Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ACCIDENTALLY IN LOVE

ACCIDENTALLY IN LOVE

“Nothing hurts more than being betrayed by someone you love.” Iyan ang naramdaman ni Reyna nang matuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Mulat man sa marangyang buhay, mas pinili ni Reyna na mamuhay ng simple sa poder ng kanyang Auntie Vanessa dahil hindi niya kaya ang klase ng living set-up na meron ang kanyang mga magulang. Isang umaga niyanig ng malungkot na balita ang mundo ni Reyna, bumagsak ang kumpanya ng Jhudwung Company kung kaya'y hindi na nito kayang bayaran ang mga obligasyon ng mga scholars nito sa Whiz Franklin University kung saan siya nag-aaral bilang university scholar ng nasabing kumpanya. Habang nasa kalagitnaan siya ng problema, isang Filipino-Japanese Kanji Fujisawa ang lumitaw na parang kabute sa buhay niya. Ang nag-iisang lalaking nag order ng beer sa cofee shop kung saan siya ay barista. Na wewerdohan man, napilitan siyang gawin ang isang bagay para sa lalaki, dahil ang scholarship na pinakaiingatan niya ay tanging Kanji lang ang makakasalba.
Romance
1010.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Contracted To My Boss

Contracted To My Boss

Si Diana ay lumaki sa hirap, ngunit lalong naging mabigat ang buhay nang magkasakit nang malubha ang kanyang kapatid na si Lyka. Sa desperasyon, lumapit siya sa nobyo niya para humingi ng tulong, ngunit imbes na damayan siya, inakusahan siya nitong pabigat at inamin na may iba na ito. Durog ang puso, tumakbo siya palayo at sa gitna ng kanyang pag-iyak, aksidente siyang nabangga ng isang matangkad at gwapong lalaki—si Adrian, ang misteryosong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Narinig pala ni Adrian ang buong usapan, at sa isang hindi inaasahang alok ay sinabi niyang, “Kailangan ko ng kontratang asawa, at kailangan mo ng pera. Pwede tayong magtulungan.” Sa kawalan ng ibang mapagpipilian, pumayag si Diana. Isang simpleng kasunduan lamang daw: walang emosyon, walang komplikasyon—pawang negosyo lang. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, napapansin nilang hindi ganoon kadaling iwasan ang damdamin. Ang mga halik na dapat ay peke, tila tunay. Ang mga haplos na dapat ay scripted, nagiging totoo. Unti-unti, naguguluhan sila sa kung ano ang totoo at ano ang bahagi lang ng kontrata. At nang magsimulang pumasok ang pamilya ni Adrian sa eksena, naramdaman ni Diana na baka hindi talaga siya nababagay sa mundo nito. Kaya iminungkahi niyang lumayo na lang. Pero bakit gano’n na lang ang sakit sa dibdib ni Adrian? Kung peke ang lahat, bakit parang ayaw na niyang lumayo na lang.
Romance
10485 viewsOngoing
Read
Add to library
Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko

Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko

Sa nakalipas na anim na taon, pinagbintangan siya ng masama niyang kapatid at iniwan siya ng asawa niya noong buntis pa siya.Makalipas ang anim na taon, gumamit siya ng ibang pangalan. Ngunit, ang lalaking umiwan sa kanya dati ay walang tigil sa pangungulit sa harap ng kanyang pinto.“Ms. Gibson, ano ang relasyon mo kay Mr. Lynch?”Ngumiti siya at sumagot lang siya ng kaswal, “Hindi ko siya kilala.”“Pero sinabi ng sources namin na minsan daw kayong kinasal.”Sumagot siya habang inaayos ang kanyang buhok, “Tsimis lang ‘yun. Hindi ako bulag.”Sa araw na ‘yun, tinulak siya sa pader sa sandali na makapasok siya ng pinto.Nagsalita ang tatlong anak niya, “Malabo daw ang mga mata ni mommy, sabi ni daddy! Aayusin daw ni daddy ‘yun para kay mommy!”Nagsalita siya, “Bitawan niyo ako, darling!”
Romance
9.1819.3K viewsCompleted
Show Reviews (167)
Read
Add to library
Nhens Funes
nabasa ko ang english version ng story na to maganda sa umpisa pero sa middle ng story paulit ulit ang nangyayari at padami ng padami ang charcter na dinadagdag which make the story boring, suggestion lang as a reader mas maganda yong story na kahit 50 chapter lang but the story line really good.
Sharon Manuel Pote
hindi lng emotional na pananakit pati physical din...panu mo pa mapapatawad ang isang lalaki kung wala namang tinawala sayo at paulit ulit kang sinasaktan dahil sa maling akala..?d siya pwede sa true story...sayang ang ganda pa naman sana pero mas gusto kung iba na lng makatuluyan ni luna
Read All Reviews
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Innocent Secretary

