Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Revenge of a Heartless Daughter

Revenge of a Heartless Daughter

Si Celestine Pearl Quintana, ipinalaki sa mayamang pamilya ngunit hindi naramdamang kabilang siya rito. Mayroon siyang kambal na may sakit sa puso (Heart disease), kaya laging abala sa pag aasikaso ang kaniyang mga magulang, na halos wala ng oras para alalahanin siya simula pagkabata. 'Di kalaunan ay na diagnosed si Celestine sa sakit na Brain Tumor, at isa lang ang pwedeng piliin ng kaniyang mga magulang. Pero hanggang sa pagkakataong ito ay hindi siya iyon. P'wersahan siyang pinatay na kuntawagin ay 'Euthanasia' at naging donor para sa heart transplant ng kaniyang kapatid. Dahil sa masaklap na pangyayari ay binigyan siya ng tadhana ng pangalawang pagkakataon para mabuhay, at bumangon sa kaniyang hukay. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na balang araw ay kakalabanin niya ang kompanya na pinakamamahal ng kaniyang daddy, at papanorin ang pagbagsak nila. Ngunit paano kung matutunan niya sinasabi nilang tunay na pag-ibig at tuluyan itong maunwaan dahil sa isang misteryosong lalake? Mananaig parin ba ang galit, o kakalimutan niya ang lahat.
Mystery/Thriller
106.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Stuck on you: The brat and the broken billionaire

Stuck on you: The brat and the broken billionaire

She's twenty-one while he's thirty. She's single while he's annulled. She's a fresh grad student while he's a CEO. She's a brat while he's independent. She's an heiress while he is a billionaire. She's sexy while he's hot. She's gorgeous while he's luscious. Isang uhaw sa pagmamahal ng magulang at isang hindi swerte sa pagmamahal. Melania Yushra Lardizabal, a business tycoon heiress, chose to become a brat, wild and liberated as her way to get her parent's attention who were too busy with their businesses that they forget Era's existence. Jacob Niccolai Sandoval, a CEO and a billionaire became cold and arrogant when he got his heart broken twice by two different women. Two souls with a big hole in their hearts who were forced into marriage and lived together. An arranged marriage with a five-year contract and five golden rules. Mapupunan kaya ng bawat isa ang puwang ng kani-kanilang mga puso? Paano kung sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti nilang makilala ang totoong pagkatao ng bawat isa at 'di naiwasang mahulog? Muli kayang isusugal ni Nicco ang puso sa ikatlong pagkakataon? Hahayaan kaya ni Era na mahulog kay Nicco ang puso if the fifth golden rule is not to fall in love with him dahil kailanman ay hindi siya ang tipo ng babae na magugustuhan nito?
Romance
1069.3K viewsCompleted
Show Reviews (33)
Read
Add to library
Gene Darden
sobrang laugh trip.... leteral na romcom to the max hahaha sakit sa tyan ko sa kakatawa. sobrang galing mo Ms. Drey magcomedy at ang galing nyo po magkwento. Napakaganda ng love srory ni Era at Nico.Thank you soooo much for the laugh. Sana marami ka pang story na maisulat dito sa GN. God bless po♡♡♡
Marie Reyes
Ang ganda niya. it has the right mix of humour and romance. also, gusto ko ang characters ng bida. the woman is palaban and with a golden heart. and the man is woaaah....perfect. he fights for his woman and is 100% ideal husband ...
Read All Reviews
One Night, Bound Forever (SPG)

One Night, Bound Forever (SPG)

‘Isang gabi. Isang babae. Isang pagkahumaling na nagpabagsak sa pinakawalang-awang boss ng mafia.” Si Kristoff Ortega ay hindi lang isang pangalan; isa itong batas sa madilim na mundo ng mafia. Siya ang hari—malamig, kalkulado, at walang sinumang nabubuhay na nangahas sumuway sa kanya. Ang buhay niya ay nakaayos sa tatlong bagay: kapangyarihan, pera at ang takot na ibinibigay niya sa lahat. Sanay siyang nakukuha ang lahat, at ang mga babae para sa kanya ay mga pampalipas-oras lamang. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago sa isang gabi. Sa isang pagkakataon na hindi niya inaasahan, nakasama niya ang isang misteryoso at napakagandang babae, si Paola. Hindi siya katulad ng iba; may tapang sa kanyang mga mata, isang apoy na tila hindi natitinag sa reputasyon ni Kristoff. Para sa kanya, ang gabing iyon ay dapat sana’y isa lang sa marami—gagamitin at iiwanan. Ang pagnanais na iyon ay mabilis na naging isang mapanganib na pagkahumaling (obsession). Si Kristoff, na laging sanay na siya ang may kontrol, ay nagsimulang maging pabigla-bigla. Ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang hanapin si Paola, na tila naglaho sa mundo. Ang pagkawala nito ay isang direktang sampal sa kanyang pagkalalaki at kapangyarihan. Nang sa wakas ay muli silang magkrus ng landas, natuklasan niyang ang babae ay may sariling mga sikreto—mga sikretong maaaring ikapahamak nilang dalawa. Dito nagsimula ang tunay na labanan ng kapangyarihan. Habang sinusubukan ni Kristoff na ikulong at angkinin ang babae sa ilalim ng kanyang dominasyon, mas lalo itong lumalaban. Ang bawat pagtanggi ng babae ay lalong nagpa-alab sa kanyang simbuyo ng damdamin, na humila sa kanilang dalawa sa isang mapanganib na laro ng pag-ibig, selos, at panganib. Ang babae ay naging ang kanyang kaisa-isang kahinaan—isang bagay na natutunan gamitin ng kanyang mga kaaway laban sa kanya.
Romance
9.8267 viewsOngoing
Read
Add to library
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

