Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Never let you go

Never let you go

Ms. Sagittarius
Minsan ng nasaktan si Axel at nangako na hinding-hindi na siya iibig ulit. Nagiwan ng malaking sugat sa puso ni Axel ang nangyari sa kanyang nakaraan na buong akala niya ay hindi na niya makakalimutan. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakilala niya si Althea ang babaeng nagkaroon ng malaking impact sa buhay ni Axel. Simple lang si Althea, ordinaryo, may malambot na puso at gagawin ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay na kabaliktaran ni Axel. Nagkaroon ulit ng pagkakataon si Axel na magmahal at magtiwala ulit pero hindi sang-ayon ang Papa niya. Ang tingin kasi ng Papa ni Axel katulad lang din si Althea sa mga babaeng Pera at kapangyarihan ang habol sa anak niya. Gagawin niya ang lahat para paghiwalayin ang dalawa pero hindi makakapayag si Axel na muling manghimasok ang Papa niya kaya naman gagawin din niya ang lahat para protektahan ang taong mahal niya. Ngunit may dumating pa na isang pagsubok sa pagsasama ni Axel at Althea na talagang susubok sa kanilang dalawa. Bumalik ang nawawalang kapatid ni Althea na si Vivian na gusto ng Papa ni Axel para sa kanya. Dumating sa punto na kailangan pumili ni Althea kung ang kaligayahan ng mahal niyang kapatid o ang sarili niyang kaligayahan. Kung noon lagi na lang nagpaubaya si Althea para sa kaligayahan ng ibang tao ngayon hindi siya makakapayag na mawala sa buhay niya ang taong nagparamdam sa kanya kung paano mahalin at pahalagahan. Mahal ni Althea ang pamilya niya pero mas pinili niya ang taong mahal niya na alam niyang hindi siya iiwan kahit ano pang mangyari. Sa kabila ng mga pagsubok sa relasyon ni Axel at Althea ay nagawa nilang lampasan ng magkasama. Pinatunayan nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa at mas tumibay pa ang pagmamahalan nilang dalawa.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Hated At First

Hated At First

Dimple'z
Si Beatize Asun 27, ay isang Fashion designer but nerd girl, hindi ito marunog mag ayos ng sarili or mag make up. Pero may katangian si Bea na wala sa iba. Bea is a sassy girl or bubbly girl, kaya niyang pasayahin ang ibang tao kahit ang sarili hindi niya mapasaya. Si Lucas Mitra 28, ay isang multi-millionaire na lalake sa bansa, gwapo ito na halos lahat ng katangian ay nasa kaniya na. Ngunit dahil sa kagustuhan ng pamilya nila na maisalba ang negosiyo ng pamilya ni Bea ay naisipan nilang ikasal silang dalawa to merge their company. Sa tingin ni Lucas ay ginagamit lang siya ng pamilya ni Bea, akala niya pera lang ang habol nito sa kanila kaya napag isipan niyang, magkaruon sila rules that if they are inside yhe house aasta silang kasal pero pag sa labas aasta silang binata at dalaga.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Stand With My Boyfriend's Twin

One Night Stand With My Boyfriend's Twin

Si Amari ay isang simpleng babae na ipinanganak na independent. Simple lang ang buhay niya, kahit hindi siya kasing yaman o ganda ng ibang babae, kontento na siya sa kung anong meron siya at hindi na naghangad na umangat pa. Ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang nakababatang kapatid na may Down syndrome, at ang matustosan ang pangangailangan nito. Sa edad kasi na 15, mulat na siya sa reyalidad. Mula nang iwan sila ng kanilang ina matapos mamatay ang kanilang ama para sa ibang lalaki, ay siya na ang tumayong ina at ama ng kanyang kapatid. Ngunit nagbago ang lahat nang sa araw na balak niyang ibigay ang kanyang sarili sa kanyang nobyo (si Harper), aksidente siyang pumasok sa maling kwarto. At sa kamalas-malasan, sa dami ng mga lalaking maaari niyang mapagbigyan ng kanyang pagkababae, ang kambal pa ng kanyang nobyo, si Hudson, na kinaiinisan niya ito naibigay. Si Hudson na isang arrogante, mayabang, at masama ang ugali, na walang ibang ginawa kundi laitin, kutyain, at sirain ang kanyang araw.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
REVENGE OF THE GOOD WIFE (FILIPINO)

REVENGE OF THE GOOD WIFE (FILIPINO)

WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY MATURE/EXPLICIT CONTENT Si Alvin ay bahagi ng isang mapait subalit matamis na nakaraan ni Patricia na pinilit niyang takasan. Ito ay matapos ang maraming ulit niyang nagawang ipagkaloob ang sarili sa lalaki. Para siyang gamu-gamo na naakit sa kagandahan apoy at paghahangad na palaging ipinadarama sa kaniya ng binata, sa kabila iyon ng katotohanang alam niyang pwede siyang mapaso, at ganoon nga ang nangyari. Pero sa hindi inaasahan pagkakataon ay muling nagtagpo ang landas nila kung saan kinailangan niyang sumailalim sa mismong pamamahala nito. Si Alvin bilang kaniyang amo at siya bilang sekretarya ng binata. At sa pagkakataong ito, hindi niya maunawaan kung bakit palagi ay nakikita niya ang galit sa mga mata nito tuwing tititigan niya. Pero kailangan niya ng trabaho, kailangan niya ng pera dahil kailangan niyang bawiin ang anak niya, at sa tulong ni Caleb, alam niyang magagawa niyang paghigantihan ang pamilya ni Robert, ang asawa niya na umapi sa kaniya. At hindi iyon pwedeng malaman ni Alvin.
Romance
109.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Kahit Ayaw Mo Na

Kahit Ayaw Mo Na

“Ayokong makiusap sa ‘yo na mahalin mo uli ako, kahit hindi na ay ayos lang. Mamahalin pa rin kita kahit ayaw mo na.” Walang pag-aalinlangang hiniwalayan ni Lilah Daza ang kanyang dalawang taon nang kasintahan na si Alester Hernandez dahil sa pag-aakalang hindi niya ito mahal. Pakiramdam din kasi niya ay pinapaasa lang niya ito sa wala. Pero isang araw, aksidente niyang nakita si Alester na may kasamang ibang babae. Sa kanyang tingin ay nagkakamabutihan na ang mga ito. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit siya nasasaktan gayong wala naman na silang ugnayan pa ng lalaki. Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang tunay na nararamdaman—na mahal niya si Alester at nagsisisi siya kung bakit pinakawalan niya ito nang gano’n-gano’n lang. Ano ang gagawin niya para maibalik sa kanyang piling ang lalaking minsan niyang nasaktan nang sobra? Meron pa nga bang pagkakataon na maiparamdam niya kay Alester ang kanyang tunay na nararamdaman para dito? O mananatili na lang itong masakit na aalala na habang-buhay niyang pagsisisihan?
Romance
1040.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ava's Playful Boss

Ava's Playful Boss

itsloveren
Ang pagkakaalam ko ay Personal Assistant ang magiging trabaho ko sa boss na si Ethan Dela Torre. Pero bakit nga ba pati ang pagsisinungaling sa mga babae nito ay kasama na sa kailangan kong gawin? Minus points na ako sa langit kaya siguro pati sarili kong lovelife ay napabayaan ko na. May babae kayang makakapagpatino sa lalaking walang ginawa kung hindi ang maglaro sa pag-ibig?
Romance
106.1K viewsOngoing
Read
Add to library
* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

Ang walang-hanggang pagmamahal ni Elizabeth sa kanyang yumaong ina ang nagtulak sa kanya na gumawa ng mga bagay na tanging isang desperado lamang ang nakakaunawa. Upang iligtas ang kumpanya ng kanyang ina, pumayag siyang pakasalan ang isang lalaki na dalawang beses sa kanyang edad. Walang paraan na makakatakas siya sa kahabag-habag na katotohanan, ngunit sa araw ng kasal, napangasawa niya ang maling nobyo na naging pinakamayamang tao sa bansa. Para siyang binigyan ng Langit ng isa pang pagkakataon at hindi niya hahayaang mawala ang pagkakataon. Gayunpaman, kaya ba niya ang tensyon sa tuwing malapit sa kanya ang pekeng asawa? Paano kung mahulog siya sa kanya? Mahuhuli ba siya? O mahuhulog siya sa mas kumplikadong sitwasyon? *** Ang pangarap ng bawat lalaki ay pagmasdan ang kanilang nobya na naglalakad sa pasilyo patungo sa kanila, gayunpaman, ang magandang panaginip ay naging isang bangungot nang makakita si Tyrone ng ibang babae sa ilalim ng belo. Tumakas ang kanyang nobya at napilitan siyang magpakasal sa isang estranghera. Para maging mas kumplikado ang lahat, kaka-appoint lang niya bilang President ng kumpanya at kailangan niyang mapanatili ang magandang reputasyon. Ang pagpapanatili sa kanyang pekeng nobya sa kanyang tabi ang tanging pagpipilian na natitira sa kanya. Gayunpaman, paano niya haharapin ang kanyang pagpipigil sa sarili kung ang babaeng napagkamalan niyang pinakasalan ay isang ganap na diyosa ng tukso?
Romance
109.4K viewsCompleted
Read
Add to library
MY SECRETARY HATES ME?

