Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Reborn for Vengeance

Reborn for Vengeance

Si Amanda Hale ay minsang naging biktima ng pang-aabuso, pagtataksil at kamatayan sa kamay ng mga taong pinakamalapit at tinuring niyang pamilya. Ngunit nang muling bigyan ng pagkakataon upang mabuhay dala niya ang lahat ng sugat at galit mula sa nakaraan. Sa ikalawang buhay na ito siya ba’y matututong magmahal muli o tuluyan na siyang lalamunin ng apoy ng paghihiganti?
Romance
149 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight

The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight

Matagal ng inaasam ni Cecelia Raymundo na mabuntis siya, pero noong araw na nalaman niyang buntis siya ay ang araw rin na natuklasan n’ya na pinagtataksilan siya ng kanyang asawang si Maxwell de Silva at ng kanyang bestfriend na si Valentina Dionisio. Dahil isa siyang bulag at inakala ng mga ito ay hindi niya malalaman. Nagpanggap s’ya na hindi ‘yon alam at noong araw na ibibigay ng kanyang ama ang kompanya nito sa asawa n’ya ay inagaw niya ‘yon subalit hindi n’ya inaasahan na makunan siya. Sa tindi ng galit ay nilisan n’ya ang Pilipinas, pinagamot ang mga mata at muling bumalik para maghiganti. Malinaw na niyang nakikita ang magandang buhay ng asawa niya at kabit nito. Gusto n’ya lamang sirain ang mga ito pero hindi niya inaasahan na maka-one night stand niya si Magnus Quinn de Silva—ang nakatakdang pakakasalan niya at ang tiyuhin ng dating asawa. Subalit ang tunay na layunin nito ay gagawin lamang siyang trophy wife. Nasa rurok na s’ya ng tagumpay ng muling bumalik si Maxwell at nagmakaawang hiwalayan niya ang tiyuhin nito.
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Dangerously His

Dangerously His

Akala ni Sage Adessa Villafuente tapos na ang lahat sa Siargao. Ang gabing dapat nakalimutan, at ang lalaking hindi niya dapat nakilala. Pero pagpasok niya sa Cortez Holdings, bumalik ang lahat. Dahil ang lalaking ‘yon, si Nox Gabriel Cortez, ngayon ay boss na niya. At sa gitna ng trabaho at tensyon, natutukso silang muling buksan ang koneksyong dapat ay natapos na.
Romance
40 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Planning His Wedding

Planning His Wedding

Muling nagtagpo ang landas ng dating magkasintahan na sina Ella at Miguel. Sa pagkakataong ito, wedding planner si Ella. Samantalang si Miguel naman ay kanyang kliyente at ikakasal na sa fiancee nito. Kakayanin ba ni Ella na siya mismo ang mag-asikaso ng kasal ng dating kasintahan - ang lalaking nagawa niyang iwan 4 years ago dahil sa sobrang pagmamahal niya dito.
Romance
1096.1K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (31)
Read
Idagdag sa library
Fam O. Marcelino
Miss Author Ang gaganda ng mga stories na sinusulat mo Like ung Your Hero Your Lover ni Mutya at Drake at Chasing Dr. Billionaire ni Tintin at Andrew. Tapos ko na sila both, tapos ito presently Planning His Wedding sana lang tlga Happy Ending ito for Miguel and Ella. I'm looking forward for this.
Analyn Bermudez
yung excited ka malaman kung ano pa mga susunod na mangyayari dahil Nalaman na ni Enzo...sad dahil kung kailan okay na sana..kaso ,,,saka nman na bumitaw si Macy...ang babae hindi basta basta yan bibitaw...pero pag nasaktan na ng todo kusa yan bumibitaw at mahirap ng suyuin..kaya Enzo wag ka bibitaw
Basahin ang Lahat ng Review
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
Romance
104.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

**MATURE CONTENT** Territorial Mafia Series 1: DEMETRI SYLVESTRE Si Demetri Sylvestre ay isang makapangyarihan at walang-awang Mafia Boss. Sanay siyang palaging nakakakuha ng gusto niya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang makilala niya si Snow Hidalgo, isang maganda at mabait na aktres na nakatakdang ikasal sa half-brother niyang si Marcus. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mas madilim pala silang koneksyon sa nakaraan. Isang lihim na matagal nang ibinaon sa limot at siyang ugat ng trauma ni Snow. Nang matuklasan ni Demetri na si Snow ay kasintahan ni Marcus, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at talino sa manipulasyon upang sirain ang relasyon ng dalawa. Sa gitna ng sakit at kalituhan, nauwi sa kasalan si Snow at Demetri. Naging mag-asawa nga sila, ngunit nananatiling hindi niya hawak ang puso ni Snow dahil ito’y naiwan pa rin sa nakaraan. Habang lumalalim ang kasinungalingan, galit, at pagnanasa, mas tumitindi ang labanan hindi lang para sa pag-ibig ni Snow kundi para sa kontrol sa kanyang buhay. Hanggang sa isang panahong puno ng pagkawala at muling pagbabalik, kinailangan niyang pumili; hindi lang sa pagitan ng dalawang lalaki, kundi sa kapayapaan ng kanyang puso. Tatlong taon ang lumipas. Muling bumangon si Snow. Umangat ang kanyang karera, at sa wakas, natuklasan niya kung sino talaga ang tunay na mahal niya. At gaya ng isang dasal na sinagot ng tadhana, bumalik ang lalaking pinili ng kanyang puso… pero hindi siya nag-iisa. Sa muling pagkikita, kinailangan ni Snow harapin ang nakaraan at ang kasalukuyan. Sa huli, pinili niya ang pagmamahal, hindi bilang isang tanikala, kundi bilang isang desisyong malaya at totoo.
Romance
1023.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
He Who Broke My Heart

