Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MAHALIN MO SANANG MULI

MAHALIN MO SANANG MULI

Galing sa marangyang pamilya si jasmine kaya lahat ng gustohin Niya ay lagi niyang nakukuha. bukod sa galing siya sa kilalang pamilya ay Maganda at sexy si Jasmine kung tawagin ay IT girl. kaya nung magtapo ang landas nila ni calix Dylan Monte Negro hindi Niya alam kung bakit parang wala siyang epekto dito? kaya naman Lalong nagustohan ni jasmine si calix ito lang kasi ang bukod tanging hindi nagpakita ng interest sa kanya. at parang hindi pa ito na tutuwa kapag nakikita siya..kaya naman mas lalong lumalim ang nararamdaman ni Jasmin para dito. kaya sinabi Niya sa kanyang mga magulang na si calix ang na pili niyang maging asawa..at hindi ito nagustohan ni calix at mas Lalo pa itong lumayo sa kanya.. kaya lahat ginawa ni Jasmin para lang mapansin nito. Pero dahil sa Isang Pag kakamaling hindi Niya rin Alam kung pano napunta sa ganun sitwasyon. at dahil sa pang yayaring ito hindi na makakasama ni calix ang babaeng gusto nitong iharap sa altar.. kaya imbles na mahalin din siya nito ay Lalo lang siyang kinasuklaman. kakayanin kaya ni Jasmin ang magiging buhay sa piling ni calix? o kahit masakit ay magtitiis siya makasama lang ang lalaking mahal Niya.
Romance
8.37.7K viewsOngoing
Show Reviews (6)
Read
Add to library
@@@@
BAKIT KAYA HINDI NA NAKAPAG UPDATE ANG AUTHOR. KAHIT NAKAKAPIKON NA MINSAN UNG NANGYAYARE PERO ANG GANDA PARIN BASAHIN SANA MAG UPDATE NA ULIT MALAPIT NA KC MAG ISANG BUWAN AT SANA MARAMING CHAPTER SA PAGBABALIK NI AUTHOR
Ms shungitera
pasensya na po kung natagalan ako naka Pag update. Akala ko po kasi walang mag kaka interest sa story. Pero yong mga comment niyo nag bibigay ng inspiration sakin na tapos ang story nato. pasensya na rin po kayo sa mga eror hindi ko po na papansin ung Iba. Lalo na CP LNG po yong gamit ko.
Read All Reviews
The Billionaire CEO's Great Love

The Billionaire CEO's Great Love

Isang guro si Faith sa Zambales, kilala sa kabaitan at kasipagan, ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay nakatago ang sugat ng nakaraan. Muling bumalik sa kanyang buhay si Austin, ang lalaking una niyang minahal, dala ang isang kasunduang magpapabago sa lahat, ang kanilang kasal alang-alang sa anak na si Jairee. Sa kanilang pagsasama, malamig ang pakikitungo ni Austin at mahigpit ang pagtutol ng kanyang ina na si Amy. Ngunit nang malaman nitong apo si Jairee, ginamit niya ito upang makuha ang kayamanan. Sa imbestigasyon, lumabas ang katotohanan tungkol sa pinagmulan ni Austin, ang lihim na nakaraan ni Faith, at ang pagkakasangkot ni Amy sa mga trahedya. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti ang susubok sa kanila. Sa kabila ng panganib, matutuklasan ni Faith at Austin ang lakas ng tunay na pagmamahal—isang laban para sa pamilya, katotohanan, at pag-asa.
Romance
106.6K viewsCompleted
Read
Add to library
My Billionaire Ex And our secret twins

