Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bound by Contract, Tied by Fate

Bound by Contract, Tied by Fate

Sa makintab ngunit mapanlinlang na mundo ng kapangyarihan sa Metro Manila, dalawang magkaibigang babae ang hindi sinasadyang nahulog sa gitna ng impluwensya ng makapangyarihang Monteverde Group. Si Arabelle Rivera, isang simpleng community development consultant, ay kontento na sana sa tahimik na buhay. Ngunit isang gabi, nang iligtas niya ang isang sugatang estranghero sa loob ng convenience store, nabago ang lahat. Ang lalaking iyon ay si Rafael Monteverde—isang malamig at kilalang bilyonaryong CEO. Dahil sa utang na loob at presyur ng pamilya, nauwi ang kanilang pagkakakilala sa isang kasunduang kasal—isang marriage of convenience na itinayo sa obligasyon, hindi sa pag-ibig. Sa likod ng matigas na anyo ni Rafael ay isang pusong sugatan, takot muling magtiwala. Samantala, ang matalik niyang kaibigang si Margaux Reyes ay napilitang pakasalan si Lucas Monteverde, ang pangunahing tagapagmana ng imperyo. Sa araw ng kanilang kasal, tahasan nitong sinabi na hindi siya ang babaeng mahal nito. Ngunit pinili ni Margaux na panindigan ang kasal—hindi para sa pag-ibig, kundi para sa dignidad at sariling prinsipyo. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nabasag ang pader sa pagitan nila, at natutunan ni Lucas na pahalagahan ang babaeng hindi sumusuko. Habang nasasanay sina Arabelle at Margaux sa marangyang ngunit mapanubok na buhay ng mga Monteverde, lumalalim ang intriga. Bumalik ang dating kasintahan ni Lucas, handang bawiin ang nawala sa kanya. Sa likod ng lahat, lihim na nagmamaniobra si Adrian Monteverde upang alisin ang mga bagong asawa na itinuturing niyang banta sa kapangyarihan. Sa gitna ng selos, lihim, at ambisyon, masusubok hindi lamang ang kanilang mga kasal kundi ang kanilang pagkakaibigan. Mananatili ba sila sa isang kasunduang walang katiyakan, o lalaban para sa pag-ibig na unti-unting nabubuo?
Romance
193 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling for the Replacement Mistress

Falling for the Replacement Mistress

Hindi inaasahan ni Reiko Cordova na mapapasubo siya sa isang trabaho na hindi niya inaplayan. Ngunit dahil sa kagagawan ng nakakatanda na kapatid at walang iba na pagpipilian, kinailangan niya na pumalit dito bilang isang "kabit" ng guwapo at masungit na piloto na si Kenji Jarvis. Hindi inaasahan ni Kenji Jarvis na mapapasubo siya sa pag-aalok ng isang trabaho sa isang babae upang masiguro na hindi siya iiwan ng kan'yang asawa na nahuhumaling sa matalik na kaibigan nito. Umupa si Kenji ng babae na magpapanggap bilang kan'yang kabit para pagselosin ang asawa na nagloloko. Ngunit sa hindi inaasahan ay tinakbuhan siya ng naturang babae dala-dala ang pera na naibayad na niya. Kaya wala silang nagawa ng kan'yang kaibigan kung hindi ang takutin at ipaako ang trabaho sa naiwan na kapatid ng babae upang siya ang pumalit at magpanggap na kabit niya. Ang pagpapanggap ay mauuwi sa katotohanan nang isang gabi ay makalimot si Kenji sa kontrata. Ang babae na itinuturing lamang niya na isang pamalit sa kasunduan ay magkakaroon nang mas malalim na ugnayan at halaga sa kan'ya. Papayag ba si Reiko na habang-buhay na lamang siya na maging "replacement mistress" sa buhay ni Kenji, lalo na at alam niya kung gaano kamahal ng lalaki ang asawa nito? O gagawin niya ang tama at kusa na lamang na lalayo sa lalaki na natutunan na niya na mahalin?
Romance
1031.5K viewsCompleted
Read
Add to library
MY NEXT MISTAKES

