Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MAHALIN MO SANANG MULI

MAHALIN MO SANANG MULI

Galing sa marangyang pamilya si jasmine kaya lahat ng gustohin Niya ay lagi niyang nakukuha. bukod sa galing siya sa kilalang pamilya ay Maganda at sexy si Jasmine kung tawagin ay IT girl. kaya nung magtapo ang landas nila ni calix Dylan Monte Negro hindi Niya alam kung bakit parang wala siyang epekto dito? kaya naman Lalong nagustohan ni jasmine si calix ito lang kasi ang bukod tanging hindi nagpakita ng interest sa kanya. at parang hindi pa ito na tutuwa kapag nakikita siya..kaya naman mas lalong lumalim ang nararamdaman ni Jasmin para dito. kaya sinabi Niya sa kanyang mga magulang na si calix ang na pili niyang maging asawa..at hindi ito nagustohan ni calix at mas Lalo pa itong lumayo sa kanya.. kaya lahat ginawa ni Jasmin para lang mapansin nito. Pero dahil sa Isang Pag kakamaling hindi Niya rin Alam kung pano napunta sa ganun sitwasyon. at dahil sa pang yayaring ito hindi na makakasama ni calix ang babaeng gusto nitong iharap sa altar.. kaya imbles na mahalin din siya nito ay Lalo lang siyang kinasuklaman. kakayanin kaya ni Jasmin ang magiging buhay sa piling ni calix? o kahit masakit ay magtitiis siya makasama lang ang lalaking mahal Niya.
Romance
8.37.8K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (6)
Read
Idagdag sa library
@@@@
BAKIT KAYA HINDI NA NAKAPAG UPDATE ANG AUTHOR. KAHIT NAKAKAPIKON NA MINSAN UNG NANGYAYARE PERO ANG GANDA PARIN BASAHIN SANA MAG UPDATE NA ULIT MALAPIT NA KC MAG ISANG BUWAN AT SANA MARAMING CHAPTER SA PAGBABALIK NI AUTHOR
Ms shungitera
pasensya na po kung natagalan ako naka Pag update. Akala ko po kasi walang mag kaka interest sa story. Pero yong mga comment niyo nag bibigay ng inspiration sakin na tapos ang story nato. pasensya na rin po kayo sa mga eror hindi ko po na papansin ung Iba. Lalo na CP LNG po yong gamit ko.
Basahin ang Lahat ng Review
Making her Mine (The Servano Siblings #1)

Making her Mine (The Servano Siblings #1)

annerie15
Laura Nicole was married to the oldest son of the Servaño, Hiro Servaño. Pero hindi kagaya niya na excited na maging asawa ang binata ay hindi nito gusto ang kanilang kasal. Kaya naman ay nagtiis si Laura na manatili sa piling nito sa pag-asang magugustuhan din siya ng binata kalaunan. Ngunit nagkamali siya dahil makalipas ang dalawang taon ay nag-file ng divorce ang kaniyang asawa. Masakit man ay tinanggap iyon ni Laura. Pinakawalan niya ang asawa kahit na nalaman niyang buntis na siya. Makalipas ang ilang taon ay muling nagkita ang dalawa. Walang ideya si Hiro na may anak si Laura. Ngunit mariin itong tinatanggi ng dalaga na siya ang ama ng bata. Ngunit hindi mapakali si Hiro kaya minabuti niyang alamin ang katotohanan. Sa ikalawang pagkakataon na sila ay magtatagpo, magawa na kayang buksan ni Hiro ang puso para sa dating asawa? O magawa pa kayang tanggaping muli ni Laura ang binata kahit na makalipas ang ilang taon ay nasasaktan siya dahil dito?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Lost Acceptance [Tagalog]

Lost Acceptance [Tagalog]

Ang tunay na nagpapatawad ay taos-puso, bukal sa loob, at hindi pilit. Ang pagtanggap sa patawad nang walang pag-aalinlangan ay magpapalaya sa masakit na nakaraan. Ngunit paano kapag nabulag siya sa galit? Galit na nakalalason, galit na mapanganib, at galit na patuloy kinukulong sa pagkatao. Makakalaya kaya siya? Sinong magtutulak? Sa anong pagkakataon?
Urban
108.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marrying My Twin's Fiancé