Dahil sa kalasingan, maling silid ang napasukan ni Solar. Paggising niya kinabukasan ay katabi na ang kilalang ruthless and cold CEO, si Caellune Santorre. Gulat, takot, at hiya ang naramdaman ng dalaga. Kaya agad niyang tinakasan ang binata. Pinilit kalimutan ni Solar ang nangyari, ngunit nang kausapin siya ng mga magulang tungkol sa kasal ay parang binagsakan ng langit ang dalaga. Pero wala siyang choice nang ipilit ng mga magulang ang kasal bilang kabayaran sa utang ng pamilya. Ngunit hindi inasahan ni Solar ang mas malalang twist. Ang lalaking tinakasan niya matapos ang makasalanang gabi, ito pa lang ang mapapakangasawa niya. Akala ni Solar nakalimutan nito ang nangyari sa kanila. Pinagbintangan siya ni Caellune na sinadya niyang mapalapit dito para akitin ito. Hindi naging maganda ang trato ni Caellune kay Solar. Pero habang tumatagal, napapansin niya na may mga lihim na itinatago si Caellune. Mga kwartong bawal pasukin. Mga tawag na biglang pinapatay. At mga mata nito na tila puno ng sakit at galit sa nakaraan. Ngunit habang tumatagal ay unti-unting nabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Pero paano kung ang pagmamahal na nagsisimula pa lang ay masira nang bumalik ang babaeng unang minahal ni Caellune? Mapapatawad ba ni Solar ang lalaking sinumpa niyang kamumuhian? O tuluyan na silang sisirain ng mga sikreto at kasalanang pilit nilang nililibing sa nakaraan?
Romance
106.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

Isa akong stripper o sa madaling salita, tagabigay ng ligaya sa mga lalaking nagnanais ng mainit na sandali tuwing gabi. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang kliyente kong Zander Almeda. Isang flash lamang ng kamera nang magbago ang buhay ko at naging instant hot issue sa social media. At sa isang iglap, ang stripper na katulad ko ay naging instant girlfriend ng isang bilyonaryong CEO na si Zander Almeda sa bisa ng agreement na magkukunwari ako sa harap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit paano ko mapipigilan ang puso ko kung mahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya? Paano kung malaman ng lahat ng tao na isa akong dating tapagbigay ng ligaya sa mga lalaki sa isang club? Kaya niya ba akong ipaglaban?
Romance
10202 viewsOngoing
Read
Add to library
Loving you in Contract

Loving you in Contract

Sachi
Si Danielle Tina Fajardo ay ampon ng mga Fajardo. Sa kabila ng masamang pagtrato ng magulang nito sa papel ay nandyan naman si Madam Anna, ang kanyang lola, na mahal na mahal at tanggap siya kaya kung ituring niya ito ay ang kanyang hero. Ngunit isang araw, bigla na lamang ito namatay na nagpaguho sa mundo ni Danielle. Ang taong tumanggap sa kanya, ang taong nagbigay ng pagmamahal sa kanya ay bigla na lamang nawala. Paano na ito sa kamay ng kanyang masamang magulang? Ngunit sa araw na rin iyon ay halos gumuho ang mundo nito nang makatanggap ito ng kontrata na iniwan sa kanya ng kanyang lola at isa itong Arrange Marriage Contract! Mas gumuho ang mundo nang malaman na ipapakasal pala ito sa kanyang childhood crush na si Aries Florenzo. Ang the most handsome and most wealthiest man in the Philippines! Naging mag-asawa ito ngunit hindi maramdaman ni Danielle ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman kay Aries kaya isa na lang pag-asa niya, ang malaman ni Aries na magkakaanak na sila. Ngunit bago pa niya sabihin ito ay halos madurog ang kanyang puso nang inabot ni Aries ang divorce paper dahil sa pagdating ng kanyang ex-lover, ang totoong mahal niya. Dahil sa bigo at sakit na idinulot ni Aries kay Danielle ay napagpasyahan nitong umalis at magpakalayo-layo ngunit sa hindi inaasahan, dumating ang isang lalaki na tutulong sa kanya upang magbago ng tuluyan ang kanyang buhay.
Romance
10627 viewsOngoing
Read
Add to library
The First Daughter's Bodyguard

The First Daughter's Bodyguard

Si Irish ang kaisa-isang anak ng Presidente ng Pilipinas. Maganda, sopistikada, matalino ngunit nagrerebelde sa kanyang mga magulang. Upang tumino, pinadala siya ng kanyang ama sa isang immersion sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaang gwapo at matipunong si Daniel na isang PSG/ Bodyguard. Kapwa may kasintahan sina Irish at Daniel ngunit sa liblib na lugar na iyon, nabuo ang hindi inaasahang pagtitinginan ng dalawa. Paano nila ipaglalaban ang kanilang lihim na pagmamahalan sa kani-kanilang mga karelasyon at sa Pangulo ng Pilipinas? Paano napabago ng isang simpleng bodyguard ang isang tigre sa kasungitang anak ng Presidente?
Romance
1013.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Lovin' My Enemy's Daughter

Lovin' My Enemy's Daughter

'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti?
Romance
1012.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status