Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
DESTINED TO BE HIS BRIDE

DESTINED TO BE HIS BRIDE

SYNOPSIS – DESTINED TO BE HIS WIFE Hindi niya siya pinili. Ngunit siya ang pinilit. Si Ayesha Dela Vega ay isang babaeng lumaban sa lahat—maliban sa sarili niyang pamilya. Isang kasunduan ang nagbago ng buhay niya. isang arranged marriage sa lalaking hindi niya kilala—ang malamig at misteryosong Rohan Villarreal, tagapagmana ng pinakamakapangyarihang angkan sa bansa. Ngunit sa mismong araw ng kasal, isang katotohanang hindi niya inaasahan ang sumabog. ang lalaking pinakasalan niya ay ang kabataang minahal niya noon, ang kalarong bigla na lang nawala, at akala niya’y patay na. Sa simula, inakala ni Ayesha na tadhana ang nagbabalik sa kanila. Hanggang sa isang gabi ng putok, dugo, at sigaw— nang barilin si Rohan sa harap niya, at sa sumunod na sandali, isang lalaking kamukha ni Rohan ang lumitaw mula sa dilim. Ngayon, habol ng pamilya Villarreal, tinutugis ng mga lihim na pilit itinago ng panahon, si Ayesha ay kailangang pumili kung sino ang paniniwalaan— ang lalaking minahal niya noon, o ang an inong nagdadala ng pangalan ng asawa niya ngayon. Ngunit sa mundong nilamon ng kapangyarihan at kasinungalingan, ang katotohanan ay may kabayarang dugo. At sa pagitan ng dalawang lalaking may parehong mukha, isa lang ang dapat mabuhay. “DESTINED TO BE HIS WIFE” — isang kwento ng pag-ibig, lihim, at kapalaran. Kung saan ang puso ay sandata, at ang bawat halik ay maaaring maging sumpa.
Romance
72 viewsOngoing
Read
Add to library
One Night With My Wife's Bestfriend

One Night With My Wife's Bestfriend

Habang inaayos ang sarili, inilabas niya ang kanyang pitaka at kumuha ng isang libo, balak niya itong iwan sa kama bilang isang uri ng "paliwanag." Ngunit bago pa niya mailapag ang pera, biglang nagsalita ang babae. “Ano'ng ibig sabihin niyan?” Napatingin siya sa babae—gising na ito at nakatingin sa kanya habang nakapatong ang baba sa kamay nito, may bahagyang iritasyon sa kanyang mga mata. Lalo siyang natulala nang makilala ang babae. Hindi niya inaasahang siya ang makakasama niya kagabi—si Lucille Largon, matalik na kaibigan ng kanyang asawang si Mariane.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
INDAY AND HER LEGENDARY PANTY

INDAY AND HER LEGENDARY PANTY

Mapili si Patrick Santiban sa babae. Dapat may breeding, mahinhin, etiquette, hindi malakas tatawa, hindi magaslaw, elegante at lalong hindi easy to get. Tumama naman s'ya sa huli. Ngunit sa lahat ng ayaw n'ya ay ang pagiging hindi easy to get lang ang nakuha ng dalagang si Inday. Si Melanie, o mas kilala sa palayaw na Inday. S'ya ng gusto ng mga magulang ni Patrick para maging asawa nito. Niligtas ng magulang ni Inday ang ina ni Patrick mula sa kamatayan, at halos mag buwis ng buhay ang magulang n'ya. Sa galak at awa narin sa dalawang matanda ay inalok sila ng magulang ni Patrick, at iyon nga ay ang nakatakdang pag pa-pakasal sa dalaga upang mabigyan ito nang magandang kinabukasan ng kanilang anak. Masagana sa lahat ng bagay ang binata. Ngunit mahirap itong pakisamahan, malupit ito lalo na sa taong hindi niya gusto. Baon ang pangarap, pangaral at ang tatlong legendary panty n'ya na pinag lumaan na ng panahon. Gagawin ni Inday ang makakaya n'ya para pakisamahan si Patrick, na kahit butas-butas man ang panty n'ya at wala ng garter. Sinisiguro niya na mai-inlove parin sakaniya si Mr. Patrick Santiban.
Romance
10845 viewsOngoing
Read
Add to library
Marked by a Playboy Prince