Marrying My Twin's Fiancé

Magkasundo sa lahat ng bagay ang kambal na sina Celestine at Seraphina. Magkamukha sila, pero laging si Celestine ang paborito ng lahat—matalino, mabait, at higit sa lahat, minamahal ng fiancé niyang si Lukas. Samantalang si Seraphina, tila pinagpala sa lahat maliban sa isang bagay… ang puso ng lalaking matagal na niyang minahal ngunit hindi kailanman maaaring angkinin. Mula pa noon, mahal na ni Seraphina si Lukas. Pero dahil kay Celestine, pinili niyang itago ito. Dalawang linggo bago ang kasal, isang masakit na katotohanan ang lumabas. Celestine is dying. Matagal na pala niyang itinatago ang sakit, at ngayon, isang huling kahilingan ang iniwan niya—nais niyang si Seraphina ang magpakasal kay Lukas. Para kay Seraphina, ito na ang pinaka-masakit na desisyon sa buhay niya. Pero paano niya matatanggihan ang huling hiling ng kakambal? Pumayag siya. Kinasal sila ni Lukas. Pero sa bawat araw na lumilipas, ipinaramdam nito na kailanman, walang makakapalit kay Celestine sa puso niya. Kahit pa ang sariling kakambal nito.
Romance
10328 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)

Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)

"You need financial freedom. I need a bride. One signature—and your debt’s gone." *** Kira Navarro thought she had everything under control. Maayos ang trabaho, may konting ipon, at kahit papaano'y nakakaraos sa buhay. Dahil sa sobrang pagod at stress, napa-oo siya sa mga kaibigan na mag-unwind sa bar. Hindi niya inakalang ang simpleng gabing ‘yon ay mauuwi sa isang mainit na encounter kasama ang isang estranghero—na hindi niya alam, ay ang bagong CEO ng Salvatore Holdings, kung saan siya nagtatrabaho bilang architect. Kinabukasan, halos himatayin siya sa gulat nang makaharap ang lalaki sa opisina—ang cold and ruthless CEO na ngayon ay boss niya. Pero hindi siya pinansin. Parang hindi siya kilala. Parang walang nangyari. Pagbalik niya sa ospital kung saan naka-confine ang ina niyang may sakit sa puso, dumating ang mas masakit na balita—wala na ito. Cardiac arrest. Gumuho ang mundo ni Kira. Wala na ang ina niya. Nabaon siya sa utang. At nanganganib pa silang mapalayas sa inuupahan nila ng kapatid niya. Desperada siyang humingi ng cash advance sa HR, pero tinanggihan. Wala na siyang ibang malapitan kundi ang taong ayaw na ayaw sana niyang lapitan—si Anthony Salvatore. Pero sa halip na tulong o sermon, isang kontrata ang inabot nito. Pakakasalan daw niya si Anthony kapalit ng limang milyong piso at pagbabayad ng lahat ng utang nila. Sa harap ng mundo, asawa siya ng CEO. Pero sa loob ng mansion, parang boarder lang siya. Hanggang kailan niya kailangang tanggapin na papel lang ang ginagampanan niya sa buhay ng lalaking unti-unti niyang minamahal?
Romance
1053.9K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (22)
Read
Idagdag sa library
You and me 💐
Highly recommended. Sobrang ganda ng book one. From walang-wala at pinagkaitan ng mundo to yumaman, nagkaroon ng sariling kompanya. Salute sa iyon, Miss A! Para ito sa mga breadwinners talaga. Tagos sa puso ang linyahan lalo na sa Navarro sister.
Donna H. Dimayuga
Grabee ang kwentung ito. Dalang dala ako ng bawat chapter. Yung walang wala sila magkapatid hangang umangat at maging successful. Kwentung maraming aral tungkol sa pamilya at magmamahal. Thankyou po Ms. D sa napakagandang Kwentu ni Anthony at kira. Loveyou po. Excited much ky ella at Neil. Ayieee
Basahin ang Lahat ng Review
Mr. CEO Begs for a Second Chance from His Runaway Wife

Mr. CEO Begs for a Second Chance from His Runaway Wife

Bingi na si Wella Allyson Halili mula pagkabata, kaya sanay na siya sa mapanghusgang tingin at masasakit na salita ng mga tao sa paligid niya. Pagdating niya ng 20 years old, ginamit ng sarili niyang ina ang isang pregnancy test para pilitin siyang pakasalan ang tagapagmana ng Fuentes Family, kay Shawn Slade Fuentes. Ayaw ni Shawn kay Wella. Galit siya rito. Pero wala siyang nagawa kundi pakasalan ang babaeng hindi niya mahal. Pagkatapos ng kasal, tuloy pa rin ang pambababae ni Shawn. Halos hindi niya pinapansin ang sarili niyang asawa. Para lang mapanatili ang imahe ng isang “maayos na pamilya” at para sa kapakanan ng anak nila, tiniis ni Wella ang lahat. Paulit-ulit siyang nagparaya, paulit-ulit siyang nagpanggap na okay lang. Hanggang sa isang araw, dumating sa buhay nila ang babaeng tunay na mahal ni Shawn. Mas masakit pa, ang anak na muntik nang ikamatay ni Wella sa panganganak, mas sweet at mas gusto ang babaeng iyon, tinatawag pa itong “Ninang.” Doon niya napagtanto ang katotohanan. Hindi pala manhid si Shawn. Marunong pala itong magmahal, hindi lang sa kanya, kundi sa unang babaeng minahal nito. Basag ang puso, iniwan ni Wella ang divorce agreement at nagdesisyong umalis para magsimula ulit. Pero hindi niya inakalang hahabulin siya ni Shawn. Hinarangan siya nito, galit ang mga mata. “Wella, do you think marriage is just a game?” malamig na tanong ni Shawn. “You want a divorce? Let’s talk about that after our second child is born.”
Romance
327 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Mistress's Revenge

