Ang Haplos Ng Bilyonaryo
“Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng estrangherong asawa at isang gabing magpapabago sa kanyang tadhana.”
Tatlong taon nang kasal si Elena sa isang misteryosong bilyonaryong si Dante Valderama, isang kasalang papel lamang para iligtas ang negosyo ng kanyang pamilya, at isang lalaking hindi pa niya kailanman nakita.
Sa gabing desidido na siyang tapusin ang lahat, nagtungo siya sa hotel suite ng kanyang asawa para humingi ng diborsyo. Ngunit dahil sa alak at isang pagkakamaling hindi na mababawi, nauwi ang kanilang paghaharap sa isang mapangahas at mapusok na gabi sa dilim, isang gabing hindi nila alam kung sino ang kanilang kaharap, tanging init at pagnanasa lamang ang nag-uugnay sa kanila.
Tumakas si Elena, bitbit ang takot at lihim ng gabing iyon. Ngunit para kay Dante, ang babaeng nagmulat sa kanya ng kakaibang pagnanasa ay hindi basta palalampasin.
Hahanapin niya ito, kahit hindi niya alam na ang babaeng hinahabol niya ay ang asawang matagal na niyang binalewala.