Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
To Love Pryne's Impurity

To Love Pryne's Impurity

Kapit sa patalim ang naging buhay ni Phoebe matapos maaksidente ang kapatid at ngayon ay graduating college student pa siya. Hindi sana sila magigipit ng todo kung hindi sila tinakbuhan ng nakabangga sa kuya niya. At ngayon heto siya, binebenta ang sarili sa kung kani-kanino para sa pera. Kilala siya sa mga escort dahil sa ‘One-time-policy’ niya, hindi na nakakaulit ang mga kliyene niya sa kanya kahit anong pilit ng mga ito. Hanggang sa dumating ang araw na naipit siya sa dalawang lalaki si Dr. Drew Martinez at Mr. Thomas Preston, ang isa na matagal na niyang gusto at ang isa na binili ang pagkatao niya sa pagiging escort. Mas pinili ni Phoebe ang maging submissive ni Thomas kaysa sa komplikadong lagay niya kay Drew dahil sa nobya nito. Tinanggap niya lahat ng insulto at ginawa niya lahat ng nais ng lalaki, hanggang hindi inaasahan mahuhulog sila sa isa’t isa kalakip ang mapait na katotohanan sa trahedyang kinaharap nilang magkapatid at ang kritisismong natanggap sa madaming tao dahil sa dating buhay ni Phoebe. Sa pagkakalagay nilang pareho sa alanganin mas pinili nilang harapin lahat ng bunga ng mga pagkakamali at tanggapin ang katotohanan sa relasyon nilang dalawa. By BuzzyBee
Romance
1013.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Reviving Our Scars

Reviving Our Scars

ALIYA, isang babaeng may hindi magandang karanasan. Ramdam niyang siya na ang pinakamalas na tao sa mundo. Simula nang mawala ang kaniyang mga magulang ay naging mag-isa na lang siya sa buhay. DEAN GAVIN, katulad ni Aliya, may hindi rin itong magandang karanasan. Ngayon ay natatakot na siyang magmahal dahil lahat ng taong minamahal niya ay nawawala. Magagamot pa kaya nila pareho ang isa't-isa? Magagamot pa ba ang mga sugat na dulot ng kanilang nakaraan?
Romance
5.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Return of the Unwanted Son-in-law

The Return of the Unwanted Son-in-law

r.ljndr
Si Dravis Salazar ay ipinagkasundong ipakasal sa unica hija ng mga Gomez may limang buwan na ang nakalilipas. Kapwa galing sa mayamang pamilya sa bayan ng San Simon ang dalawa ngunit isang eskandalo ang sisira sa reputasyon ng pamilya ni Dravis, dahilan upang apihin siya ng mga Gomez. Lahat ay kaniyang gagawin para ipaglaban ang pag-iibigang tunay nila ni Calista, ang babaeng noon ay ipinagkasundo lang sa kaniya. Ngunit sapat nga ba iyong dahilan para manatili siya o kailangan niya munang lumisan para makapaghanda sa totoong laban? All rights reserved 2022.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love

Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love

P.P. Jing
“Mommy, hindi mo ba kami naaalala?” - Triplets “She’s not your mother.” - Billionaire Namulat ang mga mata ni Yasmien sa isang mapang-abuso at probeng asawa na si Carding habang dinaranas ang pagkawala ng kanyang alaala. Isang gabi ay bigla na lamang may geniuses triplets na nanggulo sa kubo niya at nagtatalo-talo ang mga ito kung siya nga ba ang “Mommy” nila. Maya-maya pa'y sumulpot ang isang bilyonaryo na ito ring yumanig sa buhay niya. Ngayon ay komplikado na siya kung siya nga ba ang ina ng geniuses triplets gayong sinasabi ng bilyonaryong ama ng mga ito na hindi siya ang ina!
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
It's Always Been You

It's Always Been You

Wala sa plano ni Francyn na pumayag sa pustaan ng mga kaibigan niya. Hindi rin niya alam kung bakit siya napapayag ng mga ito gayong hindi naman niya ugaling manloko ng tao para lang makaganti ang kaibigan niya sa lalaking nangloko dito. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana sa kaniya. Kung si kupido nga nagawang panain ang puso ng mga sawi siya pa kayang ni minsan hindi pa naranasan paano ang magmahal. Paano kung siya mismo ang mabiktima ng kalokohan ng mga kaibigan niya. Paano kung siya mismo ang mahulog sa lalaking akala niyang nanakit sa kaibigan niya. Kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman para sa isang kaibigan? O susugal siya sa pag-ibig na ngayon lang niya naramdaman.
YA/TEEN
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Mistake

