Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Mariecris Bayubay, isang probinsyanang naging biktima ng karahasan sa syudad. Namuhay sa apat na sulok ng madilim na silid. Walang karamay. Walang masasandalan. Nag-iisa. Walang kamag-anak. Wasak. Bigo. Nabuhay sa takot at pagpapakamatay. Halos mawala siya sa sariling katinuan hanggang sa mapadpad siya sa puder ng isang napakayamang lalaki at magaling na psychiatrist na nagngangalang Seven Castillion, isang binatang bigo sa pag-ibig dahil ang unang babaeng minahal niya ay siya na ngayong asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagparaya siya kahit sobrang sakit na pakawalan ito. Hinding hindi na niya nakikita ang sariling magmamahal ulit dahil kahit na may sarili ng pamilya ang babaeng unang minahal ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Ang binata ang nagbihis at nag-alaga kay Mariecris sa mga panahong gusto na niyang sumuko. Dahil sa kabutihan nito ay hindi niya namalayang nahuhulog na siya, pero anong mapapala ng pagmamahal niya para dito kung may ibang tinitibok ang puso nito? Siya nga ba ang unang babaeng babali sa tadhana ng mga Castillion? Siya nga ba ang unang babaeng magsasabing hindi totoo ang paniniwala ng mga ito na kung sino ang unang minahal ay siya ang huli? O dahil sa pag-ibig niya sa binata ay mas lalo siyang mawawasak at muling nanaisin na mamatay nalang?
Romance
1016.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Player's Playmate

The Player's Playmate

Hiwalay ang mga magulang ni Laarni Villegas. Ganun pa man kahit hiwalay ay busog siya sa sustento at suporta sa bawat panig. Kaya naman nang piliin niyang maging isang volleyball player ay walang kontra ang mga magulang niya.  Hanggang sa makilala niya ang isang Kyre Mendoza, gwapo, matangkad at nag- uumapaw ng sex appeal na laging nambulabog sa kanya tuwing may laro siya. Isang CEO na may-ari ng team kung saan siya miyembro bilang isang manlalaro.  Paano maiwasan ni Laarni ang isang Kyre na walang ibang ginawa kundi ang palaging pagpapa- cute sa kanya? O dahil sa kakulitan ni kyre ay magiging magkalaro sila sa larangan ng pag-ibig?
Romance
1011.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ravaged the Heiress

Ravaged the Heiress

Sunflower
Dahil sa isang iskandalo na umusbong, biglang naglaho ang tahimik na mundo ni Lharefa at napalitan ng magulo at walang katapusang paghuhusga, kaya naman napilitan siyang umuwi sa Pilipinas habang iniisip ang planong gagawin. Pero sa hindi inaasahan, may makikilala siyang lalaki na tahimik at matalino pero may tinatago pala itong mabahong sikreto. Matatanggap kaya niya ang lalaki? Paano kung ang binatang iyon ang sumira sa buhay niya? Mamahalin pa ba niya ang lalaking mahal niya at ang nagpabago sa buhay niya o iiwan niya ito dahil sa natuklasan niya ang pinakamadilim nitong sikreto.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Signed To Be His Wife

Signed To Be His Wife

Para kay Ayen Ramirez, simple lang dapat ang buhay—trabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya at isang matinong relasyon na inakala niyang pangmatagalan. Pero nang biglang maospital ang kapatid niya at mangailangan ng malaking halaga, agad siyang lumapit sa boyfriend niya para humingi ng tulong. Ang akala niya, maiintindihan siya nito. Pero sa halip, iniwan siya nito na parang wala lang. In her desperation, isang hindi inaasahang alok ang dumating. Mula mismo sa boss niyang si Justin Berkeley. Mayaman, makapangyarihan, at kilala sa pagiging istrikto, pero may isang bagay siyang wala: isang asawa. Kailangan niya ng kasal para makuha ang mamanahin niya, at kailangan ni Ayen ng pera para sa kapatid niya. Isang pirma lang sa kontrata, at magiging Mrs. Berkeley siya. Walang love, walang intimacy... isang kasunduan lang. Pero paano kung habang tumatagal, unti-unting nagbabago ang lahat? Paano kung ang dating malamig at prangkang boss niya ay may mga tingin at hawak na hindi kasama sa usapan? At paano kung sa isang kasal na peke, isang tunay na puso ang mahulog?
Romance
10399 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Falling For The Billionaire CEO

