Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Rouzan Mei
Hindi inaasahan ni Yorzuana Ghitt na ibebenta siya ng kaniyang mga magulang sa isang lalaki kapalit ng bilyon-bilyong halaga. Naisipan lang na bilhin siya ni Roger Mizores dahil sa pagnanasa niya rito at walang halong pagmamahal sa dalaga. Ngunit sa kabila ng pagiging matigas na puso ni Roger, paninilbihan ang isinukli ni Yorzuana sa kaniya hanggang sa magsawa ito dahil sa pag-amin ng binata na binili lamang niya ito. Nasaktan, nagpakamatay ngunit muling babangon. 'Yan ang nangyari kay Yorzuana nang hindi niya inaasahan. May magagawa ba si Roger para sa dalaga?
Romance
4.9K viewsOngoing
Read
Add to library
She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

"Asawa niya ako, pero hindi kailanman minahal." Sa loob ng isang taon, tiniis ni Anessa ang malamig na pagtrato ni Bart Divinagracia—ang CEO na asawa niyang itinuring siyang wala. Isang kasal na itinali ng obligasyon, hindi ng pag-ibig. Isang pusong tahimik na nasasaktan, umaasang mamahalin din siya balang araw. Pero hanggang kailan siya maghihintay? Nang siya’y tuluyang iwan, doon lang napagtanto ni Bart ang halaga ng babaing dati’y hindi niya pinansin. Ngayon, handa siyang bawiin ang pusong sinayang niya—pero may babalikan pa ba kaya siya? O huli na ang lahat?
Romance
1047.3K viewsCompleted
Read
Add to library
A Love Reclaimed: Fated To Love You

A Love Reclaimed: Fated To Love You

"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..." Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya. "Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!" Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan. Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo. Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita... “Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!” Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
Romance
9.887.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Contract Bride

The Billionaire's Contract Bride

Ginawang pambayad utang ng kanyang tiyuhin si Lara Veronica Martinez. Dahil sa desperasyon na matakasan ang lalaking hindi niya gusto, pumayag ang dalaga na magpakasal sa kanyang bilyonaryong boss na si Jason Timothy Lagadameo o Jace na nangangailangan ng contract bride upang matupad ang kahilingan ng abuela nitong may sakit. The marriage will last for only six months. At may dalawang rules na inilatag si Jace kay Lara; mananatiling lihim ang kanilang kasal sa iba at hindi dapat ma-in-love si Lara sa kanya. Wala iyong problema kay Lara. Alam niyang hindi siya mahuhulog sa mga gaya ng kanyang boss. He is the cold billionaire and she is the bubbly ordinary employee. He is the ruthless CEO and she is the poor woman with a heart of gold. Paano kaya nila pakikibagayan ang isa’t-isa gayong tila langit at lupa ang kanilang pagitan? Kaya ba nilang panatilihing lihim ang kanilang kasal sa iba gaya ng kanilang napagkasunduan? Paano kung sa paglipas ng panahon, unti-unting mahulog si Lara kay Jace sa kabila ng katotohanang, nariyan lang ang ex-girlfriend ni Jace, handa ulit paumuin ang binata sa kahit na anong paraan? Ipaglalaban ba ni Lara ang kanyang damdamin para sa asawa? O mas pipiliin niya ang umalis pagkatapos ang anim na buwan gaya ng kanilang napagkasunduan kahit na… dala-dala na niya sa kanyang sinapupunan ang pinakaaasam na tagapagmana ng mga Lagdameo na siyang magiging susi upang mabuksan ang mga lihim ng kanilang nakaraan?
Romance
10209.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Whispers of Forbidden Desire

