Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lovelies

Lovelies

Sa murang edad, naranasan na ni Cheska kung gaano kahirap mamuhay, buhay na hindi dapat maranasan agad ng kabataan. Isang mahirap na buhay. Natutunan niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa upang magsikap para sa kanyang pag-aaral at para sa kanyang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawa siyang ipahamak ng kanyang sariling ina. At dahil sa pangyayaring iyon, kinailangan niyang tumakas sa kanilang probinsya at pumunta sa siyudad upang makipagsapalaran. At dahil doon... Makakahanap siya ng mga taong tutulong sa kanya na muling bumangon. Makakakilala siya ng lalaking magmamahal sa kanya ngunit sasaktan din siya. At higit sa lahat ay mahahanap niya ang mga nawawalang piraso sa kanyang buhay.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Streaming Secrets of Mr. Labrador

Streaming Secrets of Mr. Labrador

"Hinire kita bilang streamer Alana! Hindi kasama duon ang paluhurin mo ako iyong harapan upang magmakaawang tanggapin mo ako pabalilk!" Lumaki si Alana Demetria sa isang mayaman na pamilya ng mga Buenaventura. Ngunit isang araw ay gumising na lang siya na isang condominium na lang ang tanging natitirang pamana sa kanya. Walang cards, cash at car na mga main essentials niya sa buhay. Buong akala niya ay makakahingi siya ng tulong sa nobyo ngunit ipinagtulakan at ipinagpalit siya nito. Nang malaman na wala ng kahit anong ari-arian ang mga Buenaventura. Idagdag pa na walang tumatanggap sa kanya bilang receptionist dahil mababa lang ang natapos niya. Nagbakasali siyang maging isang live streamer sa isang kilalang app. Unang araw pa lang niya ay naging mahirap na ang mga pagsubok sa pagiging baguhang live streamer. Pero may iilan sa kanyang mga supporter na labis siyang sinusuportahan. Ngunit akala ni Alana ay hanggang sa likod na lang siya ng cellphone mapapanuod ng kanyang mga supporter. Pero unang araw pa lang niya ay may nakapansin na agad sa angking kagandahan ni Alana. Anong mangyayari sa buhay ni Alana na akala niya ay walang patutunguhan? Ito na ba ang simula ng career niya gamit ang taglay na kagandahan? O ito ang simula ng karagdagang hirap na tatahakin niya sa kanyang buhay?
Romance
781 viewsOngoing
Read
Add to library
Sold to my Professor (Tagalog)

Sold to my Professor (Tagalog)

Pinilit si Crizel na ipakasal ng kanyang mga magulang sa hindi malamang dahilan at sa taong hindi niya kilala. Buong buhay niya ay sinusunod niya ang mga utos ng mga magulang ngunit sa pagkakataong ito ay umayaw siya. She went to her boyfriend's pad to convince him to runaway with her but then she found out he's been cheating on her with her bestfriend. Bigong-bigo, pumayag si Crizel sa gusto ng kanyang mga magulang. Ngunit nayanig ang buo niyang kahimalayan nang malamang ang taong papakasalan niya ay walang iba kundi ang bagong propesor sa paaralan niya! How can she live her life knowing her husband is now her professor? May mamumuo kayang pag-ibig? Paano kapag nalaman niya ang katotohanan sa likod ng pagpapakasal niya sa binata?
Romance
10244.6K viewsCompleted
Read
Add to library
SENSHI ACADEMY

SENSHI ACADEMY

[Senshi comes from japanese word meaning 'fighter'.] Buong buhay ni Blaire Aqear ay inalay niya upang maprotektahan ang mga batang nailigtas niya mula sa bihag ng mga masasamang nilalanang na tinatawag na dark enchant. Naninirahan sila sa dark forest kung saan wala nang pakialam ang buong light kingdom dito. Hindi sila naaksyunan. Wala silang mapuntahan kaya naman ginamit ni Blaire ang limang porsyento ng kaniyang kapangyarihan upang makapaglagay ng matibay na barrier. Ngunit ano ang mangyayari sa mga batang ito kung ang tagapagligtas nila ay hindi na nakabalik pa? Saan nga ba ito nagpunta? Nawawalan sila ng pag asa. Makakalabas pa ba sila dito o bago pa man sila makaapak sa labas ay nakuha na sila ng mga dark enchant? Sa kabilang banda ay aksidenteng nakarating si Blaire sa senshi academy. Ayaw niya doon. Paano siya makakabalik? Paano niya mapapaliwanag na ang dark forest na kinatatakutan ng lahat ay may mga batang umaasa na maililigtas sila? Paano siya makakauwi sa kaniyang tahanan? Sa pananatili ni blaire sa akademya ay naranasan niyang maging masaya, malungkot, magtaka at mag usisa. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kaniya. "Kung alam ko lang na ganito ang kapalit sa lahat ng ginawa ko para sa kanila, sana hindi ko na itinuloy pa." Blaire Aqear.
Fantasy
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)

Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)

Isang kontrata ang magtatali kila Ysla at Nathan. Kasunduan na may hangganan at dahil lamang sa mga personal nilang dahilan. Si Nathan upang masunod ang kanyang lola at si Ysla upang makaganti sa kanyang fiance at sa mga taong inakala niyang pamilya. Paano kung magbago na ang pagtingin nila sa isa't-isa kasabay ang pagbabalik ng dating pag-ibig ni Nathan at pagdating ng mga problemang dulot ng pamilya ni Ysla?
Romance
1022.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Affair

Billionaire's Affair

Gossip Girl
Si Steve Montano ay kilala bilang isang istrikto, arogante, at palaban ngunit mayroong itinatagong lihim sa kanyang pagkatao. Sa edad na trentay singko ay wala pang nagiging stable na kasintahan dahil sa pagiging casanova ngunit walang nakakaalam maliban sa kanyang personal lawyer at maasahang sekretarya. Tanging ang alam ng mga tao sa kanyang paligid ay isa siyang matino, malinis at kapuripuring gwapong lalaki. Siya rin ay pantasya ng mga kababaihan at mga sikat na personalidad. Masaya na siya sakanyang freestyle life ngunit mayayanig ang kanyang tahimik at malayang pamumuhay sa pagdating ng isang Jaya Salas a 28-year-old woman at magiging bago niyang sekretarya. Paano nila ipaglalaban ang kanilang namumuong pagtingin sa bawat isa? Mayroon bang pagmamahalan na mamagitan sakanila sa likod ng kanilang mga daladalang sekreto sa buhay. Tunghayan kung paano gugulong ang buhay pag-ibig sa kanilang kwento dito sa Billionaire's Affair! Yours, Gossip Girl
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
THE UNWANTED MARRIAGE

THE UNWANTED MARRIAGE

Walang nagawa si Vince nang magdesisyon ang mga magulang niya na ipakasal siya sa isang babaeng hindi niya naman mahal. Si Coleen ang anak ng kaibigan ng mga magulang niya. Katulad niya tutol din si Coleen sa gusto ng mga magulang nito. But, knowing his dad, lahat gagawin nito mapasunod lang siya sa kagustuhan ng mga ito. Lalo pa at nagbanta ito na tatanggalan siya ng mana. Hanggang isang umaga nagising na lang sila na magkasama sa kama at kapwa nakahubad. Matutunan kaya nila na mahalin ang isa't-isa? O, gagawin nila ang lahat para makawala sa isang kasal na di naman nila ginusto.
Romance
10100.2K viewsCompleted
Read
Add to library
THE WEIGHT OF THE VEIL

THE WEIGHT OF THE VEIL

Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili. Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso. At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama. Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
Romance
102.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Story Behind Those Pages

The Story Behind Those Pages

Si Daniella Ziel Meduya ay isang simpleng babae lamang na mahilig mag basa nang kung ano-anong mga nobela. Siya iyong tipo nang babaeng madalas mong makikita sa mga tahimik na sulok ng inyong paaralan at nagbabasa. Siya yung tipo nang babaeng madalas mo lang makikitang lumalabas nang bahay nila. Siya yung babaeng mas pipiliing mag-isa at magbasa kesa sayangin ang oras sa pag n-night club at kung ano pang mga gala. Pero nag-iba ang nakasanayan niyang iyon nang makilala niya ang dalawang lalaking pumasok sa buhay niya. Hero world became more colorful nang makilala niya ang mga ito. Dito niya naramdaman ang kung ano-anong mga emosyon na akala niya ay sa mga nobela niya lang mararamdaman. Ang mga lalaking dahilan kung bakit magmamahal at masasaktan siya sa dulo. The two men who are the reason of the story behind those pages she wrote herself. Want more? Read more. The Story Behind Those Pages a light romance story that is written for you by IshyKin
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status