My Billionaire Ex And our secret twins

Limang taon na ang lumipas nang durugin ni Elly Panganiban ang puso ni Carl Montesantos at lisanin ang billionaire world nito. Ginawa niya ito upang protektahan si Carl, kapalit ng isang lihim: ang kanilang kambal na anak, sina Liam at Lia—ang lihim na bunga ng pag-ibig na kailangan niyang itanggi. Ngayon, napilitan si Elly na magtrabaho sa Montesantos Holdings, ang imperyo ng kanyang Billionaire Ex na si Carl. Ang pag-ibig ay napalitan ng matinding pagkamuhi at paghihiganti. Araw-araw, sinisiguro ni Carl na maramdaman ni Elly ang pait ng pag-iwan, tinatawag siyang "walang-kwenta" at "basura" sa trabaho. Mas lumala ang sitwasyon sa presensya ni Sharon Montemayor, ang fiancée ni Carl, at ni Theo Ramos, na nagpaalab ng selos sa Bilyonaryo. Sa gitna ng tensyon, nagbigay ng walang-awang kasinungalingan si Elly: "patay na" ang ama ng kambal. Ngunit ang lahat ng galit at paghihiganti ni Carl ay guguho sa isang iglap! Sa Lobby ng kumpanya, nakita ni Carl ang kanyang anak na si Liam. Ang bata, na eksaktong kopya niya at may matatalim na asul na mata, ay sumigaw ng katotohanan: Siya ang ama! Hindi siya namatay! Dinoble ang kanyang pamilya! Ang mga mata ni Carl ay biglang nagbago, mula sa poot tungo sa pag-angkin at walang-sawang possessiveness! Simula na ng giyera! Paano itatago ni Elly ang lihim kung ang Bilyonaryong Ex, na ngayo'y nag-aapoy sa galit, ay handa nang angkinin ang kanyang dugo at lahi?!
Romance
237 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Abandoned Wife

The Billionaire's Abandoned Wife

Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
Romance
10557.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Seduce my husband CEO tagalog

Seduce my husband CEO tagalog

Maagang Nakipagasawa si lovely sa lalaking Akala niya ay mahal siya. At sa kagustuhan din Ng ama Ng binta na makasal Ang mga ito. Pero Hindi Pala niya alam na Ang taong pinakasalan niya ay may ibang mahal. Lagi siyang sinasaktan ito. At lagi niyang pinaparamdam sa kanya na Wala siyang gusto dito. Kaya iniwanan niya ito dahil na Rin sa Hindi na niya matiis Ang lahat Ng pinaggagawa ni Kiel sa dalaga. Dahil na Rin sa tulong ni Joel na isang CEO Ng golden Builders Company ay nakaalis si lovely sa puder ni Kiel. Pero sa Hindi niya inaasahan ay buntis Pala ito sa anak ni ni Kiel. Nakapahanap ito Ng magandang trabaho dahil engineering Ang kinuha nito ay nakapag apply siya sa malaking company sa ibang bansa.Pero sa pagbabalik ay gagawin niya. Ang lahat para makuha Ang atensyon Ng dating Asawa.
Romance
122.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Gorgeous Pet

The Billionaire's Gorgeous Pet

Si Arkin Andres, isang batang bilyonaryo, ay malapit nang ikasal sa babaeng pinakamamahal niya, si Zandreah Binonzo—isang elegante at napakagandang babae na hinahangaan ng lahat. Ang kanilang kasal ay itinakdang magbuklod sa dalawang makapangyarihang pamilya, ngunit isang buwan bago ang seremonya, natuklasan ni Arkin ang pagtataksil ni Zandreah. Sa isang pribadong beach sa Pilar, nasaksihan ni Arkin ang masayang pagtitinginan nina Zandreah at ng isang lalaking hindi niya kilala. Ang tagpong iyon ay winasak ang kanyang puso. Galit at sugatan, nagpasyang ipatigil ni Arkin ang kasal, ngunit tinutulan ito ng kanyang ama. Para sa pamilya, ang kasal ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig—ito ay isang selyo ng kapangyarihan at karangalan. Sa desperasyon ng kanyang ama na mapanatili ang plano, kinuha nila si Yunifer Alcalde—isang bagong graduate ng fine arts na baon sa utang—upang pansamantalang ilihis ang atensyon ni Arkin. Bagamat nag-aalangan, tinanggap ni Yunifer ang kakaibang alok kapalit ng malaking bayad, kahit alam niyang si Arkin ay kilala bilang malamig, arogante, at malupit. Akala ni Yunifer, madali lang sundin ang mga utos ni Arkin at tiisin ang kanyang ugali. Ngunit habang magkasama sila, hindi niya inaasahang mas mahirap ito kaysa sa kanyang iniisip. Unti-unting nabuo ang tensyon sa pagitan nila, at ang damdamin ni Arkin para kay Yunifer ay naging mas matindi at makapangyarihan. Tatanggapin ba ni Yunifer ang baluktot na pagmamahal ni Arkin, o pipiliin niyang tumakas bago pa tuluyang maging huli ang lahat?
Romance
455 viewsOngoing
Read
Add to library
A WIFE'S BURDEN

