Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Last Vampire Chronicles TAGALOG

The Last Vampire Chronicles TAGALOG

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
Other
1019.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
Romance
1019.5K viewsCompleted
Read
Add to library
HIS INTENTION

HIS INTENTION

READ AT YOUR OWN RISK!!! WARNING: MATURED CONTENT. YOU HAVE BEEN WARNED! (Zandro Alejo's Story)🔞 Maayos ang buhay ni Samantha bago niya nakilala si Zandro. Ang matalik na kaibigan ni Jc. Kuntento sa buhay ang dalagang si Samantha. Mayroon siyang maayos na trabaho saka mabuti at mapagmahal na nobyo. Pero nagulo ang tahimik niyang mundo ng makilala niya si Zandro, ang kaibigan na matalik ni Jc. Wala itong ginawa kung hindi ang guluhin, takutin at bantaan siya. Kaya ng natagpuang wala ng buhay ang matalik niyang kaibigan na si Wina, na palaging pinagseselosan nito, at pagkawala ng nobyo niya, na kinagagalitan ni Zandro, ay ito ang pinaghinalaan niyang gumawa ng krimen. Mapapatunayan niya kaya na ito ang may sala sa mga nangyaring masama sa mga taong malapit sa kanya? O mapahamak din siya sa kamay nito? TRAPPED SERIES#3. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) COMPLETED 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) COMPLETED 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) COMPLETED 5.Broken hearts and promises (Miguel)ONGOING 6. The hidden wife tears (Nickolas) SOON 7. The billionaire's trick (Liam) SOON 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack)ONGOING 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON Genre: ROMANCE/DARK ROMANCE/STEAMY READ AT YOUR OWN RISK!!!!
Romance
1019.4K viewsCompleted
Read
Add to library
When She Cries

When She Cries

Sa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ay ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa rito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asawa. Lahat ay ibinigay niya kay Jaxon ngunit sa huli ay nagawa pa rin nitong iwan siya at sumama sa iba. Tatlong taon ang lumipas nang muling magtagpo ang kanilang landas. Maayos na sana ang lahat ngunit isang pangyayari ang magiging dahilan upang naisin ni Jaxon na bumalik sa kanya. Handa nga ba si Lhaurize na patawarin at muling tanggapin sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal o tuluyan ng ibaon sa limot ang lahat ng pagmamahal dito?
Romance
8.718.0K viewsCompleted
Read
Add to library
BROKEN HEARTS AND PROMISES

BROKEN HEARTS AND PROMISES

READ AT YOUR OWN RISK!!! WARNING: MATURED CONTENT. YOU HAVE BEEN WARNED! (Miguel La Russo story) At a young age, Gail fell in love with Miguel. She believes that their passionate, wild, and strong feelings for each other will lead them to eternal happiness… But what if she is wrong? Magagawa pa kayang maniwala ng puso ni Gail sa ikalawang pagkakataon sa lalaking unang sumira at nagwasak sa lahat ng mayro'n sila noon? O sa ikalawang pagkakataon ay sisirain ni Miguel ang kanyang mga pangako at iiwan ang puso ni Gail na sugatan? TRAPPED SERIES#5. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) COMPLETED 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) COMPLETED 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) COMPLETED 5.Broken hearts and promises (Miguel)ONGOING 6. The hidden wife tears (Nickolas) SOON 7. The billionaire's trick (Liam) SOON 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack) SOON 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON Genre: ROMANCE/DARK ROMANCE/STEAMY READ AT YOUR OWN RISK!!!!
Romance
9.818.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Treat Me Right, Misis!

Treat Me Right, Misis!

Si Savannah George "Sage" Valencia ay nag-iisang anak at tagapagmana. Sa gitna ng karangyahan ay mas gusto nitong mabuhay nang simple at kumawala sa luho. Matatag din ang pangarap nitong maging isang sikat na pintor at talikuran ang negosyong kailanman ay hindi pumukaw sa kanyang puso. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang maakusahang mamamatay tao ang kanyang mga magulang. Sa takot na makulong ang mga ito, at kahit labag sa puso niya ay um-oo siyang pakasalan ang magaling na abogado ng kabilang partido upang ito mismo ang bumitaw at magpatalo. Alam niya sa sarili niyang ayaw niya sa lalaki lalo na ang pagtitig nito sa kanya nang malalim at pagngisi. Alam niyang pagpapanggap lamang ang pinapakita nito sa kanya at ang kanilang yaman ang habol nito kung kaya't siya na mismo ang umiiwas at tumatakas. Ngunit paano kung ang isang Atty. Delton Carancho lang din ang kayang sumuporta sa pangarap niya at magbigay ng kanyang kalayaan? At paano kung ang lalaki lang din ang kakayaning manatili sa tabi niya? Maibibigay kaya ni Savannah ang hiling nitong maging isang mabuting maybahay o pikit-matang hihiling ng hiwalayan?
Romance
1018.6K viewsCompleted
Read
Add to library
CHASING HER: The Billionaire's Mistake

