Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)

My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)

Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi niya na nakuhang ipaalam sa nobyo na siya'y nagdadalang-tao. Sa paglipas ng anim na taon, muling pagtatagpuin ang landas nila. Ngunit kagaya ng ipinangako ni Sydney sa sarili, ay hinding-hindi na siya kailanman magpapa-apekto sa dating kasintahan na nanakit at nanloko sa kanya. Ngunit gano'n pa man, ay hindi niya habambuhay na maitatago sa anak kung sino ang ama nito, sa kadahilanang unti-unti na itong nagtatanong sa kanya.
Romance
9.656.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving, Mr. Chef

Loving, Mr. Chef

Isang simpleng babae si Beatrice Vallencia na lihim na nagmamahal kay Jefferson Griffin. Isang sikat na Chef, makisig at higit sa lahat babaero. Pero nabago ang lahat simula ng makilala niya si Caye Flores na buong akala niya ay ito na ang mamahalin niya habang buhay. Nagbago ang lahat noong gabi na may nangyari sa kanila ng babae na hindi niya maalala ang mukha. Mahahanap kaya niya ang babae? Paano kapag nalaman niyang si Bea ito? Mapapa-sakanya kaya ito kung pag-aari na ito ng iba? Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig?
Romance
1061.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
Romance
96.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Arranged Marriage with the Ruthless CEO

Arranged Marriage with the Ruthless CEO

Dahil sa kawalang bayag ng kaniyang ama at pang-aapi ng kaniyang madrasta, napilitan si Natalie na magpakasal kay Mateo Garcia, isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa San Jose. Sa araw ng kanilang kasal, natuklasan ng kaniyang asawa na hindi na siya birhen bago pa man sila ikasal, na siyang nagpatibay ng paniniwala nito na isa siyang maduming babae na may magulong buhay. Matapos dalhin ang bata sa loob ng kaniyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan, iniluwal ni Natalie ang kaniyang anak, pinirmahan ang annulment papers na inihain sa kaniya ng kaniyang asawa, at saka naglaho na parang bula. Makalipas ang ilang taon, nagbalik si Natalie sa San Jose kasama ang isang bata. "Mr. Garcia, balita ko ay naghahanap kayo ng personal doctor?" Malugod na pumayag si Mateo. "Tanggap ka na." May bali-balitang kumakalat na walang asawa, ni kalandian si Mr. Garcia. Ngunit para siyang Isang tutang naglalambing sa kaniyang personal doctor at itinuturing ang anak nito, na hindi pa alam kung sino ang tunay na ama, na parang sarili niyang anak.
Romance
8.55.1M viewsOngoing
Show Reviews (1063)
Read
Add to library
Aira Canono
maganda ang kwento kaso humaba na ng humaba dahil sa paikot ikot , naisip ko tuloy si coco martin ang may gawa nito e hehe chariz!...sana malaman na ni mateo ang lahat ng katotohanan lalo na ung sya pala ang ama, at si nat na si mateo ung kasama nya sa golden palace that night, kakaawa na si nat e ...
Jury Badong
hays Sayang Ang oras,, Sayang Ang pera lipat na Tayo sa iba ......... mas exciting pa,,thanks author pero mas mabute pang magpahinga kana pagod kana siguro sa paulit ulit ...‍...️ hays akala kopa Naman exciting tong kwento Kaya na curios akong magbasa pero dyos me!!! ilang taon pa sigurong ila²bs Ang Bata
Read All Reviews
White Lies

White Lies

Sa edad na desi-siete ay napilitang umalis sa mansyong tinitirhan niya si Venice. Para takasan ang malupit na kapalarang sinapit ng pamilya niya sa tiyuhing si Dolfo asawa ng kaniyang Auntie Celeste. Her mother died at the car accident and his father killed by Dolfo. Dahil lang gusto nitong kamkamin ang yaman at buong hacienda na pinaghirapang palaguin ng kaniyang mga magulang. Pero hindi niya lubos akalain na siya ang pagbibintangan pumatay sa kaniyang sariling Ama. Kaya wala itong ibang pagpipilian kundi ang umalis at magtago. Habang tumatakas kay Dolfo ay napadpad siya sa isang Cargo ship na nagdadala ng iba't-ibang kargamento sa kabilang bayan. Doon nakaroon siya ng pagkakataong takasan ang kalupitan nito at sandaling magtago. Sumakay siya sa barko na walang paalam. Akala niya'y ligtas na siya ngunit nang pasokin niya ang mismong loob nang barko ay nahuli siya ni Ellwood Echeverri. Siya na nga ba ang magliligtas sa naka-ambang panganib na parating sa kanya oh, siya Ellwood na ang lalaking matagal na niyang hinihintay. Ang lalaking nababasa n'ya sa bawat pahina ng libro at tutupad sa kaniyang mala-fairytale na happy ending?
Romance
105.1K viewsOngoing
Read
Add to library
You're Mine Sergeant

You're Mine Sergeant

Lyniel
Si Crisanta ay may matagal ng pangarap na maging isang sikat na news writer kaya naman madalas siyang tumambay sa opisina ng kanyang ninong na hepe ng pulisya sa kanilang bayan upang makasagap ng scoop or balita. Dito niya unang nakita ang gwapo at makisig na pulis na si Sergeant Alexander Ricarfort, pangalan pa lang ang kisig na. Tinamaan ka agad siya ng palaso ni kupido lalo na ng masalat niya kung gaano "katambok" at "katigas" ang abs nito. Gumawa siya ng paraan para mapalapit sa binata at ng makakuha na rin siya ng magandang article para sa kanilang newspaper. ayun nga lang mukhang lagi siyang inaalat, dahil sa tuwing mag lalapit sila ni Alex ay kung ano-ano namang kapalpakan ang nagagawa niya na lalong ikinainis ng binata sa kanya. Paano pa kaya siya magugustuhan ni Alex kung lahat ng gusto nito sa isang babae ay wala sa kanya? idagdag pa na meron na pala itong "babe". Wala na nga kayang pag-asa ang mapagmahal na puso ni Cris para sa makisig nating pulis?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
A NIGHT WITH THE CEO