Falling For The Billionaire CEO

𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘬 𝘬𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢? Si Aya Dizon, 23 years old, ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Alvero Grand Hotel para matulungan ang pagpapagamot sa kapatid niyang may malubhang sakit. Dito niya nakilala ang tinaguriang "Ice King" na si Lucius Alvero na isang CEO na kilala sa pagiging walang puso at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Sa simula, pinahihirapan lang ni Lucius si Aya dahil sa kanyang pagiging tyrant, pero magbabago ang lahat nang malaman niya ang isang madilim na sikreto...ang yumaong tatay ni Aya pala ang driver na itinuturong pumatay sa bunsong kapatid ni Lucius sampung taon na ang nakalilipas. Dahil sa galit, lalo pang naging mahirap ang buhay ni Aya sa kamay ni Lucius. Pero paano kung mali ang paniniwala ni Lucius, at may sabwatan pala ang pamilya Montenegro? Kapag nalaman na inosente ang ama ni Aya, paano babawiin ni Lucius ang bawat sakit na idinulot niya? Kaya bang hilumin at bawiin ang pusong kusa niyang dinurog...at matutunton kaya nila ang daan pabalik sa isa't-isa?
Romance
10238 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
You Are The Reason (Tagalog)

You Are The Reason (Tagalog)

Si Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigasan ng ulo kaya parating sermon inaabot sa kanyang lolo. Dahil sa kanyang katayuan sa buhay, nangananib ang kaligtasan ng dalaga kaya muling nag-hire si Mr. Yuzon ng bagong bodyguard na magaling, maprinsipyo at mapagkakatiwalaan na si Luke Gabriel Bustoz . Isa sa rason kung bakit nawalan na ng laya si Katherine sa mga nais niyang gawin. Mabuti naman nagkita muli sila ng kanyang college friend na si Denzel Haze Villarosa na isa namang recording artist na matagal nang may gusto sa dalaga. Gagawin niya ang lahat para mapunta sa kanya ang atensyon nito. Paano kung dumating ang panahon na susubok sa kanilang kakayahan at nararamdaman, kaya pa bang ipaglaban ang pag-ibig sa isa't isa? Pipiliin pa ba isaalang-alang ang mga bagay na mas mahalaga kaysa sa propesyon o kapwa igigiit na ipaglaban anuman ang maging patutunguhan nito?
Romance
293 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Blooming Season (Russo #1)

Blooming Season (Russo #1)

Isang Half Irish-filipino na dating mayaman ngunit naghirap dahil sa malaking pagkakautang ng kaniyang ama sa isang kilalang pasugalan. Nawala ang lahat ng yaman na meron sila at walang nagawa kundi ang umalis sa malaking mansyon na kaniyang kinalakhan dahil may ibang tao na ang bumili. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang tulungan ang kaniyang ina na magtinda ng mga gulay sa palengke habang nakakulong ang kaniyang ama dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na bisyo. Hanggang senior high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa matinding hirap at sa laki ng kanilang gastusin sa pang-araw-araw. Kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral para makahanap ng trabaho upang may pangtustos sa pag-aaral ng kaniyang dalawang kapatid. Kahit anong klaseng trabaho ang tinatanggap niya para lang magkapera. Akala niya ay doon lang tumatakbo ang kaniyang buhay sa mga trabahong tinatanggap niya, hanggang sa may mapulot siyang pitaka na naglalaman ng malaking halaga. At dahil napalaki siya ng maayos ng kaniyang Mommy ay ibinalik niya sa isang kompanya ang pitaka kung saan nagtatrabaho ang taong nakahulog nun. Lingid sa kaniyang kaalaman ay doon na pala magsisimulang magbago ang kaniyang buhay. Dahil ang taong nagmamay-ari ng pitaka ay walang iba kundi ang pure Italian na bilyonaryo at kilala sa buong bansa na gwapo, hot at masungit na business tycoon at may kulay-langit na mga mata. Si Azzurro Cielo Russo.
Romance
783 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS

