Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)

ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)

NAGING mahirap ang buhay para kay Sunshine simula nang yumao ang ama at magkasakit naman ang ina. Mabuti na lamang at nagawa niyang pag-aralin ang sarili hanggang sa matapos niya ang kolehiyo. Naka-graduate man, hindi na siya nag-inarte sa kung ano ang trabahong pwede niyang pasukan. As long as her job can provide her mother's maintenance, go lang. Besides, nag-e-enjoy naman siya kahit pa minsan ang gabi ginagawa niyang araw. Papasok siya bilang waitress mula tanghali hanggang gabi at fire dancer naman hanggang hatinggabi. Nakakapagod, pero kailangan– para sa kaniyang Mamang. Maayos naman sana ang lahat, not until this summer. Not until she met Norman Luther. Ang arogante sa lahat ng aroganteng nakasalamuha niyang bakasyunista ng Palacio Grande Resort, na pinsan ng kaniyang Boss Lowelle at isa sa may pinakamalaking share sa resort na iyon. Hindi maintindihan ni Sunshine kung ano ang kasalanang nagawa niya sa lalaki at trip na trip siya ng lalaki. Na sa sobrang pan-ti-trip nito, ipinatanggal pa talaga siya sa trabahong matagal niyang iningatan dahil lang hindi niya tinanggap ang alok nito. Alok na nagpababa sa kaniyang dignidad at pagkatao. Mahuhulog kaya si Sunshine sa bitag ng binatang gumulo sa nananahimik niyang buhay, gayong ginagamit na ni Norman ang 'impluwensiya' makuha lang ang dalaga?
Romance
1010.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Secretly Dating My Trillionaire Boss (R18+)

Secretly Dating My Trillionaire Boss (R18+)

Gumuho ang isa sa mga pangarap ni Naneng Araneta ang magkaroon ng magandang relasyon nang harap-harapan niyang nasaksihan ang panloloko ng kanyang nobyong si Raze Almirante at ang kanyang matalik na kaibigan na si Sheena Lopez—isang gabi sa mismong condo ng nobyo. Matapos ang tatlong-taon na panloloko ng nobyo sa kanya, napagdesisyonan ni Naneng hiwalayan ito't magsimula ng panibagong pangarap—para sa kanyang sarili, at maging sa mga kapatid na rin. Ang pangarap na muntik na sanang maabot, ay nauwi sa isang mabigat sa loob na desisyon. Ngunit, bagaman, nawala man iyon ay alam niyang may panibagong darating—iyon ay ang magkaroon ng panibagong trabaho sa isang malaking kompanya ng Exhibition Space kung saan dito niya ulit makikita si Kid Gabriel Alcantara—ang pinsan ng dating amo nito. Isang gabi sa isang malaking event ng Exhibition Space—hindi inaasahan ni Naneng na ang patikim-tikim lang sana ng alak ay nauwi sa pagkalasing nito. Nang kinabukasan, nagtaka—nagtanong sa sarili kung paano siya napunta sa isang hindi pamilyar na lugar. Saka niya lang naalala ang lahat nang makita si Kid na nakatayo sa paanan ng kama. Dahil sa takot at reputasyon niya bilang babae—nakiusap siya kay Kid na itago na ang lang lahat na nangyari sa kanila. Bagaman, pumayag si Kid nang magkaroon ng isang kondisyon; iyon ay ang maging tagapagbigay ng aliw sa kanya tuwing nangangailang ang katawan nito. Mabigat sa kalooban ni Naneng ang kasunduan na iyon. Ngunit, kinakailangan niyang sumang-ayon dahil kilala niya ang binatang iyon; may pangalan sa kumunidad. Isang Alcantara na magiging bangungot sa kanyang kinabukasan at hindi niya matatakasan; nagtapos sa pagtanggap ng alok.
Romance
1023.5K viewsOngoing
Read
Add to library
ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

"Let's file an annulment, Isla..." Ibinigay ni Isla Ferrer ang lahat-lahat sa pinakamamahal niyang asawa na si George Madrigal. Mula sa pagmamahal, oras, atensyon at salapi. Subalit imbes na suklian ng kaakibat na pagmamahal, isang pagtataksil ang ginawa ng kanyang asawa at balak pang pakasalan ang kabit nito, dahilan kung bakit tuluyang nawasak ang puso ni Isla. Dahil sa sakit na ipinaramdam ni George sa kanya, ipinapangako ni Isla sa sarili niya na gaganti siya sa mga taong nanakit sa kanya. Kahit pa pabagsakin ang sarili niyang asawa na minsan na niyang minahal at sinamba. At sa kanyang pagbangon, mapagtatagumpayan kaya ni Isla ang balak niyang paghihiganti? O muli lang na manunumbalik ang dati niyang pagmamahal sa lalaki. Hanggang saan dadalhin si Isla ng galit na bumabalot sa kanyang puso? Magawa kaya niyang pabagsakin ang negosyo at ang pamilya Madrigal? Kayanin kaya niyang paghigantihan ang pamilyang naging ikalawa niyang tahanan?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire Marry Me For A Bet

