Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Buong akala ni Samantha ay malalagay na sa tahimik ang kanyang buhay sa oras na ikasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya. Subalit hindi niya inaasahan'g sa araw ng kanyang kasal ay ipapahiya at iiwan lang pala siya ng kanyang nobyo sa mismong harap ng altar. Hindi naging madali para sa kanya ang pangyayaring iyon. Ngunit kailangan niya pa rin'g magpatuloy sa buhay. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag-apply bilang sekretarya sa kompanyang pag-aari ng isang guwapo ngunit broken hearted at single dad na CEO. Kaagad siyang natanggap at sa bawat araw na lumilipas ay may mga sikreto siyang nadiskubre mula sa CEO, patungkol sa relasyon nila ng dati niyang nobyo. Subalit hindi naging hadlang iyon sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay naging magkaibigan pa nga sila ngunit hindi niya inaasahan'g darating sa puntong higit pa pala sa isang kaibigan ang mararamdaman nila sa bawat isa. Nakahanda na kaya siyang maging step mom sa spoilded brat daughter ng CEO? Paano kung bumalik pang muli ang dati niyang nobyo? Tatanggapin niya pa kaya ito o mananatili na lamang itong parte ng nakaraan?
Romance
1014.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Crown Prince Proposal

Crown Prince Proposal

“Don’t expect me to love you, Lian. I only married you because I knew I could control you. You’re just a plaything, easy to use, easy to manipulate.” – Prince Yul Maagang namulat sa realidad si Lian, isang babaeng kayod-kalabaw para sa pamilyang puro luho ang inaatupag at walang ginawa kundi lustayin ang perang pinaghirapan niya. May tatay siyang lasinggero, kapatid na lulong sa bisyo, at inang comatose sa ospital. Kahit anong trabaho, pinasok niya makaraos lang hanggang sa nakuha siyang bodyguard ng isang miyembro ng royal family. Akala niya, doon na magsisimula ang pagbabago. Pero mas naging demanding pa ang pamilya niya pagdating sa pera. Sa trabaho, hindi rin maganda ang trato sa kanya pero tiniis niya dahil sa laki ng sahod. Pakiramdam niya, palagi siyang pinagkakaitan ng tadhana. Hanggang sa isang araw, dumating ang prinsipe sa bansa upang maghanap ng mapapangasawa. Sa gitna ng isang engrandeng event sa palasyo, aksidente siyang nakita ng prinsipe. At sa harap ng maraming tao, bigla siya nitong inalok ng kasal, isang eksenang ikinagulat ng lahat. Ang akala ng prinsipe, madali lang kontrolin si Lian. Bodyguard lang naman niya ito dati. Pero ang totoo, inalok niya ito ng kasal para pagtakpan ang matagal na niyang relasyon sa isang babae, isang sikretong ayaw niyang mabunyag sa kanyang maharlikang pamilya. Pero nagkamali siya. Habang patagal nang patagal ang pagsasama nila, unti-unting nahuhulog ang loob ng prinsipe kay Lian. Sa araw-araw na bangayan, asaran, at hindi inaasahang mga lambingan. Napalapit sila sa isa’t isa. Pero paano kung mabunyag ang sikreto ng prinsipe? Tatanggapin pa rin ba siya ni Lian lalo't dinadala na nito ang anak niya? O mas pipiliin nitong tumakbo palayo at bumalik sa dating buhay?
Romance
413 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Kryptonite

