Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10712 viewsOngoing
Read
Add to library
THE WIDOWER'S FIRST LOVE

THE WIDOWER'S FIRST LOVE

Bb.Taklesa
Sa edad na 35 ay nabiyudo na si Ambrose at naiwan sa kanyang pangangalaga ang limang taong gulang na lalaki at bagong silang na kambal na babae. Mag-isa niyang pinasan ang responsibilidad na palakihin sila. Pagkalipas ng limang taon, lalo niyang nakita ang pangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sinubukan niyang lihim na makipag-date ngunit walang tumanggap sa kanyang tatlong anak. Hindi nila kayang panindigan ang pagiging instant mommy para sa kanila. Hinanap ng kanyang mga anak sa kung kani-kaninong babae ang pagkukulang na iyon. Hanggang sa malaman niyang nakikipagkita sa isang may edad na babae si Ambrox na halos kamukha ng kanyang ina. Muli niyang nakita si Rose Anne. Nagbalik ang sakit ng nakaraan dulot ng panlilinlang na ginawa ni Roxanne. Hanggang isang gabi, hila-hila ng kambal ang babae papasok ng kanilang gate. "Daddy, I got you a wife. Meet our Mommy!” Kinindatan pa ng mga bata ang kanilang ama. At nagbago ang lahat sa pagdating ni Rose Anne sa kanilang buhay. Magkaroon kaya ng puwang ang pagpapatawad sa pagitan ni Rose Anne at Ambrose? Maging maligaya kaya sila sa pagkakataon ito upang ituloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan o maghihiwalay na silang tuluyan sa piling ng kani-kanilang bagong minamahal?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Take you out (BL - Taglish)

Take you out (BL - Taglish)

Si Vance Haidezo, isang friendly, hard working and charismatic Journalist. Naatasan siya para sa isang private project ng TV Station na pinapasukan niya. He will make a documentary film for the daily life of a billionaire heir. Hindi niya inaasahan na ang tinutukoy na tagapagmana ay si Steven Kiazxon. Si Steven Kiazxon na heartthrob, bad boy ay boyfriend niya Vance noong nasa college sila na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya. Vance waited him after Steven promised to come back but suddenly disappeared three years ago. Now that they meet again. Akala ni Vance tapos na ang paghihintay niya pero hindi pala dahil hindi na siya kilala ni Steven na nagka-amnesia. Ano ang dapat gawin ni Vance para maalala siya ng nobyo? Paano niya gagawin 'yon kung nakalimutan na din ni Steven ang tunay nitong pagkatao? Na ang kaya din nitong ibigin at pangarapin ay isang lalakeng kagaya niya... "Steven, kung hindi ako maalala ng isip mo, ipapaalala ko 'yon sa puso mo. Ramdam kong alam mong mahalaga ako sayo kaya maghihintay ako hanggang sa maalala mo ako. Nababasa ko sa mga mata mong mahal mo pa rin ako kaya hindi ako susuko." - Vance. Anong misteryo ang matutuklasan ni Vance sa pangyayari tatlong taon na ang nakakaraan na dahilan ng pagkawala ng alaala ni Steven?
LGBTQ+
109.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Woman of Heisen

The Woman of Heisen

Carmela Beaufort
Tatlong taon na ang nakararaan, may nangyari sa pagitan nina Tahira at ang kilalang most wanted na illegal firearm dealer na si Heisen Lindbergh. That night was obviously a mistake on her part, ang planong sanang pagkalap niya ng impormasyon tungkol sa lalaki ay nauwi sa isang one night stand. Ang masaklap, hindi niya alam na nagbunga ang gabing 'yon, saka na lamang niyang nalaman na buntis siya nang lumabas 'yon sa monthly check-up niya sa army. Bukod pa roon, mukhang nasa panganib din ang buhay niya dahil umabot sa kanya ang balitang pinaghahanap siya ng mga 'di kilalang tao. Sa huli ay nagpasya siyang magtago-tago sa takot din na madamay ang kanyang anak. Subalit hindi 'yon naging sapat nang malaman ng mga ito ang lokasyon niya. Sa pangamba na mawala sa kanya ang nag-iisa na lamang na pamilyang mayroon siya, ang kanyang anak na si Abegail. At sa hindi sinasadyang pagtatagpo muli ng landas nila ng ama ng anak na si Heisen, kinailangan niya tuloy ang tulong nito. Nagpanggap siyang lalaki at nag-apply na bodyguard nito. Isa sa benipisyo kapag nagtrabaho sa pamilya Lindbergh ay ang pangako ng mga itong proteksyon sa pamilya ng mga tauhan. Ngunit sa pananatili niya sa tabi ni Heisen may kakaiba siyang natuklasan sa ama ng kanyang anak...
Romance
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
One Year Contract with Mafia |SPG|

