Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

Isabela? Caroline? Patricia? Vivian? Nakasubsob si Enrique sa gitna ng puting satin sheet at tinitigan ang blonde na may umaagos na buhok na natutulog sa tabi niya, pero wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon... Na para sa kanya ay normal lang, dahil tuwing gabi ay iba ang babae. nakahiga sa kanyang kama. Si Enrique ay isang batang bilyonaryong CEO na palaging nasa kanyang mga kamay ang lahat ng gusto niya... Mga mansyon, magagarang sasakyan at maging ang mga babae. Ang malamig, sarado at ganap na brutis na lalaki ay namumuhay sa isang madilim at mapanglaw na buhay na sarado sa sarili niyang mundo, ang hindi niya inaasahan ay ang isang matamis na yaya na may magandang kalooban at mapang-akit na ngiti ay magpapabaligtad sa kanyang buong mundo.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Exchanged Heart

Exchanged Heart

Long-time boyfriend ng actress na si Hannah Lindsey ang male actor na si Froilan Dantes. Pero katulad nang ibang mag karelasyon, dumaan din sila sa isang mabigat na pag subok na humantong na sa hiwalayan. Nahuli ni Hannah Lindsey ang nobyo sa kuwarto nito na may kasamang ibang babae na walang iba kundi si Maricar Asuncio - Isang sikat actress at may long time boyfriend na non-showbiz na nag ngangalang Duwayne Fuentez. Ngunit sadyang mapag laro ang tadhana. Natagpuan na lamang ni Hannah ang kanyang sarili na kasama ang lalaking mainit ang dugo sa kanya, si Duwayne Fuentez. Mapigilan pa kaya ni Hannah ang namumuong pag-ibig niya para kay Duwayne? Paano kung siya lang ang nagmamahal? At ang binata ay gustong gumanti lamang?
9.920.5K viewsCompleted
Read
Add to library
OUR THING

OUR THING

Si Talya Cacho ay ang bata na ibinenta kay Geralt Monro, ang pinuno ng pinakamalaking Italian mafia sa Asia. Makalipas ang ilang taon, pinili ni Geralt si Talya para iregalo sa kanyang nag-iisang tagapagmana, ang kanyang nag-iisang anak na si Oliver Monro. Patuloy na pinaglilingkuran ni Talya ang kanyang malupit at malibog na pangalawang amo, si Oliver Monro, hanggang sa mahulog ang loob nito sa kanya. Ngunit may sikreto si Talya na isa talaga siyang sikretong espiya na itinalaga ni Geralt para sa kanyang anak. Dahil sa miscommunication at pagtataksil ng ilang miyembro, mananaig kaya ang tunggalian? Matatapos na ba ang palitan ng putok? Matatanggap kaya ni Oliver Monro na si Talya ang nakatanim na bala para sa pagbagsak ng mafia, paano na ang pag-ibig na nararamdaman ng dalawa?
Mafia
103.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Una Vez en Diciembre

Una Vez en Diciembre

LightStarBlue
Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa panahon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na makitira sa masungit na nilalang na ito. Kaso napapansin niya na kung dati naii-stress siya sa pagiging masungit nito pero ngayon ay hindi na. Mas naii-stress siya kapag may ibang babaeng kasama si Manuel. Gusto niya sa kanya lang ang atensyon nito. Ayos lang naman sa kanya na magsungit ito basta makasama lang niya ito palagi. Nalintikan na! Mukhang pati rin yata siya nagiging abnormal na dahil sa masungit na lalaking ito.
History
3.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Reyna At Ang Abnoy ( Filipino / TagLish )

Ang Reyna At Ang Abnoy ( Filipino / TagLish )

*The Queen And The Freak (Filipino/Taglish Edition)* --- Si Blair ay isang bampira na kakalipat lang mula sa Transylvania upang maranasan ang buhay ng isang normal na tao kasama ang kanyang ina-inahan sa Amerika. Nakilala niya ang isang nakakabighaning dalaga na nagngangalang Pryce, na buong akala nya ay kinasusuklaman siya sa kadahilanang hindi maganda ang kanilang unang pagkikita. Lahat ay nagbago sa buhay ni Blair nang 'di niya inakala na darating ang panahon na mahuhulog siya kay Pryce, na hindi pala isang normal na tao, ngunit isang werewolf na nalalapit na ang awakening. And none of them knew na si Pryce ay hindi lamang isang ordinaryong werewolf kundi ang nakatadhanang reyna.
Other
1016.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer

Delicate8
Kapalit ng dalawang pari na bigla na lang nawala na parang bula, dumating sa Iglesia Catolica de Villapureza si Father Merlindo "Mer" Fabian na may sariling bagahe rin na dinadala. Lingid sa kanyang kaalaman, may mas malaking problema pa pala siyang kakaharapin sa kanyang pagbabalik mula Vaticano kabilang na doon ang batang babae na nagngangalang Minggay at ang mga lihim nito na pilit niyang itinatago.
Mystery/Thriller
3.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Return of the Vengeful Ex-Wife

The Return of the Vengeful Ex-Wife

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?
Romance
10636 viewsOngoing
Read
Add to library
Under His Arm

