Owned by the billionaire heir ( series 3)
Owned by the Billionaire Chef
*Synopsis*
After a decade ng pagkakawatak-watak, unti-unting nagkakasundo ang pamilya sa likod ng **Velasquez Empire**. Akala nila sapat na ang panahon para ibaon ang nakaraan. Pero may mga katotohanang hindi namamatay — naghihintay lang ng tamang oras para bumalik.
Para makabuo ng bagong legacy, nagdesisyon si **Arden Velasquez** na ipasa ang buong empire sa panganay niyang anak.
Kay **Caspian Louis Velasquez** — ang Michelin-star chef na mas komportable sa init ng kusina kaysa sa lamig ng boardroom.
Pero ang pagtanggap sa responsibilidad ay nangangahulugang pagpili sa pagitan ng pangako at passion. Sa pagitan ng apelyido niya… at ng pangarap niya.
Sa gitna ng transition, makikilala niya si **Camille Vega** — isang calculated at fearless food critic na kayang magpatumba ng reputasyon gamit lang ang isang review. Matalim ang dila. Mas matalim ang isip.
Unang pagkikita pa lang, banggaan na.
Second meeting, mas personal na ang atake.
Hanggang sa ang simpleng professional rivalry ay naging mainit na tensyon na hindi nila ma-control.
Pero hindi lang basta critic si Camille.
May koneksyon siya sa madilim na bahagi ng nakaraan ng Velasquez family — isang lihim na kayang gumiba sa bagong pundasyon na pilit binubuo ng pamilya.
Kapag bumalik ang katotohanan, walang hindi masasaktan.
At ngayon, kailangang pumili ni Caspian:
Iligtas ang pamilyang nagbigay sa kanya ng pangalan?
O ipaglaban ang babaeng maaaring maging dahilan ng pagbagsak nito?
Dahil minsan, ang pinakamapanganib na kalaban ng isang legacy… ay ang pag-ibig na hindi mo kayang talikuran.