A NIGHT WITH THE CEO

It takes one night with the CEO for Quinn to determine if Denver is still in love with him after 8 years without communication and seeing each other. Ngunit nagkamali siya ng desisyon ng gabing binigay nito ang kanyang katawan sa pag-aakalang muli silang magkakabalikan. Quinn Rodrigo, isang probinsyana na lumuwas ng syudad para habulin ang kanyang pangarap. Ang hanapin ang first love nito na si Denver na nakilala niya sa shelter kung saan pareho silang ampon, naudlot ang kanilang pagmamahalan at napahiwalay sa isa’t isa. Ngunit sa kanilang pagkikita, ibang Denver na ang kanyang makilala. He became the ruthless, unreachable CEO kung saan tinatanggi nito ang pagmamahalan ng kanilang nakaraan. She decided to end what she feels for her first love, sa walong taon niyang paghihintay ay sapat na upang kalimutan na rin ang nakaraan na mukhang wala ng pag-asa pa. Kung kailan naman niya nais makalimot ay doon magsisimula ang madalas na pagtatagpo ng kanilang landas. May pag-asa ba sa pag-ibig na kinalimutan? Pag-ibig na naputol dahil sa distansya at pagkakaiba ng kanilang ginalagawan na mundo? O tuluyan ng napagod ang puso sa paghihintay at paghahabol para sa pag-ibig na impossibling makamit?
Romance
621.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight

The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight

Matagal ng inaasam ni Cecelia Raymundo na mabuntis siya, pero noong araw na nalaman niyang buntis siya ay ang araw rin na natuklasan n’ya na pinagtataksilan siya ng kanyang asawang si Maxwell de Silva at ng kanyang bestfriend na si Valentina Dionisio. Dahil isa siyang bulag at inakala ng mga ito ay hindi niya malalaman. Nagpanggap s’ya na hindi ‘yon alam at noong araw na ibibigay ng kanyang ama ang kompanya nito sa asawa n’ya ay inagaw niya ‘yon subalit hindi n’ya inaasahan na makunan siya. Sa tindi ng galit ay nilisan n’ya ang Pilipinas, pinagamot ang mga mata at muling bumalik para maghiganti. Malinaw na niyang nakikita ang magandang buhay ng asawa niya at kabit nito. Gusto n’ya lamang sirain ang mga ito pero hindi niya inaasahan na maka-one night stand niya si Magnus Quinn de Silva—ang nakatakdang pakakasalan niya at ang tiyuhin ng dating asawa. Subalit ang tunay na layunin nito ay gagawin lamang siyang trophy wife. Nasa rurok na s’ya ng tagumpay ng muling bumalik si Maxwell at nagmakaawang hiwalayan niya ang tiyuhin nito.
Romance
107.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Saved By The Marriage

Saved By The Marriage

lainnexx
Tanging ambisyon lamang ang mahalaga para kay Sayna Astrid Reyes. Bilang lumaki na mag-isa, wala siyang ibang hangarin kundi matupad lamang ang kanyang pangarap na maging tanyag sa lahat. Alam niya sa kanyang sarili na hindi katulad ng isang fairy tale ang takbo ng kanyang buhay kaya wala siyang panahon para sa pag-ibig. She doesn't even value marriage. Ngunit kailangan niyang magpakasal kay Enver James Servencio, the Servencio Prince himself, isang troublemaker at spoiled na anak ng kanyang boss na nasangkot sa isang malaking eskandalo. Kapalit na makuha ang pangarap niya na makamit ang pinakamataas na pwesto sa kompanya, papakasalan niya ang lalaking hindi naman niya lubos na kilala para malinis ang reputasyon nito. Hanggang saan aabutin ang kasalan na hindi naman binuo nang pagmamahalan?
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall for Me

Don't Fall for Me

Upang matakasan ang isang arrange marriage, ginawa ni Zea ang lahat para lamang hindi maipakasal sa taong ni sa hinagap ay hindi niya nakilala at mas lalong hindi niya mahal. Nang magawang makatakas ay nag tungo siya sa hindi pamilyar na lugar na sa tingin niya ay hindi siya mahahanap ng kanyang lolo. Natagpuan niya ang isang napakalaking gate kung saan sa malayuan ay ang mala-haciendang tahanan. Dala ng kakuryosohan ay sinubukan niyang pumasok at lumibot sa lugar na pinagsisihan niya dahil sa lalaking walang habas na hinila siya papasok ng hacienda at basta na lamang siyang ginawang katulong. Dahil walang sapat na pera at bahay na matitirhan ay wala siyang magagawa kung hindi sapilitang tanggapin ang naging kapalaran. Ang dating magarang buhay niya ay magbabago. Ayos lang kung ang kapalit naman nito ay makatakas siya sa bagay na ayaw niya. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas kahit pansamantala ngunit hindi naman niya inakala na yun pa pala ang maglalapit sa kanya sa isang bagay na pilit niyang iniiwasan.
Romance
9.918.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status