Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Especially For You

Especially For You

Nakilala ni Angela Bautista ang dalagang mahilig sa pocketbook na si Heart Del Rio. Bitbit nito ang mga libro nito nang lumapit ito sa kaniya at binago ang takbo ng kaniyang mundo. Simula noon ay naging anino na niya ang dalaga. Naging maayos naman ang pagkakaibigan nila, ang kaso, pumasok sa eksena ang walang modo nitong kapatid na si Brian Del Rio. Inutusan siya ni Brian na layuan niya ang kapatid nito sa hindi niya maintindihan na dahilan. Kahit labag sa kaniyang loob ay sinunod niya ang binata at doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay niya. Naging mas makulit pa si Heart at panay padala ito sa kaniya ng kung ano-ano na naging dahilan bakit na-chismis sila sa campus. Brian Del Rio to the rescue. Nagpanggap ang binata na ito ang nanliligaw sa kaniya para lang matabunan ang issue nila ng kapatid nito. Isang pagpapanggap na hindi dapat siya sumang-ayon. Maraming binitawan ang binata na mga pangako sa kaniya, but promises are meant to be broken. Hindi natupad dahil bigla na lang itong nawala at hindi na muling nagpakita pa sa kaniya. Dapat pa ba siyang maghintay? O dapat na siyang mag-move on dahil pagpapanggap lang talaga ang lahat?
Romance
272 viewsOngoing
Read
Add to library
Noted, Akin Ka!

Noted, Akin Ka!

Maria Angela Gonzales
"Palagi na lang kasi akong nari-reject kapag nagpapasa ako ng libro ko sa Good Nobela at hindi ako pwedeng ma-reject this year. Alam mo namang may usapan kami ng Daddy. Hindi na niya ako pipilitin na mag-masteral kapag may naipasa akong libro. Eh, lagi akong nari-reject dahil nga ang mga sinusulat ko raw ay walang kilig. Kailangan daw mag-focus ako sa nararamdaman ng bida kapag nandyan ang mahal niya." -- Jornaliza Smith Ang nais lang naman ni Jornaliza Smith ay maging sikat na manunulat kaya nagpaturo siya sa bestfriend niyang si Luigi Chances kung paanong maging ‘manyak’. Kahit kasi kahit 23 years old na siya hindi pa siya nakaranas ng first kiss. So, paano pa niya mailalarawan kung paanong umakyat sa ikapitong glorya? On going na ang 'erotic session' nila ni Luigi ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto at nakita sila ng kanyang Daddy na saksakan ng konserbatibo. Kaya, wala sa oras na napamartsa si Jornaliza sa harap ng altar. Shucks, ang nais lang niya ay maging sikat na manunulat, paano niya gagampanan ang papel bilang asawa kung wala namang spark sa pagitan nila ni Luigi? Eh, bakit parang may dumadaloy na milyun-milyong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan kapag hinahalikan siya ng bestfriend niya?
Romance
9.88.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweetest Love

Sweetest Love

Nagmula si Yannie Ace Ruiz sa isang simple at payak na pamilya. Pangalawa siya sa limang magkakapatid. Wala sa bokabularyo niya ang pagkakaroon ng kasintahan, sapagkat abala siya sa kanyang pag-aaral ng mabuti, pag-aalaga ng mga kapatid, at pagtulong sa kanyang mga magulang. Bukod sa mga nabanggit ay abala rin siya sa pagiging fan girl ng 4SBLUE. Mahal na mahal niya ang nasabing banda at masayang-masaya siya sa tuwing napapanood ang mga ito. Kaya naman kuntento na siya at ayos lang sa kanya kung wala siyang nobyo 'di tulad ng kanyang mga kaibigan. But, not until he met Josh Rain Montez. Nakilala niya ang binata dahil sa naging online slash virtual friend niya na fan din ng 4SBLUE at iba pang mga kpop group. At mula nang ipagkatiwala niya ang puso niya rito ay nagbago na ang takbo ng kanyang buhay. Ang dating simple at payapa, ay nagkaroon na ng kakaibang gulo at saya. Malayong-malayo kasi ito sa inaasahan niya. Mayaman ang binata, nag-iisang anak, famous, habulin ng mga babae, gwapo, talented, sweet, at possessive pagdating sa kanya! Pakiramdam niya ay napakahaba ng kanyang buhok dahil patay na patay ito sa kanya. Na kahit hadlangan sila ng sibat o anomang bagyo ay nakahanda nitong ipaglaban ang pagmamahal para sa kanya. 'Yong dating sa mga libro lang niya nababasa, o 'di kaya'y sa mga drama sa telebisyon lang niya napapanood, ay nangyayari ngayon sa kanya. Will their love win overall?
Romance
1014.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Bayani: Katutubong Diyos

