Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND

THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND

Ang akala niyang perpektong asawa na mahal na mahal siya ay sumiping sa ibang babae. Idagdag pa na ang ina nito ay sobrang ayaw sa kaniya na kung saan ay handa pa siya nitong bayaran para lang hiwalayan niya ang anak nito at nang makita niyang may kasiping na iba ang asawa niya ay doon na tuluyang naubos si Jasmine. Nakipaghiwalay siya rito, not knowing na buntis pala siya. Limang taon ang lumipas at muling nagkrus ang landas nilang dalawa. He became her new boss at doon, muli nitong ginulo ang mundo niya. “She's our daughter right?” his eyes filled with emotion. Ngumiti siya ng mapait. “She's not.” “Jasmine please... Alam kong may nararamdaman ka pa para sa akin.“ Matinding galit ang nararamdaman niya rito dahil sa ginawa nitong pagtataksil, ngunit paano kung hindi naman pala totoo ang lahat ng iyon at isa lang misunderstanding? Will they find their way back to love? Or tatanggapin na lang ang katotohanan na hindi sila para sa isat-isa dahil sa mga hadlang sa pag-iibigan nila?
235 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER

IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER

"You became mine the moment I touched you. Hindi mahalaga kung gaano katagal tayong nagkalayo o kung anong buhay ang binuo mo nang wala ako. At the end of the day, you're still mine. And I always take back what's mine." — Caleb Santillan Lahat ay isinakripisyo ni Samantha para sa lalaking mahal. Pero niloko siya nito at ipinagpalit sa kaniyang matalik na kaibigan. Sa isang gabing puno ng galit at pagkadurog, nagawa niya ang pinakamalaking pagkakamali ng kanyang buhay. Pinili ni Samantha na maglaho kasama ang lihim na dinadala niya sa sinapupunan. Lumipas ang mga taon. Akala niya ay nakatakas na siya sa nakaraan. Ngunit nang matanggap siya bilang model sa pinakasikat na company, laki tuwa niya. Pero gumuho ang kasiyahan ni Samantha ng makilala ang may-ari nito. Dahil ang kanyang bagong boss ay walang iba kundi ang lalaking magdamag siyang inangkin at ama ng batang itinatago niya sa lahat. Habang unti-unting nabubunyag ang mga lihim, muling naglalaban ang pag-ibig at pagnanasa. At kung kailan handa na si Samantha para papasukin muli ang lalaki sa kanyang buhay, saka naman nagbalik ang fiancee nito. Nasaktan at nabigo na naman si Samantha. At ang masakit pa. Unti-unting nakukuha ng fiancee nito ang loob ng kanyang anak. Hanggang saan ang kaya niyang ipaglaban kung ang lahat ay unti-unting nawawala sa kanya? Pipiliin ba ni Samantha na manatili kahit araw-araw parang dinudurog ang kanyang puso?
1094 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
One Night, Forever Mine

One Night, Forever Mine

Si Luna Reyes ay isang simpleng babae na handa nang magpakasal—hanggang sa mahuli niyang may ibang babae ang fiancé niya sa mismong kama nila. Wasak, sugatan, at pagod na sa pagiging “tama,” napadpad siya sa isang bar para takasan ang sakit kahit isang gabi lang. Doon niya nakilala si Adrian Vale—isang makapangyarihang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Isang gabi. Walang pangalan. Walang bukas. Ngunit ang gabing iyon ang magbubuklod sa kanila sa paraang hindi nila inaasahan. Sa muling pagtatagpo nila, hindi na maiiwasan ang tensyon, pagnanasa, at emosyon na pilit nilang tinatakasan. Pero sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at kontrol—hanggang saan kayang ipaglaban ni Luna ang sarili niya? At handa ba siyang mahalin ang lalaking maaaring sumira… o bumuo muli sa kanya?
101.9K viewsOngoingAdded to Library 37 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)

Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)

