No Longer His Submissive Wife
“Mommy, love mo ba si daddy?”
Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon.
Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa.
“Oo naman, s’yempre,” tugon niya sa tanong ng anak at masuyong nginitian ito.
“Pero si daddy love ka rin ba?”
“Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.”
“Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atensyon nito sa ina.
“Hmm?”
"Kailan kayo maghihiwalay ni daddy?”
***************
Iyon ang simula ng lahat.
Pagdududa. Pagtataksil. Pagkukunwari. Pagtitiis.
Pero hanggang saan ang kayang tiisin ni Zylah? Hanggang saan kung hindi lang ang asawa ang inaagaw sa kaniya kung hindi pati ang anak?