You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon
Ilang taon nang kasal si Adelaide Rufino sa nag-iisang tagapagmana ng Villareal Group. Sa mata ng lahat, isa siyang masuwerteng asawa. Pero sa loob ng bahay ng mga Villareal, isa lang siyang bisita na hindi kailanman tinanggap.
Ginawa niya ang lahat para mapabilang. Nagpakapagod, nagpakasakripisyo, at halos mawala ang sarili, basta lang may mapatunayan sa pamilya ng asawang si Felix Villareal.
Hanggang sa isang araw, gumuho ang mundo niya.
Nalaman niyang peke ang kasal nila.
Hindi siya ang tunay na Mrs. Villareal. Ang pangalan sa likod ng lahat ng papeles ay sa matalik niyang kaibigang si Angela. Mas masakit pa, alam ito ng mga magulang ni Felix mula pa sa simula. At ang dahilan kung bakit hindi siya kailanman tinanggap ay simple at malupit. Hindi siya makapagbigay ng tagapagmana.
Baog siya dahil sa isang aksidenteng nangyari habang inililigtas ang lalaking inakala niyang asawa.
Sa araw na iyon, nawala ang pagmamahal. Napalitan ito ng pagsisisi.
Pero hindi si Adelaide ang babaeng mananatiling nakaluhod sa sakit.
Sa halip na magmukmok, gumawa siya ng plano. Isang planong sisira sa mga taong nagnakaw ng tiwala, panahon, at buhay niya.
At ang unang hakbang ng kanyang paghihiganti ay ang pagtanggap niya ng kontrata bilang Mrs. Yuchengco.
Hindi para magmahal. Kundi para gumanti. Gagawin niya ang lahat, mapagbagsak lang ang mga ito, kahit pa ipagkuno niya ang sarili sa lalaking hindi naman niya kilala.