One Year Contract with Mafia |SPG|

Because of her father’s debt, napilitan si Zia pumayag sa kagustuhan ng pinagkakautangan ng kanyang ama na maging alipin nito sa loob ng isang taon kaya lang ay hindi nito nilinaw kung anong klaseng alipin at iyon pala ay ang pagiging alipin nito sa kama. Wala na siyang nagawa pa kundi ang tiisin na lang ang lahat lalo na at isang taon lang naman ang kasunduan nila at bukod pa doon ay kapalit ng pagtitiis niya doon ay ang pagkakaligtas naman ng buhay ng kanyang ama. One year, just one year. Kahit na ang araw araw ay tila bangungot sa buhay niya. Ngunit habang lumilipas ang mga araw ay unti-unting nagbago ang pakikitungo ni Astre sa kaniya, unti-unti itong naging malambot at mas naging maingat sa kaniya hanggang sa tuluyan na itong nagtapat na nahuhulog na ito sa kaniya. Nagulat siya noong una dahil maging siya, sa kabila ng pagiging halimaw nito sa kama ay unti-unti na rin siyang nahuhulog dito. Ang akala niya ay magiging masaya sila pero doon pala magsisimula ang pagsubok sa relasyon nila dahil malalaman niya na si Astre pala ay asawa ng kaniyang Tita na ilang dekada ng nawawala. Maiwasan pa kaya nila ang isat-isa lalo na at malalim na ang nararamdaman nila para sa sa isat-isa? ...
Romance
10142 viewsOngoing
Read
Add to library
Drag me to Death

Drag me to Death

WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Mahigit 11 years na rin magkasama ang magkasintahang sina Lara Yves Cassidy at Lemuel Torres. Masaya ang pagsasama nila sa loob ng ilang taon so they decided to fix their marriage for eternity love. Sa araw ng kasal habang nag aayos ang bride na si Lara Yves may balitang dumating sa kanya na hindi niya inaasahan na naging dahilan nang pagkadismaya at pagkalungkot niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon hindi niya namalayan na nasa bingit na pala siya ng kamatayan at inaalalayan ng nag ngangalang Miguel Vinn, isang grim reaper. Habang nasa kanyang paglalakbay may sekretong mabubunyag na magiging sagot sa mga katanungan niya.
Mystery/Thriller
103.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My secret affair (A life and death contract)

My secret affair (A life and death contract)

Dahil sa kagipitan ay kumapit sa patalim si Sabrina upang maisalba ang buhay ng mga magulang. Tinanggap na ang kaniyang kapalaran at naniwalang wala na siyang karapatan maging masaya at magkaroon ng laya magmahal. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Xavier, ang mayabang na mayaman na magpapatibok ng kaniyang puso. Paano niyang ihahayag sa lalaki ang kaniyang tunay na nararamdaman kung isang madumi at bayarang babae lamang ang tingin nito sa kaniya? May pagkakataon pa kaya para sa isang Sabrina Pascual na makamit ang totoong kaligayahan? O maging sunud-sunuran sa ilalim ng madilim na kontratang magkukulong sa kaniya sa isang bangungot habang buhay.
Romance
375 viewsOngoing
Read
Add to library
My Son's Father Has Amnesia

My Son's Father Has Amnesia

Isang misteryosong lalaki at isang gabi ng pagkakamali. Nakatakdang ikasal si Katya sa kaibigan ng kanyang ama pero nasira ang lahat ng iyon dahil sa biglaang pagbubuntis niya. Afraid that they will kill her baby, Katya decided to leave and run away. Hindi naging madali ang buhay sa kanya pero kinaya niya para sa kanyang anak. Nang lumaki na ang anak ay nagpasya si Katya na bumalik na sa Manila. Ngunit sa pagbabalik niya ay hindi niya inaasahan na makikilala na niya sa wakas ang ama ng kanyang anak. Makikilala pa ba siya nito? Mamumukhaan pa ba nito ang anak kung may amnesia na pala ito at ikakasal na?
Romance
105.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Other Dimension

The Other Dimension

Tet Cruz
Sa kabila nang modernisasyon ng mundo ay tahimik na nabubuhay ang grupo ng mga engkantao sa Mt. Talumpit. Sila ang mga nilalang na naging bunga ng pagmamahalan ng mga engkanto at tao noong panahong bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop. Nakalimutan na sila ng mga tao at itunuring na isa na lamang kwentong-bayan. Si Seiri Santos ay anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Quezon City. Si Matuk ay itinuturing na susunod na pinuno ng mga engkantao. May forever ba kung sakaling bigyan nila ng chance ang isa't-isa? O isa lang itong kaso ng pinagtagpo ngunit di itinadhana?
Fantasy
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
BREAKING THY INNOCENT

BREAKING THY INNOCENT

Mahalia Athariena Villarica, isang dalaga na labingwalong taong gulang, ay namuhay ng payapa sa Mt. El Tigre. Maganda siya at naniniwala sa kabutihan ng mga tao, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang kaakit-akit na doktor na may lihim na mga iligal na gawain. Dr. Floriust Gaine Barquin, isang mapanganib, at guwapo, ay hindi madaling mahulog sa mga babae. Ngunit nang makilala niya si Mahalia, unang kita pa lamang niya dito, nakaramdam na agad siya ng kakaiba. Sa tawag ng pagnanasa... hinayaan niya ang kanyang sarili na sirain ang inosenteng pagkatao ng babae, at nangyari ito sa ibang paraan.
Romance
109.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status