Bayani: Katutubong Diyos

Bilang isang mamayang Filipino, gaano mo kakilala ang bansang Pilipinas. Hanggang saan ang nalalaman mo pagdating sa ating nga kultura at tradisyon. Ilan sa mga natatanging kuwento at hiwaga ng ating bansa ang iyong nalalaman. Panahon na upang tuklasin ang ugat ng ating pagkapilipino at ang mga paniniwala ng ating mga ninuno. Gaya na lamang ni Earvin, na matapos ang isang malagim na pangyayari, ay natagpuan ang sarili sa isang natatagong lupain. Isang lugar kung saan ang nakaraan ay nagbabalik, ang mga bagay na nakalimutan ay siyang iyong makikita at mga hiwagang inakala niyang nasa libro lamang. Maging ang kaniyang kapalaran ay nasubok dahil sa kawalan ng kasanayan sa ibang lupain. Dito ay nakilala at nakita niya ang iba't ibang katutubong Diyos, mga Diyos na dating kinikilala sa ating bansa. Mga Diyos na nagbigay sa kaniya ng tulong, gabay at basbas. Mga Diyos na siyang nangangalaga ng mga tao. Maging mga Diyos na nagtataglay ng katakot takot na kapangyarihan. Nagawa din niyang makipaglaro sa ibang nilalang at mga diwata. Maalala ang mga tradisyunal na larong pilipino. Ang payak na pamumuhay ng mga mamamayan. Maging ang makipagtalo at makipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang at mga engkanto, gaya ng tikbalang at mga aswang. Kaya naman samahan natin si Earvin sa kaniyang paglalakbay na nagpapakita ng mga nalimot na kultura. Masdan kung paano niya magagawang pagharapin, pagsamahin at pagbuklodin ang ating nakaraan at kasalukuyan.
Fantasy
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
To Serve And To Protect Your Heart

To Serve And To Protect Your Heart

“Tila ginto ang bawat araw na kasama ka. At ang magagandang alaala nating dalawa, kailanman ay hindi mabubura sa puso ko. Patawad, masakit man, ngunit kailangan kong gawin ang bagay na ito. Sana, sa paghihiwalay nating ito’y matagpuan mo ang kasiyahan sa piling ng iba. Marahil, sadyang hindi ako ang babaeng nakalaan para sayo. Ang pagmamahal kong ito sayo ay babaunin hanggang sa huling hininga ko. Walang sinuman ang makakapalit ng lugar mo, dito sa puso ko…” Buong pagsuyo na pinagmasdan ang lalaking nakatayo sa bungad ng simbahan. Napakagwapo nito sa suot na mamahaling americana habang hinihintay ang pagdating ng kanyang bride. Hindi lingid sa kaalaman ni Vincent Anderson na tuluyan na siyang tinalikuran ng kanyang bride na si Tara Miles Parker. Tinahak nito ang landas tungo sa pagtupad ng mga pangarap ng kanyang ama. Para lang mapasaya ang natitirang sandali ng buhay nito sa mundo. Kinasuklaman ni Vincent ang kanyang nobya at tuluyan na niya itong binura sa kanyang buhay dahil sa matinding sakit na idinulot nito. Nagtagumpay si Tara, pero sa huli naiwan siyang malungkot at nag-iisa. Meanwhile, her ex-boyfriend Vincent has his own family now, happily raising his children.” Paano kung muling mag krus ang kanilang mga landas at mabigyan ng pagkakataon ang naudlot nilang relasyon? Kaya pa bang buhayin ni Tara ang puso ng ninong Vincent n’ya para sa kanya? Magawa pa kayang sumugal at magtiwala ni Vincent sa babaeng minsan na niyang minahal ngunit nang iwan sa kanya? O tuluyan ng matatapos ang libro ng kwentong pag-ibig ng isang Ninong sa kanyang inaanak? “A soldier willing to sacrifice her dignity just to restore and mend the heart of the one she loves.” “TO SERVE AND TO PROTECT YOUR HEART…”
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status