Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Owned By Mr. Verano

Owned By Mr. Verano

"Mahal ko ang pamangkin mo dati." "At ngayon, akin ka na. Nilaro niya ang puso mo, pero ako? Wawasakin ko kahit sino para sa'yo." Hindi kailanman inakala ni Ysabel na ang kanyang pagluha dahil sa isang sirang relasyon ay magiging daan upang mapasakamay siya ng pinakamapangahas at pinakamakapangyarihang lalaki sa buhay ng ex niya. Ang sariling tiyuhin nitong si Leonardo Verano. Tahimik. Malamig. Pero nakakabaliw kung tumingin. Inalok siya ng kasal nito. Proteksyon. Kayamanan. Lahat ng nawala sa kanya, ibinalik, kapalit ng sarili niya. Pero ang magmahal kay Leonardo ay may kasamang kondisyon. At ang unang batas? Bawal mong banggitin ang pangalan ng pamangkin niya, habang buhay.
Romance
9.75.2K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night With The Hot Doctor

One Night With The Hot Doctor

Sweetpea20
Akala ko dati ay masaya maging Private Investigator, na magiging bongga ang buhay mo at makakapag suot ka ng magagarang damit. Pero nagkamali ako dahil gaya ngayon, daig ko pa ang babaeng nagbebenta ng laman sa suot ko para lang makahuli ng mga lalaking may asawa na pero nambababae pa din. Pero dahil isa akong single mom, wala akong magagawa kundi -pagtiyagaan ang trabahong ito para mabuhay kaming mag ina. Nang umupo ako sa mataas na upuan sa bar, I saw him. This hot stranger. Kakaiba ito sa lahat, charming, at parang akala mo lumabas ito sa isang movie at lalapit sayo para mag-pakilala. I can’t resist his charms, wala sa ugali ko ang hindi makapag pigil pero hindi ko kayang labanan ang atraksyon ko sa kanya and it led to a passionate night. Wala akong balak na makita pa siyang muli, pero, mukhang ang tadhana ay may ibang plano para sa amin. He turned out to be my child’s pedia. At nalaman ko ring anak ito ng isa sa mga makapangyarihang tao na isa sa mga iniimbestigahan ko. Everything seemed so fast that it became hot and complicated all at the same time.
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling to the Virgin Single Mom

Falling to the Virgin Single Mom

Isang malaking aral sa buhay ng isang tao na dapat huwag mong husgahan ang iyong kapwa ayon sa nakikita mo lamang. Kung hindi mo kilala ang kanyang tunay na pagkatao mas maigi kung mananahimik ka at huwag kang magbitaw ng mga nakakasakit na salita. Huwag mainggit sa tagumpay ng iba. Kung nais mo rin na magtagumpay kagaya ng kapwa mo. Isaisip mo na kung kaya niya kakayanin mo rin na pagtagumpayan ang narating niya. Maaaring mabilis ang pag-angat niya dahil mas maabilidad siya kaysa sa'yo. Dahan-dahan ka lang, balang araw may mararating ka rin. Kahit gaano man ka bagal ang lakad ng isang pagong kung dala niya ang kanyang sapat na determinasyon makakarating parin siya sa kanyang paruruunan. Ang pagkakaroon ng matatag, matapang at mapang-unawa na katuwang sa buhay ay isang biyaya ng panginoon. Ako ay matatawag na nagmula sa madilim na nakaraan. Mula sa sirang pamilya, kinamumuhian ang haligi ng tahanan dahil pinagpalit niya kami sa kanyang kabit. Maswerti na rin kami dahil may matapang at matatag kaming ina na nagsumikap para kami ay gabayan. Napakaswerti rin niya ng muling nakatagpo ng kabiyak na handang tumayo bilang aming ama. Pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gagayahin ang aking ama. Pinangako kong panindigan ko ang pamilya bubuuhin. Ngunit sa isang kapusokan nakagawa ako ng isang kasalanan na lingid sa aking kaalaman. Tanadhana ng diyos na mapalapit ako sa babae na kapatid ng aking nagawan ng kasalanan. Minsan kong hinusgahan sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Naging roller coaster ang buhay pag-ibig namin. Pero sabi nga nila gaano man kalakas ng bagyo at unos sisibol parin ang isang liwanag na magbigay pag-asa na tapos na ang kalamidad.
Romance
8.819.4K viewsOngoing
Read
Add to library
ONE-NIGHT STAND WITH A THOUSAND MISTAKES

