Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

Isabela? Caroline? Patricia? Vivian? Nakasubsob si Enrique sa gitna ng puting satin sheet at tinitigan ang blonde na may umaagos na buhok na natutulog sa tabi niya, pero wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon... Na para sa kanya ay normal lang, dahil tuwing gabi ay iba ang babae. nakahiga sa kanyang kama. Si Enrique ay isang batang bilyonaryong CEO na palaging nasa kanyang mga kamay ang lahat ng gusto niya... Mga mansyon, magagarang sasakyan at maging ang mga babae. Ang malamig, sarado at ganap na brutis na lalaki ay namumuhay sa isang madilim at mapanglaw na buhay na sarado sa sarili niyang mundo, ang hindi niya inaasahan ay ang isang matamis na yaya na may magandang kalooban at mapang-akit na ngiti ay magpapabaligtad sa kanyang buong mundo.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

Lumaki sa karahasan at magulong buhay si Niccos. Normal na lang sa kan'ya ang patayan at madugong kaganapan sa araw-araw. Kaya ipinangako n'ya sa sarili pagkatapos ng unos sa kan'yang buhay at sa pamilya ay mamuhay s'ya ng tahimik, maayos at matiwasay. Ngunit paano kung hindi n'ya pwedeng talikuran ang obligasyon na iniwan sa kan'ya? Paano kung dito nakasalalay ang kaligtasan ng nag iisang babae na pinakaayaw n'ya, ngunit nagbago ang lahat ng minsang may mangyari sa kanila. Naging demonyo s'yang muli ng masaksihan kung paano nalagay sa panganib ang buhay ni Kianna dahil sa kagagawan ng kan'yang mga kalaban dati na naghihiganti sa kan'ya. Paano n'ya lalabanan ang isinumpa sa sarili na mamuhay ng tahimik? Kung sa bawat pagpikit ng kan'yang mga mata ay ang nagmamakaawa at nahihirapang mukha ng dalaga ang kan'yang nakikita.
Romance
9.9118.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Played by Mafia & Billionaire

Played by Mafia & Billionaire

"Sa akin siya! Ako ang asawa niya kaya hindi mo siya puwedeng angkinin. Magkakamatayan muna tayo bago mo siya maagaw sa akin!" "Hindi ko siya ibibigay sa 'yo. Oo. Mag-asawa nga kayo pero ginamit mo lang siya para sa sarili mong kapakanan. Ngayong nakuha mo na ang pakay mo sa kaniya, hindi mo na siya kailangan. Doon ka na lang sa kabit mo. huwag mo na kaming guluhin ni Derie May!" "At paano ka naman nakasigurado na ginamit ko lang siya? kailan ka pa naging tsismoso? Mahal ko ang asawa ko kaya babawiin ko siya sa 'yo sa kahit na anong paraan. Huwag mong angkinin ang hindi sa 'yo, Bryce. Huwag mo akong subukan!" Parehong matapang at walang gusto na magpatalo sa dalawang lalaki na ang pinag-aagawan ay ang isang babae. Isang inosenteng babae na naipit sa gulo ng pamilyang Avendaño at Vicente. Parehong nagkagusto si Stefano at Bryce kay Derie May at halos magpatayan na para sa pag-ibig nila rito. Ang hindi nila alam ay habang nagpapatayan sila ay tumakas naman si Derie May para makalayo sa kanilang dalawa. "Pareho lang kayong manggagamit! Mga mapagsamantala! inabuso niyo ang pagiging inosente ko. Wala sa inyong dalawa ang pipiliin ko. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa ang makasama ang isa man sa inyo."
Romance
1031.0K viewsCompleted
Read
Add to library
That Star Studded Night

That Star Studded Night

Nagsimula sa pinakamabigat na desisyon sa buhay ni Lily. Ang ibenta ang kanyang sarili para sa kaligtasan ng kanyang mahal na ina. Pero hindi nito inakalang ang aangkin pala sa kanya sa gabing iyon ay ang pinaka hindi niya inaasahang tao sa buhay niya. Si Noah Visser. Ang anak ng amo ng kanyang ina. Natapos ang gabing iyon at hindi na ginusto pang makilala ni Noah si Lily. Kaya naman nang matapos ang binata sa Dalaga ay agad na itong umalis sa lugar at kinuha ang pera upang mailigtas ang kanyang ina. Nagpakalayo layo na silang mag-ina sa Pilipinas. Nagsikap, at nagtayo ng sariling negosyo, dahil hindi na gusto pa ni Lily na maulit ang nakaraan. Ngunit paano makakalimutan ni Lily ang nakaraan kung nagbunga ang gabing gusto na niya sanang ibaon sa limot.
Romance
439 viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying Billionaire

Marrying Billionaire

Si Arya Morrison, gabi bago ang kanyang kasal, ay umuwi pagkatapos ng isang bachelorette party at nakarinig ng kakaibang ingay mula sa banyo. Natuklasan niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Caroline at ang kanyang kasintahang si Daniel, na may relasyon. Si Arya ay nawasak sa kanilang pagkakanulo. Kinabukasan, pumunta siya sa Civil Affairs Bureau para harapin si Daniel, ngunit kinansela niya ang kasal dahil sa aksidente ni Caroline. Nagpasya si Arya na huwag magpakasal sa kanya at lumayo. Di-nagtagal, nakatagpo niya si Allen Jones, ang CEO ng Dahua Entertainment, na nagmamadaling maghanap ng nobya. Sinamantala ni Arya ang pagkakataon at inialok ang sarili bilang isang potensyal na nobya sa kabila ni Daniel. Isinasaalang-alang ni Allen ang kanyang panukala, at ang kuwento ay nag-hang sa pananabik….
Romance
2.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Dangerous Man Weakness

