The Billionaire’s Abandoned Fiancée
Sa gabi ng engrandeng debut ng kumpanya ni Rafael Cain Santillan sa stock market, tila wala nang makakapigil sa kanyang tagumpay, hanggang sa biglang dumating ang kanyang asawa na si Pia, tangan ang isang sobre: divorce papers… at isang bantang kayang wasakin ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
Tatlong buwan bago nito, natuklasan ni Pia ang isang pagtataksil na mas malala pa sa simpleng pangangaliwa, lihim na bumuo si Rafael ng sariling pamilya kasama ang mismong adopted step-sister niya na si Wynona, at may anak pa silang itinago sa dilim. Halos mamatay sa isang aksidente at itinuring na walang halaga, tuluyang nagbago si Pia. Ang dating mapagmahal na asawa ay napalitan ng isang babaeng malamig, matalim, at handang gumanti.
Habang unti-unting inaagaw nina Rafael at Wynona ang kanyang tahanan, karera, at maging ang tiwala ng sariling pamilya, tahimik na binabawi ni Pia ang kapangyarihang matagal niyang hinayaan na maagaw sa kanya. Gamit ang kanyang koneksyon, talino, at impluwensya sa mundo ng negosyo at agham, pinaplano niya ang perpektong pagbagsak, iaangat niya si Rafael sa rurok ng tagumpay… para doon mismo siya tuluyang wasakin sa harap ng buong mundo.
Ngunit sa gitna ng kanyang paghihiganti, muling babalik ang isang lalaking minsan niyang iniwan, ang kanyang makapangyarihang dating kasintahan mula sa Switzerland, na magtatanong ng isang mapanakit na katotohanan:
Si Rafael nga ba ang pinakamalaking pagkakamali ng kanyang buhay?
Sa mundong pinaghaharian ng pera, kapangyarihan, at pagtataksil, hindi na si Pia ang babaeng inaapi, siya na ang bagyong dudurog sa lahat ng humamak sa kanya.