ONE-NIGHT STAND WITH A THOUSAND MISTAKES

Isang mainit na gabi, ang unang pagkakamali ko. But the hell I care? Dinala ako sa langit ng lalaking iyun, magpabebe pa ba ako? sh*t gabi gabi kong hinahanap ang katawan ng lalaking iyun kaya gabi gabi akong bumalik sa bar para sa kanya. Doon ko lang rin siya makita sa bar sa gabi. Nanlaki ang mata ko ng makita ang news at nakita ko ang mukha ng ng lalaki, he's a billionaire!? the hell! may asawa ba yan!? Mabilis kong sinearch ang pangalan sa internet. Oh, single but delikado parin ang buhay natin sa lalaking iyan. Iiwasan ko na yan, hindi na ako babalik sa bar. Every night hinanap siya ng aking katawan pero tiniis ko lahat at ako nalang ang nagpapaligaya sa sarili ko. Hanggang sa nahanap ng lalaki ang condo ko. Umaga, tanghali, gabi man ginawa namin iyun pero syempre nagiingat kami lalo na ako! lugi ako pag may makatakas na sperm. Pag bumisita iyun wala kaming ginawa kung ang painitin ang isa't isa. Sa kusina, kwarto, sa hagdanan, sa sofa.. kahit saang sulok sa condo ko. Ngayon naiisipan niyang gawin namin iyun sa iba't ibang lugar, like beach, hotel at marami pa. Sino naman ako para tumanggi diba? argh! Pero hindi ko inakalang tumibok na ang puso ko para sa kanya. Hindi na ang katawan ko ang naghahanap sa kanya, ang buong pagkatao ko na. Delikado ako pero anong magagawa ako? napapasaya niya ako, hindi naman ako. Napapasaya ko rin siya. Fubu lang ang relasyon pero ginusto ko to, panindigan ko.
Romance
1016.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Noong Gumuho Ang Lahat

Noong Gumuho Ang Lahat

Anibersaryo ng kasal namin nang mag-post ang high school sweetheart ng asawa ko ng sonogram picture sa kanyang social media, na may caption na public thank-you sa asawa ko: [Salamat sa lalaking nandiyan para sa akin sa loob ng sampung taon, at sa pagbibigay sa akin ng anak.] Umikot ang kwarto, at namuo ang galit sa akin habang mabilis akong nagkomento: [So, proud ka sa pagiging homewrecker?] Halos kaagad, tumawag ang asawa ko, puno ng galit ang boses. "Paano mo nagawa na mag isip ng nakakasuklam na bagay? Ang ginawa ko lang ay tulungan siya sa IVF, natupad ang pangarap niyang maging single mom.” "At oo nga pala, kailangan lang ni Ruby ng isang subok para mabuntis, habang ikaw ay may tatlong round ng walang resulta. Walang kwenta ang katawan mo!" Tatlong araw lang ang nakalipas, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa ibang bansa para sa negosyo—hindi pinapansin ang aking mga tawag at mensahe sa buong panahon. Akala ko busy lang siya. Gayunpaman, sa huli ay kasama niya pala si Ruby, dumadalo sa prenatal checkup nito. Makalipas ang kalahating oras, muling nag-post si Ruby, na ipinakita ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. [Nagsawa ako sa French food, kaya ginawa ni Ash ang lahat ng paborito kong pagkain. The best talaga siya!] Napatitig ako sa pregnancy test sa kamay ko, ang saya na naramdaman ko kanina, ngayon ay tuluyan ng nawala. Matapos ang walong taong pag-ibig at anim na taon ng paglunok ng aking pride para lang manatiling buhay ang kasal, sa wakas ay handa na akong bumitaw.
Short Story · Romance
1.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Naughty Boastful Boss

