Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

"I want you back." Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyson matapos ang ilang buwang pakikipag-hiwalay kay Mariana at muling magpakasal sa babaeng una at tanging minahal nito, nakaluhod at umiiyak, nagmamakaawang tanggapin siya muli ng babaeng itinapon niya ng ganon ganon na lang. Talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ni hindi nito pinaramdam kay Mariana ang pagmamahal at pag-aaruga. Sakit at pighati ang isinusukli ni Tyson sa pagmamahal ni Mariana, hindi lang mula sa kanya, maging sa ina at kapatid nito na tila isang basura ang tingin kay Mariana. Matatanggap pa kaya siya ni Mariana? Gayong may iba nang lalaki ang pumupuno sa mga bagay na hindi pinaramdam ni Tyson sa kanya noong sila ay kasal, ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal na matagal na niyang gustong maramdaman kay Tyson, ay pinaparamdam na sa kanya ng ibang lalaki na mas karapat-dapat sa kanya.
Romance
1017.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.4K viewsOngoing
Read
Add to library
His Dangerous Touch

His Dangerous Touch

PROSERFINA
Anim na taon ang ginugol ni Maya sa Singapore at magtrabaho bilang OFW upang masuportahan ang pag-aaral ng kanyang nag-iisang kapatid at pati na rin ng kanyang nobyo. Ngunit hindi niya inasahan ang dadatnan niya pagbalik ng Pilipinas. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kanyang kapatid at boyfriend. Nasaktan siya ng sobra dahil umasa siyang matutuloy na ang kasal sana nilang dalawa ni Mark. Nagpakalasing siya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpo ang landas nila ni Felip nang iligtas siya nito mula sa mga lalaking may masamang balak sa kanya. Ano kaya ang magiging papel ni Maya sa buhay ni Felip?
Romance
107.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Rain Sevilla
Lihim sa mga kabanda ni Jhonel Hosoda ang relasyon niya sa co-singer sa dating pinagtatrabahuan niya sa Japan, not until he proposed to Akime, upang matanggap lamang ang rejection mula rito. Ang matagal niyang pinaghandaan at inasam ay nasira sa isang sandali lang. Ngunit kung bakit sa gitna ng pag-iwan ni Akime sa kanya ay biglang may isang babaeng nais pumalit sa ex-girlfriend niya para maging asawa. Sa labis na awa at concern ay inalok ni Laceyleigh ang kamay niya kay Jhonel para siya na lang ang pakasalan nito, pero sa halip ay pinagtawanan siya. But her guts reached to its next level. She kissed him, and then... he kissed her back! Mula niyon ay umiwas na siya rito. Sadyang mapagbiro lang ang tadhana dahil sa kagagawan ni Jhonel ay nag-viral sa social media ang pictures niya, hindi dahil sa gusto siya nitong makita kundi para mabawi ang engagement ring na ninakaw niya. Mahanap pa kaya muli nila ang isa’t isa?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Mundong Pagitan

Mundong Pagitan

Sa ika-limang taon ng pagsasama nina Gwyneth Payne at Asher Crowe, sinabi ni Asher ng tatlong beses na gusto niyang isama si Liana Quayle para mag-migrate. Ibinaba ni Gwyneth ang mga platong kakahanda lang niya at nagtanong kung bakit. Naging prangka siya sa kanya. “Hindi ko na ito gustong itago mula sa iyo. Nakatira si Liana sa katabing residential area natin. Siyam na taon niya akong kasama, at malaki ang utang ko sa kanya. Kailangan ko siyang isama kapag nag-migrate tayo.” Hindi umiyak si Gwyneth o gumawa ng gulo. Sa halip, bumili siya ng ticket para kay Liana sa flight nila. Iniisip ni Asher na sawakas nakakaintindi na siya. Sa araw na nilisan nila ang bansa, pinanood ni Gwyneth si Asher at Liana na sumakay sa flight. Pagkatapos, tumalikod siya at sumakay sa ibang eroplano na dadalhin siya pabalik sa tahanan ng mga magulang niya.
Short Story · Romance
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Revenge Girl

The Revenge Girl

Thep13
Ang pangarap lang ni Chandria, na makaahon sa hirap at makatulong sa magulang sa pamamagitan ng pagtulong Niya bilang maid, sa lugar na pinagtatrabahuan ng kanyang mga magulang. Wala rin siyang oras makipag-boyfriend o magpaligaw, dahil kailangan niyang tumulong sa kanyang mga magulang. Isa pa, iaarange merraige Siya sa anak ng amo ng magulang Niya, dahil nga ito sa buo o malaking pagtitiwala sa kanila ng mga amo ng kanyang mga magulang. simula nun Nagbago ang lahat o Ang Buhay niya Nung pumayag Siya I arrange merraige sa anak ng amo ng kanyang mga magulang. Buhay prinsesa na siya at 'di na kailangang magpakatulong para kumita ng pera. Pero hindi niya inaasahan na magiging mahirap Pala Ang sitwasyon Niya sa anak ng mga amo ng magulang Niya, dahil tutol ito sa arrange merraige na desisyon sa kanila ng magulang nito na amo ng mga magulang ni chandria. tutol ito dahil mahal Niya lang si chandria bilang kababata Niya. Subalit sa paningin ng magulang Nung lalake, isa lang itong madaling sitwasyon para Kay chandria doon sa anak nila. Hirap si chandria na umakto na sosyal, dahil 'di naman siya lumaking mayaman. at ni Hindi manlang nagawang iappreciate Nung lalake Ang ginagawa sa kanya na pakikisama ni chandria sa kanya. Siya si loyd, ang best friend at love interest ni chandria na ipinagkasundong ipakasal kay chandria ng mga amo ng magulang Niya. guwapo, matalino, pero malamig ang pakikitungo nito Kay chandria, mula nang lumaki na Sila ,dahil napabarkada ng sobra SI Loyd. Paano makaka-survive si Chandria kung ang pagiging asawa Niya Kay loyd ay hindi tanggap ni loyd,at ano ang alam niyang paraan para tanggapin sya ni loyd. Magugustuhan pa kaya siya ni loyd? Mamahalin din kaya Siya ni loyd tulad ng binibigay na pag mamahal Niya Kay loyd.
Romance
106.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwritten Contract

