กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
The Husband's Only Woman (Filipino)

The Husband's Only Woman (Filipino)

COMPLETED. Mature Content. ***** Nahulog si Diana kay William, ang asawa ng kaniyang matalik na kaibigang si Gianna. Hanggang sa nakaisip siya ng masamang balak at nakagawa ng dalawang krimen. Ano at saan ang magiging hantungan niya? Si Gianna ay tapat na asawa kay William. Labis siyang nasaktan nang malaman niya sa kakaibang paraan ang hindi niya inisip na makakayang gawin ng matalik niyang kaibigang si Diana. Mapapatawad pa kaya niya ito at si William? Ano ang gagawin niya sa asawa? Maayos ang buhay ni William kasama ang pinakamamahal niyang asawang si Gianna at ang dalawa nilang anak na sina Wyler at Greisha. Naging magulo ang buhay niya nang dumating si Diana na kailanman 'di niya minahal. Paano niya ibabalik ang dating matamis na pag-ibig nila ni Gianna? Si Yuan ay may gusto kay Gianna ngunit hindi niya ginulo ang buhay nito dahil may asawa't mga anak na ito. Gagawin niya ang lahat para 'di masaktan si Gianna kay Diana at 'di masira ang samahan nina Gianna at William. Ano ang gagawin niya kay Diana? At ano ang papel ng kapatid na babae ni William na si Willa sa buhay niya? Ito ay istorya ng pagkakaibigan, pagpapatawad, pagmamahalan, pagpapalaya, pagiging buo ng isang pamilya at iba pang mga aral.
Romance
9.847.7K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)

Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)

Secrets, seduction, and the darkness within. Sa likod ng bawat halik at yakap, may mga kwentong hindi sinasabi—mga lihim na naglalantad ng tunay na kahulugan ng pagnanasa at kapangyarihan. Ang Lustful Series ay koleksyon ng iba’t ibang kwento ng pag-ibig, kasakiman, at panganib—mga kwentong magpaparamdam ng init, gigil, at kilabot sa bawat pahina. Mula sa mga relasyong bawal, hanggang sa mga damdaming hindi maamin, at sa mga lihim na kayang sumira o magligtas ng buhay—ihanda ang sarili sa seryeng puno ng tensyon, tukso, at misteryo. Sa mundo ng Lustful Series, walang kasiguraduhan kung saan hahantong ang bawat uhaw na puso.
Romance
1015.0K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Ultra Gays Galaxy

Ultra Gays Galaxy

iMarjayNari
Jonel Hernandez, simpleng pangalan ngunit astig ang kanyang taglay na kapangyarihan. Ipinamana ni Kitsune ang kanyang kakaibang abilidad, samantalang ibinigay naman ni Meiji ang kakaibang lakas. Siya si Jonel Hernandez, ang miyembro ng Ultra Gays Galaxy
103.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
My Ugly Husband is a Billionaire

My Ugly Husband is a Billionaire

Nagpakasal ako sa lalaking tinatawag na pangit at inutil ng aking pamilya, pero tagapagmana pala at isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. *** Nakahandang ibenta ni Rosita ang sarili sa mababang halaga, mabayaran lang ang utang ng mga taong itinuring na niyang mga magulang. Pero inalok siya ng limang milyong piso ng matandang nakabili sa kaniya. Ang kapalit? Pakasalan niya ang anak-anakan nito. Kapalit ang malaking halaga ay pumayag si Rosita na pakasal sa estranghero. Ang hindi niya alam, ubod ng pangit ang lalaking kailangan niyang pakasalan. Wala siyang nagawa kundi pumayag sa kasal at ibigay ang sarili sa pangit na lalaki, pero hindi ang kaniyang puso. Sigurado siyang hinding-hindi niya mamahalin ang katulad ni Sixto na pangit na nga, utusan pa sa Villa Hernandez. Dumating sa buhay niya si Hanz Concepcion—guwapo, simpatico, haciendero at gusto siyang agawin mula sa pangit niyang asawa. Paano kung ang inaakala nilang patay na—magbabalik bilang pinakamayaman at isa sa pinakaguwapong lalaki sa bansa? Titibok na kaya ang puso ni Rosita para sa asawa? Paano kung may ibang babae na pala sa buhay nito? Nakahanda ba siyang ilaban ang pagiging asawa niya—lalo pa't may anak sila?
Romance
9.465.1K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Secrets of Tajana

