Chained in Love
Isa lang ang gusto ni Aryen Romero sa buhay niya at iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Ulilang lubos mula pagkabata at nakuntento sa puder ng mapanglait at mapanakit niyang tiya.
Papasok siya bilang isang katulong sa isa sa pinakamayamang pamilya sa Laveda. Sa sobrang yaman ng mga ito ay kahit sino sa bayan nila ay nangangarap na mapabilang sa pamilya Lizares, at isa na ang Tita niya.
Her Aunt's thirst for wealth awakened when she knew about her work. Inutusan siya nitong akitin ang tagapagmana ng mga Lizares at kung hindi niya iyon gagawin ay palalayasin siya ito at hahayaang tumira sa kalsada.
Hindi totoo ang mga diyos sa mitolohiya pero mukhang naisasabuhay ito ni Armiel Frederick Lizares. At talaga nga namang sobrang imposible na maaakit niya ito dahil sa kasamaan ng ugali na parang ang tingin sa lahat ng mga mahihirap ay mukhang pera.
But as she know him well, she discovered something deep in him behind his rich face, and lifestyle. Sa sandaling panahon ay nagawa niyang ibigay ang lahat-lahat sa binata.
Pero hindi kailanman pabor sa kanya ang tadhana. Nalaman ni Armiel ang plano ng Tita niya at lubos itong nagalit na pinagtabuyan siya na nagpadurog sa kanya ng husto. Nang lumayo siya sa binata ay nalaman niyang dinadala niya ang bunga ng isang gabing mainit nilang pinagsaluhan. At kahit anong hirap ang hinarap niya dahil doon ay determinado siyang huwag ipaalam dito ang tungkol sa anak. Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Gaano man niya itago ang anak ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. Paano niya haharapin ang galit nito sa ginawa niyang pagtago sa anak nila? Will he believe that she's not after his wealth? Will the chain of love between them could hold them two together again—or not?