Contracted To My Boss

Contracted To My Boss

last updateHuling Na-update : 2025-07-10
By:  Ms.CageIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
12Mga Kabanata
2views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Si Diana ay lumaki sa hirap, ngunit lalong naging mabigat ang buhay nang magkasakit nang malubha ang kanyang kapatid na si Lyka. Sa desperasyon, lumapit siya sa nobyo niya para humingi ng tulong, ngunit imbes na damayan siya, inakusahan siya nitong pabigat at inamin na may iba na ito. Durog ang puso, tumakbo siya palayo at sa gitna ng kanyang pag-iyak, aksidente siyang nabangga ng isang matangkad at gwapong lalaki—si Adrian, ang misteryosong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Narinig pala ni Adrian ang buong usapan, at sa isang hindi inaasahang alok ay sinabi niyang, “Kailangan ko ng kontratang asawa, at kailangan mo ng pera. Pwede tayong magtulungan.” Sa kawalan ng ibang mapagpipilian, pumayag si Diana. Isang simpleng kasunduan lamang daw: walang emosyon, walang komplikasyon—pawang negosyo lang. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, napapansin nilang hindi ganoon kadaling iwasan ang damdamin. Ang mga halik na dapat ay peke, tila tunay. Ang mga haplos na dapat ay scripted, nagiging totoo. Unti-unti, naguguluhan sila sa kung ano ang totoo at ano ang bahagi lang ng kontrata. At nang magsimulang pumasok ang pamilya ni Adrian sa eksena, naramdaman ni Diana na baka hindi talaga siya nababagay sa mundo nito. Kaya iminungkahi niyang lumayo na lang. Pero bakit gano’n na lang ang sakit sa dibdib ni Adrian? Kung peke ang lahat, bakit parang ayaw na niyang lumayo na lang.

view more

Kabanata 1

CHAPTER ONE

DIANA'S POV

Basang-basa na ako. Hindi ko na alam kung ulan pa ba ’to o luha. Nakatayo ako sa labas ng ospital, hawak ang papel ng medical bill ni Lyka. Halos kalahating milyon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng gano'ng kalaking halaga.

"Please, Lester..." pakiusap ko, pilit pinapakalma ang boses kahit nanginginig na ako sa lamig. "Kailangan lang talaga. Maawa ka naman kay Lyka. Baka bukas, wala na siyang chance."

Umiling siya, sabay bitiw ng mapait na ngiti. "Pabigat ka na, Diana."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pero hindi pa siya tumigil.

"Three years tayong magkasama, pero anong napala ko? Wala. Nagsasayang lang ako ng panahon sa isang babaeng walang direksyon. Look at you. Losyang ka na, puro problema ka pa."

Nahulog ang bag ko sa pagkabigla. Hindi ko alam kung mas malamig ang ulan o yung mga salitang binibitawan niya. Pero mas masakit ’yung sumunod na nakita ko.

May lumapit sa kanya, isang babaeng naka-red dress, naka-heels kahit ulan. Tumabi sa kanya. Hinawakan ang braso. Tumawa pa. At hindi siya umiwas.

"Teka… siya na ba?" tanong ko, halos pabulong.

"At least siya, may future. Hindi tulad mo," sagot niya, walang ni katiting na pagsisisi.

Parang gusto kong sumigaw, pero walang lumabas sa bibig ko. Ang sakit. Ang hirap. At ang kapal ng mukha niya.

Wala akong nagawa kundi ang tumakbo. Kahit basa, kahit madulas. Gusto kong lumayo. Gusto kong maglaho.

At doon sa sulok ng parking lot—bam! Nabangga ko siya.

Isang lalaking matangkad, nakaitim na coat, at kahit nabasa ng ulan, mukhang kakalabas lang sa fashion magazine. Maputi pero hindi namumutla, matangos ang ilong, defined ang panga. Ang buhok niyang basa ay parang sinadyang i-style sa perpektong gulo. Pero ang pinaka nakatulala sa lahat ay ang mga mata niya. Matatalim pero nangungusap. Parang kayang basahin ang iniisip ko.

“Miss, okay ka lang ba?” tanong niya. Mababa, kalmado, pero may diin. At grabe, ang bango niya. Kahit nasa gitna kami ng ulan, naamoy ko pa rin ‘yung woody scent ng cologne niya. Mahal. Malinis. Nakakakuryente.

Napalunok ako. Wait lang, kilala ko siya...

Adrian Velasquez. CEO ng Velasquez Holdings. Ang pinaka-hot, pinaka sikat, at pinaka misteryosong boss sa buong bansa. May mga chismis na engaged na siya sa anak ng senador, pero wala pang kumpirmasyon. Laging headline, pero bihirang makunan ng interview. Untouchable, cold hearted, genius businessman. At ngayon, kaharap ko siya, basang sisiw, umiiyak.

Bakit ngayon pa?

Hindi ako makagalaw. Tinitigan niya lang ako, bahagyang nakakunot ang noo. Napansin siguro niya ang pamumula ng mata ko, ang pasa sa loob. ‘Di ko alam kung dahil sa hiya o gulat, pero napayuko na lang ako.

“Sorry… ako dapat ang lumingon. Hindi ko sinasadya,” sabi ko, boses ko’y halos pabulong.

Tahimik lang siya. Pero hindi siya umalis.

“Hospital bill?” tanong niya, sabay tingin sa papel na hawak ko.

Napatigil ako. “Paano n’yo—?”

“I heard everything,” sabay tingin sa direksyon kung saan naroon si Lester. “That guy’s trash.”

Sobrang direct. Pero wala akong lakas para umangal. Totoo naman.

Napatingin ako sa kanya. Dito ko lang napansin ang gupit niyang parang laging ready para sa isang ad campaign. Naka-three-piece suit pa siya kahit umuulan. At 'yung mga mata niya ay parang may tinatagong lungkot.

“May pamilya ka ba?” tanong niya bigla.

Nabigla ako. “Kapatid ko lang. Si Lyka. Sixteen. ICU siya ngayon.”

Tumango lang siya. Walang ibang sinabi. Walang pakunswelo. Pero hindi ko rin alam kung bakit, sa gitna ng katahimikan, parang may dumaan na koneksyon. Hindi siya ngumiti, pero hindi rin malamig. Nakatingin lang siya. Diretso. Parang tinutunaw ako.

“Desperado ka na ba talaga?”

Napatingin ako ulit sa kanya. “Sa totoo lang… oo.”

Bahagya siyang lumapit. Ang suot niyang coat ay hinubad niya at inilagay sa balikat ko. Mainit. Mabigat. Parang yakap.

At sa pinakamalambing pero seryosong boses, binitawan niya ang mga salitang hindi ko inasahan.

“Then marry me.”

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
12 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status