The Billionaire's Innocent Secretary

Amore Love
Maging mayaman iyan ang pangarap ni Lexi De Asis na kaniyang makamtan sa pamamagitan ni Ally Sandoval ang bilyonaryong businessman na boss niya. Ngunit hindi tumatalab ang kaniyang pang-aakit sa binata dahil napakasungit nito sa kaniya at hindi nito pinapansin ang kaniyang karisma. Hanggang sa sumuko si Lexi sa kaniyang boss at magkaroon naman ng interes sa nakababatang kapatid ni Ally na si Gilbert. Muling ginamit ni Lexi ang kaniyang karisma sa bunsong kapatid ni Ally ngunit hindi inakala ni Lexi na ang kaniyang naging biktima sa plano niya ay si Ally. Dahil sa kahihiyan na inabot ni Lexi sa kaniyang boss ay umalis siya ng trabaho na nagdadalang tao. Muli pa bang magkru-krus ang kanilang landas ni Ally o tuluyang magkakalayo ang kanilang landas dahil nakatakda na itong ikasal sa iba?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Blueesandy
Si Addison ang nag iisang bumubuhay sa kaniyang mga kapatid simula nang mamatay ang kanilang mga magulang. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, at dahil na rin sa sobrang kalasingan, nagising na lamang siya na may singsing sa daliri at katabing mala-adonis na lalaki sa kama. "Hello there, my dear wife,"
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving The Mistress

Loving The Mistress

FilipinangManunulat
Wala ng ibang maisip na lapitan si Beatrice kundi ang kapatid niyang si Zircon tungkol sa kanyang problema. Hiniling ni Beatrice kay Zircon na paibigin ang kabit ng kanyang asawa upang mapaghiwalay sila. At kapag napa-ibig na ni Zircon si Yara, ang kabit ni Jack ay iwanan na niya ito agad para maturuan ng leksyon. Hindi sana papayag si Zircon sa hiling ng kapatid dahil hindi siya ganong lalake ngunit ayaw niyang matulad sa kanya ang pamangkin niya na hindi buo ang pamilya. Parang isang mailap na tupa si Yara ng tangkain na makipaglapit ni Zircon. Ngunit dahil sa isang pangyayari na hindi nila inaasahan ay iyon ang nagbukas ng daanan para maging malapit at makilala nila ang isa’t isa. Nakilala ni Zircon ng mabuti si Yara at nalaman niya na mabuti itong babae kahit na kabit ito. Nagmahal lang naman at nabulag siya sa pag-ibig. Pinayuhan naman niya si Yara na itigil niya iyon at tila biglang natauhan ang dalaga kaya bigla itong nakipaghiwalay kay Jack, isa pa ay napapagod na rin siya na maghintay kay Jack at sa mga pangako nito, idagdag pa ang katotohanang nahulog na rin ang loob niya kay Zircon. Hindi nagtagal ay naging magkasintahan sina Zircon at Yara, akala nilang dalawa ay magiging masaya na sila sa piling ng bawat isa ngunit lumabas ang mga lihim na hindi na sana nila gusto na lumabas. Simula noon ay naging mahirap para sa kanila ang bawat araw at humantong iyon sa kanilang hiwalayan. May pag-asa pa ba na magkabalikan sina Zircon at Yara gayong nawala na ang tiwala sa isa’t isa? May pagkakataon pa ba si Yara na makaramdam ng isang totoong pag-ibig kahit minsan na siyang naging kabit? O baka naman tuluyan na silang paghiwalayin ng tadhana at dalhin sa magkaibang landas.
Romance
10966 viewsOngoing
Read
Add to library
Rain on Your Parade

Rain on Your Parade

Penmary
Hindi inasahan ng rakistang si Zein na uso pa pala ang pagiging "rebound girl" nang sabihin iyon ng panderong ex-boyfriend ng Ate Zelda niya na si Amos. Umeksena lang ang "bitter" na lalaki sa kasal ng kapatid niya, inaya na siya sa isang relasyong wala namang pag-ibig. Nasira ang plano niyang magkaroon ng magandang karanasan sa isang relasyon. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang umihip at pumayag siyang maging panakip-butas lamang. In short, band-aid lang siya para sa mga sugat na iniwan ng kapatid niya sa puso ng binata. Akala ni Zein ay naging maingat siya pero nahulog ang damdamin niya at umasang kaya siyang saluhin ni Amos subalit bumalik sa eksena ang Ate Zelda niyang una nitong minahal. Hindi na siya naghintay na saluhin ng binata. Umahon na agad siya kahit may naiwang marka ang lalaking tanging nagpalakas ng tibok ng puso niya. Ngunit saan siya dadalhin ng pagtakas niya sa isang pag-ibig na hindi sigurado? Paano niya pa ito makalilimutan kung may buhay na sa kaniyang sinapupunan?
Romance
102.4K viewsCompleted
Read
Add to library
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1019.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ayah Tiri Anakku (bukan) Tukang Cilok Biasa

Ayah Tiri Anakku (bukan) Tukang Cilok Biasa

Riya Ni
Kayra adalah seorang janda dengan dua anak kembar. Ia memiliki trauma dalam pernikahan karena ditalak ketika hamil tua. Ia pun membesarkan kedua anaknya seorang diri, menghadapi segala omongan jelek yang tertuju pada anak-anaknya dan dirinya sendiri. Sampai akhirnya, seorang pria muda mendekatinya. Tidak seperti mantan suaminya yang orang kantoran, pria bernama Haidar itu hanyalah penjual cilok biasa. Apakah seorang pria miskin biasa bisa melindungi Kayra dan anak-anaknya dari kerasnya dunia?
Urban
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status