MY SECRETARY HATES ME?

Ilang beses na naghanap ng trabaho si Gianna para kumita at nakahanap naman ito ng trabaho sa isa sa pinakamalaking kompanya ng inumin sa Pilipinas. Pero sa hindi nya inaasahang pagkakataon magiging boss pala nya ang taong kina-iinisan nya ng gusto at ito ay si Francis Locan the CEO and President of one of the most famous Wine Company in the Philippines, The Golden Scenery. Cold ito at ayaw sa mga taong pera lang ang habol sa kanya. Pero sa kabila ng malalamig nitong mga mata ay nakakubli ang secretong tinatago nya ng mahabang panahon. Meron itong karamdaman na tinatawag na monochromacy disorder , kaya't hindi ito nakakakita ng mga kulay at malabo rin ang paningin nito kumpara sa normal na tao. Ngunit nang makilala nya si Gianna hindi nya maipapaliwanag kung bakit nakikita nya ang kulay ng dalaga. Kaya gumawa ito ng paraan para gamitin si Gianna para tuluyan na itong gumaling. Pero habang tumatagal ay nagiging totoo na ang nararamdaman nya sa dalaga kahit na ilang beses man nya itong balewalain. Ayaw nya mang tanggapin pero sya narin mismo ang nahulog sa sarili nyang patibong. At paano kaya kapag bumalik ang unang babaeng inibig nito sino nga ba ang mas mahalaga sa puso nya? Ang babae bang una nyang minahal o ang babaeng handang mahalin sya kahit anong oras at pagkakataon? Paano kaya kapag nalaman ni Gianna na planado ang lahat ng ipinaparamdam sa kanya ng lalakeng natutunan na nyang mahalin? Mapapatawad nya pa kaya ito o pipiliing umalis dahil sa nasaktan nyang puso?
Romance
1013.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss

Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss

Si Hestia Angela Gonzaga, isang sikat na pop idol, ay may madilim na sekreto: isa siyang assassin na sinanay ng Phantom Syndicate. Matapos masaksihan ang brutal na pagpatay sa kanyang pamilya noong bata siya, isinumpa niyang maghiganti sa mga mafia na sumira sa kanyang buhay. Ngayon, bilang CEO ng sarili niyang entertainment agency, ginamit niya ang kasikatan upang mapalapit sa kanyang target: si Demetrius Skye Van Heuffman. Si Demetrius, isang malamig at walang awa at makapangyarihang German-Filipino na mafia boss, ay bumalik sa Pilipinas bilang CEO ng isang multi-bilyong kompanya. Sa muling pagtatagpo nila, sinimulan ni Hestia ang kanyang plano—nagpanggap siyang kasintahan nito upang makalapit, makakuha ng impormasyon, at pabagsakin. Ngunit habang lumilipas ang panahon, hindi niya maiwasang mahulog sa lalaking dati niyang kinamumuhian. Ngayon, nahaharap si Hestia sa matinding laban: itutuloy ba niya ang kanyang misyon ng paghihiganti, o susundin ang puso at isusugal ang lahat para sa isang pag-ibig na maaaring magwasak sa kanya?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nang dahil sa isang kasunduan, nagawang sumang-ayon ng dalagang si Marlita sa isang planong inaalok ng kaniyang nakababatang kaibigan. Kapalit ng perang pampagamot sa kaniyang lolang may kidney failure, kailangang paibigin at akitin ni Marlita ang masungit na bilyonaryong si Grayson Ryker. Ang unang hakbang sa kanilang plano ay liligawan niya at aakitin si Grayson. Kapag napa-ibig na niya ito, saka niya ito iiwan—kagaya ng napag-usapang plano. Subalit, ang pagsang-ayon ni Marlita sa planong panliligaw kay Grayson ay may kapalit—isang gabing iaalay niya ang kaniyang sarili upang sumang-ayon si Grayson sa nais niyang panliligaw. Makakaya kaya ni Marlita na tanggapin ang alok na ito para maisakatuparan ang kaniyang balak? O baka sa gagawing hakbang ng dalaga, dadalhin niya ang magiging bunga ng kanilang pagtatalik? Makabubuo kaya ng pag-ibig sa likod ng masamang balak ni Marlita? O baka huli na upang ito ay mapagtanto—dahil ang lalaking nililigawan niya pala ay may asawa na?
Romance
10343 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status