A Mistress's Revenge

Paano nga ba maging masaya lalo na kapag nalaman mong isa ka na lang kabit ng lalaking unang nangako sa'yo ng kasal at pagmamahal? Si Joy Fuego, isang simpleng babae na masaya at kuntento na sa buhay pag-ibig niya kay Ricks Gregorio-- ang kan'yang nobyo dahil kahit na mahirap lang sila pareho ay responsable at mapagmahal naman ito sa kan'ya. Hindi man nito naibibigay sa kan'ya ang lahat ay alam niyang mahal na mahal siya nito at kahit na kailan ay hindi siya nito magagawang lokohin. Pero paano na lang kapag dumating ang isang malaking pagsubok sa pagsasama nila at malaman niyang kasal na pala ito sa iba? At ang masakit pa ay bago lamang nito nakilala ang babaeng pinakasalan. Matitiis ba niyang maging isang kabit lang ng lalaking pinakamamahal alang-alang sa magiging anak nila o nakahanda na siyang palayain ito at hayaang lumigaya sa piling ng babaeng pinili nitong pakasalan?
Romance
106.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
349 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Kahit Ayaw Mo Na

Kahit Ayaw Mo Na

“Ayokong makiusap sa ‘yo na mahalin mo uli ako, kahit hindi na ay ayos lang. Mamahalin pa rin kita kahit ayaw mo na.” Walang pag-aalinlangang hiniwalayan ni Lilah Daza ang kanyang dalawang taon nang kasintahan na si Alester Hernandez dahil sa pag-aakalang hindi niya ito mahal. Pakiramdam din kasi niya ay pinapaasa lang niya ito sa wala. Pero isang araw, aksidente niyang nakita si Alester na may kasamang ibang babae. Sa kanyang tingin ay nagkakamabutihan na ang mga ito. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit siya nasasaktan gayong wala naman na silang ugnayan pa ng lalaki. Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang tunay na nararamdaman—na mahal niya si Alester at nagsisisi siya kung bakit pinakawalan niya ito nang gano’n-gano’n lang. Ano ang gagawin niya para maibalik sa kanyang piling ang lalaking minsan niyang nasaktan nang sobra? Meron pa nga bang pagkakataon na maiparamdam niya kay Alester ang kanyang tunay na nararamdaman para dito? O mananatili na lang itong masakit na aalala na habang-buhay niyang pagsisisihan?
Romance
1040.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A Wild Night With Miss Intruder

A Wild Night With Miss Intruder

Birthday ng boyfriend ni Alison kaya excited siyang pumunta sa apartment nito. May surpresa kasi siya para dito, iyon ay ang pagpayag sa matagal na nitong inuungot sa kanya. Ang pag-aalay ng sarili dito na ilang beses na rin nilang pinag-awayan. Mahal na mahal niya ang lalaki kaya nagpasya siyang pumayag na sa kagustuhan nito, isa pa matagal na rin ang kanilang relasyon. Ngunit hindi niya akalain na siya pala ang masusorpresa ng maabutan niya itong may katalik na babae at ang masakit bestfriend nya pa na si Jenny ang kaulayaw nito. Tahimik siyang umalis sa lugar na iyon at wala sa sariling naglakad sa kalsada habang patuloy siya sa pagluha. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan buti nalang nakapagpreno ang driver. Napaupo si Alison sa kalsada dali-dali namang dinaluhan siya ng driver. " Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tiningala niya ito ngunit hindi niya halos makita ang mukha nito dahil hilam sa luha ang kanyang mga mata. Ngumiti siya ng mapait dito at walang ano-ano'y sinabi. " Mr, p-pwede bang angkinin mo ako?"
Romance
1087.0K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (26)
Read
Idagdag sa library
rjpasiano13
Kapanapanabik ang bawat chapter Ms. A, ipon lang ako ng coins para mabasa ko pa mga next chapter. Please continue nyo po, sana matapos nyo to at makagawa pa kayo ng maraming story. Nakakakilig talaga. God bless you author.
Lyn Gambito
mahal lan kc ang bayad sa coins ky hind namin masyado binabasa ang manga story don kmi sa mura lan ang coins kung mura lan sana ang bawat chapter u 5 peso bka marami mag basa sa story u mahal 26 bawat chapter u talagan kunti lan
Basahin ang Lahat ng Review
PREV
1
...
678910
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status