The Unwritten Contract

Dej4vlues
Nakatali sa isang nakalulungkot na tradisyon ng kanilang pamilya, si Noah, isang matapang na negosyanteng may mabigat na obligasyon sa kanyang pamilya, at si Zuzane, isang artistang naghahangad ng kalayaan mula sa mundo ng industriya, ay napilitang magkasama dahil sa Unwritten Contract. Itinuturing ni Noah na ang kasal ay isang madiskarteng hakbang upang matiyak ang kanyang mana, habang tinitingnan naman ito ni Zuzane bilang isang kulungan. Tulad ng karamihan, may mabigat na pader ang nasa pagitan ng dalawang. Isa sa nakahahadlang sa magandang pagsasama nila bilang mag asawa. Sa isang iglap ay mababago ang lahat dahil sa feelings na bigla na lang nagparamdam. May darating na blessing para sa kanilang dalawa... A Baby. Natagpuan ni Noah ang kanyang sarili na nabihag sa kakaibang pag uugali ni Zuzane, at nakita ni Zuzane ang isang kahinaan sa ilalim ng matigas na panlabas ni Noah. Habang nilalalakbay nila ang hindi pa natukoy na teritoryo ng kanilang buhay, kinakaharap nila hindi lamang ang kanilang sariling kundi pati na rin ang mga panggigipit ng lipunan na nakakulong sa kanila. Maaari bang mamulaklak ang pag-ibig sa harap ng tungkulin? O mananatili bang nakatali ang kanilang mga puso sa kanilang hindi sinasabing mga pagnanasa? The Unwritten Contract ay tungkol sa mga komplikadong pag-ibig at pagrerebelde, kung saan ang tradisyon ay sumasalungat sa pagnanasa para sa kalayaan. Muli bang isusulat nina Noah at Zuzane ang mga tuntunin ng kanilang kasunduan, o mananatili silang nakatali sa hindi nakasulat na kontrata?
Romance
10990 viewsOngoing
Read
Add to library
His Obsession is My Sweetest Revenge

His Obsession is My Sweetest Revenge

Nawala ang mga magulang ni Talitha dahil sa kagagawan ng pamilya Salvador. Kaya ang paghihiganti ang tanging tibok ng kanyang puso. Upang magkawatak-watak ang mga ito, pumasok si Talitha sa mansion nila bilang isang katulong. Ang kaniyang plano? Akitin ang ama ng tahanan at ang nag-iisang anak nilang lalaki. Naniniwala si Talitha na madali niyang maisasagawa ang kaniyang plano—dahil siya ang palay na kusang lalapit sa mga manok. Ngunit nang makilala niya si Locke Salvador, ang tanging tagapagmana, nagbago ang lahat. Si Locke ay singlamig ng yelo at tila walang interes sa sinuman. Kaya ang laro ay bumaliktad: Mula sa pagiging mang-aakit, bigla siyang naging biktima ng mapanganib na atensyon ni Locke. Ngayon, hindi na lamang paghihiganti ang laro. Kailangang maging handa si Talitha na gamitin ang nakakapasong obsesyon ni Locke para matapos ang misyon na nagsimula sa paghihiganti at pighati.
Romance
10505 viewsOngoing
Read
Add to library
Mapanganib na Pagbabago

Mapanganib na Pagbabago

Pinatay si Rosaline at personal na nilagay ni Sean si Jane sa kulungan ng mga babae dahil dito. “Alagaan mo siya ng mabuti” — ang mga salitang sinabi ni Sean ay ginawang impyerno ang buhay ni Jane sa kulungan at nagdulot pa para mawalan siya ng kidney. Bago siya mapunta sa kulungan, sinabi niya, “Hindi ko siya pinatay,” ngunit walang epekto ito kay Sean. Matapos niyang makalaya mula sa kulungan, sinabi niya, “Pinatay ko si Rosaline, kasalanan ko ito!” Gigil na sinabi ni Sean, “Tumahimik ka! Ayokong marinig na sabihin mo iyan!” Tumawa si Jane. “Oo, pinatay ko si Rosaline Summers at nakulong ako ng tatlong taon para dito.” Tumakas siya at hinagilap ni Sean ang buong mundo para sa kanya. Sabi ni Sean, “Ibibigay ko ang aking kidney, Jane. Kung ibibigay mo ang iyong puso.” Ngunit tumingala si Jane kay Sean at sinabi, “Hindi na kita mahal, Sean...”
Romance
8.8119.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

JocelynMDM
Apat na taon na ang nakalipas mula nang tumakas si Samsara papuntang Italya para magpakasal sa kanyang ex-boss na si Maxwell, dala ang kambal na anak niya sa kanyang ex na milyonaryo na si Landon. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, gagawin ni Landon ang lahat para mabawi ang kanyang mga anak at ang kanyang tunay na pag-ibig na si Samsara.
Romance
9.2970 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status