Secrets of Tajana

TaigaHopeRainbow
Si Tajana Canizales ay apo ng isang tanyag na pamilya sa probinsya. Siya ay kilala dahil sa angkin niyang ganda, talento at talino. Pero sa likod ng perpektong pagkatao niya, walang nakakaalam na siya ay nababalot ng mga sikreto. Ano ang mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang lahat ng kanyang lihim? Ano nga ba ang mga itinatago ni Tajana? Magawa pa kaya siyang mahalin ng mga tao sa kabila ng kanyang mga lihim? Saan siya dadalhin ng kanyang mga sikreto?
Romance
3.2K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
HIDDEN BONDS OF VENGEANCE

HIDDEN BONDS OF VENGEANCE

Matapos na ipatapon ng sariling asawa at step-sister sa karagatan, bumalik si Lauren De Silva sa bayan ng San Lorenzo gamit ang isang bagong mukha at pangalan bilang Estrella Watson. Gagamitin niya si Nicholas Chua ang half-brother ng kanyang dating asawa na si Nathaniel Chua para makapaghiganti ngunit wala siyang kaalam-alam na si Nicholas pala ang lalaking nakabuntis sa kanya noong gabing sinet-up siya ng kanyang stepsister para hiwalayan siya ni Nathan.
Romance
9.38.3K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Laking probinsya si Lylia, isang simpleng dalagang maagang naulila sa mga magulang, at naiwan kasama ang kapatid niyang may malubhang karamdaman. Life was never easy for her. Bata pa lang, natutunan na niyang tumayo sa sariling paa. Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang dumiskarte araw-araw para sa kapatid at sa kanilang pangkabuhayan. Kaya kahit maliit lang ang puhunan, pinilit niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan, umaasang doon sila babangon. Pero isang araw, gumuho ang mundo niya nang madiskubre niyang si Raze, ang kapitan ng barangay, ang pinagkakautangan pala ng mga yumaong magulang niya. At sa desperasyon, tinanggap niya ang alok nitong deal, isang kasunduan na magpapabago sa buong buhay niya. Ang kondisyon? Kailangan niyang pakasalan si Raze bilang kabayaran sa kalahati ng utang nila. Kapalit nito, hindi na ipapa-demolish ng kapitan ang kanilang bahay at karinderya, ang tanging pinagkukunan nila ng kabuhayan. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, may isa pang bahagi ng kasunduan, bukod sa pagiging asawa, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay sa bahay ni Raze, hanggang sa mabayaran niya ang natitirang utang. Samantala, kilalang kuripot at istriktong kapitan sa Barangay Abueña si Raze. He’s a man of rules, walang proyekto ang maaprubahan nang hindi dumadaan sa kanya. But unknown to everyone, he’s actually a secret billionaire, the owner of several airlines, hotels, and luxury resorts in the country that only cater to those with royal blood. At nang bumalik siya sa bayan, sa sabungan niya unang nasilayan ang babaeng dati’y sa larawan lang niya nakikita, si Lylia, ang anak ng mga may utang sa kanya. Doon nabuo ang kanyang mapanganib na plano, gawing asawa ang babae, kahit sa simula’y parte lang ito ng kanyang laro. Posible kayang mauwi sa totohanan ang kanilang kasal, o isa sa kanila ang tuluyang madudurôg at uuwing luhaan?
Romance
10134.1K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Taming the  Sunshine

