Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Monstrous Academy 1: Gangster's Love

Monstrous Academy 1: Gangster's Love

Si Rain Celvero ay simpleng babae lamang na may simpleng pangarap: ang makapagtapos ng pag-aaral, ngunit sa hindi inaasahan ay napadpad siya sa delikadong lugar. Ang Monstrous Academy, isang ekswelahan kung saan nahahati ang mga estudyante sa limang uri; Ang Keen, Robust, Amiable, Probity at Insolent. Ang simpleng buhay ni Rain ay magbabago sa oras na makilala niya ang gangster na si Thunder, leader ng sikat na grupo na mas kilala bilang DARK.
Mystery/Thriller
1020.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love

My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love

Ito ang kwento nina Franco at Lily, ang magkasintahang ikinasal, ngunit nasaktan at nagkahiwalay dahil sa mapait na nakaraan. Sa paglipas ng panahon, muling pinagtapat ng tadhana ang kanilang mga landas, hindi para muling simulan, kundi upang wakasan nang buo ang lahat ng hindi natapos. Tunghayan natin kung paano magtatapos ang isang pag-ibig na minsang sumuko, ngunit hindi lubusang nawala.
Mafia
1016.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
BAKAS NANG KAHAPON

BAKAS NANG KAHAPON

Angela De Dios. Ang babaeng sinubok at pinatatag ng panahon at karanasan. Hindi sinukuan ang lahat ng hamon at dagok na dumating sa kaniyang buhay. Norman Villanueva. A certified bachelor. Kilala at mayamang negosyante. Mas inakala ng iba na isa siyang womanizer dahil sa sobrang kasungitan at aloof sa mga babae. Paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? Magagawa kayang punan ng bawat isa ang isang bahagi ng kanilang mga pusong tila may kulang pa? Paano kung mabunyag ang isang pangyayaring gigimbal sa pagkatao ng bawat isa sa kanila? Matanggap pa kaya nila ang sukli ng tadhana? O, tuluyang kalilimutan nalang na minsan naging mapaglaro ang kapalaran?
Romance
9.924.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1012.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Wayward Daughter

The Wayward Daughter

msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
YA/TEEN
3.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1021.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The CEO's Unwanted Bride

The CEO's Unwanted Bride

Leona D.
Mahigit dalawang taon na pilit itinatago ni Britanny at ng kanyang kasintahan ang kanilang relasyon sa kaniyang mga magulang. Bagamat mahirap ito para sa kanila ay nakukuntento naman sila sa kanilang sitwasyon.Palihim silang nagkikita, nag-iintay nang tamang panahon upang maipagtapat ito sa kaniyang mga magulang. Ngunit sa isang araw lamang ay nagbago ang lahat. Ang buhay ni Britanny ay tila naging isang bangungot ng sa kaniya iniatang ang responsibilidad na hindi naman dapat sa kaniya. Kaya ba niyang panindigan hanggang huli ang napakalaking responsibilidad na ito? Magpapadala na lamang ba siya sa agos ng tadhana na tila iginuhit sa kanyang palad ng kanyang mga magulang?
Romance
2.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Mirciless Son-in-law

The Mirciless Son-in-law

Wixon Foltajer was born with a silver spoon in his mouth. Ngunit dahil sa labanang yaman ng kanyang mga magulang at ng angkang Monato ay napunta siya sa isang mahirap na mag-asawa. Sa paglipas ng panahon ay nakilala niya ang mayamang babae na si Umica Sares at sila ay nagpakasal. Kasal man ay lage naman siyang ininsulto at minamaliit ng mayayaman nitong kamag-anak. Hanggang sa siya ay biglang nawala dahilan upang inakala ng lahat na patay na siya. Lumipas ang mga taon at muli siyang nagbalik bilang isang makapangyarihan na tao. Isang walang kinatatakutan na lider ng kanilang makapangyarihang angkan, na nagtatago sa dati niyang mahirap na buhay noon.
Romance
8.26.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Claim Me Harder, Mr. Playboy

Claim Me Harder, Mr. Playboy

Madalas sabihin ng marami na ang mga anak ang nagsisilbing angkla ng buhay ng isang ina. Para kay Catriona Lavender Carias, tumimo sa puso ang paniniwalang iyon mula sa sandaling mapag-isipan niya ito—hanggang sa subukin ng panahon ang kanyang tibay at paninindigan. Dumating ang sandaling kinailangan niya ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kanyang ina. Dahil sa matinding desperasyon, napilitan siyang pasukin ang mundong hindi niya kailanman inakalang kakapitan—ang Dream Fortress, isang lihim na bahay-aliwan kung saan ang mga lalaking may matataas na pangalan sa lipunan ay nagbabayad kapalit ng panandaliang aliw. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang serbisyong minsan niyang ibinigay sa isang estrangherong naging nag-iisa niyang kliyente ay nagbunga ng isang alaala na hindi mabubura ng panahon—isang anak. Pagkalipas ng isang taon, muling pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas. Si Trever de Gracia, ang dating kliyente at ang tunay na ama ng kanyang anak, ay muling pumasok sa kanyang buhay—ngunit hindi siya nakilala nito. Sa halip, inalok siya ni Trever ng isang kakaibang trabaho: magpanggap bilang kanyang kasintahan, at ang kanyang anak bilang sariling dugo, upang pagselosan ang dating kasintahan nito. Ano ang mararamdaman ni Trever kapag nalaman niyang ang batang inaakala niyang bahagi lamang ng isang palabas ay tunay niyang anak? At paano niya haharapin ang katotohanang ang babaeng inupahan niya noon ay ang inang minahal at isinakripisyo ang lahat para sa kanilang anak?
Romance
209 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Bayani: Katutubong Diyos

Bayani: Katutubong Diyos

Bilang isang mamayang Filipino, gaano mo kakilala ang bansang Pilipinas. Hanggang saan ang nalalaman mo pagdating sa ating nga kultura at tradisyon. Ilan sa mga natatanging kuwento at hiwaga ng ating bansa ang iyong nalalaman. Panahon na upang tuklasin ang ugat ng ating pagkapilipino at ang mga paniniwala ng ating mga ninuno. Gaya na lamang ni Earvin, na matapos ang isang malagim na pangyayari, ay natagpuan ang sarili sa isang natatagong lupain. Isang lugar kung saan ang nakaraan ay nagbabalik, ang mga bagay na nakalimutan ay siyang iyong makikita at mga hiwagang inakala niyang nasa libro lamang. Maging ang kaniyang kapalaran ay nasubok dahil sa kawalan ng kasanayan sa ibang lupain. Dito ay nakilala at nakita niya ang iba't ibang katutubong Diyos, mga Diyos na dating kinikilala sa ating bansa. Mga Diyos na nagbigay sa kaniya ng tulong, gabay at basbas. Mga Diyos na siyang nangangalaga ng mga tao. Maging mga Diyos na nagtataglay ng katakot takot na kapangyarihan. Nagawa din niyang makipaglaro sa ibang nilalang at mga diwata. Maalala ang mga tradisyunal na larong pilipino. Ang payak na pamumuhay ng mga mamamayan. Maging ang makipagtalo at makipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang at mga engkanto, gaya ng tikbalang at mga aswang. Kaya naman samahan natin si Earvin sa kaniyang paglalakbay na nagpapakita ng mga nalimot na kultura. Masdan kung paano niya magagawang pagharapin, pagsamahin at pagbuklodin ang ating nakaraan at kasalukuyan.
Fantasy
103.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2930313233
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status