal ni Mattiana? Maisasakatuparan pa kaya? Tuklasin natin ito
1014.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 491 Beses bilang katangian ni jupiter
Read
+Library
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

LauVeaRMD
Pinatay ang magulang at kapatid ni Scarlet nang mga kalalakihan na di nila kilala. Nagising na lang siya na wala ng buhay ang kanyang pamilya at nag-iisa na lamang siya. "Ibibigay ko sa inyo ang hustisya na nararapat para sa inyo, ipinapangako ko iyan, ang kamatayan ninyo ang paghuhugutan ko ng lakas, para hanapin ang mga salarin na naging sanhi ng inyong kamatayan," lumuluhang sambit ni Scarlet sa harapan ng puntod ng kanyang pamilya, sa bawat salita na binitawan niya ay tila isang pangako para sa kanyang pamilya na pinaslang ng walang kalaban-laban. Galit at pagkasuklam ang nasa puso ng dalaga, para sa mga taong gumawa noon sa kanila. Kaya sa pagpunta niya sa Maynila ay nakilala niya si Lance Dela Piña na isang negosyante. Si Lance na kaya ang makakapagpabago sa pananaw ni Scarlet? Mahihilum kaya ni Lance ang sugatang puso ni Scarlet, dahil sa pagkawala ng kanyang pamilya? Mapapawi kaya ni Lance ang galit at puot na nasa puso ng dalaga! Ang binata na kaya ang makakapigil kay Scarlet para sa paghihiganti na gagawin nito? Paano kung may malaman na isang sekreto si Scarlet tungkol sa kanyang tunay na pagkatao? Paano kung malaman din niya na ang taong tumulong sa kanya ay siyang naging dahilan ng kamatayan ng kanyang pamilya.
105.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 182 Beses bilang katangian ni jupiter
Read
+Library
Take you out (BL - Taglish)

Take you out (BL - Taglish)

Si Vance Haidezo, isang friendly, hard working and charismatic Journalist. Naatasan siya para sa isang private project ng TV Station na pinapasukan niya. He will make a documentary film for the daily life of a billionaire heir. Hindi niya inaasahan na ang tinutukoy na tagapagmana ay si Steven Kiazxon. Si Steven Kiazxon na heartthrob, bad boy ay boyfriend niya Vance noong nasa college sila na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya. Vance waited him after Steven promised to come back but suddenly disappeared three years ago. Now that they meet again. Akala ni Vance tapos na ang paghihintay niya pero hindi pala dahil hindi na siya kilala ni Steven na nagka-amnesia. Ano ang dapat gawin ni Vance para maalala siya ng nobyo? Paano niya gagawin 'yon kung nakalimutan na din ni Steven ang tunay nitong pagkatao? Na ang kaya din nitong ibigin at pangarapin ay isang lalakeng kagaya niya... "Steven, kung hindi ako maalala ng isip mo, ipapaalala ko 'yon sa puso mo. Ramdam kong alam mong mahalaga ako sayo kaya maghihintay ako hanggang sa maalala mo ako. Nababasa ko sa mga mata mong mahal mo pa rin ako kaya hindi ako susuko." - Vance. Anong misteryo ang matutuklasan ni Vance sa pangyayari tatlong taon na ang nakakaraan na dahilan ng pagkawala ng alaala ni Steven?
109.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 310 Beses bilang katangian ni jupiter
Read
+Library
Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love

Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love

Ang nobela ay sumusunod sa buhay ni Zoey Claire Alonzo, isang babaeng nagdesisyong pumasok sa isang mabilisang kasal (marriage of convenience) matapos iwan ng kaniyang dating kasintahan. Ang kaniyang pinakasalan ay si Jasper Alexander Villanueva, isang mayamang CEO at ang ama ng kaniyang menor de edad na matalik na kaibigan. Ang best friend niya na si Luna Isabelle Villanueva mismo ang nagpumilit sa kasal, na nagpahayag na ang kaniyang ama ay walang kakayahan sa pag ibig at nangangailangan ng ina. Sa kabila ng cold at ascetic na reputasyon niJasper, napatunayan na kabaligtaran ang lahat matapos silang magpakasal. Sa ilalim ng impluwensya ng alak at pagnanasa, nagiging dominante at mapagmahal si Jasper na nagpapabago sa kanilang convenience marriage tungo sa isang seryosong relasyon. Ang sitwasyon ay lalong gumulo dahil sa muling paglitaw ng ex boyfriend ni Zoey, si Liam Ethan Navarro, na nagdulot ng love triangle at matinding komprontasyon, lalo pa at nalaman ni Zoey na matagal na siyang iniibig ni Jasper. Ang kanilang kuwento ay puno ng init, possessiveness, at drama sa loob ng pamilyang mayayaman, na umabot sa mga pagsubok tulad ng paghihiwalay at sakit. Sa huli, pinagtibay ni Zoey at Jasper ang kanilang wagas na pag ibig, lalo na nang ipaglaban ni Zoey ang kanilang anak, na nagpapahiwatig na sila ay matatag na magsasama.
101.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 26 Beses bilang katangian ni jupiter
Read
+Library
My Scumbag Ex-Husband Begs Me Naked After I Married the Rich

