My Dream Lover, Came Back As My Boss
Akala ni Sheena Del Fuente, ang pagpasok niya sa Sanchez Media Company ang simula ng kanyang pangarap.
Pero nagkamali siya.
Dahil ang lalaking makakaharap niya araw-araw—si Carlo Sanchez, isang gwapo at young billionaire—ay hindi ang prinsipe sa kanyang mga pantasya…
kundi ang bangungot niya.
Perfectionist. Suplado. Walang awa.
Sa bawat utos nito, sa bawat malamig na tingin ay unti-unting nadudurog ang tiwala at lakas ni Sheena.
Pero sa kabila ng lahat, may isang bagay siyang hindi maipaliwanag…
Bakit parang pamilyar ang bawat titig nito?
Bakit sa tuwing nakikita niya ito, may bahagi ng puso niyang tila matagal na itong kilala?
Habang pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman, mas lalo siyang nahuhulog, hindi sa lalaking pinangarap niya noon…
kundi sa lalaking dapat niyang iwasan ngayon.
Pero sa mundong puno ng lihim at nakaraan, may mga katotohanang kusang lalabas, at may mga pusong mapipilitang umamin.
Handa ba si Sheena na malaman ang totoo?
O mas pipiliin niyang manatili sa pagitan ng pangarap… at bangungot?