Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
PRETENDING AS MY TWIN SISTER

PRETENDING AS MY TWIN SISTER

Si Amythist at Amberlyn ay kambal at talaga namang magkamukhang magkamukha ang mga ito, kung wala lang pagkakaiba sa ayos ng buhok, pananamit at ugali ay malilito ang kahit na sino kapag nakita ang dalawa. Hindi maganda ang pakikitungo ni Amber kay Amy kaya lahat gagawin ni Amy upang magkaayos silang magkapatid. Hanggang sa humingi ng pabot si Amber sa kapatid na magpanggap ito bilang siya. Kahit Labag sa loob ni Amy na magpanggap bilang Amber sa nobyo ni Amber na si Dominic ay pumayag na ito alang alang sa pangako ni Amber na magiging maayos na ang pakikitungo nito kay Amy sa loob ng dalawang buwang pagpapanggap. Mabuko kaya si Amy ni Dom na hindi talaga siya ang totoong Amber? at ano ang dahilan kung bakit gusto ni Amber na magpanggap si Amy bilang siya? Magiging maayos ba talaga ang relasyon nilang magkapatid o mas lalo pang kamumuhian ang isa't isa.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Si Adam Joe, isang bilyonaryo. Maganda ang buhay dahil sa yaman na kaniyang pinag hirapan. Samantala si Elizabeth Fortes, hikahos sa kahirapan. May kapatid na malubha ang sakit, dahil sa sakit ng kaniyang kapatid na si AZ, kinailangan niyang kumapit sa patalim upang mapagamot ang nag iisang kapatid dahil wala na silang magulang. Si Adam ay mapaglarong tao, kahit na meron na siyang kasintahan ay nagawa pa din niyang magtaksil dahil hindi naman talaga niya lubos na gusto si Sabrina, pinag kasundo lang sila ng kaniyang Lolo at ng magulang ni Sabrina. Ano ang magiging papel ni Elizabeth sa buhay ni Adam? Magiging parausan lang ba siya ng bilyonaryong lalaki?
Romance
10600 viewsOngoing
Read
Add to library
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
Romance
983 viewsOngoing
Read
Add to library
You Are My Savior

You Are My Savior

Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael. Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
Romance
105.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Dela Vega Series: Troublemaker

Dela Vega Series: Troublemaker

Sa pagbalik ni Ariana ng Pilipinas muli niyang makakaharap ang cold, playboy at distant niyang nakatatandang kapatid, si Brian Gil. Ang kapamilyang bukod tanging hindi malapit sa kanya. Wala siyang ibang hinangad kundi ang makuha ang loob ng nakatatandang kapatid at maging malapit dito. Ngunit, paano kung sa paghahabol niya sa affection nito ay higit sa inasahan niya ang handang ibigay ni Brian? Tanggapin kaya ito ni Ariana? O hahayaan na lang ang relasyon nilang bumalik sa zero?
Romance
4.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Orphan Wife

My Orphan Wife

Noong birthday ng single mother na si Grace Saavedra ay hinayaan ng anak nito na si Dexter na matupad ang hiling ng ina. Ang magkaroon pa ng isang anak. Anak na babae. Sa isang ampunan, nakita ni Grace ang sampung-taong gulang na si Heather. Dinala sa bahay, at doon nakilala ni Dexter ang bagong kapatid niya. Si Heather na madalas niyang kaaway pero naging malapit sa kanya. Hanggang lumipas ang taon, ang batang si Heather ay isa ng dalaga, magandang dalaga. At iba na ang nararamdaman sa kanyang kuya na sampung taon ang agwat sa kaniya? Paano ba masasabi ni Heather ang nararamdaman para sa kapatid niya na hindi man niya tunay na kadugo ay para na niyang tunay na pamilya? Matatanggap ba kaya ni Dexter ang pag-ibig ng ampon niyang kapatid?
Romance
587 viewsOngoing
Read
Add to library
ANG MUTYA NG HULING MAFIA

