Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sold To The Devil (Tagalog)

Sold To The Devil (Tagalog)

Buong buhay ni Mildred ay isa lamang siyang bayarang babae. Maganda siya't pinagnanasaan ng mga kalalakihan, ngunit kilala siya sa Underground hindi lang sa kaniyang ganda—kundi sa pagiging bayolente niya sa mga lalaking bumibili sa kaniya. Sanay na siya sa madilim na mundong iyon, ngunit kahit anong mangyari, hinding-hindi niya bibitawan ang pangarap na balang araw ay magiging malaya siya. Pero nagbago ang lahat nang bilhin siya ni Zaccheus Gonzales, ang pinaka-makapangyarihang mafia boss sa bansa. Isang lalaking walang konsensya at sanay makuha ang lahat ng gusto niya—at ngayon, iisa lang ang kailangan niya: isang tagapagmana. Unang tingin pa lang, alam na ni Mildred kung anong klaseng lalaki siya. Wala siyang pakialam kung gaano ito kagwapo o kayaman. Ngunit nag-alok si Zaccheus ng isang bagay na hindi niya kayang tanggihan—maging asawa niya at dalhin ang kaniyang anak, kapalit ng kalayaang matagal na niyang pinapangarap. Isang simpleng kontrata, ngunit isang madugong sugal. Sa oras na pirmahan niya ang kasunduan, makukuha kaya niya ang kalayaang hinahangad niya, o tuluyan siyang mabibilanggo sa bisig ng isang demonyong ayaw siyang pakawalan?
1013.8K viewsOngoingAdded to Library 398 Times as kung sana lang
Read
+Library
Tears of the Unwanted Wife

Tears of the Unwanted Wife

Ilang taon nang kasal pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ramdam ni Ava ang pagmamahal na siyang matagal niya nang inaasam-asam mula sa kaniyang asawa. Dalaga pa lang ay may gusto na si Ava kay Al-Chester. Hindi niya alam kung anong gagawin niya noon para lang mapansin hanggang sa marinig na lamang niya galing sa kaniyang mga magulang na ikakasal siya sa lalaking napili nila para sa kaniya. Gusto niyang humindi lalo na't hindi niya naman ito kilala at hindi niya naman ito mahal pero nang malaman niya ang pangalan, na si Al-Chester ang ipapakasal sa kaniya, hindi na siyang nagdalawang-isip na tanggapin agad ang kasal. Ilang taon ang makalipas pagkatapos ng kasal, hindi niya aakalain na hindi pala maging madali ang buhay na may asawa lalo na't hindi man lang ito kayang makatingin sa kaniya. Mahirap pala ang may asawa lalo na't hindi siya nito mahal. Kaya kahit masakit, tiniis na lamang ni Ava ang lahat at gusto niya ring malaman kung saan aabot ang pagmamahal niya sa lalaki.
10623 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as kung sana lang
Read
+Library
Battered Wife's Sweet Revenge

Battered Wife's Sweet Revenge

Ang akala niyang magandang buhay bilang bagong kasal ang magbibigay sa kaniya ng sobrang kaginhawaan at labis na saya, ay siya palang mag-uuwi sa kaniya sa magulong buhay. Ang akala niyang wagas na pag-ibig dahil sa wakas ay natali na siya sa taong mahal niya, ay iyon pala ang dahilan kung bakit siya sobrang magdurusa. Ang sagradong kasal na inaakala ng lahat na magiging masaya, iyon pala ang siyang magdadala sa kaniya ng labis na kalungkutan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga nangyayari sa buhay niya lalo na't nag-iba na ang turing sa kaniya ng kaniyang mahal. Hindi niya alam kung saan siya lulugar at hindi niya na alam kung saan pa niya ilalagay ang pagmamahal na meron siya sa kanilang relasiyong dalawa. Hirap na hirap na siya lalo na at pakiramdam niya ay siya na lang ang lumalaban sa kanilang dalawa at tila siya na lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila. Pero sa huling pagkakataon, gagawin niyang muli ang lahat para bumalik sa dati ang takbo ng kanilang relasiyon. Sa huling pagkakataon, sasabayan niya ang takbo ng panahon at maghihintay muli na dumating ang oras na sasaya siya muli sa piling ng kaniyang mahal. Ito ang kuwento ng isang babae, kuwento ng isang aping asawa... ito ang kuwento ni Rowena.
101.2K viewsOngoingAdded to Library 33 Times as kung sana lang
Read
+Library
All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1