Marked by a Playboy Prince

WARNING: Not suitable for young readers or sensitive minds. Some parts contain graphic sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only. TESSIMOND COUSINS SERIES #2 Bilang isang nag-iisang anak ng pamilya Fortezo, si Myca ay nakatakdang ipakasal sa mapipili niyang lalaki sa magaganap na isang salu-salo kasama ang kanyang buong angkan at malalayong kamag-anak. Hindi siya kailanman naniniwala na magkakaroon siya ng magandang buhay kapag naikasal siya sa lalaking pinsan niya sa malayong kamag-anak tulad ng paniniwala ng kanyang pamilya. Kaya tumakas siya at itinago ang sarili sa isang pribadong isla. Akala niya ay hindi na muling paglalaruan ng tadhana ang kanyang kapalaran. Tiwala pa naman ito na makakaya niyang baguhin ang desisyon ng kanyang mga magulang kung mananatili siya sa islang iyon nang ilang araw. Pero isang matipunong lalaki ang nahanap niyang nakahiga at walang malay sa tabi ng dalampasigan ng kanyang isla na pinaniniwalaan niyang nalunod. Paano kung paglaruan ng tadhana ang buhay nilang dalawa? Paano kung ang simpleng paghanga lang ni Myca sa lalaki ay mauwi sa ibang bagay? Paano kung mamarkahan siya ng lalaking ito?
Romance
108.8K viewsOngoing
Read
Add to library
CARMELLA

CARMELLA

"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito at binaggit nanaman nito ang pangalan nya."O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya, wala sa loob na napa atras sya at nagpatuloy ito sa paglapit at pag atras naman ang sa kanya hanggang sa madikit sya sa kahoy na dingding. "Kilala mo ko alam ko" sabi nito at hiniharang ang dalawang kamay nito sa tabi ng mga balikat nya, tila sya nasukol nito habang nakatingin sa mga mata nya."Bakit oh?" Tanong nya at sinulyapan ang mga nakaharang nitong kamay sa kanya at lumapit pa ito ng isang hakbang at nasasamyo nya ang mainit na hininga nito na tila humahaplos sa mukha nya. Napalunok sya ng ilang beses dahil kahibla lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi nya."Anong ginagawa ng isang Carmella Perez sa loob ng solar ko? Alam mo ba ang pinasok mo? Teretoryo ng kaaway" sabi nito na nagpagulat sa kanya at nanlalaking mga mata napatitig sya rito, kitang-kita nya ang pagbalasik ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya, nakikita nya ang galit at pagkasuklam na nakita nya noon rito limang taon na ang nakakalipas.
9.943.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Ex-Wife's Replica

The Billionaire's Ex-Wife's Replica

smoothiee
Matapos matanggap bilang isang janitress sa isang sikat na resort ay wala ng ibang maihihiling pa si Maui. Ngunit isang araw, isang babae ang nagbigay sa kaniya ng offer, kalahating milyon. Ang kailangan lang nyang gawin ay alagaan, siguraduhing kumakain at umiinom ng gamot ang magiging amo nya. Walang mapaglagyan ng tuwa si Maui, hanggang sa makita nya ang taong aalagaan nya- Amiel Verdino. Isang sikat na negosyante na kagagaling lamang sa isang failed marriage. Paano kung malaman ni Maui na ang ex-wife ng amo nya ay kamukhang kamuhka nya? Kakayanin nya kaya ang malamig na pakikitungo sa kaniya ni Amiel kapalit ng kalahating milyon?
Romance
10567 viewsOngoing
Read
Add to library
Art of Destiny

Art of Destiny

Juanmarcuz Padilla
Dahil sa labis na pagkagahaman sa yaman, ang lihim pala ng pagpapakasal ni Rose Mary Gaile De La Luna Villadencio kay Kent Jino Zeke Domingo ay isang plano ng paghihiganti. Walang alam ang binata na matagal na itong pinagplanuhan ng ama ni Rose Mary na si Jonathan Villadencio at maging ang lihim na relasyon nina Rose Mary at Drax Steve Del Valle. Ang kasal ang magiging katuparan ng masamang tangka ng pamilya kay Jino at sa mga taong mahal niya. Hanggang sa nagising na lamang si Jino sa isang Isla sa Palawan na taglay ang pangalan ni Jino Favila, ang yumaong nobyo ni Naikkah Mae Miraflores. Kung sining ng tadhana ang naganap para magkita sina Jino at Naikkah, sapat na ba ang pagkikita nila para sabihin na sila talaga ang para sa isa't isa? Paano ang pagiging legal na asawa ni Jino sa kay Rose Mary? Sino kaya ang pipiliin niya? Ang dating pag-ibig na nagdala sa kaniya sa kapahamakan? O ang isang buhay na nasa sinapupunan ng babaeng hindi niya kilala pero natutunan na niyang mahalin?
Romance
101.9K viewsCompleted
Read
Add to library
His Sweetest Addiction (Tagalog)