Billionaire Marry Me For A Bet

Nagsimula ang lahat sa isang taya, isang pustahan na ginawa ni Stanford Guzman sa kanyang dating kasintahan, isang pustahan na nagpapahintulot kay Veronica Montenegro na pakasalan ang kanyang lihim na pag-ibig. Naisip ni Stanford na palagi siyang mananalo ngunit hindi inaasahan, na ang pagkawala ni Veronica ang magiging pinakamalaking pagsisisi niya. Nakahiga pa rin ako sa kama, hubo't hubad, na may mga marka sa buong katawan ko, nang binitawan niya ang malamig na mga salitang iyon, "Melissa Johnson is back. I want a divorce." Nagulat ako kung gaano siya ka-callus. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Makakalimutan ba niya si Melissa at ipagpapatuloy ang kasal na ito kung sasabihin ko sa kanya? "Malinaw na nakasaad sa kontrata na maaari nating tapusin ang kasal na ito kung hindi tayo magmamahalan sa isa't isa sa loob ng isang taon. Hindi kita mahal, Veronica. You failed to win my heart." Walang emosyon niyang sinabi ang mga salitang iyon, nakatingin sa mga mata ko. Naiintindihan ko na hinding-hindi ko mapapalitan si Melissa sa puso niya, kaya nagpasiya akong ilihim sa kanya ang pagbubuntis ko. "Maghiwalay na tayo," sabi ko Naisip ni Veronica na mabubuhay siya nang masaya kasama ang kanyang sanggol na malayo kay Stanford at sa kanyang malamig at walang pusong mundo. Ngunit gumawa na ng ibang plano ang tadhana para sa kanya. Sa huli ay tumawid siya sa kanyang landas. "Naglakas-loob kang itago sa akin ang anak ko. Ngayon humanda ka sa mga kahihinatnan." Nang muling lumitaw si Stanford sa buhay ni Veronica, naging buhawi ng kaguluhan ang lahat. Paano niya ilalayo ang kanyang sarili at ang kanyang anak sa kanya? Maililigtas kaya niya ang sarili na hindi na muling masaktan?
Romance
211.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Slowly Close Your Eyes

Slowly Close Your Eyes

Achimbyeol
Having a bad mental health is really suck. Bianca is suffering depression for almost half of the year, she's an architect but she stopped because of her bad mental health. Sa loob nng kalahating taon ay pinipilit niya ang sarili niyang mabuhay para sa mga taong nakapaligid sa kaniya. One nightmuli niyang sinubukan na tapusin ang buhay niya, sinubukan niyang tumalon sa isang mataas na lugar habang duguan ang kaniyang pulsuhan at sa amba niyang pag talong ay agd siyang nahinto nang may kamay na humawak sa kabila niyang kamay. "I always see you in this place and I always notice that your eyes are always swollen"Ani ng binata at inalalayan si Bianca na bumaba. "This is you before right? Why don't you try to be like this again?"Ani niya. Ipinakita ng binata ng masayang mukha ng dalaga noong nakaraang taon lang. "Slowly Close Your Eyes, and hold my hand"
Romance
2.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

Pinagtaksilan si Psalm ng asawang si Darvis. Sa araw ng wedding anniversary nila, sa halip na umuwi upang i-celebrate iyon kasama siya ay mas pinili ng lalaki na samahan ang kapatid niyang si Pearl na tatlong buwan nang buntis. Nagdesisyon si Psalm na umalis at hiningi ang tulong ng isang kaibigan upang magsagawa ng pekeng aksidente para sa kaniya. Pero bago lumisan, sisirain muna niya ang buhay ng asawa at ng kabit nito, bilang kabayaran sa lahat ng pasakit. Maghihiganti siya. Ngunit bago ang araw ng kaniyang pekeng kamatayan ay nakilala niya si Ymir Janus Venatici, isang lalaking hawak sa kaniyang palad ang buong bansa. Nag-alok ito ng tulong pero puso niya ang hinihingi nitong kapalit. Magagawa ba niyang ibigay ang sarili sa lalaki kung takot na siyang magmahal muli?
Romance
1093.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ex-convict Billionaire's Twins