My Scumbag Ex-Husband Begs Me Naked After I Married the Rich

Apat na taon silang kasal, at sa loob ng mga taong iyon, buong-puso ang tiwala ni Penny sa kanyang asawa. Ngunit gumuho ang lahat nang matuklasan niya ang maruming lihim ni Gabo. May iba pala itong pamilya sa labas. Ang mas masakit pa, ang itinuturing niyang ampon na kapatid na si Melissa at ang pamangkin niyang si Mia ay tunay palang mag-ina ni Gabo. Kayasinadya niyang piliin ang pinakamasayang araw ng lalaki para maghiganti. Ito ang araw ng grand launching ng bagong kumpanya ni Gabo. Inilapag ni Penny ang mamahaling envelope sa mismong mesa sa harap ng maraming bisita. Ang divorce agreement. Hindi makapaniwala si Gabo. Para sa kanya, isang malaking pagkakamali lang ang lahat na kayang daanin sa matinding pagsisisi. Agad niyang binayaran ng milyun-milyong breakup fee si Melissa at tuluyan nang pinutol ang ugnayan sa anak sa labas na si Mia, mapatunayan lang kay Penny na seryoso siyang magbago. Umaasa siyang babalik ang asawa dahil alam niyang wala itong ibang alam gawin sa buhay kundi ang maging maybahay. Sigurado si Gabo na maghihirap ito kapag nawala siya. Ngunit nagkamali siya. Ilang buwan lang ang lumipas, niyanig ng balita ang buong industriya. Hawak na ngayon ni Penny ang isang pharmaceutical patent na nagkakahalaga ng daan-daang bilyong piso. Hindi doon nagtatapos ang gulat ni Gabo dahil nabalitaan na lang niyang ikakasal na muli ang kanyang dating asawa. "Magpapakasal ka sa isang ordinaryong lalaki lang? Penny, hindi ka niya kayang buhayin! Hindi ka siya karapat-dapat para sayo!" Eksaktong inilabas ang opisyal na listahan ng pinakamayayamang tao sa Pilipinas para sa taong ito. Tiningnan ni Penny ang pamilyar na pangalan at litrato na nasa pinakatuktok ng listahan. Pagkatapos ay lumingon siya sa kanyang groom at ngumiti nang matamis. "Sabihin mo nga sa kanya, mahal, na ikaw ang pinakamayamang tao sa bansa."
89 viewsOngoingIdinagdag sa Library 2 Beses bilang katangian ni jupiter
Read
+Library
UNBREAK MY HEART

UNBREAK MY HEART

Si Sophia Florence ay isang napakagandang babae na may pusong handang magsakripisyo para sa pag-ibig. Limang taon niyang inialay ang kanyang buhay kay Wright William, ang gwapong CEO ng Wright Trading Inc.—isang self-made billionaire na hinubog ng ambisyon at sakripisyo. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, ang kanilang kasal ay isang lihim sa mata ng mundo. Si Sophia ang lihim na asawa, ang babaeng laging nasa anino, patuloy na nagmamahal sa isang lalaking hindi kayang ibigay ang buong pagmamahal sa kanya. Sa kanilang ikalimang anibersaryo, pumasok si Sophia sa Wright Tower, dala ang homemade lunch at isang malaking lihim—siya ay buntis. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Sa gitna ng grand marble lobby, nakita niyang hawak ni Wright ang kamay ng isang babae—si Jane Clyde-Wright, ang "opisyal" na asawa sa mata ng publiko. Ang sakit na dulot ng katotohanan ay parang isang matalim na kutsilyo na sumaksak sa kanyang dibdib, habang siya'y umiiyak, nagiging multo sa sarili niyang kasal. Sa pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay, lumitaw si Teddy Smith, ang misteryosong business partner ni Wright—gwapo, mayaman, at puno ng galit para kay Wright. Ibinukas ni Teddy kay Sophia ang pinto ng paghihiganti, ngunit sa kanilang paglalakbay ng lihim na pagmamahal, nagsimulang matuklasan ni Sophia ang mas malalalim na lihim na nagtatago sa kanyang pamilya at ang tunay na motibo ni Teddy. Habang ang mga lihim at pagnanasa ay lumalalim, natutuklasan ni Sophia ang mga madilim na katotohanan bakit itinago ni Wright ang kanilang kasal? Ano ang tunay na layunin ni Teddy? Sa bawat hakbang patungo sa katarungan, kailangan niyang magdesisyon: Mananatili ba siya sa sakit ng nakaraan, o susunod siya sa mapanganib na pag-ibig kay Teddy, na may panganib na magbigay ng kaligtasan... o magdala sa kanya ng kapahamakan?
105.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 132 Beses bilang katangian ni jupiter
Read
+Library
isa Pala akong Batang Bilyonaryo