The Billionaire's Kryptonite

- TAGALOG NOVEL- Nang magdisi-otso anyos si Lara, nagpakasal siya sa isang lalaking pakakasalan dapat ng ate niya labing isang taon na ang nakararaan. Pero hindi dumating sa araw ng kasal nila si Miguel Villareal at ipinaabot lang ang mga dokumentong kailangan niyang pirmahan. Five years later, hindi pa rin nagpakita kahit na minsan ang asawa niya sa kanya. Kaya naman naghamon na siya ng hiwalayan. But when Migo learned of her wish to end their marriage, he disagreed to set her free. Pinagtrabaho siya nito sa kompanya nito pero bawal niyang ipagsabi na asawa siya ng may-ari. Bukod pa ro'n ay sa pinakamababang pwesto siya nito pinagsimula. At idagdag pa na wala pa ring pagkakataon na makita niya ito sa trabaho. Offended and hurt, Lara demanded him to sign their annulment papers and be done with their marriage. Pero hindi niya inexpect na susugod ang CEO sa cubicle niya para lang punitin sa harapan niya ang mga papeles na pinadala niya rito. But what shocked Lara most was how devilishly handsome her husband, Miguel Villareal was! Did she really want to annul their marriage? Would meeting him again for the first time after so many years be the start of something beautiful between them, husband and wife? Or would the truth behind Migo’s decision to keep her away from him tear her apart? After all, Migo was a powerful man and behind every man of that status was a kryptonite his enemies were so eager to find.
Romance
1073.3K viewsCompleted
Read
Add to library
BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.
Romance
1097.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Hahamakin Ko ang Lahat

Hahamakin Ko ang Lahat

“Minsan, ang pinakamadilim na pagkabulag… ay ang pagkabulag sa pag-ibig.” Si Lorie Philip, ang nag-iisang tagapagmana ng Philip Empire, ay nawala ang lahat sa isang iglap. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdulot ng kanyang pagkabulag — iniwan siyang mag-isa, mahina, at umaasa lamang sa lalaking akala niya’y kanyang sandigan: si Jason Curry, ang asawa niyang ipinagkasundo sa kanya mula pagkabata. Ngunit ang pag-ibig na inakala niyang totoo, ay isa palang malupit na panlilinlang. Habang siya’y nabubuhay sa dilim, ginamit siya ni Jason upang makuha ang lahat ng ari-arian ng Philip family, habang palihim na nilalapastangan ang kanilang kasal kasama ang sekretarya nitong si Necy. Sa paningin ni Lorie, siya ay minamahal. Ngunit sa katotohanan, siya ay ginamit, pinagtawanan, at niloko. Hanggang sa isang araw, isang pagkadulas sa banyo ang nagbalik ng kanyang paningin at kasabay nito, ang katotohanang mas masakit pa sa pagkabulag. Nakita niya mismo ang kanyang asawa at sekretarya, naglalampungan sa study room, at mula sa bibig ni Jason, narinig ang mga salitang pumunit sa kanyang puso: “Hindi ko siya mahal. Kayamanan lang niya ang kailangan ko.” Ngunit ang mas mabigat na katotohanan, ang aksidenteng pumatay sa kanyang mga magulang ay hindi aksidente, kundi isang maingat na plano ng pamilya Curry. Sa gitna ng luha at galit, nanumpa si Lorie: “Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa n’yo sa akin.” Sa tulong ng isang matalino at misteryosong private investigator na si Fernan James, unti-unti niyang binuo ang kanyang lakas upang bawiin ang lahat — kayamanan, hustisya, at dignidad. Ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting nagigising ang damdamin niyang matagal nang natulog. Pag-ibig ba o hustisya ang pipiliin niya? At handa ba siyang magmahal muli sa lalaking handang ipaglaban siya, kahit kapalit ay buhay niya?
Romance
10606 viewsOngoing
Read
Add to library
Never Tame A Beast

Never Tame A Beast

(Ship of Temptation 3) Si Olie ay inampon ng isang mayamang matandang lalaki na walang kakayahang magkaanak. Gusto ng adoptive father niya na mapalapit siya kay Cly, a mentally retarded person, for a marriage proposal. Nais ng ama ni Olie na makuha ang kayamanan ni Cly sa pamamagitan ng kasal, na iniwan ng mga magulang nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Olie ang pagpapanggap ni Cly. Natakot siya at tumakas lalo na ng gusto ni Cly na ikulong siya at angkinin. After 8 years, nagkita muli si Cly at Olie. But this time, may boyfriend na si Olie na iba na kaibigan ni Cly. Anong gagawin ni Cly para mabawi si Olie? Magpapatuloy ba ang nasimulan nila noong una? O tuluyan ng sarado ang puso ni Olie sa kaniya?
Romance
1014.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Romance
1032.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Shadow Love of Mr. Zillionaire