"Akin ka lang, Ninang Ruth! Walang ibang magmamay-ari sa’yo kundi ako!" Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay habang hinawakan ko ito. Nanlilisik ang mga mata ko, puno ng pagnanasa at pag-angkin. Pero sa halip na matakot, marahan lang siyang ngumiti—isang ngiting may halong pangamba… at pagnanasa rin. "Wag ako, Ace," mahinahon niyang tugon, pilit tinatago ang emosyon sa kanyang tinig. "I’m older than you. I’m thirty… habang ikaw, twenty-five pa lang." Ngunit sino bang makakapigil sa puso? Ako si Ace Pattern, dalawampu’t limang taong gulang, isang business tycoon na sanay makuha ang gusto. Lahat ng gusto ko… maliban sa kanya. Si Ninang Ruth. Ang babaeng pinagbabawal mahalin. Ang babaeng dapat kong irespeto, pero mas gusto kong angkinin. Masama bang magmahal sa isang Ninang? Sabi nila, mas masarap daw ang bawal. At ngayong naranasan ko na siya… handa akong sirain ang lahat — kahit ang sarili kong pagkatao —mapasaakin lang siya.
103.5K viewsCompletedAdded to Library 120 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
Bound to the Billionaire Contractor

Bound to the Billionaire Contractor

Auditor sa umaga. Asawa sa gabi. Kalaban sa katotohanan. Kapag puso, pamilya, at katarungan ang nagbanggaan—sino ang handa mong ipaglaban? Si Maria Ysabel Cruz ay isang ordinaryo pero masipag na auditor na napilitang akuin ang responsibilidad nang mamatay ang ina at bumagsak ang kalusugan ng kanyang ama. Sa desperasyon, nagkubli siya sa pangalang Maya Santos at pumasok sa isang contract marriage kay Renzo Alcantara—ang guwapo at makapangyarihang tagapagmana ng pinakamalaking construction empire sa bansa. Sa simula, naging perpekto ang lahat: natugunan ang gastusin ng kanyang pamilya, unti-unti siyang nahulog kay Renzo, at naranasan ang isang uri ng pag-ibig na akala niya ay para lang sa mayayaman. Ngunit gumuho ang ilusyon nang ma-assign siya bilang auditor sa mismong kumpanya ng mga Alcantara. Sa araw, siya ang matapang na Maria Ysabel na nag-iimbestiga sa mga katiwalian. Sa gabi, siya ang mapagmahal na Maya, asawa ni Renzo. Dalawang katauhan, iisang puso—at isang mapanganib na lihim. Hanggang sa mabunyag ang masakit na katotohanan: ang pamilya ni Renzo ang nasa likod ng ghost projects na kumitil ng maraming buhay at sa trahedyang pumatay sa kanyang ina. Ngayon, kailangan niyang pumili: Ipaglaban ang pamilya at katarungan para sa bayan… o ipagtanggol ang lalaking minahal niya? At si Renzo, may sarili ring laban: Patatawarin ba niya ang babaeng ilang ulit na nanloko sa kanya? O patuloy pa rin ba niyang mamahalin—Maya man siya o Maria Ysabel—kahit kapalit ay ang pamilyang kailanma’y hindi niya tinalikuran? Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil, at ang tanong na walang kasiguraduhan: Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig at katotohanan?
102.0K viewsOngoingAdded to Library 74 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
Strange Proposal

Strange Proposal

Tahimik ang buhay ni Alexandra Cruz—isang working student na mas piniling magbanat ng buto, magtinda ng balut, at alagaan ang ama kaysa umasa sa kahit kanino. Para sa kanya, malinaw ang direksyon ng buhay: magsikap, magtiis, at huwag umasa sa mga pangakong madaling mabasag. Samantala, si Diego ay kabaligtaran niya—isang lalaking mayaman, sanay sa luho, at handa nang mag-settle down para sa babaeng mahal niya. Isang proposal ang dapat magtatatak ng bagong yugto ng kanyang buhay… hanggang sa hindi sumipot ang babaeng pinili niyang pakasalan. Sa gitna ng galit, lungkot, at pagkalasing ng damdamin, isang impulsive na desisyon ang ginawa ni Diego—isang publikong proposal sa isang estranghera na hindi niya kilala. Isang alok na hindi dapat tinanggap, at isang kasunduang nagsimula sa maling dahilan.. Isang lalaki na desperadong ayusin ang wasak niyang mundo. Isang babaeng ayaw madamay sa problemang hindi kanya. Ngunit paano kung ang isang maling simula ay humantong sa isang relasyong pilit na pinaninindigan? Hanggang saan ang kaya nilang tiisin sa isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? At sa gitna ng isang kakaibang proposal, matutunan kaya nilang piliin kung alin ang mas mahalaga—ang planadong buhay, o ang pag-ibig na hindi nila inaasahan?
104.1K viewsCompletedAdded to Library 148 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
1.6K viewsCompletedAdded to Library 37 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
Hot night with a Mafia Boss