Whispers of Forbidden Desire

Anak sa pagkadalaga. Iniwan ng ina at lumaki sa poder ng kanyang lola. Iyan ang buhay ni Isabela Siason. Lumaking konserbatibo at puno ng mga pangaral, si Isabela ay sanay mamuhay nang simple at may takot sa Diyos. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Napilitan siyang tumira kasama ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang hindi nakita at halos hindi na niya kilala. Akala ni Isabela, magiging madali lang ito. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng marangyang mansion na tinitirhan ng kanyang ina, naroon din ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang mundo, ang asawa ng kanyang ina. Si Liam o mas kilalang si William Laurell. Isang batang billionaryo, kabaligtaran ng inaakala niyang isa itong matandang mayaman ,malapit nang mamatay. Ang titig niya’y parang apoy, mainit, mapangahas, at handang tumupok sa kanila pareho. Sa bawat paglapit nito, dama ni Isabela ang init na gumagapang sa kanyang balat, ang panginginig ng damdaming matagal nang nakatago. May kung anong puwersang humihila sa kanya palapit, kahit alam niyang mali. Paano niya lalabanan ang tukso at ang apoy ng pagnanasa na unti-unting nilalamon ang kanyang puso’t isipan? Pag-ibig nga ba ito… o isang ipinagbabawal na pagnanasa? At kung totoo man na “kung ano ang puno, siya rin ang bunga,” handa ba siyang tanggapin na baka hindi nga siya naiiba sa kinamumuhian niyang ina, ang babaeng minsang tinalikuran ang tama para sa bawal na pag-ibig?
Romance
109.4K viewsOngoing
Read
Add to library
WAVES BENEATH THE SILENCE

WAVES BENEATH THE SILENCE

Tahimik. Mahiwaga. Perpekto sa paningin ng lahat. Si Celestine “Celle” Alvarado ay lumaki sa mundo ng kapangyarihan at kontrol. Pero isang gabi ang tuluyang gumulo sa kanyang buhay — isang gabi ng takot, pagtakas, at isang aksidenteng hindi niya kailanman malilimutan. Pagkalipas ng ilang taon, sa isang wild na party sa BGC, nakilala niya si Lorenzo “Renzo” Navarro — isang successful at guwapong businessman na may hawak ding mabigat na nakaraan. May galit siya sa dibdib, at isang misyon: hanapin ang taong muntik nang pumatay sa kanyang kapatid. Hindi nila alam, sa pagitan ng mapusok na halik at mainit na gabi, nakatali na pala ang mga puso nila sa isang trahedyang pinagtagpo sila noon pa man. Sa pagitan ng kasalanan at pagnanasa… Sa pagitan ng katotohanan at pag-ibig… Pipiliin ba nilang lumaban o tuluyang lamunin ng mga alon sa katahimikan?
Romance
538 viewsOngoing
Read
Add to library
The Delivery Girl Billionaire's Husband

The Delivery Girl Billionaire's Husband

Pagkatapos makasaksi ni Andres Cavellana, isang bilyonaryong lalaki, ng isang krimen. Sumailalim siya sa witness protection upang hindi malagay sa panganib ang kaniyang buhay ngunit ayaw niyang magkaroon ng security guards, kaya naman nagsinungaling siya sa kaniyang lolo at sinabing may girlfriend siyang former secret service agent. Pumayag ang lolo niya, ngunit may isang kondisyon, kailangan niyang pakasalan ito at tumira sa private villa nila sa Batangas. Samantala, nalagay sa panganib ang trabaho ni Andy De Guzman na isang delivery girl rider ng maling package ang maipadala niya kay Andres. At upang hindi siya isumbong ng lalaki sa manager niya, para hindi mawala ang kaniyang trabaho, pumayag siya sa alok nitong kasal. Ngunit handa nga ba si Andy sa mga kakaharapin niya pagkatapos niyang pumayag sa alok nito? Kaya niya bang pigilan ang kaniyang pusong umibig kay Andres?
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Glimpse of Loving You

Glimpse of Loving You

sachtych
Siya si Kellissa Elarque. Labing walong taong gulang na estudyante na nag-aaral ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Scholar na Bayan. Breadwinner ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang matalinong estudyante, marami ang nabibighani sa taglay niyang ganda sa kabila ng laging suot nitong may kalakihan na puting t-shirt at leggings na pinaresan ng lumang itim na rubber shoes. Binansagan pa ang dalaga bilang "Beauty and Brains" ng kanilang department. Tahimik lamang itong estudyante at tila ba walang pakielam sa paligid. Ngunit nagbago ang lahat sa takbo ng buhay niya simula nang buksan niya ang kanyang puso sa isang Cayden Guerrero. Ang isang sikat na basketball player na tinaguriang "King of Court." Isang binata na epitome ng "Tall, dark and handsome". Na para bang isang ngiti lang niya ay kaya nitong patibukin ang puso ng kahit sino man. Tama nga ba ang naging desisyon niya na bigyan ng pagkakataon ang binata o magiging sanhi lamang ng pagguho ng mundo niya?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ninong Is My Sister Lover But Becomes My Husband