The Shadow Love of Mr. Zillionaire

Para kay Jiannella, ang buhay ay parang isang salamin na nabasag—mahirap ng ayusin. Sa pagtatangkang ilayo ang kanyang kinikilalang kapatid sa kapahamakan, sumama siya sa kanyang tunay na mga magulang sa Pilipinas. Ngunit ang inaasam niyang tahimik na buhay ay nauwi sa isang malaking drama. Ang kanyang kapatid na si Mika, na anak ng dating yaya, ay labis na pinapaboran ng kanyang ina, na tila nagsisisi pa na dinala siya sa kanilang tahanan. At ang pinakamasakit, ang kanyang fiancé na si Duke, ay labis na umiibig kay Mika at gustong ipagpaliban ang kanilang kasal dahil lamang sa pagbabalik ni Mika mula sa ibang bansa. Sa desperasyon na makatakas sa kanyang pamilya, ipinost niya ang mainit na balita. Ang kanyang fiancé na si Duke, ay may relasyon sa kanyang kapatid na si Mika. Sa kasamaang palad, nagamit niya ang black card na bigay ng kanyang kapatid, at alam niyang anumang oras ay magpapakita ito sa kanyang harapan. Malapit na bang mabunyag ang kanyang madilim na sikreto? Lihim siyang may nararamdaman para sa kanyang kapatid, ngunit pilit itong kinukubli dahil sa takot na ito'y kakaiba.
Romance
10245 viewsOngoing
Read
Add to library
Cry for Love

Cry for Love

Parehong natali sa force marriage sina Eya at Jeck dahil sa negosyo ng mga magulang nila. Sa simula palang alam na ni Eya na hindi siya mamahalin ni Jeck dahil may kasintahan itong tinatago kahit pa kasal na sila. Pero kahit ganoon, hindi niya parin napigilan ang mapaibig sa asawa. She can't help but to fall inlove with him over and over again. Minahal niya si Jeck na wala man lang pakialam sa kanya. Ngunit paano kung sa isang gabi na pareho silang lulong sa alak ay may nangyari sa pagitan nila na pareho nilang hindi inaasahan? At ito ay biglang nagbunga? Umasa si Eya na iyon na ang magiging simula upang maging maganda ang pagsasama nila ni Jeck pero mali siya. Nalaman niya na nagfile si Jeck ng divorce para pakasalan na ang totoong mahal nito. Pipiliin niya bang sabihin na nagdadalang tao siya? O papayag siyang tuldukan ang kasalan na hindi nila pinlano para maging masaya ang lalaking mahal niya?
Romance
9.392.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Love I Tried to Hide

The Love I Tried to Hide

Noong gabi bago ang kanyang kasal, gumuho ang mundo ni Tyrra. Nahuli niya ang kanyang kasintahan sa kama kasama ang kanyang kapatid na babae. Nadurog ang puso, nakilala niya ang isang guwapong estranghero at nagpalipas ng gabi sa kanya. Pagsapit ng umaga, wala na siya. Makalipas ang anim na taon, si Tyrra ay isang single mom na may magandang karera. Hinihiling sa kanya na kapanayamin ang isang mayaman, pribadong lalaki at ang parehong lalaki mula noong gabing iyon. Ang kanyang pangalan ay Lemar Domino. Kilala niya agad. Ilang taon na niya itong hinahanap. Nag-aalok si Lemar ng deal: gumugol ng isang buwan sa kanya, at maaari siyang magkaroon ng pakikipanayam. Hindi sigurado si Tyrra. Gusto niya ang pakikipanayam, ngunit gusto niya ring kalimutan ang nakaraan. Habang nagsasama sila, nagsisimula silang maging malapit. Ngunit tinatago ni Tyrra ang katotohanan. Hindi alam ni Lemar na siya ang ama ng kanyang anak. Lalong lumala ang mga bagay nang ang seloso na kapatid ni Tyrra na si Grace ay sinubukang kunin si Lemar para sa kanyang sarili. Mawawasak ba sila ng kanilang mga sikreto at hindi pagkakaunawaan? O patatawarin ba ni Tyrra, bubuksan ang kanyang puso, at muling mahahanap ang pag-ibig?
Romance
380 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status