Secret Wife Ako ni Professor Darien
Nagimbal ang buong mundo ni Harmony Tasha Crisostomo nang malaman niyang buntis siya… at ang ama ng bata ay ang sariling professor niya, si Professor Darien Atlas Legaspi, iyong lalaking naka-one night stand niya noong panahong lango siya sa alak!
Nang sabihin niya sa lalaki ang sitwasyon, binigyan siya nito ng dalawang pagpipilian: ipalaglag ang bata o magpakasal sila. Pinili niyang magpakasal.
Kahit mag-asawa na, hiwalay pa rin sila ng kwarto. Hanggang sa isang gabi, kumatok si Professor Darien at pinagbuksan ni Harmony. “Nasira aircon sa kwarto. Pwede bang dito muna ako?”
At mula noon, hindi na ito umalis sa kwarto ni Harmony.
—
Isang araw sa klase, may nagtanong, “Totoo po bang kasal na kayo, Sir?”
Ngumiti si Professor Darien. “Harmony.”
Tumayo si Harmony nang tawagin. “Present.”
“Harmony Tasha Crisostomo Legaspi is my wife,” sabi ni Professor Darien. “She's an excellent doctor and my beautiful lovely wife.”
Nalipat ang lahat ng tingin kay Harmony at napalunok siya sa announcement ng asawa. Hindi kaya kuyugin siya ng mga fangirl ni Professor Darien? Kailangan na ba niyang tumakbo paalis?