My Naughty Boastful Boss

Onyx
Kylee Nicole Montenegro, ako 'yun. Labing-walong taong gulang na at malapit ng mag-kolehiyo. Hindi na ako nagho-homeschool; malapit na akong maging normal na estudyante, tulad ng pangako ni Dad. Homeschooled ako mula nung ako'y limang taon dahil sa isang aksidente. Madalas sabihin ng mga tao na marami daw nangyari sa buhay ko noong bata ako, pero isang bagay lang ang matandaan ko — isang panyo. Isang hindi kakilalang bata ang nagbigay sa akin nito, at hindi ko alam ang pangalan niya. Malamang, hindi ko na siya makikilala matapos ang maraming taon, pero umaasa ako na isang araw ay makakita ako sa kanya para magpasalamat. Ang hindi kakilalang ito ang tumulong sa akin nang mawala ako sa mall. Naalala ko ang bahagi ng pangyayari, pero hindi lahat. Napapangiti ako nang hindi ko namamalay. Pagkatapos kong lumabas ng banyo, napansin ko ulit ang panyo at ngumiti. Mukhang may kaunting paghanga ako sa taong nagbigay nito sa akin. Ilang taon na itong nasa akin at hindi ko pa ito nalalabhan. May nakasulat ding salitang "TRIST" dito. Iniisip ko kung pangalan ba ito. Nagtango na lang ako dahil wala akong alam. Nahulog sa malalim na iniisip, isang katok sa pinto ang bumalik sa akin sa realidad. "PUPUNTA NA!" sigaw ko nang marinig ko si Ate Lena na nagpapaalam na ang almusal ay handa na. Isinilid ko ulit ang panyo sa aparador, may kakaibang tanong pa rin sa aking isipan. SINO KA?
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

Tila sanay na sa mga pagsubok ng buhay Amara Santos. Lumaki siyang kinakayod ang lahat para sa kakambal niyang si Selene, na may malubhang sakit na matagal ng dinadala. Ang tanging liwanag sa kanyang madilim na mundo ay ang kanyang kasintahang si Liam dela Cruz, anak ng alkalde. Simula pagkabata, siya na ang kanyang sandigan—ang lalaking nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. Ngunit, isang masaklap na kapalaran ang dumating sa buhay nya. Sa kritikal na oras ng kanyang kapatid sa ospital, iniwan siya ni Liam at ipinagpalit sa isang babae na makakatulong sa kanyang ambisyon na pumasok sa politika. At sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa isang hukay na isang paraan lang ang kalalabasan. "Pakakasalan mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo." Sino ang lalaking ito? Si Ethan? Si Ethan Alcantara. "Simple lang ang kasunduan, Amara," sagot ni Ethan. "Ikaw ang magiging asawa ko, at sa mata ng publiko, magiging perpekto tayong magkapareha. Kapalit niyan, matutulungan ko ang kapatid mo." Tila isang malafairy tale na tagpo ang nangyayari sa buhay ni Amara, at sa palubog niyang kumunoy ay mayroon siyang prince charming na tagapag sagip. Mararanasan nga ba nya ang maging prinsesa? O isa na naman itong pag-papanggap na mapipilitan siyang ituloy dahil sa kasunduang iligtas ang kanyang mahal na kapatid? Hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis na mag-panggap? Magkakaroon nga ba ng pag-ibig sa pagitan nila ni Ethan?
Romance
10499 viewsOngoing
Read
Add to library
SHATTERED HEARTS (tagalog)

SHATTERED HEARTS (tagalog)