Hot night with a Mafia Boss

Makakatanggap si Ryc ng isang email na nagsasabing siya ay anak ‘daw ito. Iisang tao lang naman ang hinahanap niya—si Isabella o Ella. Ang babaeng naka-one-night-stand niya at naglaho nalang na parang bula. “Good evening, Daddy. Ako po si Issa, anak po ako ni Isabella. Hindi ko po alam kung kilala niyo si mommy pero nasa panganib po ang buhay niya. Kinuha po siya ng mga armadong lalaki! Ang sabi ni mommy hindi pa siyang handa na ipakilala ka pero dahil sa mabilis na pangyayari ay itinago niya ako at sinabing hanapin ka. Takot na takot na po ako daddy, nasaan ka na po?”
10133.9K viewsCompletedAdded to Library 3.1K Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
Falling Twice for My Billionaire Boss

Falling Twice for My Billionaire Boss

Kaella Ponce has always been the sales manager everyone relies on—palaging on time, mahusay sa numbers, at hindi basta-basta natitinag. Sa mundo ng Roque Corporation kung saan bawat deal ay critical, she’s the woman who keeps the department running smoothly. Kaya nang ma-assign sa kanya ang isang tila clueless na trainee, she’s ready to roll her eyes and move on. Pero hindi ordinaryong newbie si Jerome. Sa likod ng kanyang simpleng trainee facade, siya pala ang Jerome Roque, ang tanging tagapagmana ng snack empire na pinagtatrabahuhan nila. Sa utos ng kanyang ama, nagkunwari siyang baguhan para maintindihan ang kumpanya at makita kung sino ang tunay na loyal. Nang kailangan niyang biglang umalis dahil sa family business crisis abroad, hindi na niya naipaliwanag ang buong katotohanan. Naiwan si Kaella—brokenhearted at feeling betrayed—at nangakong hindi na muling magpapaloko. Pagkalipas ng ilang taon, matagumpay at kilala na sa industriya si Kaella—mas strong, mas guarded, pero may mga sugat pa ring hindi tuluyang naghilom. Sa isang malaking business conference, nakasalubong niya ulit ang isang ngiti na matagal na niyang gustong kalimutan. Si Jerome Roque, ngayon ay isang charismatic CEO, bumalik para patunayan na hindi nagbago ang feelings niya. Muling nagbabalik ang kilig, ang sakit, at ang mga alaala. Pero handa pa bang buksan ni Kaella ang puso niya? Kaya ba niyang muling mahulog—this time sa billionaire boss na minsan na siyang iniwan? O hahayaan niyang manatili ang distansya sa pagitan nila kahit na malinaw na may spark pa rin?
10832 viewsOngoingAdded to Library 28 Times as mga handa sa pasko
Read
+Library
CHASING HER: The Billionaire's Mistake

CHASING HER: The Billionaire's Mistake

Sampung taon na minahal ni Ashley si Ace ng walang naging tugon mula dito. At nang mamatay ang kanyang anak na isa si Ace ang naging dahilan ay doon na din tuluyang nawala ang pagmamahal niya dito at handa na siyang makipaghiwalay dito. Ngunit kung kailan handa na siyang kalimutan si Ace at magbagong bahay ng malayo dito ay ayaw naman siyang pakawalan nito at pilit siya nitong pinapanatili. At sa tuwing pilit niya itong pinapalayo ay pilit naman itong lumalapit. At minsan ipinaparamdam nito sa kanya na may pagtingin na din ito sa kanya. Maniniwala ba siya sa ipinapahiwatig nitong mahal siya o sadya lamang ginagawa lang nito ang lahat para mapanatili siya?
9.355.1K viewsOngoingAdded to Library 1.1K Times as mga handa sa pasko
Show Reviews (22)
Read
+Library
vin ram
Great story. Ang ganda ng mga sequence ng kwento. nakakaawa si ashley parang pinagkaitan ng panahon. Tapos si belle ang sarap sampalin akala mo kung sinung babae. tas si ace?parang walang pagmamahal kay ashley at kay sisi. waiting sa mangyayare sa kwento. superb thankyou author. iwant more chapter
Bountyful Beauty
kahit na nagtagpo tau sa mundo ng BL ms. Yu. susundan parin kita straight man iyan. At sadyang mapanakit ang Ace na pangalan ng character mo Ms. Yu. Ang sarap tadyakan. at ang sarap namang sabunutan ang kontrabidan babae. Laban lang Ashley. baback up ako sayo. hehe. but at all. this is interesting.
Read All Reviews
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status