My Ninong Is My Sister Lover But Becomes My Husband

"Isabel, what are you doing there!" madiin na sigaw sa akin ng kung sino. "Ninong, hindi ko po alam. Ano po ba ang nangyari?" pagtataka ko. "What? Stop acting like an innocent! Sabihin mo nga sa akin. Plano mo ba ang lahat ng 'to, Isabel!" mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Sa pangigigil niya kulang na lang ay mapilayan na ako. "Ninong, tama na po ang sakit po. Hindi ko po talaga alam kung bakit ito nangyari. Please, ninong tama na..." pagsusumamo ko sa kaniya. "Isabel! Wala ka na ngang kwentang anak! Ginanito mo pa ako! Alam mong fiancee ko ang ate mo! Kaya bakit ka narito sa kwarto ko!" Tila nadurog ang puso ko at ang mundo ko. Hindi ba niya naaalala ang angyari kagabi. Bakit ganito si Ninong. Ang ninong ni Isabel ay nagngangalang Ryan De Guzman, 30 years old. Isa siyang pinakamagaling at pinaka-sikat na doctor sa buong mundo. Galing siya sa mayamang pamilya. Kinakatakutan din siya ng karamihan dahil sa ugali niya ngunit hindi alam ng iba ang pagiging mapagmahal nito at masyadong obssessed. Si Isabel Cordova ay 20 years old. Galing sa pinakamayan na pamilya at isang tagapagmana. Naging single since birth dahil sa pagiging mahigpit ng ama niya. Nang mamatay ang kaniyang ina ay nagkaroon ng panibagong asawa ang kaniyang ama. Nagkaroon din siya ng ate. Matalik na magkaibigan ang ninong ni Isabel at ang ama nito. Ikakasal na rin si Ryan sa ate ni Isabel. Subalit, may isang pangyayaring naganap sa pagitan ni Isabel at Ryan na magiging dahilan ng pagbabago ng lahat. Paano nila haharapin ang pagbabago? Ito ba ay masama o magiging kabutihan?
Romance
1012.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Love and Revenge of the Lost Billionaire

Love and Revenge of the Lost Billionaire

Anaclito Ramirez Acosta
Sa mundo kung saan kayamanan at kagandahan ang siyang tinitingala upang makuha ang hinahangad na tagumpay. Isang anak ng bilyonaryo na nagngangalang Larry Evangelista ang magiging biktima ng inggit at kataksilan mula sa kanyang matalik na kaibigan at kasintahan. Sa pag-akyat ng tatlong magkakaibigan sa isang mataas na bundok. Isang maitim na plano ang magaganap na siyang magpapaiba sa buhay ng karamihan. Dito magsisimula ang agawan ng kapangyarihan, kayamanan at kahit ang kasintahan. Samantalang mabubuo naman ang isang pagmamahalan na hindi sinasadya sa pagitan ng isang babaeng lumaki sa bundok at isang anak ng bilyonaryo na nagkaroon ng amnesia. Kung maling pag-ibig ang naging dahilan ng pagtataksil, isang hindi inaasahang pag-ibig din ang magiging daan upang makabalik sa dating buhay at isagawa ang paghihiganti upang makuha ang katarungan na hinahangad. Sa pagkawala ng kanyang memorya muli niya kayang mabawi ang itinayo at pinaghirapan ng namayapang amang bilyonaryo na may pag-aari ng malaking kompanya at hindi mabilang na halaga ng kayamanan na ipinamana sa kanya ng namayapang ama sa gahamang madrasta at sa ibang kasabwat nito? Ano ang magiging papel sa paglabas ng tunay na ina na matagal nang inasam-asam ni Larry makatutulong ba ito o magiging isa sa mga kontrabida sa kanyang buhay? Sa huli ba'y magkakamit ba ang totoong pag-ibig sa kabila ng kaniyang galit at paghihiganti?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status