The Ex-convict Billionaire's Twins

Black_Jaypei
Eilton Zaimon Davidson inmate for one year. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na makukuha niya ang hustisya sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang at hindi babae ang magiging hadlang sa kaniyang paghihiganti. Hinding-hindi siya magpapatali sa isang babae ngunit nabali ang kaniyang pangako sa sarili ng makilala niya si Katriona Czara Almeda. The girl who awakened the beast between his legs. Pero matigas siya at hindi basta-basta papayag na maapektuhan ng pagnanasa niya sa dalaga ang paghihiganti niya. He hate desperate woman and asking for marriage but when his grandfather suffered a heart attack, he has no choice but to succumb to his grandfather's wish. And that is to marry Katriona Czara Almeda and he did. One night Katriona caught his husband cheating on her with his prostitute ex-girlfriend that's make her left him without saying she's pregnant. Tuluyan na kayang napalitan ng galit ang pagmamahal ni Katriona sa asawa?
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Boss and His Secretary

The Boss and His Secretary

Lumaking hirap sa buhay ang 24 years old na si Trisha Julianna Brenzuela mula nang iwan sila ng kaniyang ina matapos mamatay ang kaniyang ama. Hindi natapos ang kaniyang pagdurusa matapos naman siyang hiwalayan at ipagpalit ng fiancé niya sa kaniyang kaibigan. Sa kadahilanan ng dagok ng buhay nang mawalan siya ng trabaho at magkasakit ang kaniyang kapatid. Ginawa niya ang lahat kahit na maging isang bayaran sa loob ng isang gabi upang makalikom lamang ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kapatid niyang may autism. Sa hindi inaasahan, ang childhood enemy niyang si William na kasalukuyang CEO ng Aveedra Electronics Company, ang lalaking naka-one night stand niya at magiging boss rin niya sa trabaho. Ang siyang magiging contract husband niya nang palihim sa loob nang ilang buwan. Ngunit, nang nahulog na ang loob nila sa isa't isa, eksakto namang dumating ang fiancée nito na itinalaga ng pamilya Cervantes at Smith para sa nakaplanong arrange marriage ng dalawa ilang taon na ang nakalilipas. Paano pa maipaglalaban ng dalawa ang kanilang lihim na relasyon mula sa mga magulang ng dalawang kilalang makapangyarihang pamilya? Matapos mabigo ng mga masasamang tauhan ng pamilya Smith mula sa pagtatangka. Magbabalik si Trisha para ipakilala ang kaniyang sarili sa bagong katauhan bilang isang tunay na anak ng kilala at mayamang pamilya Del Fuego.
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Destined to be the Billionaire's Wife

Destined to be the Billionaire's Wife

Pilit na ipapakasal si Ayesha ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi naman nya kilala upang matulungan na makaahon ang kanilang kumpanya. Dahil sa inis ni Ayesha ay nagpunta sya sa isang bar kung saan may naka one night stand sya. Hindi nya inaasahan na magbubunga pala ang pakikipag one night stand nya sa isang lalake dahil sa kanyang kalasingan. Nang malaman ng mga magulang ni Ayesha na nagdadalang tao sya ay hindi na pinatuloy ng mga ito ang kasal pinaalis siya ng kanyang mga magulang sa syudad at pinatira sa isang probinsya hanggang sa ito ay manganak. Lilipas ang ilang taon at magbabalik si Ayesha sa syudad at kinailangan nyang maghanap buhay para sa kanila ng anak nya dahil wala na syang ibang aasahan pa ngayon kundi ang sarili na lamang nya. Sa pagbabalik nya sa syudad, hahanapin pa ba nya ang lalaking naka one night stand nya? Makikilala pa kaya nya ang lalakeng nakasama nya noong gabi na yun gayong lasing sya ng mga panahon na yun?
Romance
9.752.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Exchanged Heart

Exchanged Heart

Long-time boyfriend ng actress na si Hannah Lindsey ang male actor na si Froilan Dantes. Pero katulad nang ibang mag karelasyon, dumaan din sila sa isang mabigat na pag subok na humantong na sa hiwalayan. Nahuli ni Hannah Lindsey ang nobyo sa kuwarto nito na may kasamang ibang babae na walang iba kundi si Maricar Asuncio - Isang sikat actress at may long time boyfriend na non-showbiz na nag ngangalang Duwayne Fuentez. Ngunit sadyang mapag laro ang tadhana. Natagpuan na lamang ni Hannah ang kanyang sarili na kasama ang lalaking mainit ang dugo sa kanya, si Duwayne Fuentez. Mapigilan pa kaya ni Hannah ang namumuong pag-ibig niya para kay Duwayne? Paano kung siya lang ang nagmamahal? At ang binata ay gustong gumanti lamang?
9.920.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status