ANG MUTYA NG HULING MAFIA

BLURB: Kailanman ay hindi maikakaila na minsan nilang minahal ang isa’t isa. Ngunit ang lihim ng mundong nababalot ng panlilinlang, pagtataksil, at nang makapangyarihan, ang babago sa takbo ng kanilang buhay. Mataas ang pangarap ni Seraphina sa buhay. Upang makamit ang tugatog ng tagumpay, kailangan niyang gamitin ang kanyang kapatid at ang sitwasyon hindi niya kayang tanggihan. Habang si Silhouette, bagama’t nagmamahal lang naman ay naipit sa dalawang malalaking batong lihim na nag-uumpugan at tinutugis ang isa’t isa. Puso ng isang tunay na mafia ang hangad niya kahit sa panaginip. Ang puso niyang iyon ang nagturo sa kanya na puwedeng maging perpekto ang pagkakataon para sa mga imperpektong tao na tulad niya at ni Sandro sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad. Habang si Sandro, sa kabila ng kanyang lihim na pagkatao ay natutong magmahal. Kaya niyang bigyan ng proteksyon ang taong mahal niya, kaya niyang suungin ang panganib at marunong siyang magsakripisyo. Ang kanyang tamang pagpapasya ang magiging susi tungo sa payapang kinabukasan kasama ang kanyang pamilya. Mabubuksan ang maraming pinto ng lihim. Bawat pinto ay maglalapit kina Sandro at Silhouette. At isang pinto naman ang mababalot ng paghahanap ng hustisya at paghihiganti sa muling pagmulat ng mga mata ni Seraphina. May puwang ba ang tunay na pag-ibig para sa tinaguriang mutya ng huling Mafia? Alin ang mas matimbang, ang kapatid o ang pinangarap niyang mafia? Ang pag-ibig ba ang kanilang kaligtasan—o ang kanilang kapahamakan?
Romance
10991 viewsOngoing
Read
Add to library
For the Unloved

For the Unloved

Leonardo Aquilino Del Madrid only wants to be loved. Buong buhay niya, palaging sa bunsong kapatid niya nakatuon ang atensyon ng mga magulang niya kahit gawin na niya ang lahat ng gusto ng mga ito- ang kaso, napagod rin siya kalaunan. Sawang-sawa na siya sa mga panandaliang pakiramdam. Gusto niya
Romance
104.0K viewsCompleted
Read
Add to library
WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER

WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER

ATHAPOS
Si Vegee Mariano, isang heartbreaker, binayaran siya ni Steffi, eight-hundred thousand. Ipapahinto niya ang kasal ng babae at magpanggap na nobya sa nobyo nitong si Gabriel Quiros. Nagawa niya ang trabaho. Dumaan ang linggo, nagpakamatay si Gabriel Quiros dahil sa matinding depression. Siya ang sinisisi ng pamilya nito. Dahil sa takot umuwi siya ng Bohol. Naging payapa ang buhay ni Vegee sa probinsya. Hanggang isang araw, dumating sa buhay niya si Wilson Montreal. Naging pamilyado si Vegee sa mukha nito. Ito ang lalaking nakasama niyang kumain sa fast-food chain noon sa Manila. Nasa probinsya na ito at may business. Araw-araw itong bumibisita ang lalaki at nagsabi ito ng totoong nararamdaman nito. Hindi manhid si Vegee sa naramdaman ng lalaki at ganoon din siya sa kanyang sarili. Naging mapusok sila sa kanilang naramdaman. Isang gabi, nagyaya si Wilson sa resort nito. Nagpunta kaagad si Vegee ngunit nandoon si Steffi. Pinahiya siya ng babae at doon niya nalaman na si Wilson ay ang kapatid ni Gabriel Quiros. Kaya bang ipaglaban ni Vegee ang kanyang nararamdaman sa lalaki kung naghihiganti lang pala ang lalaki sa pagkamatay ng kapatid nito? Kaya niya bang ipaglaban pa rin ang kanyang pagmamahal sa lalaki kung nalaman niyang may relasyon si Steffi at Wilson? Paano kung nagbunga ang mapusok nilang mga gabi?
Romance
10961 viewsOngoing
Read
Add to library
Angel, Don't Fly So Close To Me

Angel, Don't Fly So Close To Me

Si Ysabella ay isang cloistered nun, ang babaeng mas pinili ang mamuhay sa apat na sulok ng monesteryo at ilaan ang buhay sa pagsamba at paglilingkod ng tahimik sa Diyos. Napakasaya niya at ilang araw na lamang ay matutupad na ang pangarap niyang maging ganap na perpetual cloistered nun, ngunit hindi niya inaasahan ang bilaang pagbisita ng kanyang nag-iisa at nakakatandang kapatid. Inamin nitong miyembro ng organisyon ng mga mafia at siya ay pinaparatangang nagtraidor sa grupo kaya kailangan nitong umalis at magtago. Nagmakaawa itong proprotektahan niya ang kanilang mga magulang sa maaring gawin ng grupo sa kanilang pamilya kung kayat napilitan siyang lumabas sa monesteryo. Hindi niya akalaing ganun kasama ang sinalihang grupo ng kanyang kapatid lalong lalo na ang pinuno na si Eric Madrigal na walang awang basta na lamang kumikitil ng buhay sa kanyang harapan. Sa galit nito sa kanyang kapatid ay puwersahan siyang inilayo sa kanyang pamilya upang pagbayaran ang kasalanan ng kapatid. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ni Ysabella sa kamay ng pinakamasamang mafia boss sa buong daigdig? Makakabalik pa kaya siya sa monesteryo?
Romance
103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1314151617
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status