Taming the Sunshine

Death Wish
Dala ng wala nang iba pang solusyon sa sitwasyon ng nag-iisang tagapagmana ng Multi-billionaryong kompanya, si Gabriel Aquinas, nagawa ng kanyang dalawang ama-amahan na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ng dalaga na si Serena Madison ang dalhin nito ang kanyang anak. Ang dalaga lamang ang nag-iisang babae na malapit kay Gabriel dahil pihikan ang binata na makipag-usap o makipagkilala man lamang sa mga babae. Sa una hindi malinaw kay Gabriel kung bakit napakagaan ng loob niya sa dalaga na kahit problema niya sinasabi niya dito kahit nga nililihim niya ang pagkatao sa dalaga. Ngunit ng may mangyari sa kanilang dalawa kaagad naman luminaw ang lahat kay Gabriel. Simula ng may mangyari sa kanila hindi na hinayaan pa ng binata na makalayo sa kanya ang dalaga lalo na nagbunga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ngunit ano na nga lang ba ang mangyayari kung wala namang nararamdaman sa kanya ang dalaga at hindi nito nagustuhan ang ginawa niya sa kanya? Paano na kung ang nangyari sa kanila ang dahilan upang mawala ng tuluyan ang tiwala ni Serena kay Gabriel? At paano na rin kung ang matagal nang hinahanap na kahinaan at butas ni Gabriel ng kanyang mga kalaban ay ang dalaga na naging malinaw na nga sa lahat? Paano ba niya mabibigyan ng proteksyon ang dalagang nagalit sa kanya sa likod ng maraming maaring manakit dito? At paano niya mapapatunayan sa dalaga na mahal niya ito? TAMING THE SUNSHINE @DeathWish [HER RETURN 2024]
Romance
62.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Other Dimension

The Other Dimension

Tet Cruz
Sa kabila nang modernisasyon ng mundo ay tahimik na nabubuhay ang grupo ng mga engkantao sa Mt. Talumpit. Sila ang mga nilalang na naging bunga ng pagmamahalan ng mga engkanto at tao noong panahong bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop. Nakalimutan na sila ng mga tao at itunuring na isa na lamang kwentong-bayan. Si Seiri Santos ay anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Quezon City. Si Matuk ay itinuturing na susunod na pinuno ng mga engkantao. May forever ba kung sakaling bigyan nila ng chance ang isa't-isa? O isa lang itong kaso ng pinagtagpo ngunit di itinadhana?
Fantasy
2.3K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Jeadaya_Kiya18
Kinakayod ni Ella ang hirap ng pagiging-escort para sa mga utang ng mabisyo niyang nanay. Mula pa bata nang siya ay magsimulang pasukin ang iba't-ibang trabaho dahil sa hirap ng buhay. Isang simpleng babae na walang ibang pinangarap kung hindi ay ang magkaroon ng maganda at payapa na pamumuhay. Ngunit, nang dahil sa isang kasalanan na hindi naman siya ang gumawa ang kaniyang pagbabayaran. Nang dahil sa pagkakahawig nito sa isang gold digger na minamahal ng isang bilyonaryong tao ay tuluyan na nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Gumanda ang kaniyang pamumuhay, wala na ang araw-araw na pagsabak niya sa pagpapasaya sa iba't-ibang lalaki sa bar at kahit hindi ito magtrabaho ay maaari na niyang bilhin at gawin ang lahat ng naisin nito habang, kapalit ng mga ito ay ang pagkakakulong niya sa isang lalaki na minsan man ay hindi niya nakilala o nakita sa tanang buhay. Isang lalaki na sa una pa lang ay pinakitaan na siya ng kasamaan at pagmamalupit. Dito na ba tuluyan mababago ang isang normal at payapang pamumuhay ni Ella? Titingnan na lamang ba niya itong oportunidad para iahon sa hirap ang kaniyang sarili at nanay o mas pipiliin niya pa rin na tumakas sa nakasasakal na kamay at nakasusulasok na pag-uugali nito? Paano niya nga ba magagawa na malulusutan ang problema na hindi naman siya ang gumawa?
Romance
969 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
4445464748
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status