"Anak ko ang nakasalalay dito, Jessa, kaya hindi mo kami masisisi kung gumawa man kami ng bagay na kahit alam naming makakasakit para lang madugtungan ang buhay ni Clyde." Mapait siyang ngumiti. Tinignan niya si Xyrius na nakatingin sa kanya sari-saring emosyon ang nagsasalimbayan sa mga mata nito. Iniiwas niya ang tingin dito at bumaling kay Giselle. "Gusto kitang saktan, kung puwede nga lang patayin kita ngayon." Dumaan ang gulat ang takot sa mga mata ni Giselle. "Pero hindi ko gagawin dahil baka mamaya buntis ka na pala. Baka nakabuo na pala kayo ng asawa ko. Sayang yung sakit na nararamdaman ko kung mawawala lang yung batang magdudugtong sa buhay ni Clyde." Pinunasan niya ang luha niya gamit ang manggas ng damit niya. Saka tumayo ng tuwid. Naglakad siya at ng na sa tapat na siya ni Giselle huminto siya. Hinubad niya ang wedding ring niya at iniabot ang kamay nito saka inilagay roon ang wedding ring niya. "Tutal makapal naman ang mukha mo 'wag ka nang mahiya. Sa iyo na rin itong wedding ring ko. Sayong-sayo na si Xyrius..." aniya dito na ikinagulat nito. Saka niya ito nilagpasan at tinungo ang pinto pero hinabol siya ni Xyrius at pinigilan. Malamig ang mga matang nilingon niya ito. "I'm sorry..." umiiyak na anito. "Ayokong mawala si Clyde pero mas ayokong mawala ka sa buhay ko..." humahagulgol na anito. Hindi niya rin napigilan ang pagpatak ng luha niya. "Isa lang puwede mong piliin at pinili mo siya, X. Anong laban ko ro'n e, anak mo 'yon. Dugo at laman mo 'yon..." Marahan niyang tinanggal ang kamay nito sa braso niya. "Hanggang dito na lang ako... hindi ko na kayang magpatuloy na kasama ka. Goodbye, love... be a good father." Tinapik niya ang balikat nito at tumalikod na siya.
Romance
4.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Blazing Snow

Blazing Snow

Meet Ezekiel Ruzh Falcon, alamin ang kwento ng buhay niya mula sa pagkalugmok hanggang sa kanyang pagbangon. Terence Angelo Montojo a serious college guy ,varsity player, and a campus crush na may lihim na pagtingin kay Chanda. Chanda Barva, sassy slash mean girl na obsessed kay TA. Ano ang kaya niyang gawin para makamit ang pinakamimithi? What Chanda wants Chanda gets.
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Teenage Mom Avenge

Teenage Mom Avenge

Frostia Sebastien, isang desi-nuebe anyos na lumaki sa hirap kasama ang kaniyang magulong pamilya. Dahil sa hirap ng buhay at sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naghanap siya ng trabaho bilang isang kasambahay. Napakalupit ng kaniyang tadhana at napunta siya sa mansiyon ng Rosales Residence at doon nagsimula ang kalbaryo ng kaniyang buhay. Naging lihim mab ang pangmomolestiya at panghahalay ng kaniyang among prinsipal ay nalaman pa rin ito ng karamihan lalo ba ang malupit na madam. Paano siya makakalayo sa mga mapanghusgang tao na walang alam kung ano ang malagim na sinapit niya mula sa Rosales Residence? Ipagpapatuloy pa rin ba niya ang kaniyang pagbubuntis kahit na alam niyang bunga ito ng panghahalay ng inaakalang mabutihing prinsipal? Paano siya makakatakas sa malupit niyang tadhana kung kinakailangan niya rin namang lumaban at maghiganti kahit sa maling paraan? “Kung ikakakulong ko ang pumatay ay ikakatuwa ko pa kaysa umiyak... nang sa kaisipang makukulong ako ay sisiguraduhin ko na... tapos na ang aking paghihiganti!” —Frostia Sebastien
Mystery/Thriller
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status