isa Pala akong Batang Bilyonaryo

Isang Batang Lalake ang Nabuhay na Mag isa, Dahil ang kaniyang magulang Ay namatay nang si Brayan Brilliones Ay 8 Years Old Palang, at Tanging mag bubukid ang kaniyang kinabubuhay habang nag Aaral si Brayan Brilliones, bago ito pumasok ng School, si Brayan ay nag titinda muna ng mga Gulay at Prutas na tanim nito sa Kaniyang Bukid kaya sa Araw araw na ginagawa ni Brayan ito, si Brayan ay nakapag Tapos ng 4th Year High School pagkalipas ng ilang araw, tuloy tuloy si Brayan sa kaniyang kasipagan habang naka iipon ito para sa kaniyang kinabukasan hanggang isang Araw, nagbago ang buhay ni Brayan simula nang nag Invest siya nung Bata pa lang siya sa isang Crypto Currency ng FTNS Corporation na ang Value nuon ay 0.01 Sentabos lang, ngunit pagkalipas ng ilang taon, ang Pera na Inimvest ni Brayan ay umabot ng 99 Trillion Pesos dahil ang value ng Crypto nya dati ay umabot na sa 330,000 pesos ang Value Ang Ama ni Brayan Brilliones ay isang napaka husay Fighter sa kanilang Lugar, ngunit ang Ama ni Brayan ay hindi kaylan mab sumasali sa mga Tournament, kaya mas pinili nalang nito ang maging Coach isang Araw si Brayan ay isinaman ng kaniya Ama sa Studio na kaniyang pinag Tuturuan, habang may Lumapit sa kaniyang Ama at binigyan siya ng isang Treasure Map, kaya ng Magtatanong pa si Zaldy Brilliones ang Ama ni Brayan, ay bigla nalang ito nawala, ngunit ang hindi alam ni Zaldy Brilliones, si Brayan ay Binigyan ng Matanda ng isang Magic Item, ito ang Red Brilliant Stone na Singsing may Apat na uri ng Brilliant Stone, ito ang Black, Blue, Green at ang pinaka Malakas sa lahat ng Brilliant Stone ay ang Red Brilliant Stone ni Brayan kaya naman si Brayan Brilliones ang Pinaka Mayaman at Pinaka malakas sa Kasaysayan
9.549.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.5K Beses bilang katangian ni jupiter
Read
+Library
My Maid is My Missing Wife

