Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Maid in Love

Maid in Love

dser
Nang makatakas si Ella sa pagmamalupit at pangmomolestya ng kanyang amain ay napagdesisyunan niyang pumunta ng Maynila at iwanan maging ang ina niyang parang wala na ring pakialam sa kanya. Nakatapos man ng pag-aaral ay inilihim niya ito at namasukan bilang isang kasambahay sa mansion ng isang mayamang businessman na amo ng kanyang tiyahin. Ang pagtatagpo kayang ito ay magiging simula ng isang wagas na pag iibigan o mananatili lamang siyang isang kasambahay sa paningin nito?
Romance
7.83.9K viewsOngoing
Read
Add to library
A Blessing in That One Sinful Night

A Blessing in That One Sinful Night

Itinakwil ng ama kaya't anim na taong nawala sa Pilipinas si Jenna. Kailangan lang niyang bumalik ng bansa dahil sa trabaho. Hindi niya naman akalain na magugulong muli ang buhay niya nang bumalik ng bansa lalo pa at bumalik uli ang ala-ala ng nakaraang gusto na niyang kalimutan. Dumagdag pa sa sakit ng ulo niya ang "out of the blue" na proposal ng isang Zian Walton Escobar. Ni hindi niya personal na kilala ang lalaki kaya't ipinagtataka niya ang pag-alok nito ng kasal sa kanya. Hindi na sana niya sasakyan ang kahibangan ng lalaki dahil maaaring pinag-tripan lang siya nito lalo pa't alam niyang isa sa pinakamayaman sa bansa ang angkan nito. Ang tanging nakapagpukaw ng interes niya ay ang malaking pagkakahawig nito sa anak niyang si Xavier. Sino nga ba si Zian Walton Escobar?
Romance
1064.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
899 viewsOngoing
Read
Add to library
My Bittersweet Mistake

My Bittersweet Mistake

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.
Romance
1072.4K viewsCompleted
Read
Add to library
A Stolen Night of Seduction

A Stolen Night of Seduction

BabyblueAye
Para sa kaniyang inang may sakit, kinailangan ni Kaia na maghanap ng trabaho na makakatulong sa kaniyang humanap ng malaking pera para sa pagpapagamot ng kaniyang ina. Kahit na masira pa ang kaniyang buong pagkatao, gagawin niya kumita lang ng pera na makakatulong sa kaniya sa pagpapagamot ng kaniyang Nanay. Seduction is the only key to success. Pero makakaya kaya niya kung kainosentehan ang namamayagpag sa kaniyang isipan? Magtatagumpay kaya siya sa balak niyang gawin na nakawin ang puso ng lalaking alam niyang mahirap paamuhin?
Romance
805 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Nakatakdang magpakasal si Derrek Lucero sa anak ng amiga ng kanyang ina. Naisagawa ang kasunduan bago pa man pumanaw ang ina niyang may taning ang buhay. Halos tatlong taon na namuhay si Derrek at nagpakasaya at iniwasan ang tungkol dito.Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala ang babae na kinamatayan na ng ina. Tanging si Attorney Luciano lamang ang nakakakilala. Hanggang isang araw ay nag asawa muli ang kanyang ama na walang ibsa kundi ang malanding sekretarya nito. Natuwa si Derrek ng sabihin ng ama na hindi na isasagawa ang kasal sa kaibigan ng kanyang ina pero ang sinabi ng ama na itutuloy pa rin ang kasal ngunit hindi sa babaeng itinakda ng kanyang ina kundi sa anak ng kanyang madrasta niya sa unang asawa nito na si Lilibeth. Nilukod ng poot ang puso ni Derrek dahil ang ama niya ay naging sunod sunuran na lamang sa bagong asawa. Samantala si Monigue naman ay halos nakalimutan na ang bagay na ibinulong sa kanya ng kanyang ina bago ito nalagutan ng hininga sa ICU. Dahil nangiisang anak ay pinasan ni Monique an responsabilidad.Hirap man sa araw araw, ang tangi niyang dasal na lamang ni Monique ay ang makaahon sa kahirapan kahit sa anu pa mang paraan.
Romance
10561 viewsOngoing
Read
Add to library
The Rebirth Wife Strike Back

The Rebirth Wife Strike Back

Sa nakaraang buhay ni Yvette Dantes, siya ay pinagtaksilan at niloko ng kanyang kasintahan at matalik na kaibigan. Hindi lang iyon, sinira ng dalawa ang kayang reputasyon at hindi pa nakuntento ay walang awa siyang pinatay ng mga ito. Sa hindi inaasahan, siya ay muling nabuhay ngunit sa katauhan ni Samantha Vicente. Tulad ng buhay niya dati, ang buhay ni Samantha ay miserable, and she married by the cold-hearted billionaire named Logan Vicente. Nang gusto na nitong makipaghiwalay ay hindi siya nagdawalang-isip na pumayag kahit pa ang kapalit nito ay magiging katawa-tawa siya sa mata ng mga tao. Akala niya, mas magiging miserable ang buhay niya pagkatapos siyang itapon ng walang kaawa-awa, pero ang kapalaran ay tuluyang magbabago para sa kanya. Sa ganu'ng paraan ba magagawa ni Samantha palambutin ang puso ng isang Logan Vicente na kasing tigas ng isang bato?
Romance
577 viewsOngoing
Read
Add to library
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night To Remember  (One Night Stand With A Billionaire)

One Night To Remember (One Night Stand With A Billionaire)

Parang sinukluban ng langit si Rica ng malaman ang kondisyun niya sa doctor. Lalo pa siyang nalugmok sa kalungkutan ng sabihin nitong bilang na ang panahon niya. Halos hindi na naging normal ang Buhay niya magmula noon.Isang alok ng kaibigan ang sasagip sa kanyang lugmok na kapalaran pero hindi akalain ni Rica na iyon ang magdudulot ng samot saring paghihirap sa kanyang buhay
Romance
1012.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10790 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status