Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marrying My Ex's Billionaire Uncle

Marrying My Ex's Billionaire Uncle

Isang kasal na nagsimula sa isang kasunduan… pero paano kung ang puso ay hindi marunong sumunod sa kontrata? *** Nang matuklasan ni Belle ang pagtataksil ng kanyang kasintahan, hindi niya inasahang ang lalaking mag-aalok ng kasal sa kanya ay walang iba kung 'di ang misteryosong billionaire na tiyuhin nito—Damian Villareal. Isang pormal na kasunduan, isang papel na kasal—iyon lang dapat ang namamagitan sa kanila. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagkakaroon ng kahulugan ang kanilang pagsasama. Sa likod ng malamig na maskara ni Damian, natuklasan ni Belle ang lalaking may malalim na sugat sa puso. Sa kabila ng kanyang sariling pangamba, hindi niya napigilang mahulog sa isang lalaking hindi naman dapat mahalin. Ngunit paano kung ang nararamdaman nila ay hindi na kayang itago ng kahit anong pirma sa papel? Sa larong ito ng kapalaran, sino ang tunay na panalo—ang puso o ang kontrata?
Romance
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Entangled Hearts

Entangled Hearts

In the late and wild night, Samantha and Jace found theirselves sharing the heat thinking that it would just be a one night stand. Pero hindi inaasahang nakita muli nila ang isa't-isa sa probinsya ng Masvedo kung saan kilala ang kanilang mga pamilya na mortal na magkaaway. Shane tried to avoid Jace but the tension between them could not let that happen. They found theirselves craving each other's heat and comfort despite of their family rivalry. But as they both fell in love the secrets about their lives slowly revealed. Ano ang gagawin nila kung may mas malalim pang dahilan para hindi sila magkatuluyan bukod sa pagkakalaban ng kanilang mga pamilya? Ano ang gagawin nila upang parehong takasan ang katotohanan na posibleng sa mata ng tao at sa mata ng diyos ay mali ang namamagitan sa kanila? Will they be strong enough to seek and face for the truth? Will they fight together for their entangled hearts?
Romance
1019.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Wished One, But Got Five

Wished One, But Got Five

Si Rica ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na dalaga sa kanyang pamilya hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa kanyang buhay na nagdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkasira. Si Sage, ang kanyang kasintahan, ay tumulong sa kanya na mailigtas ang kanyang sarili at inalok siya ng pansamantalang tirahan sa condo unit nito kasama ang apat na lalaking kaibigan na sila Zian, Wenhan, Ran, at Yruma. Naganap ang pag-iibigan sa loob ng condo unit kung saan sila nakatira. Pagkatapos, isang hindi inaasahang lalaki ang pumasok sa kanyang buhay. Ang isang lalaki ay mag-aalaga sa kanya habang siya ay nasa gitna ng kaguluhan at problema, at ang isa namang lalaki ay bigla na lang lilitaw upang tulungan siyang maiangat ang kanyang sarili. Magkakaroon sila ng malalim na epekto sa kanyang puso, at bibigyan siya ng pag-aaruga at pagmamahal na magpaparamdam sa kanya ng kaligtasan at proteksiyon. Si Rica ay humiling lamang noon ng isang tunay na pag-ibig, ngunit bakit siya ay nagsimulang umibig sa limang lalaki na mas nagbigay ng kalinga at importansiya sa kanya kaysa kay Sage ukol sa tuntunin ng kahalagahan, pagmamahal, at seguridad?
Romance
1010.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko, ngunit hindi p'wede.... Hindi p'wede dahil..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap ko! "Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak. Anak na handa kang magsakripisyo maibigay lang ang nararapat para sakanya! Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron! Ngunit wag lang ang anak ko...ibang usapan 'yon! Dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan nyo." -Dina Sedest Sa isang relasyon, may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila? Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa? Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..
Romance
9.97.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Unforgotten Love

The Billionaire's Unforgotten Love

"Akin ka na lang ulit, please... ako na lang ulit..." Hindi lubos akalain ni Sloane na masisira ang tiwala niya sa kaniyang best friend at nobyo matapos itong mahuling nagtatalik. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang bar kung saan niya nakilala si Saint, ang sikat na CEO na nagmamay-ari ng isang multibillion company sa tatlong magkakaibang bansa, at hindi inaasahang makaka-one-night stand ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mas malala pa ay nakita niya itong may suot na singsing kaya naisipan niya itong takasan, walang kaalam-alam na ipapahanap na pala siya ng lalaki. Sa muli nilang pagkikita at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sloane, may mabubuo pa kayang mas malalim sa kanila sa pagtira nila sa iisang bubong o patuloy pa rin silang babalikan ng mga tiwala na nasira mula sa mga taong hindi nila inaasahan? Paano kung ang taong hinahanap nila ay ang isa't isa?
Romance
10119.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Wife Is My Father's Mistress

My Wife Is My Father's Mistress

Si Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito ng isang wagas na pagmamahal? Si Lauro, nagmahal kahit pamilyado. Gustong balikan ang babaeng sa kanya'y bumuo. Pero paano kung may iniibig na itong bago? Matatanggap niya kaya kung ito ay anak niya mismo? Lahat sila ay pag-uugnayin ng isang kasal. Ngunit may mas malalim pa palang ugnayan ang unti-unting mabububungkal. Sanga-sangang pag-ibig. Sanga-sangang problema. Anong magiging bukas nila? Kaya ba nilang magpaubaya at magmahal nang buo, kung nababalot sila ng misteryo at sikreto? Sino ang magtatamo ng kaligayahan? Sino ang malulugmok sa kalungkutan? Mapapalaya kaya sila ng isang wagas na pagmamahalan?
Romance
106.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
Romance
97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Sexiest Secretary (SMS#4)

The Sexiest Secretary (SMS#4)

MDD
Warning: Romance, SPG Attracted na si Black Andrada sa bagong secretary ng kaibigan na si Karen Moore. Ito lang ang babaeng ginusto niya na ang hirap angkinin kaya naman mas lalo siyang na challenge kaya ginawa niya ang lahat hanggang sa bumigay ito sa kanya. Ang naramdaman niyang pagkagusto sa babae dahil maganda at sexy ito ay naging mas malalim pa ng makilala niya ito ng lubos. Hindi niya inaasahan na sa tanang buhay niya ay maranasan niyang magmahal, makuntento at rumespeto at si Karen lang ang taong nagpabago sa kanya. Pero totoo nga ang salitang KARMA, dahil sa lahat ng ginagawa niyang pangloloko ay bumalik sa kanya ng iwan siya ng babaeng pinakamamahal niya. At dahil sa nangyari na hindi matanggap ni Black ay umabot sa puntong nadisgrasya siya at hiniling na sana mawala na lang siya kung hindi rin naman babalik sa kanya ang dalaga. Babalik pa kaya si Karen pag nalaman niya ang nangyari sa kanyang kasintahan? At ano nga ba ang naging dahilan ni Karen para ganon kadaling iwan ang kasintahan. Subaybayan ang pag-iibigan nina Black at Karen at hanggang saan matatapos ang kanilang relasyon.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
768 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1112131415
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status