The Dangerous Man Weakness

Dahil sa sobra-sobrang pagmamahal ni Salome sa nakababatang kapatid ay pumayag siya sa kagustuhan ng kapatid na sumunod sa syudad na pinagtatrabahuan nito. Ngunit hindi niya alam na balak siya nitong gawing pambayad sa utang. Huli na ang lahat nang matagpuan niya ang sarili sa kama kasama ang gwapong estranghero. At si Treous Elagrue na isang kilalang walang puso at makapangyarihan sa mundo ng mga mafia ang siyang nakauna sa kaniya at sapilitang umangkin sa kaniya. Ngunit hindi niya aakalaing magbubunga ang kababuyan na ginawa nito sa kaniya. Dahil sa takot ay itinago niya ang bata at pinalaki itong mag-isa. Ngunit mapagbiro ang tadhana dahil nalaman ni Treous ang tungkol sa bata at ngayo'y sapilitan itong kinuha ng lalaki sa kaniya. Ngunit gagawin ni Salome ang lahat upang mabawi lamang ang anak. Kahit pa ibaba niya ang sarili at lumuhod sa harapan ni Treous.
Romance
1068.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Owned By Mr. Verano

Owned By Mr. Verano

"Mahal ko ang pamangkin mo dati." "At ngayon, akin ka na. Nilaro niya ang puso mo, pero ako? Wawasakin ko kahit sino para sa'yo." Hindi kailanman inakala ni Ysabel na ang kanyang pagluha dahil sa isang sirang relasyon ay magiging daan upang mapasakamay siya ng pinakamapangahas at pinakamakapangyarihang lalaki sa buhay ng ex niya. Ang sariling tiyuhin nitong si Leonardo Verano. Tahimik. Malamig. Pero nakakabaliw kung tumingin. Inalok siya ng kasal nito. Proteksyon. Kayamanan. Lahat ng nawala sa kanya, ibinalik, kapalit ng sarili niya. Pero ang magmahal kay Leonardo ay may kasamang kondisyon. At ang unang batas? Bawal mong banggitin ang pangalan ng pamangkin niya, habang buhay.
Romance
9.75.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Million Dollar Marriage Contract

Million Dollar Marriage Contract

Salvia Avery
He sees her as nothing more than a gold digger. She regards him as a callous brute. She shouldn't fall for him... ____ Isa lang ang pangarap ni Charity de la Vega at iyon ay maiahon ang sarili at ang may-sakit na ama sa hirap. Hindi man nakapagtapos, masipag at determinado naman siya. Kaya nga lang ay kulang iyon para maging matagumpay siya. Hanggang sa dumating ang isang oportunidad sa kaniya... oportunidad na yumaman. Ang kailangan lang gawin ng dalaga ay pakasalan si Ien Carreon: gwapo, mayaman, arogante at walang kasing lamig. Makakaya ba ni Charity na palagpasin ang once in a lifetime opportunity na ito? Pero ano kaya ang sikreto sa kabila ng kanilang pagpapakasal?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Forsaken Wife

The Billionaire's Forsaken Wife

Labing-walong taon mula nang makabalik si Andrea sa piling ng kanyang tunay na mga magulang. Sa loob ng labing-walong taon na iyon ay wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang makabuo ng masayang pamilya. Kaya nang ikinasal siya kay Alejandro at nabiyayaan ng kambal na anak ay pinangako niya sa kanyang sarili na mamahalin at aalagaan niya ito. Kahit na ang kapalit ay ang masakit na katotohanang hindi siya mahal ng kanyang asawa. Para sa mga anak ay handa siyang magtiis, ngunit gumuho nang tuluyan ang mundo ni Andrea nang hilingin ng kanyang anak, sa mismong araw ng kaarawan nito na si Clarisse na ang ituturing nitong ina at hindi siya. Si Clarisse, ang kababata ni Alejandro. Ang babaeng tanging minamahal nito.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Cold Boss, My Secret Husband

My Cold Boss, My Secret Husband

Sa mata ng lahat, isa lang akong ordinaryong secretary na walang halaga sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik akong gumagalaw sa opisina habang pinapanood ang mga kasamahan kong halos sambahin ang malamig, makapangyarihan, at walang pusong CEO—si Evander de la Cruz. Para sa kanila, siya ang lalaking hindi kailanman bababa sa antas ng isang tulad ko. Pero ang hindi nila alam… asawa ko siya. Isang taon na mula nang ikasal kami nang palihim. Sa harap ng lahat, ako’y parang alipin lang ng trabaho, at siya nama’y boss na ni hindi ako pinapansin. Pero sa likod ng saradong pintuan ng kanyang opisina, nagbabago ang lahat. Doon, siya ang lalaking sabik sa aking haplos, handang lumuhod para lamang maramdaman ang init ng aking pagmamahal. Pinili kong itago ang aming kasal upang patunayan na kaya kong magsikap gamit ang sarili kong pangalan. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging lantad ang pag-aangkin ni Evander—at mas nagiging mapanganib ang mundo sa paligid namin. Lalo na nang magsimulang gumalaw si Clarisse Montenegro, ang ambisyosang team leader na gagawin ang lahat para siraan ako at mapasakanya si Evander. At mas lalong lumala ang lahat nang pumasok sa eksena si Alessandro Cortez, ang tuso at mapanganib na CEO ng partner company na nahulog sa akin at handang gamitin ang negosyo para agawin ako mula kay Evander. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at laban sa kapangyarihan, isa lang ang malinaw: kapag ang malamig na CEO ay umibig, hindi siya uurong sa digmaan. At ako ang dahilan ng digmaang iyon.
Romance
10390 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status