Price of Pleasure (Hooker Series 12)
“Puri ko lang ang binili mo, Mr. Alcantara, hindi ang buong pagkatao ko! Kung gusto mo akong matikman ulit, magbayad ka!” - Grapes Paloma.
Isang ordinaryong waitress sa isang Bar si Grapes Paloma ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagkasakit ang nanay niya at kinakailangan niya ng malaking halaga pampa gamot dito. Sa sobrang desperado niyang maduktungan ang buhay ng ina ay tinanggap niya ang offer ng manager ng Bar na si Madam Lynette na ibenta ang kanyang pagka-birhen sa isang auction sa halagang twenty million ngunit ang isang gabing pakikipagniig sa isang gwapong mayamang estranghero ay nag-iwan ng matinding dagok sa kanyang puso at puri. Sa sobrang pagkasuklam dahil sa panloloko sa kanya ng manager ng Bar at sa pandidiri niya sa sarili niya ay umalis siya sa Bar na pinapasukan at nagtrabaho sa Mariposa Strip Club bilang stripper ngunit kaagad siyang ipinahanap ng lalaking pinag-alayan niya ng kanyang pagka-birhen dahil hindi nito makalimutan ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila.
Mahanap kaya ng bilyonaryong si Neil Patrick Alcantara ang kanyang pinakatatanging si Grapes?