The Billionaire's Mistake

Amari Dela Fuentes Isang Mafia Boss at mapanganib. Umibig sa maling Babae. At dahil sa pag-ibig nakagawa siya ng pagkakamali na kailanman hindi niya makakalimutan. Magawa nga kaya niyang makabawi sa taong ito. Ngayon sa muling pagkrus ng kanilang mga landas abot langit ang galit nito sa kaniya. At unting unti nahuhulog ang loob niya sa dalaga.
Mafia
5.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

Eyah
Hindi akalain ni Serena na ang simpleng pagtanggi niya na sapilitang maikasal sa kuya ng kanyang best friend ang magiging daan pala para maungkat ang isang rebelasyon tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ang naging simula ng isang napakalaking pagbabago sa buhay niya. Mula sa pagiging tagapagmana ng mga Choi ay natagpuan niya na lang ang sarili niya na nasa isang napakahirap na kalagayan. Mula sa naglalakihan at mga bonggang runway platform na nilalakaran niya suot ang iba't-ibang designer items ay naroon siya ngayon sa isang maliit na entabladong nasa gitna ng madilim na club— sumasayaw ng malaswang sayaw habang suot ang maliliit na piraso ng tela na kaunti na lang ay maglalantad na sa kaluluwa niya. Mula sa tingin ng paghanga at sigaw ng admirasyon mula sa mga umiidolo sa kanya ay nauwi siya sa pagsalo ng mga malalagkit na tingin at mahahalay na salita mula sa mga lalaking hindi niya kilala na pawang mga hayok sa laman. Ang magandang katawan na dati niyang iniingat-ingatan, ngayon ay naging parausan na lang ng kung sino man ang may kakayahang magluwal ng pinakamalaking halaga para sa isang gabing impiyerno sa loob ng VIP room ng club. Paanong ang simpleng paghahangad ng kabutihan niya para sa sarili ay naging sanhi ng pagbaliktad ng mundo niya at pagkawala sa kanya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Ngunit sa kabila ng hirap at walang katiyakan ay pinili niya pa ring mabuhay. Kahit alang-alang na lang sa isisilang niyang anak sa lalaking nakasama niya sa isang gabing impiyerno na iyon. Sa lalaking hindi niya man lang nakikilala...
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Pag-aari ko siya PS#1 (TAGLISH)

Pag-aari ko siya PS#1 (TAGLISH)

Alyana Perez, isang simpleng babae at ang tanging gusto niya lang ay makapag tapos ng college, mag trabaho para sa stepmom at mga kapatid niya na lagi nalang siyang sinasaktan at kinakawawa. Kahit mahirap na pagsabayin ang trabaho at pag-aaral ay kinakaya niya para may mapakain sa pamilya at may pambayad sa kuryente. One day, she didn't know that her stepmother sold her... Stephen Wilson, ang lalaking mahilig ikama ang mga babae at paglaruan ang mga damdamin nila. Sa tingin niya ay lahat ng babae ay kagaya ng ex niya manloloko at mukhang pera, pinaglaruan lang ang damdamin niya noon kaya gumaganti siya sa mga babaeng nakikilala niya. Ano kaya ang magiging buhay ni Alyana kasama si Stephen? Mababago niya kaya ang paniniwala ni Stephen na hindi lahat ng babae ay manloloko at mukhang pera? Mag bago kaya si Stephen dahil kay Alyana?
Romance
1064.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
His Brother's Bride

His Brother's Bride

Isang kasal na hindi niya pinili. Isang lalaking hindi niya inakalang babalik sa buhay niya. At isang lihim na babago sa lahat… *** Si Cassandra Dela Vega ay lumaki sa mundong puno ng kasunduan at obligasyon. Para sa kanya, ang pag-ibig ay hindi isang priyoridad—hanggang sa dumating si Sebastian Alcantara, ang lalaking minahal niya noon, ngunit bigla na lang nawala, iniwan siyang wasak at maraming mga tanong na hindi kailanman nasagot. Tatlong taon matapos ang masakit nilang paghihiwalay, muling nagkrus ang kanilang landas sa pinakamatinding paraan—sa altar. Sa halip na si Daniel Alcantara, ang groom na itinakda para sa kanya, napilitang pumalit si Sebastian, ang lalaking matagal niyang sinubukang kalimutan. Ngunit sa likod ng malamig na kasunduang ito, may mga lihim na pilit itinatago. Paano kung sa kabila ng lahat, ang pusong sinaktan noon ay muling magmakaawang mahalin? Sa isang relasyong puno ng sakit, pagsisisi, at matinding atraksiyon, matutuklasan ni Cassandra na minsan, ang pag-ibig ay hindi lang isang pangako—ito ay isang labanan. Sa labanang ito, sino ang unang bibitaw? O may pag-asa pa ba silang ipaglaban ang isang pag-ibig na minsang nawala?
Romance
104.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
56789
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status