I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS

May isang araw na lang si Iris Celeste Delgado para bayaran ang utang ng kanyang ama—kapag hindi, mareremata ang tanging tahanan nila. Bilang isang utility staff, wala siyang sapat na pera, kaya sa isang desperadong hakbang, pumayag siyang ibenta ang kanyang pagkabirhen sa isang matandang mayamang kliyente. Ngunit nagkamali siya ng silid. Pagkagising, hindi matanda ang nasa tabi niya—kundi si Alexander Corañez Jr.: ang gwapong, tahimik, at misteryosong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. At sa halip na kalimutan ang nangyari, inalok siya nito ng isang kasunduan—isang pekeng kasal. Walang emosyon. Walang tanong. Pero may isang kondisyon: Bawal siyang mapalapit sa kahit sinong lalaki... maliban kay Alexander. Habang pinipilit niyang itago ang damdamin, hindi niya alam na ang lalaking ito ay hindi lang basta umaarte. Dahil para kay Alexander—lahat ng ito ay totoo. At sa pagbabalik ng ex nitong si Brigitte, magagawa pa ba ni Iris na panindigan ang kasunduan—kahit posible siyang masaktan?
Romance
9.640.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Aera (The Girl In The Past) | Tagalog

Aera (The Girl In The Past) | Tagalog

paraiso_neo
Maraming mali at di tama sa nakasulat at nakadiktaMaraming kwento na mali ang pagkakatagpi-tagpi, isang di maipaliwanag na pangyayari ang hindi kailanman naisulat sa mga libro ng taong 1897.Maraming kailangan itama at iwastoSa kabila ng lahat, maraming tanong ang walang kasagutan tulad ng..Nasaan si Aera? At kung bakit si Anna Luisa lamang ang tanging tauhan?May mali nga ba talaga sa pangyayari? Paano ito maitatama?
1011.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Tarinio Castillion: Under His Means

Tarinio Castillion: Under His Means

Tarinio Castillion also known as 'The Castillion Hacker' isang magaling na agent na nabibilang sa secret department. Tagalutas ng kaso at tagapatay ng mga malalaking taong salot sa lipunan.A happy go lucky Castillion. Hindi man siya kabilang sa pitong magkakapatid itinuring siyang isa sa mga ito dahil sa dugong nananalaytay sa kanyang katawan.Womanizer. Fucker. Asshole. Son of a bicth. Lahat na ay nasa kanya, may kayabangan pero may ipagmayabang talaga. Isa siya sa malakas tumawa kapag nakikita niyang umiiyak ang kanyang mga pinsan dahil sa babae. Siya? Siya ang iniiyakan ng mga babae.Wala sa angkan nila ang pangit kaya ginagamit niya iyon para maikama ang mga babae. Bukod sa pagkakama ng mga babae araw araw ay ang pagiging agent ang talagang buhay niya. Pagdakip sa mga anay ng lipunan at mga drug syndicates na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.At isa si Amanda Colen Trei sa mga taong iyon. Babaeng ulo ng pinakamalaking sindikato ng ipinagbabawal na gamot sa buong bansa. At si Tarinio ang humawak ng kaso para dakpin ito.Madadakip nga ba niya kung taliwas sa gawain nito ang ipinapakita ng inosenteng mukha ng dalaga?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1920212223
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status