HOLD ME, EX-CONVICT
"Ma, tama na , please? Nagtatrabaho ako, at kung gusto niyong magka-boyfriend ako, huwag ka na umasa kasi alam mo naman kung ano ang gusto ko, 'di ba?"
"Huwag kang magsasalita ng tapos, Yesha. Tandaan mo, hindi ko rin gusto noon ang papa mo. Pero anong nangyari ngayon? 'di ba mahal ko pa rin?" bumalatay ang lungkot sa mukha ni Yesha. Bigla tuloy niyang na-miss ang ama. Kung sana naoperahan lang ito. Kung sana may panggamot lang ito. Kung sana, naagapan lang ito. Magkakasama pa rin sana sila ngayon. "Ma, sige na po. Baka mamaya kung saan pa mapunta ang usapan natin. Magpapaalam ako kay Sir Shawn, okay? Tapos babalitaan kita. I love you, ma."
Bab Populer