CHASING HER: The Billionaire's Mistake

Sampung taon na minahal ni Ashley si Ace ng walang naging tugon mula dito. At nang mamatay ang kanyang anak na isa si Ace ang naging dahilan ay doon na din tuluyang nawala ang pagmamahal niya dito at handa na siyang makipaghiwalay dito. Ngunit kung kailan handa na siyang kalimutan si Ace at magbagong bahay ng malayo dito ay ayaw naman siyang pakawalan nito at pilit siya nitong pinapanatili. At sa tuwing pilit niya itong pinapalayo ay pilit naman itong lumalapit. At minsan ipinaparamdam nito sa kanya na may pagtingin na din ito sa kanya. Maniniwala ba siya sa ipinapahiwatig nitong mahal siya o sadya lamang ginagawa lang nito ang lahat para mapanatili siya?
Romance
1017.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Mort Ville (Tagalog)

Mort Ville (Tagalog)

El Celery
Isang napakalaking syudad na hinati sa dalawa. Dalawang malaking pagkakaiba kung saan may malaking pader na naghahati dito upang paghiwalayin ang magkaibang lugar sa iisang syudad. City A o tinatawag bilang 'Ordinary City'. Dito matatagpuan ang ordinaryong mga tao kung saan walang krimen na nagaganap. Mga inosente ang mga naninirahan at walang kaalaman tungkol sa kaharasan. Napaka-organisado ng kanilang pamamahala. City B o tinatawag na 'Mort Ville' na ibig sabihin ay Dead City. Mga kriminal ang naninirahan at legal ang paggawa ng krimen lalo na ang pagpatay. Hindi mo malalaman ang tunay na nakapaloob dito kung hindi ka makakaranas na tumapak dito. Think first before you step your feet inside the Mort Ville. Baka pagsisihan mo lang.HINDI KA MAKAKAWALA. WALANG MAKAKATAKAS. "Ms. Zaylee Yvette Jordin. You are now part of our city, Mort Ville. Congratulations."
9.516.3K viewsOngoing
Read
Add to library
I'm His Personal Maid

I'm His Personal Maid

Isang simpleng probinsyana lamang si Anna Marie Castillo, namumuhay sa isang simpleng lugar, simpleng probinsiya. Pero kahit ganoon, masaya siya sa buhay na mayroon siya kasama ang kaniyang pamilya. Mahirap lang sila at trabahador lang ng pamilya Bautista ang kanyang ama, samantalang ang kanyang ina naman ay nag-e-extra lamang. Ang tahimik niyang buhay sa probinsiya ay magugulo sa pagdating ng anak ng mga Bautista na si Kevyn, isang mayabang at antipatikong lalaki. Ano kaya ang kahihinatnan nila kung sa unang pagtatagpo pa lang nila ay hindi na naging maganda iyon? Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang siya ang magbabantay sa binata habang nasa probinsya ito? Babalik pa kaya ang katahimikan niya sa probinsiya o lalo lang iyong gugulo?
Romance
1017.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Sister My Lover

My Sister My Lover

Sa isip mo magkapatid kayo pero paano kung tumitibok ang puso mo sa tuwing kasama mo siya? Sa pag iwas mo mas lalong lumalalim ito. Alam mong may mali sa nararamdaman mo pero nagiging tama ang lahat kapag sa kanya na lang umiikot ang mundo mo. Paano kung isang araw mahal mo na pala siya pero hindi pwede dahil magkadugo kayo. Anong gagawin mo? Ikukubli mo ba ito o bibigyang hustisya kung anong nasa loob mo? Paano kung ganun din pala siya sayo? Tatalikuran niyo ba ang masakit na katotohanan at tatakbo para magsama ng higit pa sa magkapatid o ibabaon na lang sa limot ang minsang nagbigay sayo ng labis labis na saya?
LGBTQ+
1016.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status