My Maid is My Missing Wife

Si Bella Monteverde, pinanganak galing sa mayaman na pamilya. Isang tagapagmana, subalit dahil sa pag-ibig, tinakwil siya ng sarili niyang pamilya. Hanggang sa dumaan ang ilang buwan. Ipinaghiwalay sila ng tadhana ng kaniyang asawa na si Brent De Guzman. Tunay na pagmamahal ang ibinigay nila sa isa't isa. Isang bulag si Brent. Ngunit, ginawa pa rin ni Bella ang lahat upang ipaglaban nito ang kaniyang asawa sa pamilya niya. Hangang sa isang araw, pumunta siya sa hospital dahil masama ang pakiramdam niya. Naging masaya naman si Bella dahil buntis pala siya. Ngunit, pagbalik niya sa kanilang bahay ay hindi na niya naabutan ang asawa niya. Tanging mapanakit na sulat na lang ang natanggap ni Bella. Pitong taon ang nakalipas. Muli siyang bumalik, ngunit hindi na siya tinaggap ng kaniyang ama base sa sinabi ng stepsister niya. At ngayon ang pamana na dapat kay Bella ay pilit na kinuha ng kaniyang step sister. Kahit nagawa man ni Bella ang lumapit sa pamilya niya para sa pagpapagamot ng anak niya. Ay naging walang saysay pa rin ito. Subalit, patuloy pa rin na lumaban si Bella. Hanggang sa hindi niya sinasadyang makatagpo ang isang matanda. Ang matandang ito ay nagpanggap bilang isang pulubi. Subalit, sa likod nito siya ang lolo ni Brent. Na siya ring dahilan nang muling pagkikita ni Bella at ni Brent. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na si Bella ang kinikilalang asawa ni Brent. Dahil kinuha ng stepsister niya ang bagay na 'to at nagpanggap bilang si Bella. Gayunpaman, ay nais ng lolo ni Brent na ikasal si Brent kay Bella. Saan hahantong ang ganitong buhay? Muli kaya niyang maibabalik ang kaniyang asawa sa piling niya? Muli kaya niyang mababawi ang dapat para sa kaniya?
1043.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.7K Beses bilang katangian ni jupiter
Read
+Library
MY TINY MATCHMAKERS

MY TINY MATCHMAKERS

“Mommy… bakit po kamukha ni Sir Rafael si Brix?” Isang simpleng tanong mula kay Bea ang muntik nang magpahinto sa paghinga ni Winona. Dahil ang cold at perfectionist billionaire CEO na kinatatakutan ng buong kumpanya ay ang lalaking minsan niyang nakasama sa isang reckless night years ago. At ang mas malaking problema? Hindi alam ni Rafael Villarreal na may kambal silang anak. Habang pilit itinatago ni Nona ang katotohanan, unti-unting sinisira ng dalawa niyang anak ang plano niya, mula sa pagtawag kay Rafael ng “Daddy,” hanggang sa paggawa ng mga “family drawings” na ikinagugulat ng buong opisina. Pero paano kung isang araw malaman ng billionaire CEO ang totoo? Na ang dalawang batang unti-unting nagpapalambot ng puso niya ay sarili niyang dugo?
10833 viewsOngoingIdinagdag sa Library 32 Beses bilang katangian ni jupiter
Read
+Library
Tempted By My Husband's Uncle

Tempted By My Husband's Uncle

She forced Theo Alcaraz to marry her, but later found herself tempted by another Alcaraz. ***** Malandi at mang-aagaw. Iyon ang tingin ng lahat kay Luna Amaris Pedrigal. Nagkagusto siya kay Theo Alcaraz, ang boyfriend ng pinsan niya at anak ng mayamang pamilya sa kanilang bayan. May nangyari sa kanila ni Theo at nabuntis siya, ngunit tinatanggi nito na ito ang nakabuntis sa kaniya. Sa huli, wala na rin itong nagawa kundi ang pakasalan siya. Pinilit ni Luna na maging mabuting asawa kay Theo sa kabila ng malamig nitong pagtratosa kaniya. Kahit na palaging pinamumukha nito sa kaniya na hindi siya nito mahal at ang batang nasa sinapupunan niya lamang ang dahilan kung bakit sila nagpakasal. Ngunit isang aksidente ang naganap at nawala ang nag-iisang batang nag-uugnay sa kanilang mag-asawa. Dahil sa nangyari ay mas lalong nawalan ng pakialam si Theo kay Luna. Hanggang sa muli bumalik ang dating girlfriend ni Theo na si Candice upang bawiin daw umano ang lalaki. Pero kasabay noon ay dumating sa buhay nila ang gwapo at makisig na si Atticus Alcaraz, ang illegitimate son ng Lolo ni Theo. Sa pagdating nina Candice at Atticus, mas lalong gugulo ang buhay nilang mag-asawa. Hindi inaasahan ni Luna na magkakaroon ng interes sa kanya ang lalaki. Kaya ba niyang iwasan ang tuksong dala ni Atticus upang hindi magkasala sa asawa? O magpapadala siya sa init ng mga haplos at yakap nito? Sino nga ba ang pipiliin ni Luna? Si Theo na asawa niya o si Atticus na handang gawin ang lahat, makuha lang siya?
994 viewsOngoingIdinagdag sa Library 21 Beses bilang katangian ni jupiter
Read
+Library
PREV
1
...
3536373839
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status