MY NEXT MISTAKES

BLURB: Knight Del Rio, a hot and succesful businessman with a playboy background. Walang tumatagal na karelasyon at mahilig makipag-one-night stand. Subalit, hindi niya inaasahan na ang isang gabing pinagsaluhan nila ng babaeng nakilala niya sa bar ay magbubunga, kaya pinilit siyang ipakasal dito. Magkaganoon man, hindi napigil si Knight na gawin ang lahat ng gusto niya, kahit pa ng sarili niyang asawa. Nagpatuloy siya sa kung anong buhay mayroon siya noong binata, until he met Czarina Melendez. Isa itong Engineer na nakilala niya sa isang project na ginagawa nila. Hindi niya napigilang mahulog ang loob dito, dahil sa mga katangian nitong simple lang at maabilidad sa buhay. Subalit, maaatim kaya niyang tuluyang mahulog dito kahit pa kasal na siya at may kasintahan na ang babae? Kakayanin niya nga bang lumikha muli ng kasalanan kung ang magdurusa ay ang kaniyang mag-ina?
Romance
31.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1012.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Contracted to a Single Dad

Contracted to a Single Dad

Si Lia Constantino ay isang ulila at bayarang babae na nagtatrabaho sa isang club upang suportahan ang kapatid niyang may malubhang sakit. Nang kailanganin ng kapatid ang isang kidney transplant na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso, hindi na alam ni Lia kung paano makakakolekta ng ganitong halaga. Hanggang isang gabi, isang misteryosong lalaki, si Dr. Rabino Castillon, ang CEO ng CST Medical Center at isang single dad na may kambal, ang lumapit sa kanya. Nag-alok ito ng limang milyong piso kapalit ng isang kasunduan: magiging asawa siya ng doktor sa loob ng isang taon at magpapanggap bilang ina ng mga anak nito. Dahil sa hirap ng sitwasyon, at para sa kaligtasan ng kapatid, pumayag si Lia. Ngunit habang nagsisimula silang magsama sa isang bahay, unti-unting nahulog ang loob ni Lia kay Dr. Rabino—isang lalaking mahirap maabot at wala ng interes sa babae. Ngunit kung kailan nahulog ang loob ni Lia sa binata ay siya namang pagbabalik ng dati nitong asawa. Ipaglalaban pa rin ba niya ang pagiging asawa, kahit na ang kasal nila ay isa lamang kontrata? At paano kung may sekreto palang tinatago ang kanyang asawa?
Romance
10854 viewsOngoing
Read
Add to library
LET'S GET MARRIED, BESTIE

LET'S GET MARRIED, BESTIE

QueenBiankky
Roxan Viex Balbacal, isang sikat na model na may napakastriktong magulang. Ian Cassandro Velasco, isang masipag naman na Architect na hindi tanggap ng magulang sa piniling kasarian. Simula nga nung matagpuan ang isa't isa, sila ay naging matalik na magkaibigan na kinakapitan ng isa't isa sa bawat problema. At sa hindi nga inaasahan pagkatapos ng isang gabing wala silang dalwa sa sarili nangyare ang hindi dapat mangyare, imposibleng mangyare at di ka pa I-paniwalang mangyayare. Saan nga kaya hahantong ng lahat? Mananatili kayang matatag ang pinagsamahan sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan? Paninindigan ba nila ang lahat ng nangyare? O tuluyan na lang mawawala ang lahat? May happy ending nga ba sa kanila o tatakluban lang ang mga bagay na nangyare upang masagip ang isa't isa? Kaya kayang mahalin ng isang bakla ang isang babae? Matanggap kaya nila ng buo ang isa't isa? Humantong nga kaya sa kasalan ang dalwa? O magiging kasalanan ang lahat?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)

Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)

‘Pinangakuan siya nito ng kasal at walang hanggang kaligayahan na sa ibang babae nito tinupad…’ Umasa si Quinn Autumn Gonzales na sa pagbabalik ng kanyang pinakamamahal na nobyong si Reon Nicolo Romanov, ay matutupad na ang mga plano at pangarap nila. Subalit isang araw bago makauwi ang lalaki, nabalitaan nalang niya na namatay ito sa gitna ng misyon nito bilang isang sundalo. Nagdalamhati siya ng labis pero pinilit niya ang sarili na magpakatatag alang-alang sa munting buhay na umaasa sa kanya. Limang taon ang lumipas, nakatagpo siya ng isang lalaking kamukhang-kamukha ng yumao niyang kasintahan—si Dmitri Sandoval. Iisang mukha, subalit ibang katauhan, kaparehong itsura, pero kakaibang pamumuhay at estado. At ang mas nagpaguho ng pag-asa niya ay ang katotohanang may pamilya na ang lalaki. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin ngayong muling nabuksan ang sugat ng nakaraan? Tunay nga kayang namatay na ang lalaking minamahal niya o sinadya lang nitong iwan siya para tuparin ang ipinangako nitong kaligayahan sa kanya para sa iba…
Romance
104.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ugly Husband is a Billionaire