He Who Broke My Heart

Lee Jacobs
Ehra and Dwight were ex-lovers. After 5 years of break-up, muling nagkrus ang mga landas nila. Although naka-move on na siya, hindi pa rin niya maiwasang muling mapalapit sa binata. Lalo’t mas tumindi ang sex-appeal nito. He change a lot, physically. Pero sa bawat pagkakadaupang-palad nila ay para silang aso’t pusa na away-bati. Dwight is already in a relationship with Felicity for 3 years. And they are planning to get married. But on the verge of their relationship, Dwight found out that Felicity is cheating on him with another guy. Dahil dito ay mas lalong napalapit sa isa’t isa sina Ehra at Dwight. At habang tumatagal ay mas lalong nanunumbalik ang dating pagmamahal ni Ehra sa kanyang ex. Aminin man niya o hindi. Pero may pag-asa pa bang muli silang magkabalikan lalo’t mas dumarami ang hadlang sa kanilang dalawa? At paano pa ipaglalaban ni Dwight si Ehra kung huli na ang lahat? Lalo’t nakatanim sa isip ng dalaga na isa itong babaero at paano kung saktan ulit siya nito for the second time around? Is love really sweeter the second time around? Or is he the same guy who once broke her heart?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

aeonia
Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Sugar Daddy's Brother

My Sugar Daddy's Brother

Mahirap ang buhay para sa labing-anim na taon gulang si Cassandra Vidal. Napilitan siyang magtrabaho sa club upang ipagamot ang inang may malubhang karamdaman. Akala niya'y hanggang doon na lamang ang kan'yang kapalaran, ngunit hindi nang makilala niya si Arman Solis, ang lalaking labing-walong taon gulang ang tanda sa kan'ya. Nagkaroon sila ng relasyon. Hindi naglaon ay namatay sa isang aksidente ang lalaki at iniwan sa kan'ya ang lahat ng ari-arian nito kabilang na ang Hacienda Miraflor. Lumipas ang limang taon, isang bagong pag-ibig ang dumating sa ngalan ni Mateo Bermudez. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Subalit isang linggo bago ang kanilang kasal ay bigla itong naglaho sa hindi malamang dahilan. Labis na nasaktan si Cassandra, hanggang sa bumalik ang binata, hindi para sa kan'ya kun'di para sa hacienda. Sa kanilang muling pagsasama, paano niya lalabanan ang pag-ibig na muling sumisibol? Paano kung isa pala si Mateo sa mga taong nais magpabagsak sa kan'ya?
Romance
1018.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Pregnant By My Sister-In-Law's Husband (SPG)

Pregnant By My Sister-In-Law's Husband (SPG)

"I want you back, Arabelle, I still love you..." "I love you more than yesterday..." "And let me love you even more tomorrow!" Para iligtas ang buhay ng ina, pinili ni Arabelle De Diego na talikuran ang minamahal niyang si Logan Castillano at magpakasal sa bilyonaryong si Scott. Walang paliwanag, walang paalam. Isang sakripisyong nagpabago sa lahat. Limang taon ang lumipas, muling nagtagpo ang kanilang landas. Ngunit ang Logan na bumalik ay hindi na ang dating Logan—mayaman, makapangyarihan, at kasal sa kapatid ng asawa ni Ara. Puno ng pait, handa siyang iparamdam kay Ara ang bawat sakit na naramdaman niya, tapatan ang lahat ng kayang ibigay ng lalaking pinakasalan nito. Sa gitna ng mapanuksong pagtatagpo, muling nagliyab ang damdamin nila, nagbunga ng isang kasalanang hindi maitatago. Isang anak. Ngunit paano ipaglalaban ang isang pag-ibig na nakatali na sa iba, sa mundong puno ng sikreto, paghihiganti, at sakripisyo makakaya kaya nilang ipaglaban ang mga pangakong hindi na maari? O tuluyan nalang tanggapin na ang lahat sa kanila ay tapos na.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1112131415
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status