His Sweetest Addiction (Tagalog)

SulatniMiss E
Si Samantha ay isang napakaganda at inosenteng babae, na may matagal nang kasintahan, na si Liam. Gayunpaman, biglang dinurog ni Liam ang kanyang puso, na naging dahilan upang gumuho at miserable ang kanyang mundo. Wala siyang kahit na anumang ideya kung bakit ginawa ito ni Liam sa kanya. Isang kasintahan na minsang nangako sa kanya at napalitan ng walang pakialam at walang puso. Ngunit nang magkrus muli ang kanilang landas, naadik na siya sa kanya. Bumaliktad ang mundo ng dalawa. Naging sobrang possessive niya sa kanya, na kahit isang kaibigan ni samantha na tumingin sa kanya na parang bihirang brilyante, magseselos siya. To the point na gusto na niyang ilibing lahat ng lalaking sumusulyap lang kay samantha. **** "Huwag kang magkakamali, kung ano ang akin ay akin lamang. Kaya kong gawin kahit anong gusto ko. Kung sino man ang gustong magnakaw sa aking pinakamamahal na babae ay dadaan sa galit na aking dadalhin." Galit niyang sabi.
Romance
4.8K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Mission

One Night Mission

pink_miller
Si Jaxson Alconez a.k.a. Agent Fang ang tinaguriang pinakamahusay na secret agent ng National Intelligence Agency (NIA). Wala pang misyon ang hindi niya napagtatagumpayan kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala sa kanya ng kanyang kinabibilangan na ahensya. Dahil dito, siya ang malimit na ipadala na kanilang ahensiya sa mga malalaki at napakahalagang mga misyon. Ngunit sa pagdating ng rookie agent ng Philippine Intelligence Agency (PIA) ay unti unti na nagkaroon ng iringan sa pagitan ng dalawang ahensiya. Bago pa lumaki ang away ay pumagitna na ang gobyerno at nagbigay sila ng magkaparehong misyon sa dalawang ahensiya. At kung sino man sa kanilang napiling agent ang makakatapos ng ibinigay na misyon ay ito ang kikilalanin na pinamagaling na intelligence agency sa Pilipinas. At katulad ng inaasahan, si Agent Fang ang siyang piniling ipadala ng NIA sa misyon na ito. Ngunit hindi inaasahan ni Agent Fang na sa gitna ng kanyang misyon ay makakatagpo niya ang isang misteryosang dalaga na agad pumukaw sa kanyang atensyon at puso. Sandali na nakalimutan niya ang kanyang misyon at sa halip ay buong init na pinagsaluhan nilang misteryosang babae ang isang hindi malilimutan at madamdaming gabi na magkasama. Sandali na iniwan ni Agent Fang ang natutulog na babae para tapusin ang kanyang misyon pero sa kanyang pagbalik ay wala na ito. Dahil sa hindi malilimutan na gabi ng kanyang misyon ay ilang beses na sinubukan ni Agent Fang na hanapin ang babaeng nagnakaw ng puso niya ngunit wala ito iniwang kahit anong bakas at pagkakakilanlan. Para bang ito na naglaho na parang isang bula. Gayun pa man ay walang balak na sumuko si Agent Fang. Gagawin niya ang lahat para mahanap muli ang misteyosang babae. Tinawag niya ito na 'One Night Mission'.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Redemption

Love Redemption

Isang gabi ng pagkakamali ang nag-ugnay sa dalawang magkaibang mundo. Si Jade, isang simpleng babae ay biktima ng paninira at kasinungalingan. Si Luther, isang makapangyarihang tagapagmana, napilitan sa isang kasalang walang pagmamahal para iligtas ang dangal ng kanilang pamilya. Dalawang estranghero, na pinagbuklod ng tadhana ngunit hindi ng pag-ibig. Sa kabila ng galit at lihim na bumabalot sa kanilang pagsasama, unti-unting lumitaw ang damdaming hindi nila inaasahan. Mananatili kaya ang kanilang kasal bilang isang malamig na kasunduan o magbabago ito tungo sa isang mas malalim na ugnayan? Mapagtatagumpayan kaya nila ang mga kasinungalingan, galit, at pride na humahadlang sa kanila? O nakatakda na silang manatiling bilanggo ng isang buhay na hindi nila pinili?
Romance
10285 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status