My Ugly Husband is a Billionaire

Nagpakasal ako sa lalaking tinatawag na pangit at inutil ng aking pamilya, pero tagapagmana pala at isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. *** Nakahandang ibenta ni Rosita ang sarili sa mababang halaga, mabayaran lang ang utang ng mga taong itinuring na niyang mga magulang. Pero inalok siya ng limang milyong piso ng matandang nakabili sa kaniya. Ang kapalit? Pakasalan niya ang anak-anakan nito. Kapalit ang malaking halaga ay pumayag si Rosita na pakasal sa estranghero. Ang hindi niya alam, ubod ng pangit ang lalaking kailangan niyang pakasalan. Wala siyang nagawa kundi pumayag sa kasal at ibigay ang sarili sa pangit na lalaki, pero hindi ang kaniyang puso. Sigurado siyang hinding-hindi niya mamahalin ang katulad ni Sixto na pangit na nga, utusan pa sa Villa Hernandez. Dumating sa buhay niya si Hanz Concepcion—guwapo, simpatico, haciendero at gusto siyang agawin mula sa pangit niyang asawa. Paano kung ang inaakala nilang patay na—magbabalik bilang pinakamayaman at isa sa pinakaguwapong lalaki sa bansa? Titibok na kaya ang puso ni Rosita para sa asawa? Paano kung may ibang babae na pala sa buhay nito? Nakahanda ba siyang ilaban ang pagiging asawa niya—lalo pa't may anak sila?
Romance
9.466.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Husband's Only Woman (Filipino)

The Husband's Only Woman (Filipino)

COMPLETED. Mature Content. ***** Nahulog si Diana kay William, ang asawa ng kaniyang matalik na kaibigang si Gianna. Hanggang sa nakaisip siya ng masamang balak at nakagawa ng dalawang krimen. Ano at saan ang magiging hantungan niya? Si Gianna ay tapat na asawa kay William. Labis siyang nasaktan nang malaman niya sa kakaibang paraan ang hindi niya inisip na makakayang gawin ng matalik niyang kaibigang si Diana. Mapapatawad pa kaya niya ito at si William? Ano ang gagawin niya sa asawa? Maayos ang buhay ni William kasama ang pinakamamahal niyang asawang si Gianna at ang dalawa nilang anak na sina Wyler at Greisha. Naging magulo ang buhay niya nang dumating si Diana na kailanman 'di niya minahal. Paano niya ibabalik ang dating matamis na pag-ibig nila ni Gianna? Si Yuan ay may gusto kay Gianna ngunit hindi niya ginulo ang buhay nito dahil may asawa't mga anak na ito. Gagawin niya ang lahat para 'di masaktan si Gianna kay Diana at 'di masira ang samahan nina Gianna at William. Ano ang gagawin niya kay Diana? At ano ang papel ng kapatid na babae ni William na si Willa sa buhay niya? Ito ay istorya ng pagkakaibigan, pagpapatawad, pagmamahalan, pagpapalaya, pagiging buo ng isang pamilya at iba pang mga aral.
Romance
9.848.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)

Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)

"Hanggang saan ang kaya mong ibigay, upang tulungan kita?" tanong ni Jeremiah, habang nakaupo sa kanyang CEO's chair. Isa isang hinubad ni Chantal ang kanyang kasuotan, saka lumapit sa harapan ng lalaki, "you can have.. me.." Kahinaan ni Jeremiah ang samyo ni Chantal. At sa paglapit ng babae, hindi niya kayang pigilan ang sarili. "Wag mo akong sisisihin, kung may mga araw na hindi ka makakalakad.. Hiningi mo ito, pagbibigyan kita. Anong position ba ang gusto mo?" Napalunok si Chantal. Hindi siya makapaniwalang tatanungin siya ng diretso ni Jeremiah ng ganoon kabulgar. "Ha.. ah-- ka- cowgirl--" "Silly.." bigla siyang hinila ni Jeremiah pakandong, "position dito sa kumpanya ko, para matulungan kita.. but if you insisted.." bigla itong tumayo, saka pinadapa si Chantal sa mesa, "Let's start.. with the office style.." Kapalit ng kanyang katawan, humingi siya ng tulong kay Jeremiah na mapabagsak ang dating boyfriend na si Jansen dahil sa pananakit nito sa kanya. Subalit hanggang saan tatagal si Chantal? Kakayanin kaya niya ang mga hihilingin ni Jeremiah.. Gayong sa kanyang paningin, ay isa itong s*x add*ct? Oh tuluyan na siyang mahuhulog dito? Si Jeremiah kaya? maaamin niya kaya na hindi lang ang katawan ni Chantal ang habol niya, kundi pati puso ng dalaga?
Romance
105.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status