All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1

Nanlumo siya nang makita nabunot ang ibang ugat nito. Kakaunti na lang ugat ang nag - uugnay sa puno at sa lupa. Napaupo siya swing doon. Ilang taon. Ilang taon niyang minahal si Enzo. Si Enzo lang, wala nang iba. Nang maging maayos na ang lahat sa kanila, saka sila magkakaroon ng matinding problema. Parang itong puno lang. Noong panahong bata pa ito ay hindi man lang nagupo ng bagyo. Ngayong kung ilang panahon nang nakatanim, Bagyong Andoy lang pala ang magpapasuko dito. Sa kaso nila ni Enzo, isang Natalie na kailan lang nito nakilala ang magpapabago sa lahat. For love encompasses a strong, positive emotional and mental states.. a woman in distress may feel at lost when the love of her life cheated on her. Athena and Enzo were childhood friends who later on became sweethearts. But something came along the way that broke her heart. She felt cheated and cannot do something about it. Here come Martin to the rescue. Will she fall for him or will she stay in love with Enzo?
1013.2K viewsCompletedAdded to Library 461 Times as kung sana lang
Read
+Library
The Billionaire's Nanny Contract

The Billionaire's Nanny Contract

Title: The Billionaire’s Nanny Contract Blurb: Mahirap ang buhay ni Ariana Natividad—isang simpleng saleslady na biglang natanggal sa trabaho matapos mapagbintangan sa isang bagay na hindi niya ginawa. Sa desperasyon niyang makahanap ng bagong hanapbuhay, isang kaibigan ang nag-alok sa kanya ng kakaibang trabaho: maging yaya ng isang batang hindi mapigil sa kakulitan—Emanuel Luca Madrigal, ang anak ng mayamang negosyante na si Zephyr Madrigal. Wala nang nagtatagal na yaya sa bata, at ang asawa ni Zephyr, si Noime, ay nasa hangganan na ng kanyang pasensya. Dahil aalis siya patungong ibang bansa para sa trabaho, kailangan nilang kumuha ng yaya na hindi lang magaling mag-alaga kundi… pangit. Oo, pangit—para hindi ito type-in ni Zephyr! Desidido si Ariana na kunin ang trabaho, lalo na nang marinig ang alok—sampung milyong piso bilang reward kung matatapos niya ang isang taong kontrata. Mukhang madali lang, ‘di ba? Pero paano kung ang tinaguriang “playboy billionaire” na si Zephyr ay hindi lang mahirap pagsilbihan kundi tila may ibang plano rin sa kanya? At paano kung ang yaya na dapat ay "pangit" ay unti-unting nagugustuhan ng boss na hindi dapat ma-in love sa kanya? Sa isang bahay na puno ng kalokohan, asaran, at hindi maiiwasang tensyon, kaya bang tiisin ni Ariana ang isang taon nang hindi mahulog sa patibong ng The Billionaire’s Nanny Contract? A romantic comedy na siguradong magpapatili at magpapatawa sa iyo!
1017.0K viewsCompletedAdded to Library 443 Times as kung sana lang
Read
+Library
Merry me ,Mr.Montereal

Merry me ,Mr.Montereal

Haliyah
Nang dahil sa pag takas ni Summer sa araw ng kanyang mismong kasal, ay napad-pad siya sa lugar ng Maynila kung saan ni kahit sa panaginip ay hindi pa niya narating.Mabuti na lang at may kaibigan siyang maasahan na tumulong sa kanya para may matuluyan ng pansamantala. Nagtanong- tanong siya ng trabaho sa mga mayordoma sa bahay ng kaibigan nito. dalawang choices lang ang may'roon si Summer ang maging Maid o Isang Secretary ng isa sa pinaka mayamang negosyante sa syudad ng maynila ang kompanyang Montereal corp.
1.7K viewsOngoingAdded to Library 41 Times as kung sana lang
Read
+Library
The Thin Line Between Love and Hate (TBA Bk.10)

The Thin Line Between Love and Hate (TBA Bk.10)

Hyacinth Faith Segovia hates Argus Sebastian Mediavilla kahit noong nag-aaral pa lang sila. At ngayong nagkrus ulit ang landas nila, hindi bilang magkaklase, kung hindi bilang magkasosyo sa negosyo. As Hya tries to relive her hatred towards Argus, the line that separates Love and Hate becomes thinner and thinner. thus making it easy for her to fall for him!
106.9K viewsCompletedAdded to Library 180 Times as kung sana lang
Read
+Library
Lucky Me! Instant Mommy?