Under His Arm

DreamerIsGood
Pinaghahanap si Jade "De" Martelli dahil sa kasalanan pagpatay sa kaniyang asawa sa 'di alam ng lahat na siya ay rape victim, ang mga magulang ng lalaki at ni Jade ay pinagkasundo sila dahil siya ay na buntis. Pinakasal siya sa lalaking 'di niya gusto, pagkapanganak ni Jade sinabi ng doctor na namatay ang kaniyang anak na dahil sa nangyari na wala sa pagiisip si Jade. Binalak niyang patayin ang kaniyang asawa ngunit 'di ito na tuloy, may mga panahon din na sinasaktan siya ng kaniyang asawa sa physical na pamamaraan dahil sa galit ni Jade nakahawak siya ng baril at pinag-agawan nila ito hanggang sa pumutok na nakatutuk ito sa kaniyang asawa. Maraming kaibigan si Jade kaya nakatakas siya nagpalipat-lipat siya ng lugar sa kaniyang mga kaibigan na nakatulong ito para malayang mamuhay si Jade. Nagpaiba-iba din siya ng trabaho para sa kaligtasan niya. Isang araw sa isang club na pinagtatrabahoan ni Jade may mga pulis na dumating para maginspection. Nakaramdam ng panic si Jade kaya na bangga niya niya si Lucian "Luc" Greco na isang Mafia, mayaman siya, maraming connection, at negosyo. Humingi siya ng tulong dito na agad naman pumayag na hindi man lang nagdalawang isip pagkatapos ng tulong na ibinigay ng lalaki umalis din si Jade na simula noon lagi na silang nagkikita sa mga 'di inaasahang lugar hanggang sa hinahanap hanap na siya ng lalaki 'di nagtagal inalok siya na maging Fiancée nito para maprotektahan siya mga gustong humuli sa kaniya pero may mga kondesyon silang dalawa para maprotektahan nila ang kanilang sarili sa tukso ng pagibig. Ang lalaki kayang ito ang magpoprutekta sa kaniya, at mamahalin siya sa katagalan?
Romance
10686 viewsOngoing
Read
Add to library
Revenge Of The Hieress Ex-Wife

Revenge Of The Hieress Ex-Wife

Blurb Labis na pinagsisisihan ni Sandy nang magkrus ang kanilang landas ni Dimitri Vinocencio. Ang lalaking inibig at nagpatibok ng kaniyang puso at maging ang lahat sa kaniya ay nagawa niyang isuko. Lihim silang nagpakasal. Subalit ang inakala 't masaya nilang simulan bilang mag-asawa na aabot hanggang sa dulo ng walang hanggan katulad sa kanilang simumpaang PAG-IBIG NA WAGAS, makalipas lamang pala ng tatlong taon ay MAGWAWAKAS. Siya na mismo ang sumuko. Matapos ipinamukha ni Dimitri sa kan'ya kung gaano pa nito ka-mahal ang ex-girlfriend at first love nitong si Lindsay na ngayo'y nagbabalik ay nakapag-desisiyon siya hiwalayan na ang asawa. Sa kaniyang pagbangon muli mula sa lusak matapos ang diborsyo. Sino ang mag-aakala? Na ang sikat na Jewelry designer na hindi nagpakilala sa publiko at ang matagal nang hinahanap ni Dimitri dahil sa natatatangi nitong mga obra ay walang iba kun 'di ay siya. Si Sandy Ariela ang nag-iisang Unica Hija ng nag-uumapaw sa karangyaan mula pamilya ng mga Delavin. Siya rin ang unknown magic fortune teller sa investment bank na ngayon ay hinabol ng halos lahat ng Business Tycoons mapansin lamang ang mga ito. Isa na roon si Dimitri na matagal nang naghihintay na muli silang magkita ng dating asawa na nawala noon na parang bula. Ngayon ay nakita na nito si Sandy ay hindi na niya ito pakakawalan pa na noon hay halos mabaliw siya kahahanap sa bawat araw na lumipas ay kabiguan lamang ang nakukuha. Magawa pa kaya ni Dimitri na mahuli ang sa nagyo 'y mailap na puso ng dating asawa na minsan ay naging kaniyang pagmamay-ari?
Romance
1028.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir

Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir

Ang buong akala ni Monica ay makakasama na niya ang kanyang nobyo na hindi niya nakita ng matagal na panahon dahil sa pangingibang bansa ngunit laking gulat niya sa kanyang paguwi ay may ibang babae na pala ang kaniyang nobyo. Sa sakit at paghihinagpis, napilitan si Monica na tanggapin ang alok ng kanyang madrasta na mag pakasal sa anak ng isang mayamang pamilya, ang pamilya Monterde. Pinaalalahan siya ng kaibigan niyang si Patricia na magiingat sa gagawin niyang desisyon dahil hindi basta basta ang papasukin niya ganun din ang pamilya nang papakasalan niya. Ngunit buo na ang loob ni Monica at handang gawin ang lahat dulot na lamang ng sakit na ginawa ni Jhorby, kahit na alam niya na tatlong buwan na lamang ang nalalabi sa buhay ng kaniyang papakasalan. Naiayos na ng mga magulang nila ang papel sa kanilang kasal at ang tanging hinihintay na lamang nila ay magkaanak at dalawa ngunit sa kasamaang palad ay ayaw ng lalaki kay Monica dahil alam rin nito na pera lamang ang habol nito at kanilang ari arian. Pero matapang at buong loob pa rin sa Monica sa kaniyang binabalak. Sa umpisa ng kanilang pagsasama ay, makikita na ayaw na ayaw talaga ni Fabian kay Monica ngunit may mga bagay na pinapatunayan si Monica at napapabilib nito ang lalaki at abangan sa mga susunod na kabanata kung ano nga ba kahihinatnan nang kanilang pagsasasama.
Romance
390 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status