Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Forbidden Love

The CEO's Forbidden Love

Si Dolly ay ordinaryong babae—breadwinner at pangalawa sa magkakapatid. Lumuwas siya sa Maynila para makahanap ng trabaho at tuparin ang pangarap niyang maging guro, dala ang bigat ng iniwang pamilya matapos talikuran sila ng ama dahil sa pangangaliwa. Hindi niya alam na ang simpleng buhay niya ay magtatagpo sa mundo ng kayamanan, kapangyarihan, at panganib.Si Harwinn Damonier ay mafia CEO at anak ni Ravazzo Damonier, ang founder ng Eclipsis Consortium—isang global empire na charitable sa publiko pero illegal sa likod ng mga pinto. Sa simula, wala siyang pakialam kay Dolly. Ang kanilang kasal ay kasunduan lang, pinilit ng ama ni Harwinn para mapanatili ang kapangyarihan ng pamilya at ang seguridad ng Consortium. “No distractions. Work is everything,” Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.Ngunit si Dolly, sa kanyang stubbornness at matibay na puso, unti-unting binago ang malamig na mundo ni Harwinn. Mula sa asaran, ragebaiting, at matinding pagtatalo, napagtanto niya na may nararamdaman siya—isang damdaming hindi niya dapat aminin. Lahat ay maayos hanggang sa nalaman ni Dolly ang engagement ni Harwinn kay Natavalya Solaris, anak ng powerful Solaris family at intended bride para palakasin ang Consortium. Heartbroken, tumakas siya—hindi alam na buntis na pala siya. Sa dalawang buwan ng pagtatago at lungkot, napasakamay siya ng isang grupo na may utang na loob kay Jadraque Solaris, na plano gamitin siya para pilitin si Harwinn sa kasal kay Natavalya. Ngayon, nakatayo si Harwinn sa pagitan ng puso at kapangyarihan, habang ang kanyang mahal, si Dolly, ay nasa panganib. Isang mafia empire, isang forbidden love, at isang hindi inaasahang bata—maaaring magbago ng lahat.Makakaya kaya nilang labanan ang kasalanan, kapangyarihan, at dugo ng pamilya para sa kanilang pagmamahalan? O mawawala ang lahat sa dilim ng kanilang nakaraan at ng mundo ng mafia?
Romance
10150 viewsOngoing
Read
Add to library
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Romance
1010.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Desiring My Runaway Billionaire Uncle

Desiring My Runaway Billionaire Uncle

What will happen if a runaway bride meets her runaway billionaire uncle? Suot ang wedding gown sa mismong araw ng kanilang kasal, pinili ni Islaine na iwan ang lahat pagkatapos masaksihan ang pagtataksil ng kaniyang fiancé at ang wedding coordinator nila. Sa kagustuhang takasan ang lahat, magtutungo siya sa isla kung saan matagal nang naninirahan ang Uncle Nereus niya, ang step-brother ng mommy niya na piniling talikuran ang marangyang buhay para manirahan sa isang malayo at tagong isla. Sa kaniyang pagdating sa isla, paano kung ang Uncle Nereus ay tila ibang-iba na sa dating pagkakakilala niya? Ang dating bilyonaryong sanay sa syudad, may mestizo na kutis at may matayog na posisyon sa kompanya ay isa nang mangingisdang sunog sa araw. Pero sa kabila ng ilang pagbabago, naroon pa rin ang ilang katangian niyang hinahangaan niya rito. Siya pa rin ang guwapo at maskuladong uncle na pasekreto niyang hinahangaan noon. At sa bawat sulyap, sa bawat pagkilos nito, lalong lumalalim ang pagnanais na matagal na niyang pilit inilibing. Sa ilalim ng araw at mga alon, isang bawal na damdamin ang muling nagising. Dahil minsan, mas matindi ang tukso kapag alam mong bawal.
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Add to library
CONCHA SERIES 1: SET-UP LOVE STORY

CONCHA SERIES 1: SET-UP LOVE STORY

Isa si Earl Miguel Avelino Concha sa hinahangaang bachelor sa bansa. Nasa kanya na ang lahat kaya naman maraming mga babae ang naghahangad na mapansin niya. Ngunit ang binata ay may mahal na at walang iba kundi si Caroline Velasco Abad, isang sikat na modelo. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay niloloko lamang siya ni Caroline sapagkat mayroon talaga itong totoong minamahal. Natuklasan ito ng kanyang kapatid na si Claire kaya naman agad niya itong sinumbong sa kanyang kuya Earl. Hindi naman naniwala ang binata sa kanyang nakababatang kapatid sapagkat alam nito na hindi talagang gusto ni Claire si Caroline para sa kanya. Alam ni Claire na wala nang magagawa ang pagsasabi niya ng katotohanan sa kuya Earl niya dahil head over heels ito sa nobyang si Claire at saka magaling ding magpaikot ang huli. Kaya naman umisip na lang siya ng paraan kung paanong hindi matutuloy ang kasal ng kanyang kuya at ng nobya nito.
Romance
1017.5K viewsOngoing
Read
Add to library
CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE

CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE

Kasal na lamang ang kulang para maging tunay na Madrigal si Mia Buenaflor. Nine years niyang naging nobyo si Alonzo Madrigal at inaakalang ito na ang kanyang the one. Ang lalaking maghaharap sa kanya sa simbahan lalo na at ito ang kanyang pinakamamahal. Hanggang sa natuklasan ni Mia ang panloloko ni Alonzo. Her world shattered the day she discovered Alonzo's betrayal—a hidden affair—with consequences that would change her life forever. Hanggang sa nalaman niya na ang babaeng dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang fiancee ng kapatid nitong si Nicholas na si Gemma. Dahil sa pagmamahal kay Alonzo ay pumayag si Mia sa inalok na kasal sa kanya ni Nicholas. Gusto niyang magsisi si Alonzo sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Gusto niyang ipakita sa lalaki na hindi lang ito ang lalaki sa mundo pero hanggang saan siya dadalhin ng pagkukunwari nila ni Nicholas kung mukhang nagmamahalan naman si Alonzo at Gemma? Mapapanindigan niya kaya ang kasal niya kay Nicholas gayong napapalapit na rin siya sa lalaki? Sino ang pipiliin niya sa magkapatid? Ang lalaking nine years niyang minahal pero niloko siya o ang lalaking ibinigay sa kanya ang pangalan at itinayo ang kanyang dangal?
Romance
9.573.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Walking Disaster

Walking Disaster

Sept
Literal na delubyo o sakuna ang tingin ni Darlene Lopez kay Ashford Walker. Simula nang aksidente o sinadya man ni tadhana na makilala ni Darlene si Ashford ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Hindi na nga naging maganda ang naging pagkikita nila ay dumagdag pa ang isang pagkakamali na maghahatid sa kaniya para kagatin ang trabahong magpanggap bilang isang lalaki na lingid sa kaalaman ni Ashford—kapalit ang salaping sasagot sa lahat ng dinadamdam niya. Hindi lang isang lalaki, kung ‘di isang hamak na body guard slash alalay pa ni Ashford Walker na punung-puno ng kayabangan at kahanginan sa katawan. Magiging amo niya ang lalaking uutas ng kaniyang buhay. Ang lalaking titigan palang siya ay nanlalambot na siya. Ang lalaking kayang patigilin ang ikot ng kaniyang mundo at patidin ang kaniyang paghinga gamit lamang ang pamatay nitong mga galaw. Si Ashford na dinaig pa ang isang bagyo sa lakas ng dinadalang hangin sa katawan. Si Ashford, ang lalaking pinantayan ang isang lindol, na walang ginawa kung ‘di yanigin ang kaniyang buhay. Makakayanan kaya ni Darlene na bantayan ang lalaki sa kabila nang kaliwa’t kanan na gulong pinapasok nito? O ang dapat ba niyang bantayan at ingatan ay ang kaniyang puso na nagsisimula nang tumibok para dito?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Expect The Unexpected Marriage

Expect The Unexpected Marriage

Katana
Synopsis  Mapipilitang umuwi si Brianna upang dumalo sa kasal ng kaniyang kakambal na si Lilianna. Ngunit ang inaasahang okasyon ng kapatid ay siyang magiging kasal pala niya, malalagay siya sa isang sitwasyon na hindi niya kayang lusutan pa. Magiging asawa siya pansamantala ng lalaking rason kung bakit siya nagpakalayo-layo noon.  Mapaglabanan pa kaya ni Brianna ang sariling damdamin na noon ay pinaubaya sa kakambal?  O tuluyan nang mahuhulog sa lalaking una niyang minahal?  Paano kung sa pagbabalik si Lilianna ay bawiin ang asawa?  Ibibigay niya ba ito sa kakambal sa pangalawang pagkakataon? O, ilalaban kung alam niyang una pa lang ay pagmamay-ari na niya.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Mysterious Maid

The Billionaire's Mysterious Maid

Si Sabria Antonella Sienna ay lumaki sa isang mayaman at magarbong pamilya. She's the heiress of their family who owns the biggest shipping lines and logistics business in the country. Pero dahil sa problema sa negosyo ay kinailangan niyang isuko at talikuran ang lahat ng kaniyang mga ari-arian, kabilang na ang lalaking pinangakuan niya ng kasal. Meanwhile, Magnus Laurent Del Rio is a quarter Italian business magnate who owns a world reknown tech company, multiple chains of hotels and restaurants, as well as numerous businesses in the industries of cosmetics, food manufacturing, furniture manufacturing, airlines, and construction. He is a business prodigy and a young STEM genius that at age 18, he already had the highest net worth ever recorded in the Philippines, making him the youngest billionaire in the country. But apart from all of those successes, he only desired that one special thing that he believed to complete his bustling life — that is, a marriage with Bria. Kaya naman, nang hindi matuloy ang kasal nila ay para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Still, so many questions remain unanswered. Why did Bria not ask for help when she faced bankruptcy? Why was it so easy for her to break up with him knowing that he can willingly offer his help? Why did she choose to break his heart? Didn't she love him enough to stay? Ang mga tanong na ito ang balak iwasan ni Bria habang nagtatrabaho siya sa mansyon ng mga Del Rio bilang isang maid habang ang mga tanong naman na ito ang balak bigyang-kasagutan ni Magnus. In the midst of their confusion and angst against one another, could really a spark of lust and desire for answers bring back their love that had been cut short 10 years ago?
Romance
8.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte. Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang. Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?
Romance
453 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status