A WIFE'S BURDEN

Masayang namumuhay sina Erin at Syd. Hanggang sa dumating si Nadia sa buhay nila. Hindi inaasahan ni Erin na mangyayari ang lahat ng iyon dahil sa kaibigan niya. Paano matatanggap ni Erin na ang lalaking pinakamamahal niya ay may iba nang mahal. Walang iba kundi ang kaibigan niya. Paano niya malalagpasan ang lahat ng sakit na dulot ni Syd at Nadia sa kaniya? Paano niya matatanggap ang lahat ng pangloloko ni Syd sa kaniya?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Buong buhay na pinangarap ni Venice na mapakasalan ang kaniyang childhood crush—pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Naangkin niya nga sa papel si Teo, pero ang puso ng asawa ay matagal nang pagmamay-ari ng iba. Simula nang bumalik ang natatanging babae sa buhay ni Teo, mas lalong nanlamig ang kanilang relasyon. Ang laging katwiran—malubha at bilang na lang ang oras sa mundo ni Rhea. Sa loob ng limang taon, nagpabulag si Venice sa bait-baitan ng sariling mag-ama. Sa mismong ika-limang anibersaryo, saka lamang nabuo ang desisyon niya—iiwan ni Venice si Miguel at Teo. Husto na ang kaniyang pagdurusa. Pero pa'no kung ang malamig niyang asawa ay tumanggi sa diborsiyo? Matatakasan pa rin ba ni Venice ang mapait niyang kapalaran? Marahil kailangan niya ng tulong—sa pagbabalik ng lalaking tunay na nagmahal sa kaniya, magagawa bang kalimutan ni Venice ang nakaraan?
Romance
202 viewsOngoing
Read
Add to library
Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Iniwan ni Celine, isang kilalang modelo, ang kanyang matagumpay na karera sa mundo ng pagmomodelo alang-alang sa kahilingan ni Nicolas at ng kanyang biyenang babae. Ngunit ano ang kanyang napala? Pagkatapos ng limang taon ng pagsasama bilang mag-asawa, ipinakilala ni Nicolas ang ibang babae bilang kanyang kalaguyo—dahil lamang hindi mabigyan ni Celine ng anak si Nicolas, at hindi rin siya makapagbigay ng apo sa kanyang mga biyenan. Lingid sa kaalaman ni Nicolas at ng kanyang pamilya, nagdadalan-tao na pala si Celine. Balak niyang ibalita ang magandang balita sa gabi ng kanilang ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Subalit, matapos ang maraming pagtitiis at pananahimik, dumating din ang oras na sumuko si Celine. Pinili niyang tuluyang lumayo sa buhay ni Nicolas. Inilihim niya ang kanyang pagbubuntis, at sa halip ay nangakong ipapalasap sa asawa at biyenan ang sakit ng pagkakanulo sa kanya. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Romance
18.3K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

itsmeaze
Dahil sa kagustuhan ni Xavier Collins na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kapatid, hinanap at pinilit niyang pinaamin ang babaeng maaaring may kinalaman sa kaso—si Ashley Fate Anderson, isang hindi kilalang manunulat na gustong maibahagi ang kaniyang mga akda sa buong mundo kahit hindi pabor sa kaniya ang tadhana. Matapos mahanap ang kopya ng manuscript ni Fate sa mismong pinangyarihan ng krimen ay naisipan ni Xavier Collins na ipadukot at ikulong ito sa mala palasyo niyang bahay. Noong una ay ginawa lang ito ni Xavier para sa imbestigasyon ng pagkamatay ng kanyang kapatid ngunit habang tumatagal ang pananatili ni Fate sa pamamahay niya ay hindi niya namalayang umiibig na siya sa dalaga.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status