Lucky Me! Instant Mommy?

"Ang tanga-tanga mo naman, Hailey! Bakit ka nagpabuntis? Sa ating dalawa ikaw pa nga itong mahinhin. Di makabasag pinggan. Ikaw ‘yong dalagang Filipina, yeah!" hindi napigilan ang galit na sita niya sa kakambal. Problema. Iyon kaagad ang sumagi sa isip ni Callie nang malamang buntis ang ni kakambal niyang si Hailey. Bukod sa hindi nito masabi kung sino ang tatay ay mahina ang puso nito, kaligtasan kaagad nito ang naisip niya. Gustuhin man niya itong sabunutan dahil sa taglay na kagagahan ay hindi na lang niya ginawa. Sa mapaglarong tadhana, sa kakahanap niya sa Tatay ng anak nito ay natuklasan niyang ang multi millionaire na si Carter Hyun ang nakadisgrasiya dito. Natagpuan na lang niya ang sarili na siya na ang Mommy ng baby nito. Magkakasama sila sa iisang bubong, mapigilan niya kaya kung may pag-ibig na umusbong?
1061.8K viewsCompletedAdded to Library 1.7K Times as kung sana lang
Read
+Library
Married to the Lost Heiress

Married to the Lost Heiress

“Habang patuloy na ipinaglalaban ko ‘tong nararamdaman ko sa ‘yo ay siya namang pagsira ko sa sarili ko…” Mahirap para sa isang Camilla Torres ang relasyon nila ng kaniyang Boss na si Herald Benedict Fonteverde. Hinahayaan niya kasi ang sarili na alipinin nito sa kama kahit alam ng lahat na kasal ang lalaki. Gusto ng kaniyang isip na makawala, ngunit ayaw ng kaniyang puso. Hanggang sa dumating sa punto na natatakot na siya, hindi para sa sarili kundi dahil sa anak niya. Paano na lang kung magkaisip ito at malaman na ang kaniyang ina ay isang kabit? Magawa kayang isakripisyo ni Camilla ang kaniyang kaligayahan? O magpapatuloy na lang kahit marami siyang maapakan? Paano kung pumabor nga sa kaniya ang kapalaran at sa oras din na dumating iyon ay siyang pagbunyag ng katotohanan na ang buong pagkatao niya ay isang malaking kasinungalingan lamang?
10975 viewsOngoingAdded to Library 26 Times as kung sana lang
Read
+Library
After Divorced: Chasing His Ex-Wife

After Divorced: Chasing His Ex-Wife

“Congratulations, Miss Santillan. You are six weeks pregnant.” Nanigas si Marga sa kinatatayuan niya habang nakatitig lang sa doktor. Bumaba ang paningin niya sa prenatal examination report. Napapikit siya at napahawak sa kaniyang tiyan. “B-Buntis ako…” mahinang sabi niya. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Mas nangibabaw pa rin ang takot sa kaniya na baka malaman ni Brandon ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis. *** “Kinakabahan ka ba?” Binuhay ni Brandon ang makina ng sasakyan. “Kung palagi kang ganito sa tuwing kausap mo ako, iisipin ko talaga na buntis ka, Marga.” Napalunok ng maraming beses si Marga. Mas lalo lang siyang kinakabahan. Pinagpapawisan na rin siya kahit na malakas naman ang aircon. “Kung totoong buntis ako, ano ang gagawin mo?” Napakagat-labi siya pagkatapos niyang bitawan ang mga katagang ‘yon. “You will raise the child alone, Marga. Kahit isang piso ay wala kang makukuha sa akin.”
1033.6K viewsCompletedAdded to Library 1.2K Times as kung sana lang
Read
+Library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status